"Lola, umuwi na po muna kayo. Ako na po muna ang bahalang magbantay kay Divina." bungad na sabi ni Devyn sa Lola Anding niya. Inilapag niya ang dala-dalang supot ng pagkain na galing sa party.
"Galing ka ng trabaho, Devyn. Alam kong pagod ka pa at kailangan mo ding magpahinga. Nakakatulog ako ng maayos dito sa ospital. At hindi nakakapagod na bantayan si Divina." tanggi ni Anding.
Nakikita niya ang pagod sa mga mata ni Devyn. Ang laki ng sakripisyo ni Devyn sa pamilya nila. Nakita niya ang paghihirap ng kalooban ng kanyang itinuring na apo. At kanyang kadugo.
"Okay lang po ako. Sabi niyo nga puwede kayong matulog dito. So, dito na din po ako matutulog. Mababantayan ko pa po si Divina." aniya. May katandaan na din si Lola Anding. At sa edad niyang iyon hindi na maganda kung mapapagod ito. Baka ito pa ang magkasakit.
"Ikaw talagang bata ka. Napakabait mong kapatid kay Divina. Maswerte si Divina sayo. Sayang lamang at iniwan kayo agad ng mga magulang niyo. Pero, masaya ako na ako ang Lola niyo. Hindi ko man kayo kadugo. Nagkaroon ako ng dalawang apo na magaganda na. Sobrang mababait pa."
Nangilid ang luha ni Devyn. Masayang siyang mayroon pa ding nagmamahal sa kanilang magkapatid. Namimiss na din niya ang Mama at Papa niya. Kung nasaan man sila. Sana ay maligaya silang nakikita silang magkapatid na nagmamahalan.
Nilapitan ni Anding ang apo. Isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya kay Devyn. Napakabata pa nito para maranasan ang lahat ng ito. Napakatatag ni Devyn. Siguro kung iba lang ay matagal ng sumuko at hinayaan na lamang ang kapatid na mamatay sa sakit. Subalit, hindi gaanong klaseng kapatid si Devyn. Mabait, mapagmahal, masipag at iniisip ang kapakanan ng kanyang kapatid. Kaysa sariling kagustuhan.
Nagpaalam na din si Lola Anding sa Apo. Ibinigay ni Devyn ang isang supot ng pagkain para sa matanda. At binigyan ng limang daan para pamasahe nito. Nuong una ay ayaw pa sanang tanggapin ni Lola Anding. Mapilit si Devyn kaya tinanggap na niya at nagpasalamat.
Mag isa na lang si Devyn sa kuwarto ng natutulog na kapatid. Haplos niya ang mahabang buhok nito.
"Huwag mong iiwan si Ate. Tayo na lang dalawa ang magkasama. Tapos iiwan mo pa ako. Paano naman ako, Divina?" hinawakan niya ang kamay ng natutulog na kapatid at dinala sa pisngi. Hindi niya alam ang gagawin kapag pa ang kapatid ay mawawala. Dalangin niya na sana ay gumaling na ito. At bumalik sa sila ng katawan ni Divina.
Umagos ang luha niyang kinikimkim. Napakadaming sumasagi sa isip niya. Kahit na pilit mong pinapalakas ang iyong loob. Dadating ka din pala sa puntong. Babagsak ka na hinang-hina. Sana nga siya na lang ang maysakit at nakahiga sa kama. At hindi si Divina. Bata pa ito na alam niyang maraming pangarap sa buhay.
Nakatulog si Devyn na may luha sa mga mata. Hawak pa din ang kamay ng kanyang kapatid.
"Ate... Ate Devyn..." tapik na ginigising ni Divina ang nakakatandang kapatid.
Naalimpungatan si Devyn. Nag-angat ng kanyang ulo. Nagulat siyang nagkamalay na si Divina.
"Divina? May kailangan ka ba? Nagugutom ka ba?" mga tanong niya. Puno siya ng pag-aalala para sa kapatid.
"Ate, nauuhaw ako." sagot nito sa kanya. Nilapitan ni Devyn ang lamesang maliit at kumuha ng baso. Nagsalin siya ng tubig mula sa pitsel. Agad niyang ibinigay kay Divina.
Ininom ni Divina ang tubig. Pagkatapos ay ibinigay sa Ate niya ang baso.
"May gusto ka pa ba? Baka gusto mong kumain. May masakit ba sayo?" mga tanong pa ni Devyn.
