Share

Chapter Eleven

Few days later...

"Anong sabi ni Lewis?" salubong na tanong ni BC sa asawa nang naibaba nito ang telepono.

"Hindi pa raw siya nakapunta sa bahay ni Kuya Garrette. Sa hotel daw siya dumiretso dahil malayo ang meeting place sa bahay. Ayon sa kaniya ay patapusin muna niya ang meeting bago pupunta roon," pahayag nito.

"Iba ang pakiramdam ko, Honey. Hindi ko alam kung bakit para akong kinakabahan na hindi naman mawari. Kung makausap sana ng matino ang taong iyon disin sana ay hindi na tayo nag-aalala ng ganito." Napaupo siyang muli sa sofa. Nasa sala naman kasi sila sa ganoong oras.

"Hindi lang ikaw ang kinakabahan, Honey. Alam mo naman kung gaano kadikit si Aries Dale kay Grandma. Wala pang nakabanggit sa kaniya tungkol sa tunay na dahilan kung bakit halos ayaw nang umuwi ng anak natin. Maaring nagpaalam si Lewis Roy subalit kilala rin naman natin ang taong iyon. Sigurado akong pinagtakpan naman niya ang pamangkin." Malungkot ding tumabi si Shainar Joy sa tabi ng asawa.

"Sigurado iyan, Ho
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status