Muli, niligtas siya ng lalaking ito sa isang hindi kanais-nais na sitwasyon. Right on time when she needed someone to stand for her the most, Sir Wade came and rescued her. The stranger suddenly got a name.
Wade.
“Keep it on my tab.”
A stranger with that raspy baritone. Naligtas na naman siya sa kompromiso gamit ang pera nito. Nakakahiya. Nakakapanliit ng self-esteem at the same time. Dapat, may sasabihin siya sa lalaki- magpasalamat at humingi ng dispensa. Kaya lang, kanina pa siya natutuod at hindi malaman kung ano ang gagawin o sasabihin. Namumuro na pati mga kamay niya sa kakakuskos sa mga ito.
“Including Chenny’s bill.”
Matapos ng komosyon kanina, sapilitang dinala ng dalawang tauhan ang babaeng natapunan niya ng drink sa labas ayon sa utos din ng lalaking ito. Halos nagwawala na ang Chenny na ‘yon pero hindi rin umobra sa lalaki.
“You wanna say something?”
Napakislot siya ng wala sa oras. Pabigla na lang kasi itong lumingon sa kanya. Napaka-intimidating pa ng boses nito. ‘Yon bang nakakataranta at nakakapanginig ng mga tuhod. Napapahiyang nagbaba siya ng paningin. Para lang kasing nakakahiyang titigan ito sa mga mata.
“Sorry po at salamat.”
Halos hindi na niya marinig ang boses niya. Kagat-labing napatungo siya. Hinagilap niya ang pasasalamat na kanina pa niya tinahi sa utak.
“Sir, thank you po ulit. Ang laki na po ng utang ko sa inyo. Hindi ko alam kung paano ko kayo mababayaran pero kahit ano pong iuutos ninyo, gagawin ko.”
Mas lalong naging pormal ang awra ng gwapong mukha nito. Lumipas ang ilang segundo na tinunghayan lang siya ng lalaki. Tumatagos na titig.
“Anything?”
Sunod-sunod na tango ang tugon niya. Pwede siyang utus-utusan nito. Pwede siyang gawing tagalinis kahit walang bayad. Gladly, ipagluluto niya ito, ipagpaplantsa, ipaglilinis at ipaglalaba ng libre.
“Anything, huh?”
Namaybay ang mga mata nito mula sa mukha niya, patungo sa kanyang kabuuan na pakiwari niya ay may kung anong kilabot na idinulot sa kanya. Naging conscious siya. Naiilang siya na ewan. Hindi niya alam kung paano niyang matatagalan ang paninitig nito. May kakaiba lang kasi sa mga titig nito. Given na maganda ang pares ng mga mata nito pero parang sinusukat naman ang kaluluwa niya.
Ang nakakainis pa, naging prominente ang malakas na pagbayo ng dibdib niya. Nagkaroon bigla ng kaguluhan sa buong sistema niya.
“Do me a favor. Go home.”
Napaawang ang bibig niya sa sinabi nito. Iba ang expectations niya.
“You don’t belong here.”
Walang anumang tumalikod ang lalaki at naglakad palayo. Both perplexed and in awe, nasundan niya na lang ng titig ang malapad na bulto ng katawan ni Sir Wade na ngayon ay dahan-dahan nang humalo sa karamihan. Saka pa lang nag-sink in ang sinabi nito. Naalarma siyang tumitig kay Ma’am Sheena.
“Ma’am Sheena, ‘di po ako maaaring umuwi-”
“Gawin mo na lang ang sinabi niya.”
‘Di man lang siya pinatapos ni Ma’am Sheena. Isang sobre ang inilapa nito sa counter at iniusog palapit sa kanya. Katulad ng nilalagyan ng sahod na natanggap niya noong unang dalawang beses niya rito. Nahihiwagaang napatitig siya roon.
“Para saan po ‘yan, Ma’am?”
Napairap ang manager. Ang tanga lang naman kasi ng tanong niya. “Tanggapin mo na lang.”
Iniwanan nito ang sobre sa counter at umalis. Kung ‘di lang talaga siya gipit, paiiralin niya sana ang pride. ‘Di na nagpadala sa hiya na tinanggap niya ang sobre nang hindi binilang kung magkano ang laman. Mabilis siyang nagtungo sa locker room. Hinubad niya ang waist apron at maingat na tinupi. Tali ng buhok ang isinunod niya. Parang nakahinga ang talukap niya mula sa malinis at mahigpit na pagkaka-bun ng kanyang buhok. Tamang suklay lang ang ginawa niya at tuluyan na ngang nilisan ang silid.