"Gusto ko na pong umuwi, Ate. Ayoko na po dito sa ospital. Masakit na po ang mga kamay ko sa kakatusok. At makukuha ng dug para, sa mga laboratory test." naglandas ang luha ni Divina. Naawa si Devyn sa sinabi ni Divina sa kanya.
Pinahid ni Devyn ang mga luha ng kanyang kapatid sa pisngi at niyakap. Pagkatapos ay iniharap sa kanya.
"Gagaling ka din. Pagkatapos, uuwi na din tayo sa bahay. Pero, pansamantala ay dito ka muna. Mas maganda na may nag aalaga din sayong doktor. Bukod kay Ate para mabilis ang paggaling mo." magiliw niyang sabi. Gusto niyang palakasin ang loob ng kapatid. Sa ganitong paraan ay matututo siyang lumaban sa kanyang sakit.
"Pero, Ate, wala po tayong perang pambayad dito sa ospital. Pwede po akong magpagaling sa bahay. Doon siguro makakatipid tayo. Saka, gusto ko din pong bumalik sa pag aaral. Hindi ko po gustong palaging nakahiga na lamang dito. Naghihintay kung kailan bibisita ang Doktor ko."
"Huwag mong intindihin ang tungkol sa pambayad mo dito sa ospital. Ate mo ako. Tungkulin kong hindi ka pabayaan. Basta ang gusto ko magpagaling ka. Para lumakas ang katawan mo at makabalik ka ulit sa pag aaral. Saka, diba sabi mo ayaw mo na dito sa ospital?" tumango saka ngumiti na ang malungkot na mukha ni Divina.
"Samalat, Ate. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka sa tabi ko. Promise ko po magpapagaling ako para hindi ka na mahirapan. At kapag malakas na ako. Puwede na din kitang tulungan sa lahat." pangakong usal niya sa kapatid.
"Hindi kailanman nahihirapan si Ate sayo. Mahal na mahal kita. Tandaan mo 'yan." buong pusong tugon ni Devyn.
"Mahal din kita, Ate." nakangiting sagot ni Divina. Niyakap niya ang kapatid. Pagkatapos ay h******n sa noo.
Tumikhim ang doktor at napabitaw sa isa't isa ang magkapatid. Ngumiti silang pareho sa bagong pasok na Doktor ni Divina. Kasunod ang Nurse.
"Good morning, Devyn." matamis na bati ni Doc. Marasigan. Gumanti ng ngiti si Devyn. At tumango ng ulo. Habang ang kapatid ay may nanunuksong ngiti sa labi. "Magandang umaga sa pinakamaganda kong pasyente." muli niyang binalingan si Devyn. "And you also, Devyn. You're so beautiful."
Natawa ng mahina si Divina sa papuri ng Doktor niya sa nakakatandang kapatid. Kahit na pagod at puyat ang Ate niya ay maganda pa din.
Si Devyn ay may nangungusap na kulay brown na mga mata. Habang si Divina itim ang kulay ng mga mata. Maalon ang mahabang buhok ni Devyn. Si Divina ay straight ang mahabang buhok.
Namula ang pisngi ni Devyn sa sinabi ni Oscar. Nahihiyang bjmaling ng tingin sa ibang direksiyon. Nahahalata na niya ang mga pagpapakita nang interes para sa kanya ng binatang Doktor.
"Magandang umaga din po, Doc. Marasigan." ganting bati ni Divina upang malihis sa kanya ang atensyon ng kapatid nang pansin niyang tila nahiya ito.
"How are you? May nararamdaman ka bang kakaiba? Ilang araw ka ding nakatulog. And I'm happy na nagising ka na." saad ni Oscar sa batang pasyente niya.
"Maayos na po ang pakiramdam ko. Saka masigla po ako ngayong nagising ako." sagot ni Divina. Nakikinig lang si Devyn sa sagutan ng Doktor at ng kapatid niya.
"I'm happy to hear that. Pero, it doesn't mean na good news nang masasabing maayos ang pakiramdam mo. The cancer cells in your blood cells is active. Meaning, we need to be cautious. We need to do more tests. At kailangan mo pang magstay sa ospital ng ilang araw para maobserbahan." litanya ni Doc. Oscar Marasigan.
"Doc. puwede po bang ang mga test ni Divina ay gawan ko ng promisorry note? Pangako, babayaran ko po agad. Kapag nakakuha ako ng bagong regular na trabaho." lakas loob na tanong ni Devyn. Kailangan na talaga niyang makahanap ng bagong trabaho. Kung hindi. Baka mabaon sila utang sa ospital.
