Chapter 12Minsan nga iniisip ko, kaya siguro naalangan rin ako sa kanya dahil sa alam ko namang amoy putik ako. Hindi nga ako makabili ng shampoo o conditioner. Sabong panlaba ang ginagamit na panligo. Rubber band lang ang pinapantali ko sa mahaba at maitim kong buhok. Kumakalam ang sikmura dahil minsan walang mabaon na pagkain. Mabuti nga nang dumating si Jinx, hindi ko na pinoproblema ang miryenda ko sa recess. Lagi siyag may dala para sa akin.Bumuntong-hininga ako nang nilingon ko si Cheenee. Hindi naman talaga ako magugustuhan ni Jinx kasi siguro sa wala akong nailalagay na kahit anong kolorete sa mukha ko, hindi gaya ni Cheenee na pusturang-pustura kahit pareho lang naman kami ng uniform. Isa pang kinadehado ko ay ang katigasan kong kumilos dala na rin ng pagtratrabaho ko sa bukid. Malayo sa kilos at pagsasalita ni Cheenee. Tanggap kong kahit kailan, hindi ako magiging kasinlambot niya. Hindi kasimputi, hindi kasimbango ngunit lalaban naman ako sa tangkad, kaseksihan at ganda
Chapter 13“Ano nga, please, for God’s sake, tapatin mo na lang ako kasi nagpapakatotoo na ako sa’yo. It takes a lot og guts na magtanong sa’yo ng ganito no?” “Seryoso ka ba talaga?”“Mukha ba akong nagbibiro? Ang labo mong kausap.”“Hindi kasi talaga ako makapaniwala. Ikaw, liligawan mo ang katulad ko lang? Ikaw, mahal mo ang ang kagaya ko? Ikaw, gusto ang mahirap at magsasakang kagaya ko? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Alam mo bang pinapasok mo?” sunud-sunod na paglilinaw ko. Baka kasi pinagti-tripan lang niya ako. Alam ko kasing gano’n rin naman siya sa iba naming mga kaklase na alam niyang may gusto sa kanya. “Hindi ba puwede, kailan naman hindi naging posible?” balik tanong niya sa akin. “Magkaibigan tayo hindi ba? Barkada? Ginagawa mo ba ito dahil sa ginawa ni Cheenee sa’yo? Gustong mong may mapaglibangang iba?” “Kung inisip kong maglibang lang, hindi sa’yo. Hindi ko magagawa ‘yan sa best friend ko. Ginagawa ko ito dahil gusto kita. Mahal kita Khaye noon pa. First yea
Chapter 14Nasa ikatlong taon na ako ng sekundarya nang biglang isang umaga ay kinausap na ako ni Jinx nang masinsinan.“Baka ito na ang huli kong paghihintay sa’yo.”“Ano?”“Hindi na kita mahihintay e.”“Pasensiya ka na ha. Okey lang naman kung mauna ka na. Kaya ko namang maglakad papuntang school.”“So, ganoon na lang ‘yon?”“Oo ano ka ba? Kung hindi mo na ako mahintay e di huwag mo na lang akong hintayin.”“Sige. Hindi na lang muna kina hihintayin. Nakakapagod kasing maghintay lalo parang wala naman na talaga akong mahintay.”“Kaya sinabi ko noon sa’yo pa, first year tayo na hindi mo na ako hintayin pa. Ikaw lang itong mapilit e.”“Okey. Mukhang wala rin naman pala ako sa’yo?”“Anong sinasabi mo? Yung paghihintay mo pa ba dito sa waiting shed ang pinag-uusapan natin?”Hindi na siya sumagot pa. Pinaandar na niya ang kanyang motor. Tahimik akong umangkas.Iba ang umagang iyon sa mga nakaraang umaga.. Hindi siya nagsasalita. Tahimik naming binaybay ang daan papunta sa aming school. W
Chapter 15“What the hell? May kausap ba ako? I have been asking you questions at ni isa wala kang sinasagot? Khaye ano ba?”“Para saan pang sagutin kita Jinx? May girlfriend ka na, hindi ba?”“Oo may girlfriend ako dahil nga sinabi mo sa akin na hindi ka pa handa.”“Kung hindi man ako handa, dahilan na ba iyon para kahit pagkakaibigan natin ay kalimutan mo ng gano’n gano’n na lang?”“I asked a permission. Huwag mong sabihin na hindi mo alam.”“Alam ko, at anong gusto mong sabihin ko. Na ayaw ko? Kung mahal mo ako, dapat naisip mong hindi pwede.”“You should have at least tell me.”“At bakit ko naman sasabihin. Alam mo na dapat iyon.”“Alam ko dapat? You’re just insensitive.”“No, I am not. You are!”“Look, alam mong hindi lang pagkakaibigan ang gusto ko. Habang magkaibigan tayo, habang lagi tayong nagkakasama, ako yung nahihirapan, ako yung nasasaktan kasi mahal kita, mahal na mahal kita pero hindi tayo pwede kasi ayaw mo. Kasi pag-aaral ang mas mahal mo. Kaya ako nagka-girlfriend pa
