LOGINLucianna lived in a faraway island in the South with her parents. Masaya ang pamilya nila, hanggang sa dumating ang isang malagim na bangungot sa kaniya. Pinatay ang walang kalaban-laban niyang mga magulang sa harapan niya mismo, kaya nangako siyang hahanapin ang may gawa niyon. Habang nagluluksa, natagpuan niya ang isang lalaking duguan at sugatan sa may dalampasigan. Inalagaan niya ito hanggang sa bumalik ang malay. Nagpakilala itong si Victor Rodriguez at unti-unti'y nahulog ang loob nila sa isa’t isa. Subalit wala siyang kaalam-alam na ang lalaking ito ay napakarami palang lihim. Mga lihim na magbubukas sa bagong kabanata ng buhay niya at dudurog nang husto sa kaniyang puso. Paano kapag nalaman niya ang totoo sa likod ng mapakunwaring maskara nito? Iibigin pa rin kaya niya ito? O hahayaan na lang niya ang sariling kamuhian ito nang tuluyan?
View More“Habulin mo ako!” anang batang lalaki na walang mukha na kumakaway sa batang babae pagkatapos ay mabilis na tumakbo. “Bilis! Habulin mo ako!” sigaw nito habang papalayo nang papalayo sa batang babae, hanggang sa bigla na lang naglaho ito.
Maya-maya’y biglang nagdilim ang paligid at nakarinig ang batang babae ng malakas na pag-iyak. Nagtaka pa ito nang makita ang sarili habang buhat-buhat ng armadong lalaki. Iyak ito nang iyak pero muli ring naglaho at napalitan ng napakadilim at napakalalim na tubig.
Hindi ito makahinga. Para itong sinasakal nang mga sandaling iyon.
Saklolo! sigaw nito ngunit tila walang salitang lumalabas sa bibig.
Sak—
Unti-unting lumubog ang ulo nito. Hinihigop ito ng tubig pailalim— pailalim nang pailalim. Hindi ito makagalaw hanggang sa tuluyan itong hindi makahinga.
“Hah! Hah! Hah!” Humihingal na kaagad na bumangon si Lucianna. Hindi maipaliwanag ang nadarama niyang takot sa didbib habang hawak ang kaniyang leeg at mahigpit iyong hinahagod. Halos lumabas din ang mga ugat sa kamay niyang nakakapit doon. Pakiramdam niya, nalulunod siya— nauubusan ng hangin.
Umubo siya, magkakasunod. Pagkatapos, mabilis niyang iginala ang mga namumulang mga mata sa paligid. May gaserang ilawan na aandap-andap sa kaniyang tabi. Ang liwanag niyon ang tanging tanglay sa silid na kaniyang kinaroroonan.
Pinilit niyang ikalma ang sarili. Ilang beses siyang huminga nang malalim habang pinapahiran ang mga pawis na gumiti sa kaniyang noo. Hindi niya alam ang ibig sabihin ng panaginip niyang iyon. Hindi niya alam kung bakit sa tuwina na lamang ay ganoon ang napapanaginipan niya. Para kasing totoo— para talaga siyang nasa tubig.
Bahagyang nabawasan ang kaba sa kaniyang dibdib makaraan ang ilang sandali. Napatingin siya sa labas ng kanilang barong-barong nang umingit iyon dala ng malakas na hangin.
Nang tuluyan ng kumalma ang isip at katawan ni Lucianna, mabilis siyang tumayo at kinuha ang ilawan, sabay labas ng kaniyang silid. Nagtungo siya sa kwarto ng kaniyang mga magulang na biglang nagising dahil sa pagpasok niya.
“Bakit anak?” masuyong tanong ng nag-aalala niyang ina na si Salve, nang ipatong niya ang ilawan sa maliit na lamesang kawayan na naroon. Agad siyang lumapit dito at yumakap nang mahigpit. Bahagya naman nitong tinapik-tapik ang kaniyang likod.
“Nanaginip ka na naman ba?” tanong pang muli nito.
Marahan lang siyang tumango.
“Napapadalas na yata ang mga panaginip mong iyan, ah,” anang kaniyang ama na si Mariano, na napabangon na rin.
Bahagya niyang inilayo ang sarili sa ina at tinitigan ang mga ito. “Bakit sa tuwing mananaginip ho ako, palagi hong para akong nalulunod? May nangyari ho ba sa akin dati, ’Nang, ’Tang?” nalilitong tanong niya sa mga magulang.
