Tahimik sina Clayton at Callie habang tinitingnan ang kanilang Daddy matapos nitong ibaba ang phone. Alejandro’s cold gaze turned to them and he cleared his throat before speaking, “See? I have prevented your Tita Sophia to visit our house. Now, finish your food.”
“You should have done that a long time ago, Daddy.” May tabang sa boses ni Clayton nang tawagin niya itong Daddy. “Bakit ngayon lang po? Maybe you were doing this so we won’t run away from home anymore. We won’t object if you want Tita Sophia badly. It’s going to be OK with us if you want to have children with her…” Galit ang nasa mga mata ni Clayton habang nakatingin sa kanilang ama. “But before you do that, you should allow us to see our Mommy.”
Pagkatapos sabihin iyon ay tumayo si Clayton. Labis namang nagulat si Alejandro sa pahayag ng kaniyang lalaking anak. Bago pa man makapagsalita upang magpaliwanag ay naagaw na ng isa pa niyang anak, na tumayo rin at nakatingin sa kaniya nang masama, ang kaniyang atensyon.
“Natasha,” tawag niya sa bata.
Callie gritted her teeth. Nakakuyom ang dalawang maliliit nitong kamay. Pinilit nitong huwag magsabi nang kahit ano para panindigan ang pagpapanggap ngunit dahil sa galit ay hindi na ito nakatiis.
“Bad guy!” bulyaw ni Callie sa kanilang Daddy.
Alejandro’s face turned pale. Natigilan ito nang marinig na muling nagsalita ang kaniyang babaeng anak. Pero hindi niya alam kung matutuwa ba siya o malulungkot. His daughter spoke a few words yet those were like daggers. Nakaramdam siya ng kirot sa kaniyang dibdib.
Naglakad ang dalawang bata papalayo dahilan para matauhan si Alejandro. He stood up and called them.
“Nico, Natasha. Stop right there!” aniya sa mariing boses.
Natigilan naman ang dalawang bata at kabadong nilingon siya. Huminga nang malalim si Alejandro at nagpatuloy, “Let me set this straight once and for all. I have no intentions of having children with other woman. Just the two of you are enough. So, stop this nonsense and go back to your seat. Also, do not mention your Mom in front of me. She’s long gone in our life. She’s dead.”
Nagtaas ng kilay si Clayton. Hindi nito nagustuhan ang narinig sa kanilang Daddy. Sa isip niya ay wala itong karapatan para sabihin ang bagay na iyon. He already abandoned their Mom, now he wanted them to think she was dead when she’s definitely alive?
Sisigawan na sana niya ito pero naisip niya na gano’n din ang sinabi ng Mommy nila sa kanila noon. When they asked her who their father was, their Mommy told them that he was dead. Clayton could remember the sadness in their Mommy’s eyes back then…
“Sit down and finish your meal,” muling saad ni Alejandro.
Sumimangot ang mukha ni Clayton.
“We’re going to the bathroom,” sabi niya at saka hinila ang kapatid.
“Samahan ko na po kayo, Young master,” presinta ni Luke.
“No need! Babalik kami,” iritableng wika ni Clayton at saka sila tumakbo papuntang banyo.
Napabuntonghininga si Alejandro bago pisilin ang kaniyang sintido.
“Susundan ko ba sila?” tanong ni Luke.
“Hayaan mo na sila. Tell your men to watch the exit. As long my children don’t leave the restaurant, we can let them do what they want.”
“Masusunod, Sir,” ani Luke at lumayo para kausapin ang mga tauhan nito.
***
Sa kabilang VIP room,
Patapos na ang lahat sa kanilang pagkain. Hindi mapakali si Natasha at paulit-ulit ang paggalaw sa kaniyang upuan. Napansin naman iyon ni Klaire kaya tinanong niya ito, “Callie, are you okay?”
Awtomatikong napatingin si Nico sa kapatid. Isang tingin lang at napagtanto agad nito na kailangan nang magpunta sa banyo ni Natasha.
“Would you like to pee? I’ll take you to the bathroom.”
Tumango si Natasha. Agad na kinuha ni Nico ang kamay nito at saka nilingon si Klaire.
“Mommy, we’ll go to the bathroom,” ani Nico.
Klaire nodded at them and smiled. Hindi niya mapigilan na panoorin ang dalawa niyang anak habang palabas ang mga ito para magpunta sa banyo.
Feliz sighed, and pouted. “Look how responsible Clayton is. Ang bilis mag-mature ng anak mo, Klaire! He takes care of his twin sister. What a great kid.”
Napangiting lalo si Klaire. “You’re right. Pero may mga pagkakataon pa rin na nagiging makulit si Clayton. Sometimes when he lose his temper, he will just throw a tantrum. Kahapon nga ay tumigil ang mundo ng lahat ng empleyado sa research institute dahil hinack niya ang network.”
Naiiling at natatawa naman si Annie. “Naaalala ko pa ang mga itsura ng mga empleyado kahapon. Na-stressed sa ginawa ng mga anak mo.”
