Home / Romance / THE BROKEN TRUST / CHAPTER 1 : THE FAKE WIFE

Share

CHAPTER 1 : THE FAKE WIFE

Author: Ladyangee
last update Last Updated: 2025-02-05 02:10:25

Hindi ko alam kong bakit andito ang lalaki na ito. kasalukuyan siyang naka upo sa lumang upuan namin na gawa lamang sa kahoy.

Inasikaso ko naman agad siya Kasama Ang secretary niya na nagngangalang Kevin.

" I am not formally introduced my name that night because of the sudden chaos. I am Akio Zeus Ventura"

Nanlaki naman ang mata ko ng dahil sa sobrang gulat. Isa sa pinakamayamang tao si Akio Zeus Ventura, Kilala siya sa iba't ibang business at Kilala din siya sa angking talino nito. Perfect siya kung I describe ng mga kaklase ko.

Lahat ata ng babae ay nag kakandarapa sa isang katulad niya. Wika pa ni Monica noon na kapag nahawakan lang daw ang kamay nito ay para ka ng nanalo sa loto.

Ngumiti naman ako ng pilit sakaniya dahil nahihiya ako.

" What's your full name by the way." sambit niya

Tiningnan ko naman siya ng seryuso bago nag salita.

" I am Astra Leive Constana" diretso kung wika.

Tumango tango naman siya.

" We're here dahil sa pinirmahan mo noong gabing yun."

Nag taka naman ako. Sabi ko na nga ba at panganib Ang dala ng permang yun.

" Yung kontrata na pinirmahan mo ay isang fake marriage. Sinusundo na kita, Kailangan mong sumama Sakin dahil you agreed to be my fake wife."

Nanlaki naman ang mata ko ng dahil sa sinabi niya Sakin.

Ano bang nakain ng lalaki na ito at Ako ang gagawing fake wife!

" H-hindi-- Hindi ako papayag." biglang wika ni Nanay.

Nabaling naman ang tingin ni Akio.

" Is this your mother? I will take all the responsibilities. Ipapatingin natin siya sa isang espesyalista pati ang kapatid mo. Ako na din ang bahala sa mga gastusin at sa pag aaral mo" wika niya.

Nag isip naman ako dahil magandang offer yun, bukod sa magiging maayus na ang kalagayan nila nanay ay talaga namang mapapadali ang Buhay ko. Hindi na ulit ako gigising ng madaling Araw.

Tumikhim naman ako at agad na tumango.

" Sige, papayag na ako. Sa isang kundisyon--"

Tumingin naman siya Sakin ng seryuso habang salubong ang kilay niya.

" Wag na wag mo akong hawakan at galawin. Kailangan ay naka separate ang kwarto ko Kasama ang nanay at Kapatid ko. " wika ko naman.

Napangisi naman siya ng dahil sa sinabi ko.

" As if I fantasize that body" sambit niya habang natatawa.

Nainsulto naman ako ng dahil sa sinabi ng lalaking ito. How dare him! Kahit ganito Ang katawan ko ay maraming nagkakagusto Sakin.

" Psh, di ko naman sinabi na pinagpantasyahan mo ito naninigurado lang po!"

diniinan ko naman Ang pagkakasabi ng po dahil mukhang mas may edad na siya kesa sakin.

" I'm just 27 " wika niya naman habang nakakunot ang noo.

" 22 lang ako kaya nga ako nag p-po"

Umirap nalang ako at tumayo.

" Makakaalis kana ibigay mo nalang Ang address sakin pupunta nalang ako sa Bahay mo"

" No, sumama kana sakin ngayon din!" Maawtoridad na wika nito Sakin.

Gusto Kong mag protesta pero sa tingin palang niya ay parang kakainin na ako ng Buhay kaya Wala Naman akong nagawa kundi sumunod nalang ako sa gusto ng bakulaw na ito.

Agad naman akong pumasok sa loob at sinabi sa nanay ko kung anong nangyayari. Tutol siya pero nag mamatigas ako at inimpake ko na ang gamit nila ni Mayaki.