“Uwi ka na niyan?” takang tanong ng gwardiya sa staff exit na bumusisi sa laman ng bag niya.
“Napaaga ho, Kuya.”
“Baka masyado mong ginalingan.”
Ngiti na lang ang isinagot niya sa gwardiya. Masyado niya ngang ginalingan kaya maagang napauwi. Heto, nagsisimula pa lang mapuno ang parking space ng bar at mabuhay ang gabi ng mga parokyano, siya ay papaalis na.
Nagsimula siyang maglakad palabas ng staff exit na tila namimigat ang mga balikat. Nakailang hakbang na siya nang mahagip ng paningin niya ang isa sa mga sasakyang nakaparada sa parking lot. Hindi ang modelo ng magarang kotse ang lumamon ng buong atensyon niya kundi ang lalaking nakasandal sa hood niyon.
“Sir Wade?”
Nakatungo ito habang umiinom mula sa bote ng mineral water. Tila may kasunduan ang mga mata at paa nito na doon lang nakatingin. Nasa vicinity na nagkalat ang mga bar at nightclubs pero mineral water ang nilalagok ng mamang ito.
Dapat kasama na nito ang mga kaibigan sa VIP room.
May hinihintay kaya ito?
Sa hindi matukoy na dahilan, naaliw siyang titigan ito mula sa malayo. Para lang kasing nakakaengganyong panoorin ang bawat galaw nito. Kung paano nitong tunggain ang bote, kung paanong tititig sa mga paa at paraanan ng mga daliri ang buhok.
“Nasaan na nga pala si Wade? Tagal namang nakabalik.”
“Baka nakakita na naman ng ka-hook up.”
Naalala niya ang usapan sa VIP room. Sa hitsura ba naman ni Sir Wade at sa estado, madali lang itong makakahanap ng babae na papayag sa lahat ng gusto nito. Kaya siguro ang dami nitong ipong condom. ‘Yong Wade na may-ari ng condo unit at ang Wade na tinititigan niya ngayon, sigurado siyang iisa lang. Ngayon niya lang napagtanto, kaboses nito ang lalaking nasa loob ng unit.
Kasama ring dumaan sa isip niya ang kabuuan ng babaeng naratnan sa unit. Ang ganda ng babaeng ‘yon.
Sa hindi sinasadya, bigla siyang nakaramdam ng mistulang disgusto sa kaloob-looban. Para lang kasing ayaw niya sa naglalarong mga haka-haka sa isip.
‘Bakit naman?’
May sasakyang humarang sa harapan niya. May dalawang sumunod pa. Naharangan ang paningin niya. Nanlitid na nga ang ugat niya sa kasisilip sa kabilang dako pero tuluyan nang naglaho si Sir Wade sa mga mata niya. Binalak niya pa naman sanang magpasalamat.
Sa susunod na lang.
Nagpatuloy siya sa paghakbang hanggang sa narating ang sakayan ng jeep. Nakiisa siya sa pila ng mga pasaherong nag-aabang. Pagsayad ng pwet niya sa upuan, saka naman parang bumuhos ang lahat ng pagod niya, ganoon din ang biglang pagsalakay ng antok. Thankfully, nasa pinakadulong bahagi siya, may masasandalan ang ulo niya.
Sa dami ng mga nangyari sa nakalipas na isang oras, parang gusto niya na lang matulog. Ngunit kapipikit pa lang ng mga mata nang bigla namang nambulahaw ang phone. Pikit-mata niyang hinagilap iyon sa loob ng bag at sinagot.
“Hello.” Halos hindi na maliwanag ang sagot niya dahil sumabay ang paghihikab.
“Pauwi ka na niyan?”
“Oo, Marie. Nasa jeep na ako.”
Suspetsa niya, natimbrehan na ito ni Jay tungkol sa nangyari. “Okay ka lang naman ba? Hindi ka sinabon ni Ma’am Sheena?”
“Hindi naman.”
Paano siyang masasabon kung parang maamong kuting ang babae sa harapan ni Sir Wade.
“Hay, buti naman. Sige na at mukhang pagod ka. Tawagan na lang kita mamaya.”
“Okay,” humihikab na namang sagot niya.
Sa talagang inaantok siya. Kailangan niyang maghabol ng tulog dahil mamaya, ang natitirang plates na naman ang aatupagin. ‘Di pa man nagtagal, napadilat na naman siyang muli nang umalog ang jeep na sinasakyan niya. Parang nawala ang antok niya, lalo pa at ang lakas ng pagmumura ng katabi niyang babae.