Chapter 16“Mahal. Mahal pa rin kita, Khaye.” maikli niyang sagot. “Ikaw,bakit ka nandito?”“Wala, nagpapahangin lang pagkatapos kong magbasa.”Nakangiti siyang tumingin sa aking binabasa. Inagaw niya iyon sa akin.“Hmmnn, Makabagong Cinderella?” tumawa siya. “So, feeling mo ikaw si Cinderella? Kaya pala may binanggit ka kanina about Prince Charming. Tigilan mong mag-imagine. Nasa harap mo na kasi ang real one. Masyado ka lang maarte.”Natawa ako sa pronunciation niya ng maarte. Hindi matigas na maarte. Siya yung pagbigkas pa lang ng salita e maarte na. Umusog siya malapit sa akin. Naramdaman ko ang siko niya na nakadikit sa aking siko. Parang nakaramdam ako ng pagkuryente. Nilingon ko siya. Tumingin siya sa akin. Ganoon pa rin katindi ang epekto niya sa akin. Napakaguwapo kasi talaga niya. Yung hugis ng kayang maputing mukha. May dimples, mapuputi ang kanyang ngipin at mamula-mula ang kanyang labi na binagayan ng kanyang manipis pang bigote. Muling ngumiti. Ngumiti ri
Chapter 17 “Sorry, Jinx yung kamay ko.” bago pa man ako bibigay ay hinila ko na ang kamay kong pinipisil-pisil niya.“Sorry. Pero sana maging tayo na.” “Seryoso ka ba?”“Mukha ba akong nagbibiro? Khaye, alam mong gusto kita. Mahal kita noon pa. can you please refrain from asking me if I am sure or not? Lagi akong sure pagdating sa’yo!”“Mga bata pa kasi tayo. 15 lang ako.”“Oh, tapos? Kung 15 ka lang, 15 rin naman ako ah. Saka kung sasagutin mo ako, mag-aasawa na ba tayo agad no’n? Titigil na ba tayo sa pag-aaral? May mali ba sa pagkakaroon ng boyfriend o girlfriend sa edad nating kinse?”“Andami mo namang sinabi. Hindi nga tayo mag-aasawa agad, hindi rin tayo titiil kung sasagutuin kita. Sa huli mong sinabi Oo ang sagot ko. May mali sa pagkakaroon ng boyfriend o girlfriend sa edad na kinse kasi nga bukod sa mga bata pa talaga tayo, natatakot ako na maapektuhan ng pagkakaroon natin ng maagang relasyon an gating pag-aaral.”“Pangako hindi. Gagamitin natin itong inspirasyon.”“Bakit a
Chapter 18 Hawak niya ang kamay ko sa biyahe. Nakaramdam ako ng pagkaalangan lalo pa’t madalas tumingin ang driver sa amin. Tahimik ang aming paglalakbay. Hanggang sa huminto ang sinakyan namin sa isang malaking Mall sa City. Alangan akong bumaba sa sasakyan. Iyon kasi ang unang pagkakataong makapasok ako sa ganoong lugar. “Tara na.” “Nahihiya akong pumasok diyan. Uwi na lang kaya tayo.” “Ano ka ba? Mall lang ‘yan. Hindi mo kailangan matakot. Hindi iyan sementeryo. Maliwanag. Wala sa’yong mang-aano.” “Pero Jinx…” “Wala nang pero-pero, halika na. Kung ayaw mo bubuhatin kita hanggang sa loob.” hinawakan niya ang kamay ko. “Oh nanlalamig ka?” “Ninenerbiyos. Hindi pa kasi ako nakapasok sa ganyang lugar.” “Well, makakapasok ka na.” Hinawakan niya ng mahigpit ang palad ko. “Huwag kang mag-alala, ako ang bahala sa’yo.” Nangangatog ako
CHAPTER 19“Di ba ikaw yung babae kaninang tatanga-tanga sa daraanan ko?”“Ako nga ho.”“Anong ginagawa niya dito sir? May pambili ba yung mga ganyan ang ayos?”“Ganyan ka magsalita sa mga customer natin?”“Hindi ho, sorry nagpapakatotoo lang.”“Sige na, ayusin mo ang service mo diyan ha, girlfriend ‘yan ng amo natin?”“Sinong amo? Yung kasama ng babaeng ito kanina?”“Nagkita na kayo kanina?”“Opo. Nagkita na kami sa labas po kanina. Ibig sabihin iyon yung amo natin dito?”“Oo at bihira lang ‘yan pumunta dito.”“Oh my God. Hindi ko alam. Sorry. Pero sorry neng ha, anong meron ka at nagustuhan ka ng katulad ni Sir? Saka akala ko ba may taste yung amo natin? Kanina ko lang nakita at hindi ko alam na siya pala ‘yon?”“Natural meron siya nang wala ka. Maganda siya, oo mukhang mahirap pero may ganda siya na wala ka. Okey na? Sige na.”“Ohh, so ikaw nga. Ikaw nga yung babae kanina?”Lahat kami sabay-sabay na lumingon. Si Jinx ang aming nasa likod na hindi namin alam kung gaano na siya katag