" Anak, baka pagsisihan mo Ang desisyon mo. Wag lagi kami ang iniisip mo isipin mo din Naman Ang Sarili mo maawa ka naman sa Sarili mo anak" wika nito Sakin.

Bumuntong hininga naman ako bago nag salita.

" Nay, Wala na pong dapat pag isipan pa. Kailangan niyo ito at mas Kailangan ni Mayaki itong treatment na ito. Ayuko lang makitang nahihirapan kayo, okay lang naman po ako at mukhang mabait naman si Akio" Wika ko Naman habang inaayus Ang Sarili ko.

Binihisan ko na din ang kapatid ko at si nanay.

Buntong hininga na lamang Ang isinagot niya Sakin at napilitan Naman siyang tumayo.

" Basta, pag sinaktan ka ng lalaking yun aalis Tayo!" sambit niya naman.

" Opo"

Lumabas Naman agad kami at kinuha naman agad ng tauhan niya Ang mga gamit na bitbit ko.

Tiningnan naman ako ni Akio mula ulo Hanggang paa, nakalugay lang Kasi Ang mahaba kung buhok curly ang buhok ko kaya agaw pansin ito.

" Sir, matutunaw na po si Miss Astra" Pabirong wika naman ni Kevin.

Sinamaan naman niya ito ng tingin at walang Sabi Naman siyang umalis.

" Tara na po" wika naman ni Kevin at inalalayan naman niya si Mayaki.

Si nanay naman ay hawak hawak ko. Nang nasa gilid na kami ng sasakiyan ay pinapasok naman nila agad si nanay at ganun din naman si Mayaki. Papasok na sana ako ng bigla naman akong tawagin ni kuya borj.

" Astra!!"

Napalingon Naman agad ako sa gawi niya.

" Sandali lang po manong driver ha, kakausapin ko lang Siya"

Tumango lang naman Ang driver Sakin at agad Naman akong umalis at nag tungo Naman agad ako sa kinaroroonan ni kuya borj.

" Anong ginagawa mo diyan? sino ang mga yan?" Tanong naman niya Sakin.

" Kuya, sasabihin ko nalang po sa iyo pag nakabalik ako Dito. Sobrang Kailangan ko po kasi ngayon na sumama sakanila para sa treatment ni nanay at ni Mayaki" wika ko naman.

Kumunot Naman Ang noo niya.

" Diba nangako na si Andre sa iyo. Bat Kailangan mo pang sumama sa mga yan baka mga delikadong tao ang mga yan mapapahamak pa kayo" sambit ni kuya habang seryusong nakatingin Sakin.

bumuntong hininga naman ako.

" Kuya, pasensya na po pero pag hinintayin ko pa po si Andre baka mas lalong lalala Ang kalagayan ni Mayaki. " nakayukong tugon ko.

Rinig ko naman Ang pag buga niya ng hangin. Ginulo naman niya Ang buhok ko.

" Sige mag ingat ka dun, pag sinaktan ka o may nangyaring masama sa iyo tawagan mo nalang ako" wika ni kuya Sakin.

tumango naman ako at yumakap sakaniya ng mahigpit.

" Astra! don't make me wait"

Kumalas naman agad ako sa pagkakayakap kay Kuya borj, kumunot Naman Ang noo niya ng Makita Niya si Akio.

" Sige kuya aalis na po ako!" wika ko Naman.

Di ko na hinintay ang sasabihin niya agad agad Naman akong umalis, pipigilan Niya sana ako ngunit nakapasok na ako sa loob ng kotse ni Akio.

Sila nanay Naman ay nasa kabilang kotse lang at safe naman Sila dun.

Inayus ko naman Ang upo at hindi ko man lang binalingan ng tingin Ang lalaki na laging salubong Ang kilay.

" I don't want to see you hugging another guy"

Bigla Naman akong napalingon sakaniya at kumunot Naman Ang noo ko.

" At bakit?"