Mataman na nakatingin si Oscar kay Devyn. Gusto niyang makatulong sa magkapatid na ito.
"Come in my office, Devyn. Doon natin pag-usapan ang tungkol diyan." sagot ni Oscar. Tumango ng ulo si Devyn. "Aalis na kami, Devyn and Divina. Magpalakas ka, Divina. I will see you tomorrow morning." paalam ni Oscar sa magkapatid. Saka tumalikod na sa magkapatid. At lumabas ng kuwartong inookupa ni Divina.
"Ate, mukhang tinamaan si Doc. sayo." tukso ni Divina sa kapatid.
"Ikaw talaga. Kung ano-anong nakikita mo. Natutuwa lang siya sayo. Hindi sa akin." pangmamaang maangan ni Devyn. Kahit siya ay ramdam niyang may gusto sa kanya ang binatang Doktor ng kapatid.
Magandang lalaki si Doc. Oscar Marasigan. Beinte sais anyos at siyang namamahala ng ospital. Negosyo ng kanilang pamilya ang nasabing ospital na pinaglilingkuran ni Oscar.
"Punta lang ako doon sa opisina ni Doc. Kulang pa ang pera ko ngayon pang test mo. Kaya pakikiusapan ko na lang muna si Doc. Marasigan."
Namumungay ang mga mata ni Divina. Saka ngumiti ng nakakaloko sa kapatid.
"Kapag nagsabi Ate na gusto ka niyang ligawan. Payagan mo agad. Pagkatapos sagutin mo kaagad. Huwag mo nang patagalin. Nang magkaboyfriend ka na." tukso ng nangingiting si Divina.
"Sira ka talaga. Sige na pahinga kana. Mamaya, pagkatapos naming mag-usap ni Doc. Marasigan. Dadalhan kita ng almusal mo." nakangiting tumango ng ulo si Divina. Kumaway pa si Divina sa kanya habang papalabas siya ng kuwarto.
Masigla siyang pumunta sa opisina ni Doc. Marasigan. Nakita niya na masaya ang kapatid ng magising. Kahit paano ay nawala ang takot niya at agam-agam sa kalooban niya. Ikinababahala niyang hindi na muling magising ang kapatid.
"Office of the CEO." basa ni Devyn sa nakalagay sa pintuan. Ito na siguro ang opisina ni Doc. Marasigan. Sobrang layo ng agwat ng estado nila sa buhay.
Huminga ng malalim si Devyn. Saka siya kumatok ng tatlong beses sa pinto. Narinig niya ang pagbukas ng pintuan. Nabugaran ang mukha ng guwapong doktor.
"Come in, Devyn." kinuha ni Oscar ang kamay ni Devyn at hila siyang papasok sa loob ng opisina niya. Pagkapasok sa loob ay hinawakan ni Oscar sa balikat ang dalaga at pinaupo sa upuan.
"Hindi ako pumunta dito para tratuhin mo akong ganito, Doc. Marasigan."
Hinawi ni Oscar ang buhok niya. Inilagay sa tenga niya. At matamang tumingin sa mukha ni Devyn.
"I'm sorry, if I'm too fast. Gusto ko lang iparamdam sayo kung gaano kita kagusto, Devyn."
Natigilan man. Pero hindi na siya nagulat sa inamin ni Doc. Marasigan sa kanya. Hindi siya manhid para hindi maramdaman ang mga pagpapansin at pagiging mabait ng binatang doktor sa kanilang magkapatid.
"Doc. hindi ko po gustong paasahin kayo. Sa huli ay masaktan ko kayo. Hindi po sa, pakikipagrelasyon nakatuon ang isip ko. Kay Divina po, sa kapatid ko... Siya po ang importante sa akin ngayon. Gusto kong makitang gumaling siya. At ayokong mawala siya sa akin."
"I understand., you have my respect dahil mabuting kang kapatid kay Divina. Mabuting babae. And I really admire you. Dahil sa laki ng pagmamahal mo para sa kapatid mo. Hindi masasayang ang pagmamahal ko para sayo. Dahil alam kong tamang ikaw ang babaeng minahal ko." sumikdo ang puso ni Devyn. Ngayon lang may lalaking taos pusong gusto siya.