Nagkatinginan naman ang mga ito at sabay na umiling.
“Wala naman, anak. Baka talagang nananaginip ka lang nang ganoon,” mabilis na sagot ng kaniyang inang.
Bahagya siyang tumango. “Siguro nga ho,” sang-ayon niya rito.
“O, eh, bueno . . . narito ka na rin lang, dito ka na lang matulog sa tabi namin. Matagal-tagal na rin nating hindi nagagawa iyon,” wika naman ng kaniyang itang.
Napangiti naman siya sa sinabi nito. “Sigurado ho ba kayo, ’Tang? Baka naman lalo lang akong hindi masundan niyan,” nagbibirong wika niya sa mga ito.
“Kuh! Ikaw na bata ka, oo! Ke-tatanda na namin paano ka pa masusundan, aber?” palatak ng kaniyang ina na ikinalapad ng mga ngiti niya.
“Gusto ko naman hong magkaroon ng kapatid para may makalaro ako. Promise po, magiging mabuting ate ako sa kaniya.”
“Ikaw nga, Lucianna, ay tumigil-tigil d’yan sa sinasabi mo. Sa edad kong ito pagbubuntisin mo pa ako?” litanya ng kaniyang inang.
Napailing na lang siya at muling niyakap ang ina. “Kayo naman hindi na mabiro.” Nakangiting nilingon niya ang ama bago ito kinindatan.
Napangiti rin ito at sumali rin sa yakapan nila ng kaniyang ina.
“Sige na . . . Sige na . . . Matulog na tayo at maaga pa ang itang mo bukas,” anito.
Mabilis naman silang tumalimang mag-ama. Pinagitnaan siya ng mga ito. Pipikit na sana si Lucianna nang makarinig ng sunod-sunod na putok sa labas ng kanilang bahay.
“’T-Tang, ano po ’yon?” nahihintakutang tanong niya sa ama.
Agad itong tumayo. “Magtago kayo, bilis!” paanas na utos nito habang palingon-lingon sa may pintuan nila.
Kaagad naman silang bumangon ng kaniyang ina.
“Doon sa aparador,” sabi pa ng kaniyang ama, na sinunod naman nila. Ngunit, isang tao lang ang kasiya roon. Nag-aalalang napatingin siya sa ina.
“Ano’ng pang ginagawa mo? Pumasok ka na! Dali!” nanginginig ang tinig na utos nito sabay tulak sa kaniya papasok.
Naluluhang umiling lang si Lucianna at mahigpit na kumapit sa pintuan noon. Tuluyan nang nilukob ng takot ang kaniyang puso sa nakikitang anyo ng mga magulang habang nakatingin sa kaniya.
“P-paano ho kayo?” tanong niya sa mga ito kasabay ng pagpatak ng mga luha.
“Hu—”
Naputol ang sasabihin ng kaniyang ina nang muli silang makarinig ng sunod-sunod na putok sa labas, kaya bigla silang napayuko. Mahigpit siyang napakapit sa braso ng ina.
“Pasok na, Lucianna!” galit na wika ng kaniyang ama.
Walang nagawa si Lucianna kundi ang mag-isang tumago sa aparador.
Eksaktong pagkapasok na pagkapasok niya roon ay biglang bumalandra ang kawayan nilang pintuan kasabay ng pagbagsak niyon sa lupa, at tuloy-tuloy na pumasok ang mga armadong lalaki. Hinalughog ng mga ito ang kanilang bahay at natagpuan ang kaniyang mga magulang sa silid na kinaroroonan nila.
“Itali ang dalawang ’yan!” utos ng tila pinakalider ng mga iyon.
Sa siwang ng aparador ay kitang-kita ni Lucianna na mabilis na itinali ang paa’t kamay ng kaniyang mga magulang at binusalan ang bibig. Paikot-ikot sa harap ng dalawa ang mataas na lalaki na nakaitim na sumbrero at maskara. Maya-maya’y tumigil ito sa tapat ng kaniyang ama at marahas na inalis ang pasak sa bibig.
“Saan mo itinago ang mga epektos?” nagngangalit ang mga bagang na tanong nito.
“W-wala ho akong alam sa sinasabi ninyo . . .” nanginginig ang tinig na tugon ng kaniyang ama.
“Sinungaling!” At isang malakas na tadyak ang pinakawalan nito.
