Share

Chapter 0148

Author: SKYGOODNOVEL
last update Huling Na-update: 2025-08-19 23:41:34

Chapter 0148

Si Mrs. Montereal naman ay lumapit kay Mila, hawak-hawak ang balikat nito.

“Anak, kalma lang… I know you, hindi mo ‘yan magagawa.”

Ngunit ako, nanatili lang na nakatayo, hindi natinag. Tinitigan ko si Mila nang diretso, may bahid ng ngiti sa labi.

“Mila… hindi mo ba naiisip? Kung kaya kong nakawin ang first kiss mo, mas kaya kong nakawin ang buong pagkatao mo.”

Natahimik ang lahat. Napakuyom ang kamao ni Mr. Montereal, halatang gusto akong suntukin.

“Get. Out. Of. My. House. Ngayon din!” mariin niyang utos.

Pero hindi ako gumalaw. Sa halip, dahan-dahan kong dinampot ang kahon ng singsing mula sa mesa at inilapit muli kay Mila.

“Think carefully, Mila. You can deny it all you want, but one day… mapapa-amin din kita.”

At bago pa man makagalaw ang lahat, ngumisi ako, naglakad palabas ng mansyon na para bang ako pa ang panalo sa eksenang iyon.

Paalis na sana ako ng mansyon nang biglang marinig ko ang boses ni Mrs. Montereal.

“Iho, halika bumalik ka sa loob. At isa pa, iiwan mo
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE   Chapter 0148

    Chapter 0148Si Mrs. Montereal naman ay lumapit kay Mila, hawak-hawak ang balikat nito.“Anak, kalma lang… I know you, hindi mo ‘yan magagawa.”Ngunit ako, nanatili lang na nakatayo, hindi natinag. Tinitigan ko si Mila nang diretso, may bahid ng ngiti sa labi.“Mila… hindi mo ba naiisip? Kung kaya kong nakawin ang first kiss mo, mas kaya kong nakawin ang buong pagkatao mo.”Natahimik ang lahat. Napakuyom ang kamao ni Mr. Montereal, halatang gusto akong suntukin.“Get. Out. Of. My. House. Ngayon din!” mariin niyang utos.Pero hindi ako gumalaw. Sa halip, dahan-dahan kong dinampot ang kahon ng singsing mula sa mesa at inilapit muli kay Mila.“Think carefully, Mila. You can deny it all you want, but one day… mapapa-amin din kita.”At bago pa man makagalaw ang lahat, ngumisi ako, naglakad palabas ng mansyon na para bang ako pa ang panalo sa eksenang iyon.Paalis na sana ako ng mansyon nang biglang marinig ko ang boses ni Mrs. Montereal.“Iho, halika bumalik ka sa loob. At isa pa, iiwan mo

  • THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE   Chapter 0147

    Chapter 0147 Clark POV Napailing lang ako nang makitang umalis siya sa opisina ko. Tumalikod siya na may apoy ng galit sa mga mata, ngunit sa likod ng galit na iyon… nakita ko rin ang takot, at higit sa lahat—ang pagkalito. Pagkawala niya ay dahan-dahan kong hinawakan ang aking labi. Mainit pa rin, parang nasusunog sa alaala ng kanyang halik. Ramdam ko pa rin ang lambot at tamis ng mga labi ni Mila—unang tikim, pero alam kong hindi iyon ang huli. “Mila…” bulong ko na puno ng determinasyon. “Mula ngayon… wala ka nang kawala sa akin. Akin ka lang. Walang ibang magmamay-ari sa’yo kundi ako.” Isang ngiting mapanganib ang sumilay sa aking mukha. Sa bawat segundo, mas lumalakas ang tibok ng puso ko, hindi dahil sa saya, kundi dahil sa pagnanasa at pag-aangkin. “Maghanda ka, Mila. Sapilitan man o kusa… magiging asawa kita.”Kinabukasan.Sabado ngayon kaya alam ko na kompleto ang pamilya Montereal. Walang makakatakas sa plano ko.Pagmulat ko pa lang ng mata ay agad kong kinuha ang

  • THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE   Chapter 0146

    Chapter 0146Pagkatapos ng lecture, nagsimula nang magsiuwian ang mga estudyante. Ako naman ay inaya ng guro na bumalik muna sa faculty room, ngunit bago pa ako makalakad ay bigla akong hinarang ni Clark.“Miss Montereal,” aniya, malamig pero may laman ang tinig, “kanina habang nagle-lecture ka… may nabanggit kang tungkol sa pagtataksil. Interesante.”Naningkit ang mga mata ko. “Business world iyon, Mr. Anderson. Lahat ay posibleng mangyari.”Tumango siya, saka bahagyang yumuko palapit sa akin. “Kung gano’n… baka maging interesado kang malaman na ang taong nagtangkang pekein ang pirma mo—ay dating nag-aral dito, sa unibersidad ko.”Nanlaki ang mga mata ko at hindi ko maitago ang pagkabigla. “What?!” halos bulong pero may halong galit.Ngumiti si Clark ng tipid, isang ngiting parang nag-aanyaya. “At kung gusto mong malaman ang buong pangalan niya… kailangan mo munang makipag-usap sa akin. Nang pribado.”Saglit akong natigilan. Hindi ko alam kung ito ba’y bitag, o tunay na impormasyon n

  • THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE   Chapter 0145

    Chapter 0145Hanggang dumating na ang oras kaya agad kaming tumayo at sinamahan ng isang guro papunta sa classroom ng kambal. Habang naglalakad sa pasilyo, ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin mula sa mga estudyanteng nadadaanan namin. Marahil ay narinig na nila ang tungkol sa akin bilang CEO, o baka dahil sa impresyon na dala ng pangalan kong Montereal.“Miss Montereal, narito na po tayo,” sabi ng guro habang itinuturo ang pinto ng silid.Pagbukas ng pinto, bumungad agad ang masayang sigawan ng mga estudyante, lalo na nang makita nila ako. Nakatayo sa unahan ang kambal, parehong nakangiti nang malaki na tila ipinagmamalaki ang presensya ko.“Ate!” sabay nilang sigaw, sabay turo sa akin.Hindi ko napigilang ngumiti. Dahan-dahan akong pumasok sa classroom, bawat hakbang ay may kasamang bulungan ng mga estudyante. Ngunit sa sulok ng silid, muling umagaw ng atensyon ko ang presensya ng lalaking nakita ko kanina sa may labasan ng faculty.Nakatayo siya roon, tila ba matagal nang na

  • THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE   Chapter 0144

    Chapter 0144 "Sympre lagi akong andito sa tabi mo, secretary at bff mo kaya ako," ngiti niyang sabi sa akin. "Miss ko na Ang mga kaibigan nating iba," ani ko. “Same here,” sagot ni Celine sabay buntong-hininga. “Kung hindi lang busy sa iba’t ibang trabaho at pamilya, baka nagkikita pa rin tayo hanggang ngayon.” “Naalala mo si Jessa? Siya ’yung palaging late sa klase kasi laging inaantok.” Napatawa si Celine. “Oo! At kapag may quiz, bigla siyang nagiging alert, parang milagro.” “Tsaka si Marco,” dagdag ko. “’Yung mahilig mang-asar pero siya ang unang umiiyak kapag bagsak ang grade.” Nagkatinginan kami ni Celine at sabay kaming natawa. Ilang sandali, tumahimik kami at kapwa nagbalik-tanaw. “Ang bilis ng panahon, Mila,” mahina niyang wika. “Dati mga estudyante lang tayo na walang pakialam sa problema ng mundo. Ngayon, CEO ka na, at ako naman secretary mo. Parang panaginip.” Tinitigan ko siya at ngumiti. “Panaginip nga siguro. Pero maswerte ako na kasama ka pa rin dito hanggang n

  • THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE   Chapter 0143

    Chapter 0143Tinawagan ko agad si Celine.“Celine, clear my schedule this afternoon,” malamig ngunit buo kong utos. “I want at least three hours free. Pupunta ako sa university ng kambal—ayaw kong biguin ang mga kapatid ko.”“Yes, Miss. Montereal. I’ll make the necessary adjustments. I’ll also inform the board that your pending reviews will be moved tomorrow morning,” mabilis na sagot niya sa kabilang linya.“Good. And make sure walang istorbo. Kapag nasa university ako, I’m not the CEO—I'm their Ate.”Nang matapos ang tawag, napahinga ako nang malalim. Kahit gaano kabigat ang problema sa kumpanya, hindi ko hahayaang maapektuhan ang relasyon ko sa kambal. Sila lang ang dahilan kung bakit nananatili akong matatag sa lahat ng laban.Mula sa malaking bintana ng aking opisina ay natanaw ko ang lungsod. Sa labas, abala ang lahat, pero sa loob ko ay nagbabaga pa rin ang galit sa traydor na nagtangkang pekein ang pirma ko. Hindi pa tapos ang laban… pero sa ngayon, unahin ko muna ang mga kapa

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status