RAMIRONang matanggal ko na ang lubid ay nagmadali akong tumayo, kasabay non ang paglaglag ng putol na lubid sa sahig, wala ang tungkod ko kung kaya’t kailangan kong maging alerto. Doon na nagsimulang umatake ang mga tauhan ni Eleizha ngunit hindi ko sila hinayaang saktan ako, kinuha ko ang upuan at saka ipinangwasiwas sa kanila upang hindi nila ako malapitan. “Wag niyo siyang hahayaang makatakas!” sigaw ni Eleizha. Masasabi kong bihasa din sa pakikipaglaban ang mga bodyguards niya dahil sa mga galawan ng mga ito ngunit alam kong mas magaling ako. Sinimulan kong ipalo sa kanila ang upuan, ang isa ay sumuntok ka bandang kanan kung kaya’t hinila ko ang kamay niya at pinilipit iyon at saka ko siya tinulak sa mga kasama niya. Ang isa naman ay sisipa, kung kaya’t yumuko ako at mabilis kong hinila ang isa niyang paa upang matumba siya, ngunit sadyang marami silang nakapalibot sa akin at wala akong magawa kundi salagin lamang ang bawat atake nila. Sa likuran ko ay naramdaman ko ang pad
RAMIRONang makalabas ako ng Shopping Center ay nag lakad lakad lamang ako ngunit nagulat ako at naalarma ng may biglang tumakip na tela sa ulo ko, doon na ako nagpumiglas at inatake ang mga nagtatangkang dumukot sa akin, hindi ko sila kilala, ang alam ko lang ay kailangan kong makatakas. Mabilis kong tinanggal ang telang supot na itinabon nila sa aking mukha, sa palagay ko ay apat sila ngayon, pinagpapalo ko sa mukha ang isa gamit ang tungko ko habang ang isa naman ay sinipa ko ng malakas at ang isa naman ay tinulak ko, nagulat ako ng bigla itong sumigaw at animoy nahulog sa tubig, ibig sabihin ay nasa tulay kami ngayon, ang nasa likod ko naman ay nasipa ako dahilan upang matumba ako sa sahig at mabitawan ko ang tungkod ko. Sobrang sakit ng pagkaka sipa sa akin at tila hindi ako makatayo at namimilipit ako sa sakit.“Wag ka ng magmatigas at sumama ka na lang samin!” saad pa nito na pinagsisipa pa ako lalo. “Tama na! Kailangan natin siya ng buhay utos ni Boss!” singhal ng isa. Sino
RAMIRONang matapos kami sa operation ay nagsagawa si Aarav ng victory party sa shopping center. Bumaha ng alak ng gabing iyon. Ang paisa isang pag inom ko ay umabot hanggang dalawa, tatlo, apat na baso hanggang sa hindi ko na mabilang. “Hoy, lasing na lasing ka ng hayop ka! Wag ka ng maglakad dyan, stay put!” saad ni Aarav na lasing na rin ang tono ng pananalita, hinawi ko ang kamay niya. “Loko! Bitiwan mo ako!” “Siya nga pala, pagbalik ni Nico, saka natin gawin yung huling trabaho mo sakin,” saad ni Aarav. “Ayoko na, Aarav,” saad ko. “Anong ayaw mo na? Walang atrasan bro, isang trabaho na lang,” “Ayoko na nga sabi, Aarav, magfo focus nalang ako kay Dove, sa pagsisiguro na buhay siya, hindi ko naman laging nakakasama ang kapatid kong iyon eh,” “Tss, Dove na naman, pwede bang piliin mo naman ang sarili mo this time Ramiro? Go out, have sex, have some fun, kamusta na kayo ni Eleizha?” “She’s… out of my league now,” saad ko dahil simula ng gabing pinuntahan ko siya doon sa Bar a
RAMIRO Muling umandar ang armored truck kung kaya’t pumuwesto na kami ni Billy, ako sa kaliwa at siya sa kanan, nasa gitna namin ang box, tinabihan naman ako ng ilan pang tauhan ni Aarav at inihanda na ang kanilang mga shotgun. Yumuko ako inihanda na rin ang shotgun ko, dalawang kamay na ang hawak ko dito. Sa hita ko ay nakalagay ang isang pistol gun na ibibigay ko mamaya kay Aarav, at sa magkabilang bewang ko naman ay nakasuksok pa ang dalawa pang baril na siyang magsisilbing proteksyon ko mamaya.“In position,” saad ko kay Aarav, may earpiece kaming dalawa na nagsisilbing communication namin mula sa labas at loob ng truck. Nang makapasok sila ay naghihintay na si Don Salcedo kasama ang mga tauhan nito at mainit na diskusyunan ang nangyayari, nakikinig lamang kami mula sa loob ng truck. “He is your guy, right? Mr. Salcedo?” “Correct,” saad ni Don Salcedo. “He betrayed you, ibinenta niya ang impormasyon ninyo sa amin, kaya ibabalik rin namin ang pabor ngayon Mr. Salcedo,” “Who f
RAMIRONgayon ay nakikipag transact si Aarav sa handler ng Drug Cartel. Gabi na at bukas na isasagawa ang operation.“How about you join us and we will promise you a hefty sum in return?” saad ni Aarav, nasa gilid niya lang ako kung kaya’t rinig na rinig ko iyon. “Malaki laking pera ang pinag uusapan natin, Mr. Clemente, sigurado ka bang ibibigay mo sa akin yan kapalit ng mga ito? Mahirap kalabanin si Mr. Salcedo,” tanong ng handler. “Oo naman, I am ten times more powerful than Mr. Salcedo, come on, give up already, alam naman natin kung gaano ka walang kwenta ang pagpapatakbo niya ng Drug Cartel na yan, matagal ng nag ooperate ngunit hindi naman ma-meet ang standards, they needed a stronger force, they needed something like me,” “Yes, I believe you, Mr. Clemente, you’re so damn charismatic,” “Kung papayag ka sa deal natin ay ibibigay ko sayo ang kalahati ng share ng Drug Cartel upang ikaw na ang magpatakbo dito at wala ng magiging sagabal na Mr. Salcedo dahil papatayin ko siya mi
Sinimulan ko ng mag shower. Bawat parte ng katawan ko ay nilinis kong mabuti dahil baka may bakas pa ng dugo, pagkatapos ay pinunasan ko rin ang baril ko. Nang makapag ayos na ako ay kaagad akong pumunta kay Aarav. Narinig ko ang pagkalampag niya ng lamesa.“Damn it Castillejo! who fucking told you na pwede kang tumanggap ng trabaho sa kung sinu sino?! ng walang paalam ko?!” singhal ni Aarav na galit na galit. “Hindi iyon kung sinu sino, si Kent Saavedra iyon,” paliwanag ko. “Alam mong mainit ako sa mga Aldama dahil kay Siobeh! talaga bang ginagago mo ako ngayon, huh?!” gigil na gigil niyang saad na kinuwelyuhan ako ay mali, sinasakal niya na pala ako. “Relax, ahh– hindi na siya ang Consigliere ng pamilya Aldama, nagtatrabaho na siya ngayon kay Don Angeles,” hirap na hirap na saad ko dahil mahigpit ang pagkakasakal niya sa akin. Marahas niya akong binitiwan. “Ayoko ng mauulit ito Ramiro dahil kapag naulit pa ito, hindi lang kita sasakalin, pupugutan kita ng ulo hayop ka!” “Kung