Malakas na napasinghap si Luciana kasabay ng pagpatak ng kaniyang mga luha nang makitang napauklo ang kaniyang itang sa sobrang sakit na dulot ng pagkakatadyak dito. Mariin niyang itinakip ang kamay sa bibig upang hindi makalikha ng anumang ingay.
“Kung ako sa ’yo, tanda, magsasalita na ako bago ko pa pasabugin ang ulo nitong asawa mo!” anito at tinutukan ang kaniyang inang ng b**il sa ulo. Tila nawalan naman ng kulay ang mukha ng itang niya.
“P-parang awa n’yo na ho . . . Wala ho akong alam sa sinasa—” At isa pa uling malakas na tadyak ang natanggap ng kaniyang ama bago pa nito natapos ang sasabihin. Napahandusay na lang ito sa lupa habang namimilipit sa sakit.
“Matigas ka talaga, ha?” anang lider ng mga armadong lalaking iyon at itinutok nito ang b**il sa binti ng kaniyang ama, pagkuwa’y walang kaabog-abog na pinaputok iyon.
Kitang-kita ni Lucianna ang pagtalsik ng dugo nito sa kung saan na halos ikatili niya, kundi lang niya kaagad nakagat ang ibabang labi nang mariin.
Malakas na napasigaw ang kaniyang itang dahil sa sakit na idinulot niyon. Ang kaniya namang inang ay halos panawalan ng ulirat dahil sa duguang binti ng asawa. Nagpupumiglas ito kasabay ng sunod-sunod na pagdaloy ng mga luha, kaya ito naman ang nilapitan ng lalaki at binaril sa may braso. Doon na tuluyang nawalan ng malay ang kaniyang ina. Bumagsak ang duguang katawan nito sa lupa. Ang kaniyang ama na walang magawa ay napahagulhol na lang ng iyak.
“Ano? Hindi mo ba talaga sasabihin sa akin kung nasaan ang mga epektos?” untag muli rito ng lalaki.
Mariing umiling ang kaniyang ama. Hindi na ito makapagsalita sa tindi ng takot na nadarama.
Hahampasin na sana ng lalaki ng b**il nito ang mukha ng kaniyang ama, nang pumasok doon ang isang pang lalaki at lumapit dito. May ibinulong ito sandali sa lider.
“Ano?! P*ny*t*! Bakit hindi nila sinabi kaagad?” nanggagalaiti sa galit na tanong nito.
“Hindi ko alam. Basta iyon ang sabi ni Hugo,” anang kausap nito.
Galit na naihilamos nito ang mga kamay sa mukha pagkakuwa’y tiningnan ang kaniyang mga magulang.
“Paano daw ang gagawin ko sa mga ito?” inis na tanong pa ng lider.
Nagkibit-balikat naman ang lalaking kausap. “Tuluyan mo na lang,” tugon nito.
Walang emosyong tiningnan muli ng pinakalider ang duguan niyang mga magulang. Tumalungko ito at pilit iniupong muli ang kaniyang itang.
“Pasensya na, trabaho lang,” wika nito sabay putok muli ng b**il sa ulo mismo ng kaniyang ama. Ganoon din ang ginawa nito sa kaniyang inang. Pagkatapos noon ay inalis nito ang maskara at sumbrero, at iginalang muli ang mga mata sa paligid, bago tuluyang tumayo saka iniwan doon ang wala ng buhay na mag-asawa.
Para namang binuhusan ng malamig na yelo ang buong katawan ni Lucianna. Tulalang nakatitig lang siya sa nakahandusay na katawan ng kaniyang mga magulang sa siwang ng aparador, habang umaagos ang sariwang dugo ng mga ito sa lupa. Pakiramdam niya, nawalan din siya ng buhay habang pinagmamasdan ang mga ito.
Mahigit tatlumpong minuto rin siyang nakatulala bago naisipang gumalaw na parang isang robot. Pinakiramdaman niya pa ang paligid sa pag-aalalang baka naroon pa rin ang pumatay sa mga magulang niya. Baka biglang bumalik ang mga ito at siya naman ang p**ayin. At kapag nangyari iyon, hindi niya mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga ito dahil iyon lang ang salitang tumatakbo sa isipan niya sa mga sandaling iyon— hustisya.
