Share

Chapter 7

Pumasok ang apat na bata sa isang bakanteng silid ng restaurant. Naupo sila roon, at bakas sa kanilang mga mukha ang kagustuhang mapag-usapan ang kanilang sitwasyon.

"I think all of us have guessed what was going on. We, very likely, are quadruplets," panimula ni Clayton. "Ang kwento ni Mommy sa amin ay ako raw ang panganay. Ang pangalan ko ay Clayton Perez." Itinuro niya si Nico. "Ikaw ang pangalawa." At saka bumaling kay Natasha. "Siya naman ang pangatlo." Pagkatapos ay tumingin siya kay Callie. "Her name is Callie. Siya naman ang bunso sa ating magkakapatid."

Tumango si Nico at kung umasta ay parang binata na sa harap ng kaniyang kuya. "My name is Nico Fuentabella and she is Natasha."

"I am very glad to meet you, Nico, Natasha," sabi ni Clayton.

"Oo nga! Akala namin ay patay na talaga kayo," ani nang matining na boses ni Callie.

Umiling si Nico. "Not true. Sabi ni Daddy, nang mamatay si Mommy ay binigay lang kami sa kaniya. Hindi namin alam na may mga kambal pa pala kami."

Hindi nagustuhan ni Clayton ang narinig. Bakit kailangan magsinungaling ng Daddy nila? Gusto ba talaga nitong isipin ng mga kapatid niya na patay na ang Mommy nila? Did he even love their Mommy?

"Siguro ay may nangyaring hindi maganda sa pagitan nina Mommy at Daddy kaya ganito ang nangyari," ani Nico.

Pilit na ngumiti si Clayton. "It doesn't matter. Ang mahalaga ay nagkita na tayong apat. Mommy isn't dead, Nico. She's alive and we live with her."

"Yes!" segunda ni Callie. "Mommy misses the two of you very much. Sabi niya ay noong pinanganak tayo ay sinabihan siya ng doktor na namatay kayo. Palagi niya kayong naiisip. Palagi rin siyang nalulungkot dahil miss niya kayo. But it turns out that Daddy took you away from us!"

"Is that true?" Manghang tanong ni Nico.

"Yes!" Tango ni Callie.

Hindi maiwasan ni Nico ang magalit. Simula nang magkamuwang sila ay wala ni isa sa mansyon ng mga Fuentabella ang nangahas na banggitin ang pangalan ng Mommy nila sa harap nila ni Natasha.

Naririnig lang nila noon mula sa mga lihim na usap-usapan ng mga katulong na masama ang ugali ng kanilang Mommy... na sinaktan nito ang Sophia De Guzman na iyon noon. But something in him didn't believe any of those baseless rumors at all. Kaya naman lakas-loob niyang tinanong ang kanilang Daddy. Naaalala niya pa kung paano sabihin ng kanilang Daddy sa malamig na boses na patay na ang Mommy nila...

Pero ngayon na alam na niyang buhay pa ito at miss na miss na sila ni Natasha. Hindi niya mapigilan ang maging masaya...

"Gusto niyo ba kay Mommy? Gusto niyo siya makasama rin?"

Mabilis na tumango si Nico. Nang hagkan sila ng Mommy nila kanina ay naramdaman niya na mapagkalinga ito. He likes her very much.

Tumingin siya kay Natasha na naglabas naman ng notebook at pencil mula sa kaniyang cute na kulay pink na bag.

"I want Mommy too," sulat ni Natasha sa papel.

Kahit pa hindi makapagsalita ito ay kita ang kislap sa mga mata nito. Gusto rin nitong makasama ang kanilang Mommy.

Natawa si Nico. "Mukhang gusto rin makasama ni Natasha si Mommy."

Bumungisngis naman si Natasha.

Samantala ay hindi naman mapigilan nina Clayton at Callie na obserbahan si Natasha.

"Natasha can't really talk?" kuryosong tanong ni Clayton.

Umiling naman si Nico. "She has aphasia."

"I see. Kaya pala shocked si Daddy kanina when I spoke. I pretended to be a little dumb," ani Callie at saka inabot ang kamay ni Natasha. "It's okay. Don't worry because Mommy is a doctor. She is very good in medicine. For sure, she can cure you!"

Ngumiti si Natasha kay Callie, sabik na makasama ang Mommy nila.

Ilang sandali pa ay nagsimula nang magplano ang apat na bata. Seryoso ang mukha ni Clayton at tiningnan ang tatlo niyang kambal. "Callie and I will pretend to be the two of you and will go to Daddy's side. Nico and Natasha, you should go to Mommy's side so you can bond with her."

"Can't we just tell Mommy that Natasha and I are alive?" tanong ni Nico.

"Sasabihin natin, pero hindi muna ngayon." Saad ni Clayton. "Kapag nalaman ni Mommy ngayon ang totoo, magagalit siya at gagawin ang lahat para makuha kayo kay Daddy. At kapag nalaman naman ni Daddy na may dalawa pa siyang anak, he might take the opportunity to take this to the court to win his custody on us. Sa tingin ko, maliit ang chance na manalo si Mommy kay Daddy. Kaya let's take this slow. Hindi dapat malaman ni Mommy ang totoo niyong identity."

"I get it," sabi ni Nico. "Ganito ang gagawin natin..."

Samantala, habang nag-uusap ang apat na bata ay napansin ni Klaire na hindi pa nakababalik ang kaniyang mga anak galing sa banyo. Dahil sa pag-aalala ay minabuti niyang sundan na ang mga ito.

Sa kabilang silid, nagpasya naman si Alejandro na sundan na ang mga anak dahil sa matagal ang mga itong bumalik. He walked to the hallway that would lead him to the bathroom. Ngunit natigil siya sa paglalakad nang makita ang isang pamilyar na pigura ng babae hindi kalayuan sa kinatatayuan niya.

The woman looked like... Klaire.

His ex-wife!

Muling nagbalik sa alaala niya ang pamilyar na mukha ng babae. His face suddenly turned pale and cold. Hindi niya makalilimutan ang pag-alis nito at pag-iwan ng isang nakakainsultong sulat.

Hindi lang iyon. Tinago pa nito sa kaniya ang pagbubuntis niya at inabandona ang mga anak nila sa harap ng kanilang mansyon! She treated their children like trash!

Dahil doon ay mas lalong lumalim ang galit ni Alejandro para sa dating asawa. Kaya naman sa tuwing magtatanong ang mga anak nila kung nasaan ang Mommy ng mga ito ay palagi niyang sinasagot na patay na ito.

But the woman he buried in his past dared to come back!

Nagtagis ang bagang ni Alejandro at walang pag-aalinlangan na naglakad papalapit sa babae upang kumpirmahan kung ito nga ang kaniyang dating asawa.

Habang palinga-linga ay natigil naman ang mga mata ni Klaire sa pamilyar na lalaki na papalapit sa kaniya. His familiar figure and appearance are outstanding and the most dazzling existence in the crowd. Mabilis na naghuramentado ang puso ni Klaire. Nanlalamig ang buong katawan niya habang nakatingin sa lalaking ni sa panaginip ay ayaw niyang makita!

"Ali..." bulong niya.

Humakbang paatras ang kaniyang mga paa. Suminghap si Klaire at pagkatapos ay tumalikod. Nagmadali siyang makalayo sa lalaki dala ng takot na makaharap ito.

Patakbo niyang sinuyod ang kabilang hallway at mabilis na pinasok isang banyo sa dulo nito. Nagtago siya sa loob ng cubicle at lihim na nanalangin na sana ay hindi siya nasundan ng dating asawa.

She doesn't want to have anything to do with her past, at kasama roon si Alejandro. Higit sa lahat ay ayaw niyang malaman nito na may dalawa silang anak.

Kapag nalaman ni Alejandro ang totoo ay magugulo ang buhay niya at ng mga bata. Hindi gugustuhin ni Klaire na masira ang buhay ng mga anak niya dahil lamang sa kanilang walang kwentang ama!

Samantala ay tumayo naman si Alejandro sa harap ng women's bathroom. Kunot ang noo, at patuloy ang pagtatagis ng bagang nito. Gayunpaman, sinubukan nitong pakalmahin ang sarili at tahimik na naghintay sa labas.

He needed to confirm if that woman he saw was really his ex-wife or not.

But ten minutes have passed, and no woman who looked like his ex-wife showed up...

Was he hallucinating?

Komen (30)
goodnovel comment avatar
Vicky Ross Mansion
next chapter please!!!
goodnovel comment avatar
Jhie Bermoy
it'simposible, a 5 yr old children makagawa ng ganitong hakbang. sana tinaasan nyo ang edad ng mga bata upang kapani paniwala...
goodnovel comment avatar
Cita Rodriguez
next plss nagbayad nku ng 56 d ko ma open
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status