" Baka may kakita sayo, alam mo naman diba na may reputasyon akong pinoprotektahan kaya bawal ka makipag usap sa ibang lalaki "

Bumuntong hininga naman ako at nag kibit balikat nalang. Hindi ko alam kung ano itong pinasok ko Basta lang maging maayus Ang Kapatid at nanay ko ay ayus lang ako, titiisin ko nalang lahat kung ano man ang kinalalabasan nito.

Ilang minuto kaming nasa byahe at di na ulit nag salita si Akio, Di na ako nag sir sakaniya. Okay lang Naman siguro yun. Mula Dito sa mamahaling sasakiyan niya ay tanaw ko naman Ang malaking Bahay na Akala mo ay Palasyo.

Naawang Naman Ang labi ko sa sobrang mangha, mas lalo naman akong nagulat ng bumukas ang malaking gate at nakapasok na kami ng tuluyan sa loob.

Malawak ang paligid, may sariling parke, malaking Pool, Garden at mahabang paradahan ng kotse.

Ilang milyon kaya Ang nagastos ng lalaking ito sa pag papagawa ng Bahay niya, kahit siguro isang buwan akong mag lalakad Dito ay di ko ito malilibot mukhang Kailangan ko pa gumamit ng mapa para matuntun ang kwarto ko.

Bumalik lang ako sa wisyo ng malakas na sinara ni Akio ang pintuan ng sasakiyan niya, agad agad Naman akong bumaba dahil binuksan ni Kevin ang bintana.

" Welcome Miss Astra" wika naman niya Sakin.

ngumiti naman ako at tumango, bumaba na din ang kapatid at nanay ko kaya sabay na kaming nag tungo sa Gintong double door.

Nang makapasok kami ay nakabukas naman Ang mga bibig namin, sobrang Ganda at ang Sahig nila ay parang salamin sa sobrang linis.

" What the h*ck!! Kuya, why you bring such a creep here in our house!"

bigla naman akong napatingin sa babaeng mala diyosa, nakatayo siya sa baba ng hagdan at naka suot ng mga mamahaling damit.

" zip your mouth or I will. This is my guest respect them!" maawtoridad at malamig na wika niya.

Siguro ay Kapatid niya ito pero mukhang m*****a.

" Ahh!! Whatever. By the way kuya, aalis muna ako pupunta ako Kay ate Valeen. After all, siya parin naman Ang fiance mo" wika niya habang nakangiti ng nakakaloko Kay Akio.

Nakita ko naman na ikinuyom ni Akio ang kaniyang kamao.

" Shut up Lacey!"

Di naman ito pinansin ng babae at agad na tinalikuran ang kuya niya binangga niya pa ng bahagya ang balikat ko.

Sinundan ko nalang ito ng tingin, pasalamat siya at nasa teritoryo niya ako.

" Iakyat niyo na Sila sa itaas!" Malamig na tugon nito sa mga maid.

Aligaga namang lumapit Sakin Ang isang babae na kaedad ko lamang.

" Tara na po miss" wika niya naman at inalalayan naman niya ako papunta sa itaas.

Nakasunod lamang Sakin ang iba pang maid at ang nanay at Kapatid ko kaya kampante Naman ako.

" Miss, talaga bang pumayag ka sa gusto ni Mr. Ventura, sana naman wag mo itong pagsisihan " wika naman niya.

Kinabahan naman ako pero di ko ito pinahalata .

" B-bakit ano ba siya?"

"Basta, mag ingat ka nalang at tatagan mo ang loob mo" sambit niya at di na ulit siya nag salita.

Pala isipan naman Sakin Ang lahat kaya nanatili nalang akong tahimik.