Nang masigurong ligtas na ang paligid, marahang binuksan ni Lucianna ang pintuan ng aparador. Tumambad sa kaniyang paningin ang duguang katawan mh mga magulang kasabay ng panlalabo ng kaniyang mga mata. Ilang sandali rin niyang pinigilan ang sarili hanggang sa unti-unti pumatak ang mga luhang naging malakas na palahaw sa kalaunan. At tila nakikiayon ang panahon sa pagluluksa niya dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan sa labas.
Patakbong niyakap niya ang kaniyang mga magulang. Sa isip, nahiling na lang niyang sana ay may malapit silang kapitbahay upang nakahingi sila agad ng tulong. Ngunit dahil malayong-malayo sa sibilisasyon ang islang iyon, wala halos nakatira doon. Ang iba ay sadyang nililisan ang isla upang magkaroon ng maayos na pamumuhay sa ibang lugar. Mahirap kasing manirahan doon sapagkat walang maayos na tubig, kuryente at pati na hanap-buhay.
Sa patuloy na pag-agos ng kaniyang mga luha, patuloy rin ang malakas na pagbuhos ng ulan. Kaalinsabay niyon ay ang mabilis na pagkalat ng pulang likido sa kinaroroonan niya.
Paano na siya ngayon? Paano na siya kung wala ang kaniyang mga magulang? Ang mga ito na lang ang mayroon siya, ngunit walang kalaban-labang pinatay ng mga lalaking iyon!
Biglang tumigas ang kaniyang anyo. Hindi niya alintana kung napupuno na rin ng dugo ang katawan niya. Namukhaan niya ang lider ng mga iyon nang magtanggal ito ng sumbrero at maskara. Kaya sisiguraduhin niyang pagbabayaran nito ang ginawa sa mga magulang niya, kesehodang ibenta niya ang sarili kay Satanas.
“Isinusumpa ko, ’Nang, ’Tang . . . mabubulok sa bilangguan ang mga walang-pusong iyon!” Napuno ng puot ang kaniyang dibdib. Nawala rin ang matitinong dahilan sa kaniyang isip, at ang tanging nais na lamang ay gumanti sa pumatay sa dalawang taong mahal na mahal niya. “Lalabanan ko kayo hanggang sa impyerno. Isinusumpa ko iyan! Isinusumpa ko!” sigaw niya na nilamon lang ng lakas ng ulan.
At dahil wala naman ngang gasinong tao sa islang iyon; kaya halos magkakakilala ang lahat, nagulat na lang ang mga ito nang malamang nilusob ang bahay nila at pinatay ang kaniyang mga magulang. Kaya’t sa tulong ng ilang taga-isla, nailibing nang maayos ang kaniyang inang at itang. Hindi na niya pinatagal ang burol sapagkat wala namang hihintayin pang kamag-anak. Isa pa, buo na ang pasya niya— luluwas siya sa syudad sa lalong madaling panahon.
Tumayo si Lucifer at tumingin sa madilim na paligid. “Nauunawaan kong masyadong ka ng naguguluhan sa mga nalaman mo ngayon, pero ayoko ng ipagpalipas pa ang bagay na ito. Gusto ko ng magpakatotoo sa ’yo.” Naisip niyang oras na rin para malaman nito ang lahat-lahat tungkol sa kaniya.“B-bakit may dapat pa ba akong malaman bukod sa totoong pagkatao ko?”Tumango siya nang hindi nililingon si Eleanor. “Tungkol ito sa totoong ako— sa totoong pagkatao ko. Dahil kung may iba kang katauhan, ganoon din ako, El . . .”Dama ni Lucifer ang pagkalito nito habang nakatitig sa likuran niya. Dama niya ang maraming katanungang naglalaro sa isipan nito. Kung alam naman niyang hindi pa ito handa, hindi naman siya magsasalita. Pero sinigurado naman ng therapist nito na kakayanin na nito ang mabibigat na usapan, dahil ilang beses na rin daw nitong napagdaanan iyon, kaya na-overcome na ni Eleano
“A-ano’ng ibig mong sabihin? Si Eleanor ay hindi talaga si Eleanor?” Tumango ito. “Eh, sino siya?” naguguluhang tanong pa rin ni Lucianna.“She’s an impostor. Pinaiimbestigahan ko na rin siya para mas malaman pa namin ang totoo.”“Ganoon ba?” Bigla siyang nakadama ng lungkot para kay Mrs. Juarez. “Alam na ba ito ni Tita Emelie? I’m sure malulungkot iyon kasi base sa mga narinig ko noong magkakasama tayo, ang tagal din palang nawala ng anak niya.”Subalit sa pagtataka niya, ngumiti pa nang malapad si Lucifer. “Hindi naman siya nalulungkot. In fact, she’s vey happy. Kaming dalawa— pareho kaming masaya.“Paano naman nangyari iyon na hindi kayo malulungkot? Eh, kung hindi siya si Eleanor, ibig sabihin maghahanap ulit kayo.”Umiling ito, pinakatitigan siya. Halo-ha