“Manong, magdahan-dahan naman!”
Naalibadbaran siya sa bunganga nito. Ibinaling niya ang mukha patungo sa labas at nakahanda na sanang pumikit nang makita ang sasakyang nakasunod sa kanila.
Blue. Glossy. Magara. Pamilyar.
Ito ang sasakyang nakita niya kanina kung saan nakasandal si Sir Wade. Napatuwid siya ng upo. Tuluyan na ngang napako ang mga mata roon. Inaninag niya ang nagmamaneho pero hindi niya makita. Pero ‘yong pakiramdam na tila nakatitig sa kanya ang kung sinuman ang sakay niyon ay hindi mabura-bura. ‘Yong dibdib niya para nang nagdadabog. Bigla na lang sinalakay ng kaba.
‘Sinusundan ba niya ako?’
Napapailing na natatawa siya sa naiisip. Sa dami ng pinuproblema, naisip pa talaga niya ang ganung bagay.
‘Ewan ko sa’yo, Tashi. Para kang timang.’
Binawi niya ang paningin. Sumiksik siya sa sasakyan at pinigilan ang sariling sumilip sa likuran. Pero sadyang may katigasan ang bungo niya. Sa muling pagsilip, nakita niya na lang na lumiko ang kotse pakanan hanggang sa tuluyan na ngang lumiit at nawala sa paningin niya.
Palayo nang palayo ang jeep, nagkahugis naman ang tila kahungkagan at panghihinayang sa dibdib.
Makikita niya pa kaya ito?
Ang bar lang ang masasabing common place na maaaring pagsalubungan ng mga landas nila. Ngayon, ‘di siya sigurado kung pababalikin pa ba siya ni Miss Sheena. Mas lalong alanganin kung sa mga paglilinis na gagawin nila ni Marie ay matotoka pa rin sa Verdant Heights.
Ang weird ng mga iniisip niya.
Weirdo at kailangang maalog at maalis sa utak. Dahil baka mamaya, maging isang hindi kapani-paniwalang pantasya.
“Wade, are you even listening to me?”Caught up in his own thoughts, Wade only realized his father had been talking to him when his mind drifted back from wandering elsewhere. He straightened in his seat and met his father’s gaze.‘Yes, Sir.”Nanatiling nakatitig lang ang ama sa kanya. Napapansin na nitong panay silip ang ginawa niya sa kanyang phone na para bang may message na mababasa roon. It was a Saturday, yet here they were—sitting in his father’s office, discussing something his mind struggled to fully grasp. Kapag nagkataon, ini-enjoy na sana niya ang isa o dalawang bote ng light beer habang nakaupo sa kusina at inaantabayanang matapos si Tashi sa paghahain o sa paggawa ng assignments.“You seemed not in your element tonight.”Pasimple niyang itinaob ang phone sa mesa. Doon kasi nakatitig ang ama.“I hope it’s not some woman again?”His father folded his arms loosely across his chest, studying him with quiet curiosity. Pagkatapos ay sumulyap kay Rex. Thankfully, marunong umakt
Isang guhit. Isang guhit lang marking nakikita niya. Ang matinding worries, mistulang tinangay ng hangin at ng nag-uunahan sa paglandas na pawis sa noo niya. Pagod na napaupo siya sa kubeta na nakatungo lang sa hawak na PT. Ilang sandal rin siya sa ganoong ayos.“Tatlong anak,” lagi niyang sagot kapag napupunta roon ang usapan nila ng nanay niya.Apart from being successful, she had always dreamed of becoming a mother. ‘Yon dapat ang sagot niya sa tanong ni Wade noong minsang lumabas sila. Pero para ano pa at malalaman nito?Napalingon siya sa bote ng pills.She smiled sadly.‘Isasantabi ko muna ang pangarap na ‘yon.’She couldn’t have it with Wade.Pinunasan niya ang noo. Binalot ang PT at itinapon sa basurahan at pagkatapos ay naligo at sa pinakaunang beses, ininom niya ang pills. Minabuti niyang magbihis at mas piniling sa sala hintayin si Wade. Tila nahahaponhg nahiga siya sa sofa. Hinayaan niya lang na nakabukas ang TV kahit wala naman sa palabas ang buo niyang atensyon. Hanggang