Malalaman ko din yan at sana nga ay di ko pagsisihan na pumayag akong sumama sakaniya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE BROKEN TRUST   EPILOGUE

    “MABUHAY ANG BAGONG KASAL!!” Sigaw ni seb. Nag tawanan Naman Ang mga Kasamahan namin, Hindi ko lubos akalain na sobrang bilis lang ng panahon. Isang buwan Ang nakalipas simula nung nag propose Sakin si Akio at ngayon tapos na kaming ikasal. “ saan niyo balak mag honeymoon, mag paparami na Naman kayo. Aba! Baka maging walo na Ang anak niyo” natatawa namang wika ni Kevin. “ Wala na kaming balak mag honey moon, Araw Araw Naman akong naka plus points Kay Misis!” birong wika Naman ni Akio kaya hinampas ko Naman siya ng bahagya. “Tindi mo talaga bossing” sambit Naman ni Kevin habang natatawa. Maya maya pa ay tinawag Naman ako ni kuya Andre Kaya lumapit Naman agad ako sakaniya. “ Paano ba yan?” nakangiti Niya namang wika. Nasa labas kami ngayon dahil maingay sa loob Puno ng kantahan at inuman di namin maririnig Ang isa't isa. “ Anong paano kuya?” takhang Tanong ko Naman sakaniya. Bumuntong hininga naman siya at ngumiti ng mapait. “ Eh kasi Hindi kana babygirl, aalis kana sa puder nam

  • THE BROKEN TRUST   CHAPTER 100: THE PLAN/PROPOSAL

    “AKIO ZEUS VENTURA POV” ISANG LINGGO Ang lumipas simula nung natapos ang laro na ’yon, nag bago na Ang lahat naging makulay ulit Ang Mundo ko. Kasalukuyan akong naka upo sa lamesa at hinihintay si Nanay Roxanne. Kinakabahan ako baka Hindi siya papayag na maikasal Sakin si astra. Mula Dito sa inuupuan ko ay tanaw ko Naman siya, seryoso Ang tingin niyo habang palapit siya Sakin. Pagkarating Niya sa kinaroroonan ko ay agad Naman akong tumayo at hinila Ang isang upuan, Walang imik Naman siyang umupo. Bumalik Naman agad ako sa inuupuan ko at napalunok ng mag Tama Ang mga mata naming dalawa. “ M-magandang Gabi po” basag ko sa katahimikan naming dalawa. “ Nanay Roxanne, alam ko na Malaki Ang kasalanan ko sa iyo at lalong Lalo na sa anak niyo. Alam ko po sa Sarili ko mahirap mag patawad at Hindi ko po kayo pipilitin na patawarin ko. Ang akin lang po ay hihintayin ko kung kelan niyo ibibigay Ang kapatawaran at willing po ako nahintayin iyon kahit gaano pa po katagal” sambit ko Naman hab

  • THE BROKEN TRUST   CHAPTER 99: SUCCESS

    “ASTRA LEIVE CONSTANA POV ” SIGAW kami ng sigaw ng mga anak ko dahil nauuna na si kuya borj, medyo malayo na ito sa kinaroroonan ni Akio. Kinakabahan ako mukhang Hindi magagawa ni Akio Ang unang pagsubok. “Sir Akio!! I push mo yan”sigaw Naman ni John. Marami na kami Dito sa taas dahil dumating na ang mga kaibigan ko, makikinood daw sila. Nang malapit na sa finish line ay nakasabay na si Akio Kay kuya borj, sigaw Naman kami ng sigaw Hanggang sa nauna na si Akio at siya Ang nanalo. “Winner for the first game, Akio Zeus Ventura!” sambit ng announcer. Sigaw Naman kami ng sigaw, tuwang tuwa Naman ako sa naging resulta. Bababa sana kami ng mga anak ko para salubungin si Akio pero agad naman kaming sinamaan ng tingin ni kuya. “Stay there” wika nito habang dinuduro kami. Umupo Naman agad kami habang nakasimangot. “Daddy Andre is so unfair” reklamo Naman ng mga Bata. “Hayaan niyo na kids, mananalo Naman yang daddy niyo at magkakasama ulit kayo” nakangiti namang wika ni Akiella. “W

  • THE BROKEN TRUST   CHAPTER 98: WIN HER BACK (2)

