Share

IMPORTED

Chapter 10

“Saan galing ang mga ito?” tanong ko.

“Padala nina Daddy at Mommy sa akin. Galing America,” simpleng sagot lang niya. Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko iyon.

"Galing sa America? Ibig sabihin, imported ang mga pinagbibigay mo sa akin?”

“Khaye naman ilang buwan ka nang nakakain ng mga ‘yan ngayon mo lang alam?’

“Seryoso ba? Hindi ko alam. Kung alam ko lang e di sana hindi ko inuubos para makapag-uwi ako para kay Nanang.”

“Sige hayaan mo, damihan ko bukas para makapag-uwi ka kay Nanang mo.”

Tinupad niya ang sinabi niya. Kay nanang lang may problema.

“Baka iba nay an Khaye ha? Bakit ka binibigyan ng ganyan kung wala siyang gusto?”

“Nang, mabait lang yung tao, saka ako naman gumagawa ng assignment niya at ilang mga project.”

“Sigurado ka?”

“Oho. Saka Nang araw-araw siya nagdadala.”

“Mayaman, imported e.”

“Paano moa lam na imported.”

“E, ganyan na ganyan nga ang mga kinakain nila doon sa bahay ng tatay mo. Hindi ako maalam magbasa pero marunong akong kumilala. Marunong
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status