Nagpatuloy ang mga araw na gaanoon ang setup nina Tashi at Wade. Tashi literally lived a double life. Siya pa rin ang Tashi na kilala ng pamilya kapag kausap niya ang mga ito. Kabaligtaran kapag silang dalawa na lang ni Wade. Kapag kausap niya isa man sa pamilya, kinukurot siya ng hiya at kunsensya. Kaya nga lagi siyang nagdadahilan kung bakit madalang siyang nagti-text o tumatawag.“Ang laki naman ng padala ng Tita Loida mo?”Kapag ganoon na ang takbo ng usapan, inaatake na kaagad siya ng kaba. Ayaw niyang magsinungaling pero kailangan. Buti na lang at hindi ugali ng Tita Merriam ang mag-socials. Ayaw rin nitong kausap ang Tita Loida. Safe pa rin ang mga pagsisinungaling niya… at the moment.“Tapos ka na?”Mula sa pagtutok sa phone kung saan niya nababasa ang message ng kapatid, nag-angat siya ng mukha at napatingin kay Wade. Nasa gilid ito ng pintuan, nakasilip sa kanya.“Nasa labas na si Mang Pancho.”Pumanhik si Wade sa silid niya. Kinuha ang bag at iba pang gamit at ito na ang ku
“D-date?”Wrong use of words. He must have refrained himself from using it knowing how Tashi would react. Sa reaksyon nito, alam na kaagad niyang aayaw ito. How clumsy of him.“Come on, Tash, it’s just dinner.”Pwede niyang huwag bawiin ang sinabi pero kailangan. He acted as casual as possible. Kusa na niyang pinatay ang stove na may nakasalang na kaserola at inunahan ng talikod ang babae. He acted like an asshole who wouldn’t accept no for an answer. Mahirap na, baka mag-tantrums pa at kung anu-ano ang sasabihin.“Wade?”Ayan na nga! Kabado siyang nilingon ito. Lalaki siya pero kinakabahan. Tashi, looking innocent and harmless, had a way of making him feel agitated.“Yes.”Napatingin si Tashi sa sarili. She was wearing a housedress. Bulaklakin. Simple ang damit na suot nito pero wala nang dapat idagdag pa. She looked dainty in it.“You look pretty in it already. Don’t mind changing.”“Okay. Kukuha lang ako ng jacket. Medyo malamig kasi.”It was a win for him. Baka pa magbago ang isip
Kanina pa siya nakagayak. Sukbit niya ang bag sa balikat habang nakatayo sa labas ng gate. Ilang minuto na rin siya sa kinatatayuan pero walang Mang Pancho na dumating.“He’s not coming.”Napalingon siya kay Wade na nakatayo na sa tabi niya at sa kalsada rin nakatingin. Nakataas ang phone sa ere.“Family emergency.” Humakbang ito palapit sa kotse at binuksan ang passenger’s side. “Hop in.”Napatingin siya kay Wade. Nagtatanong ang mga mata. ‘Di naman kasi siya sanay na inihahatid nito sa school. Sanay siyang mag-commute. Wala naman sa usapan na ito ang maghahatid sa kanya sa school.“What?” untag ni Wade sa kanya nang lumipas pa ang ilang sandali.“May jeep naman.”“Tsk!”Tila nayayamot na kinuha nito mula sa kamay niya ang hawak na mga gamit at inilagak sa backseat.“Come on, Tashi. Time is ticking.” Nakaturo ang hintuturo nito sa suot na wristwatch.Atubili siyang sumakay. Komportable ang sasakyan pero hindi siya mapakali. Hindi talaga siya masanay-sanay sa magarang kotse nito.“You
Simula ng araw na ‘yon, sa bahay na halos naglalagi si Wade. Katunayan, naipon na nga ang mga damit nito sa closet nito. They were already practically living together. Sa magkabilang silid nga lang sila natutulog. Kadalasan, sa silid ni Wade nangyayari ang mga eskandalosong bagay sa pagitan nila. Kapag kasama niya ito, nababaon sa limot ang mga agam-agam, pati na ang mga turo ng mga magulang at ni Tita Merriam. Pakiramdam niya, para siyang nagbabagong katawan, nag-iiba siya sa mga yakap at haplos nito. Pero kapag humuhupa na ang init, doon bumabalik ang hiya.“Saan ka pupunta?”Naantala ang gagawin niya sanang pagdampot ng mga damit nang bigla na lang magsalita si Wade sa likuran niya. Nagtatanong ang mga matang napalingon siya sa lalaki. Wade had that look of disapproval. Nagsalubong ang mga kilay at matiim na nakatitig sa kanya.“Lilipat sa kabila?” naguguluhang sagot niya sa lalaki na mas lalong kinipkip ang kumot na nakabuhol sa gawing dibdib. Ilang beses man kasi siyang maghubad