Share

Chapter 60

Alex's Pov

Nang malaman ni Kristine na asawa ako ni Uriel ay hindi na niya ako ginulo pa at sa tuwing magkakasalubong kami ng hindi sinasadya ay mabilis itong umiiwas sa akin. Dala siguro ng sobrang pagkapahiya. Masyado kasi siyang mayabang at asyumera. Samantala'y hindi naman ako tinigilan nina Susa at Trina sa katatanong kung totoo ba talaga na asawa ako ni Uriel. Ang sabi ko sa kanila ay bayaw ko siya dahil asawa niya dati ang kapatid ko at sinabi lamang iyon ni Uriel para hindi na ako guluhin pa ni Kristine. Alam kong hindi totally naniwala ang dalawa sa mga sinabi ko ngunit pasalamat ako at hindi na nila ako kinulit pa sa katatanong kung ano ba talaga ang tunay na relasyon ko kay Uriel.

Madaling araw na kami nakabiyahe pabalik ng Maynila dahil ipinamahagi pa namin sa ibang baranggay ang mga relief goods. At ang mga opisyal ng baranggay na lamang ang bahalang mamahagi ng mga relief goods sa kanilang mga ka-baranggay. Pareho-pareho kaming pagod nina Susa at Trina kaya nakatulog kam
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status