“Kaya nga napauwi ako kaagad,” sabi ni Klaire.
Tumawa si Feliz. “Damn! I would trade everything I have just to have children like them. You’re so lucky, Klaire.”
Klaire nodded. Mahal na mahal niya ang mga anak niya, at gagawin niya ang lahat para sa dalawa. A part of her was also sad that their other two twins didn’t make it. Kung nabubuhay lang ang dalawa ay ibibigay niya rin ang mundo sa mga ito, mamahalin nang lubos at itataguyod kahit pa mag-isa lamang siya. Kung sana ay naging mapag-ubaya lang ang tadhana.
Her other two little angels may not be with them anymore, but they remained in her heart and still love them unconditionally.
***
Nang makarating sa harapan ng banyo ay nilingon ni Natasha ang kaniyang kuya Nico.
“Go in. I will wait for you here,” sabi ni Nico at hinaplos ang buhok ng kapatid.
Tumango si Natasha at pumasok na sa banyo. Sumandal naman si Nico sa pader habang naghihintay. Ilang segundo pa ay napansin niya na may paparating. Tumingin siya sa kabilang hallway. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang dalawang bata na kamukhang-kamukha niya at ni Natasha.
Pati ang mga ito ay napahinto at gulat siyang tiningnan.
Nico blinked his eyes as he tried to process the situation.
They are their other twins!
Mas naging klaro para kay Nico ang lahat ng kasinungalingan ng kanilang Daddy. He made them believe that their Mom was dead. Ni ayaw nitong marinig na binabanggit nila ang Mommy nila. Marahil ay dahil sa Sophia na ‘yon. That woman pretended to care about him and his sister, when in fact, she only wanted to marry their Daddy and have children with him in the future.
I hate Dad, naisip ni Nico.
Ngunit ngayong bumalik na ang Mommy nila, mawawalan na ng lugar ang Sophia na iyon sa buhay nila.
“Kuya… Kuya!” Halos mapatili si Callie habang pabalik-balik ang tingin kina Clayton at Nico. Magkamukhang-magkamukha ang dalawa!
Hindi rin nagtagal ay lumabas na si Natasha sa banyo. Pareho namang nagulat ang dalawang batang babae nang magkatinginan ang mga ito. Mabilis na nagtago si Natasha sa likod ni Nico.
The situation has gotten more interesting in each second. It was the first time the four has met, and it was like their official meeting.
"Let's... find a place to talk?" Clayton suggested bilang nakatatanda sa kanilang apat.
Nagkatingin sina Natasha at Nico bago tumango ang mga ito.
“Okay…” sagot ni Nico na gustong malaman kung ano nga ba ang nangyayari.
ISANG malakas na suntok ang natamo ni Laurence mula sa ama ni Julia. Kahit na nasa mid 50’s na ito ay makikitaan pa rin ito ng lakas, hindi nasisindak sa kahit na ano at walang kinatatakutan. Marahil dahil na rin isa ito sa mga lider ng organisasyon na lihim na gumagawa ng ilegal na negosyo sa bansa. Julia’s family name was quite famous but they shined more in the underground business. Bagay na nililihim ng mga Acosta. “Isang bagay lang ang gusto kong gawin mo pero hindi mo ba nagawa? Alam mo ba kung gaano pinag-uusapan ang auction na ‘yon? It was supposed to be our medium to attract investors–na kapag nalaman nilang nag-acquire tayo ng business property ay kusa silang lalapit sa atin ngunit anong ginawa mo? Nagpatalo ka sa isang Consunji? Wala kang bay@g!” Dumagundong sa malaking mansyon ang galit ng isang Julian Acosta, na pinipigilan ni Julia na makalapit pa kay Laurence. Natatakot siyang baka tuluyang mabugbog ang mapapangasawa. Dinilaan ni Laurence ang dugo sa gilid ng kaniyan
HINDI maipinta ang mukha ni Laurence nang marinig ang mga sinabi niya. Halos magdiwang ang puso ni Callie dahil alam niyang natamaan niya ang ego ng dating asawa. Isa pa ay totoo naman ang sinasabi niya. Julia wouldn’t try to harm herself if she loved her baby. “L-Laurence, huwag kang makikinig sa kaniya. She’s brainwashing you para pag-awayin tayo,” iyak ni Julia. Ngumisi lamang si Callie at saka ikinawit ang kamay sa matipunong braso ni Vincenzo. “Love, I think we’re done here,” malambing niyang wika sa asawa at nag-angat ng tingin dito. “Let’s go home and celebrate our wins.” Tumango naman si Vincenzo at marahang hinaplos ang pisngi niya. Natural na natural ang pagpapanggap nito sa harap ng maraming tao na kahit si Callie ay nabibigla sa mga akto nito. Bahagya siyang napakurap nang maramdaman ang pag-iinit ng pisngi. “Alright, love,” ani Vincenzo at binalingan ng tingin si Laurence. “But I’m not done with the both of you. I’ll see to it that you’ll receive the CCTV footage on