Hindi naman tumutol si Lucianna. Miss na rin naman niya ang kasintahan kaya hinayaan na lang niya ito sa gusto nitong mangyari. After all, siya pa rin ang pakakasalan nito.Kinuha ni Lucifer ang hawak niyang kopita. Ipinatong nito iyong muli sa lamesa bago siya binuhat. Hindi naman sila umalis doon, dinala lang siya nito sa malapad na couch na naroon.“F**k! I missed you so much!” paanas nitong wika habang naglalandas na ang mga labi nito sa leeg niya.Naging mapaghanap ang mga kamay nila sa isa’t isa. Si Lucifer, inaalis na ang suot niyang pantalon. Siya naman, hinuhubad na ang damit nito. At nang matapos iyon, nagpalit naman sila ng huhubarin. Ito naman sa T-shirt niya habang siya naman sa pantalon nito.Humagis lang sa kung saan-saan ang mga damit nila. Pagkatapos, muli nilang dinama ang bawat isa. Pareho silang naghahabol ng hininga nang lumapat sa pagitan ng dibdib niya ang mga
“Saan na naman tayo pupunta?” tanong sa kaniya ni Lucianna habang sakay sila ng kaniyang kotse. Pagkatapos nilang mag-usap ng kaniyang Tita Emelie ay pinuntahan kaagad niya ito at niyayang lumabas.“At the place you feel like home,” sagot niya bago hinawakan ang palad nito at pinisil iyon. Hindi pa siya nakontento at dinala iyon sa mga labi.“Manila Bay?” hindi pa rin tumitigil na tanong nito.Natawa siya kahit ang totoo ay kinakabahan siya nang husto. “How did you know?”“Iyon lang naman ang alam ko na malapit sa bahay mo at may dagat. Saka, nakakotse lang tayo.”Tumango-tango siya. Oo nga naman. Alam na alam na nito kung paano siya kumilos.“Okay lang ba?” tanong niya.“Ayos lang naman. Kakain lang ba tayo roon? Ano bang oras na?” Sinili
“Tita Emelie?” Nagulat si Lucifer nang mabungaran ito sa kaniyang opisina nang umagang iyon. Ilang araw na rin siyang hindi mapakali. Hindi pa rin siya nakakukuha ng lakas ng loob na magpaliwanag dito at kay Lucianna. Hindi pa niya nagagawang harapin ang kasintahan dahil natatakot siya. Natatakot siya sa magiging reaksyon nito. Natatakot siya na baka magalit ito sa kaniya at tuluyan na siyang iwan.“Hijo . . .” Magiliw itong ngumiti sa kaniya.Malalaki ang mga hakbang na nilapitan niya ito at niyakap. “May problema ho ba?” tanong niya nang pakawalan ito.“Please sit down first,” wika nito.“Oh . . . Okay.” Umikot siya sa kaniyang lamesa at naupo sa kaniyang swivel chair. “Why are you here?” agad niyang tanong.“I just wanted to give you this.” May dinukot itong isang puting sobre sa loob ng bag ni
Malalim na nag-iisip si Lucifer habang nakatingin sa bintana ng kaniyang opisina. Hindi niya talaga mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip ni Lucianna. It was as if she was hiding something from him.Napabuntonghininga siya, pagkuwa’y napalingon sa pinto nang makarinig ng pagkatok doon.“Yes . . . ?”“Boss . . .” Pumasok si Leonard kasunod si Phoenix.“What is it? May problema ba?”Lumapit muna ang mga ito sa harap ng table niya. “I think there are, boss. And I think we know exactly why you’re being like this. Kanina pa rin kasi kami tumatawag sa inyo pero hindi kayo sumasagot.”Napakunot ang kaniyang noo, pagkuwa’y hinagilap ang kaniyang cell phone. Nakita nga niya roon ang ilang missed calls ni Leonard.“Sorry . . . I was just thinking about something. Ba—&rdqu






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments