Share

Chapter 58

Alex's Pov

"Inihatid ka ni Uriel, Alex? Magkasama kayong dalawa magmula nang maghiwalay tayo kanina?" pag-uulit ni Alexa sa kanyang tanong sa akin. Pakiramdam ko ay para akong batang tumakas para maglamyerda na biglang nahuli ng aking ina at kailangan kong magpaliwanag kung bakit ako naglamyerda. Ngunit ngayon ay hindi ako tumakas para mag-lamyerda at hindi ina ang nakahuli sa akin kundi ang aking kakambal. Hindi ko alam kung ano ang ipapaliwanag ko sa kanya na hindi siya masasaktan at magagalit sa akin.

"Oo, Alexa. Inihatid niya ako ngayon at magkasama kami mula pa kanina ngunit hindi sa kadahilanang iniisip mo. Naglalakad ako kanina papunta sa kinapaparadahan ng kotse ko nang maramdaman kong may sumusunod sa akin. Akala ko ay masamang tao na balak akong kidnapin ngunit hindi ko inaasahan na si Uriel pala iyon. Gusto niyang makipag-usap sa akin ngunit tinanggihan ko siya kaya niya ako kinidnap. Sinabi niyang mahal niya ako ngunit tinanggihan ko siya. Sinabihan ko siya na tigilan niya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status