MABILIS na sumagi sa isipan ni Callie ang kwento ng kaniyang Mommy, kung paano ito na-frame up ng karibal na si Sophia na sinadyang magpatihulog sa hagdan, na nagresulta sa pagkamuhi ng mga tao sa kaniyang ina sa loob nang mahabang taon.Adrenaline rushed through her veins. Not wanting to have the same fate as her Mom’s, she immediately grabbed Julia’s arm and pulled her up, preventing the woman from falling downstairs. Malakas ang tibok ng kaniyang puso nang mahigit ang babae at hinila ito palayo sa hagdan. “Nababaliw ka na ba?!” singhal niya habang mahigpit na hawak ang braso nito. Ramdam niya ang matinding galit na nanunuot sa kaniyang kaibuturan. “Ano sa tingin mo ang iniisip mo? Magpapatihulog ka sa hagdan? Hindi mo naisip ang baby sa sinapupunan mo?” “You were trying to hurt me!” sigaw ni Julia at nagsimulang maglikot ang mga mata, nagpalinga-linga at nagbabaka sakaling may mga matang nakakita sa ginagawa sa kaniya ni Callie. “You are trying to kill my baby!” Napailing si Cal
AGAD na iniiwas ni Callie ang tingin sa nanunubok na mga mata ni Vincenzo nang magsalita ang host ng auction. Ilang saglit pa ay nagsimula na ang aktibidad at kita sa mga mayayamang naroon ang kasiyahan sa pagbi-bid sa mga real estate property na binibenta ng mga mayayamang angkan. Dumating ang waiter at nag-abot ng drinks sa kanilang table. Kinuha ni Callie ang wineglass at sinimsiman ang alak niyon. She couldn’t help but frown as she observed the people inside the event hall. Kung mag-bid ay animo’y barya lamang ang ilang daang milyon sa mga ito. Napansin niya ang kalmadong si Vincenzo sa kaniyang tabi. Kumpara kanina na para bang nakikipaglaro ito sa kaniya, ngayon naman ay tahimik itong nagmamatiyag–sisilay ang multong ngiti sa labi at kung minsan ay mapapailing. “Why aren’t we bidding yet?” kuryoso niyang tanong sa asawa. “I’m waiting for your ex-husband and his lover to bid,” sagot nito at bahagyang tinagilid ang ulo. “Seven hundred million pesos,” rinig nilang wika ng isan
HALOS papalubog na ang araw nang makarating sina Callie at Vincenzo sa New World Manila Hotel kung saan gaganapin ang nasabing pinaka-inaabangang at pinakamalaking land auction. Ang mga mayayamang pamilya o clan, respetadong negosyante at mga pulitiko ang karaniwang nagbebenta ng mga real estate properties sa aktibidad na ito. Pagkapasok pa lamang sa event hall kung saan gaganapin ang auction ay ramdam na agad ni Vincenzo ang malalagkit na tingin ng mga lalaking negosyanteng naroon sa kaniyang asawa, habang wala namang ka-ide-ideya si Callie na tila namamangha pa sa lugar. Nauuna si Callie sa paglalakad, naghahanap ng bakanteng mesa kung saan sila maaaring maupo nang biglang harangin ito ng isang matandang lalaki na sa tingin ni Vincenzo ay nasa mid 50’s na. Malapad ang ngiti ng lalaki nang magsalita, “Sinasabi ko na nga ba’t hindi ako nagkamali ng pagpunta rito. Are you alone, Miss—” “She’s with her husband,” agad na turan ni Vincenzo at lumapit sa likuran ni Callie. He held Cal
“Anak ka pala ng isang mayamang pamilya!” gulat na pahayag ng kaibigang si Monique nang muli siyang pumasok sa Consunji Mall. “Grabe ang ganda-ganda mo sa TV, Callie. Para kang reyna ng boss natin sa kasal niyo!”Sa pagpasok pa lang kaninang umaga sa Mall ay marami ng empleyado ang gulat at masayang makita siya. Hindi na nagtataka pa si Callie lalo na’t naging headline sa balita ang nangyaring kasalan nila ni Vincenzo. Alam na rin niyang sa pagkakataong ‘yon ay hindi na niya maitatago pa ang totoong identidad sa mga taong nakasama niya sa trabaho, lalo na kay Monique na kaibigan niya. Matipid na nginitian ni Callie ang kaibigan. “Nagulat ka ba? Pasensya ka na kung naglihim ako ha.” Mabilis na tumango si Monique, ang mga mata ay puno ng tuwa. “Malamang, magugulat talaga ako! Kunwari ka pang hindi kilala ng boss natin, ‘yon pala ay mapapangasawa mo na.” Tumawa ito. “Speechless nga rin iyong supervisor natin saka iyong mga alipores niyang may inis sa iyo. Malamang ay nagngingitngit na