    “ AKIO ZEUS VENTURA POV” MAAGA akong nagising dahil pupunta pa ako sa location na binigay sakin nila Andre. Nag hahanda na ako dahil alam ko na Hindi madali Ang ipapagawa nila Sakin. “ Tara na” wika Naman ni Kevin, Kasama ko na din si Sebastian dahil ayaw mag paawat ng lalaking ito gusto Niya daw akong makitang nahihirapan. “ Excited na talaga akong Makita Kang nahihirapan, Tara na wag ka ng babagal bagal. Ito Ang kabayaran noong pinahirapan mo ako!” wika niya. Sinamaan ko Naman siya ng tingin, limang taon na Ang nakalipas pero inulit ulit parin ni seb Ang mga pangyayari. Agad ko namang binitbit Ang travel bag ko at nag simula ng mag lakad, naka pants at damit na black lang ako may suot din akong sombrero. Agad Naman akong nag tungo sa parking lot kasabay ko parin si Seb at Kevin, pumasok Naman agad kami sa loob ng kotse. “Ako na Ang mag dadrive para may lakas ka Mamaya Akio pag pinahirapan kana nila!” Masaya namang wika ni sebastian. Binatukan ko Naman kaagad siya. K

  • THE BROKEN TRUST   CHAPTER 97: WIN HER BACK

    “ASTRA LEIVE CONSTANA POV” PAGKATAPOS ng gabing iyon hindi ako nakatulog ng mahimbing, nasasaktan din ako dahil ilang taon kong nakasama si Vlad. Nalasing pa ako dahil maraming beer Ang nainom ko. Nagiguilty ako dahil sa ginawa ko pero Hindi ko Naman mapipilit Ang Sarili ko, alam ko na may babaeng mas deserve ang pagmamahal niya at alam ko na Hindi ako yon. Sana ay mag hilom Ang mga sugat na dinulot ko sakaniya, sana ay makatagpo siya ng babae na kayang suklian Ang pagmamahal Niya. Maaga akong nagising dahil gusto kong uminom ng sabaw, pagkababa ko Naman sa hallway ay nabigla naman ko Dahil nag kukumpulan Naman Ang mga kaibigan ko. “Ang aga niyo Naman Dito, Wala ba kayong pasok sa mga trabaho niyo?” Tanong ko Naman sakanila. “ Ano ba Naman yan, mas importante na Malaman namin kung ano Ang nangyayari sa Buhay mo. Andito kami para sa chismiss” natatawang wika ni Joji. Napatampal na lamang ako sa noo ko at nag paalam Naman ako sakanila sandali dahil kukuha muna ako ng sabaw. Nang

  • THE BROKEN TRUST   CHAPTER 96: FEELINGS

    “VLADIMIR HAMILTON POV” NAKA UPO lang ako sa taas ng bundok na ito, mula Dito natatanaw ko Ang Ganda ng City lights. Napangiti Naman ako ng bahagyang humangin. Naalala ko naman Yung mga panahon na nagkita kami ni astra Dito sa taas ng peek, Hindi ko alam pero Masaya parin ako habang inaalala ko Ang mga Araw na ’yon. Ilang taon ko na din siyang nililigawan sa una palang alam ko na Wala na akong chance sakaniya pero Hindi parin ako nawalan ng pag Asa, I still hold to this little hope inside me. Akala ko kung lalayo na siya Kay Akio ay may pag asa na ako, ngunit Hindi parin pala Hanggang ngayon ay siya parin pala Ang panalo. Naalala ko na Naman Ang Nakita ko kanina. “FLASHBACKS” HINAHANAP ko si astra dahil may sasabihin ako sakaniya, baka kasi nalaman niya na Ang tungkol Kay Monica. Hindi ko siya Greatest love, Childhood best friend ko siya. Bata palang kami ay pinagkasundo na siya Sakin nangako Kasi ako sa parents Niya na pagdating ng tamang edad ni Monica ay papakasalan ko s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status