"Patawarin mo po ako. Kung hindi ko pa kayang masusuklian ang pagmamahal mo. Subalit, ako'y nagagalak dahil sa pag-amin. Iyon lamang ay mahirap lang ako at mayaman ka. Napaka layo ng agwat nating dal'wa.
Mapait na ngumiti si Oscar. Nasaktan siya sa pagtatapat ni Devyn sa kanya. Hindi siya titigil na iparamdam pa din sa dalaga ang pagmamahal niya.
"Hindi ako tumitingin doon, Devyn. Kung sino ang mahal ko. Kahit sino pa siya o ano pa siya. Mahal ko siya dito sa puso ko." humanga si Devyn sa kabutihan ng loob ni Oscar. Mapalad ang babaeng mamahalin siya. At hindi siya ang babaeng iyon.
"Maraming salamat po, Doc."
"Please, don't call me Doc. Oscar na lang. Saka tanggalin mo na din ang po. We can still be friends. Kahit na hindi mo pa ako sasagutin sa ngayon. Manliligaw pa din ako sayo. Maybe you will accept me in time." aniya.
"Naku, nakakahiya po, Doc--"
"Please, Devyn. Kahit ito na lang." pakiusap ni Oscar.
"Okay p-po... Sorry. Okay, Oscar." bawing sabi ni Devyn. Ngumiti si Oscar sa kanya.
"Don't worry about the expenses. Doon sa mga laboratory tests ni Divina. Sasagutin na ng ospital lahat ng kanyang test dito sa ospital." iyon ang sinabi ni Oscar para hindi na makatanggi pa si Devyn. Alam niyang tatanggihan ng dalaga ang inaalok niyang tulong.
"Maraming salamat, Oscar. Pero, hindi puwedeng libre. Babayaran ko pa din dito sa ospital mo." tatanawin niyang utang na loob ang ginawang ito ni Oscar para sa kapatid niyang si Divina. Gayunpaman, mas gusto niyang sa kanya nanggaling ang perang ipinambayad sa pagpapagamot ng kapatid niya. Ayaw niyang iasa sa ito iba.
Pagkatapos niyang magpaalam kay Oscar na babalikan ang kapatid ay lumabas muna siya para bumili ng almusal para sa kanila ng kapatid niya.
Tumawid siya sa kabilang kalsada. Doon hilera ang mga kadinderia. "Ale, kanin nga po at longganisa. Saka sabaw po. Pati na din po tubig. Tig-dalawa pong order." sabi ni Devyn. Kinuha agad ng tindera ang mga pagkain na inorder niya. Pagkalagay sa plastic ay ibinigay ito sa kay Devyn.
Masayang tumawid sa kalsada. Sh*t na kaligtaan niyang tumingin sa kaliwa't kanan. At basta na lang tumawid. Huli na nang mapagtanto niyang may papalapit na sasakyan sa kanya.
Nabitawan ni Devyn ang mga supot ng pagkain. Hinarang ang dalawang kamay sa kanyang mukha sa sobrang takot.
Ilang minuto pa siyang nakatayo. Siguro'y naapakan bigla ng driver ang preno at hindi siya tuluyang nasagasaan. Agad niyang ibinaba ang kanyang kamay at sinuri ang sarili.
Nakahinga siya nang maluwag ng mapagtantong wala siyang kahit na anong sugat o galos sa katawan. Akala niya tuluyan nang bumangga ang katawan niya sa kotse.
Nagbaba siya ng tingin. Bumungad sa kanya ang nagkalat na pagkain sa semento. Ang dapat sana na masarap na almusal nila ni Divina ay hindi na makakain pa. Laking panghihinayang niya sa pagkain at perang pinambili niya. Nagtitipid pa naman siya dahil isang libo na lang ang pera niya.
"Sayang naman ang mga pagkain na ito. Mabubusog sana kami ni Divina sa mga ito." usal niyang may panghihinayang. Lumuhod siya para tignan kung mayroon pang puwedeng pakinabangan.
Napasinghap si Devyn ng may sumigaw sa kanya.
"Hey, Miss! Huwag mo nang kunin ang mga pagkain sa semento. Madumi na 'yan!" sabi ng baritonong boses.
Natigilan si Devyn parang pamilyar sa kanya ang boses na 'yun. Agad siyang nag angat ng ulo at nabugaran ang lalaking muntik ng makasagasa sa kanya. 'Di yata't ang guwapong lalaki kagabi ang nasa harapan niya ngayon.
"Hindi ka kasi nagmi-minor! Tingnan mo ang ginawa mo! Hindi na namin makakain ng kapatid ko ang mga pagkain na 'yan." halos mangatal ang boses niya. Parang gusto na niyang umiyak. Ngunit, pinigilan niyang ibuhos ang kanyang emosyon.
Napakunot ang noo ni Ryder. What does she mean? Sinisisi ba siya nito na natapon ang mga pagkain niya sa semento? Crazy girl! Mas importante pa ang pagkain niyang natapon kesa sa buhay niya. Kung hindi ba naman ito aanga-anga. 'Di sana' y hindi mangyayari ito.
"It's your fault, Miss. Kung tumitingin ka muna sa paligid mo bago ka tumawid. Hindi sana matatapon ang mga pagkain mo!" bulyaw niya. Biglang natigilan si Ryder nang matitigan ang mukha ng babaeng kasagutan niya.
"Devyn?" tawag niya sa pangalan nito sa isip. Napailing ng ulo si Ryder. Namamalikmata siya. No! Hindi si Devyn ang babaeng kaharap niya ngayon.
"Ikaw ang may kasalanan! Kung hindi ka kaskasero. Hindi matatapon ang mga pagkain namin ng kapatid ko! Alam kong mayaman ka. Barya lang sa inyo ang mga pagkain na 'yan! Pero, sa aming mahihirap! Laman tiyan 'yan!" naggagalaiti na sa galit si Devyn.
Nag iba ang ekspresyon ng mukha ni Ryder. Halos wala siyang maintindihan sa isinisigaw sa kanya ng dalagang kaharap. Bawat buka ng bibig ni Devyn ay kanyang sinusundan.
Parehong mukha. Sana'y iisa ang pagkatao. Sana'y siya pa din si Devyn Piper na nakilala niya nuon at minahal nuon.
"LOLA!" malalakas na tawag ng mga anak ni Ryder sa mommy niya. Tumatakbo ang apat na bata palapit sa kanilang lola. Napaawang ang labi ni Antonette nang makita ang kanyang mga apo. "Mga apo ko!" Agad na sinalubong ng yakap at halik ang apat niyang mga apo. Nang bumitaw si Antonette sa mga apo ay pinalis ni Antonette ang mga takas na luha sa kanyang mata. Nag-uumapaw ang saya sa puso niyang makita solang lahat. Ganito siguro ang tumatanda na, nagiging maramdamin. "Namimiss niyo na ang mga bata. Kaya andirito kami ng mga apo niyo." Nilapitan ni Ryder ang ina at hinalikan ito sa ulo. Lumapit na rin sa kanila ang asawa niya at humalik sa noo ng biyenan. "Huwag na kayong umiyak, mom. Dito kami sa bahay niyo isang buong araw. Sorry po dahil sa busy ako sa mga bata 'di na kita nadadalaw dito," taos sa pusong hingi ng paumanhin ni Diane sa ginang. "Naiintindihan ko. Pasensiya na kayong mag-asawa. Pati ako ay kailangan ninyong alagaan." Muling pinunasan ni Antonette ang mga luha niya. "Do
"LOLA!" nalalakas na tawag ng mga anak ni Ryder sa mommy niya. Tumatakbo ang apat na bata palapit sa kanilang lola.Napaawang ang labi ni Antonette nang makita ang kanyang mga apo. "Mga apo ko!" Agad na sinalubong ng yakap at halik ang apat niyang mga apo.Nang bumitaw si Antonette sa mga apo ay pinalis ni Antonette ang mga takas na luha sa kanyang mata. Nag-uumapaw ang saya sa puso niyang makita solang lahat. Ganito siguro ang tumatanda na, nagiging maramdamin."Namimiss niyo na ang mga bata. Kaya andirito kami ng mga apo niyo." Nilapitan ni Ryder ang ina at hinalikan ito sa ulo. Lumapit na rin sa kanila ang asawa niya at humalik sa noo ng biyenan."Huwag na kayong umiyak, mom. Dito kami sa bahay niyo isang buong araw. Sorry po dahil sa busy ako sa mga bata 'di na kita nadadalaw dito," taos sa pusong hingi ng paumanhin ni Diane sa ginang."Naiintindihan ko. Pasensiya na kayong mag-asawa. Pati ako ay kailangan ninyong alagaan." Muling pinunasan ni Antonette ang mga luha niya. "Doon ta
NASA kusina na si Diane nag-aasikaso ng pagkain ng mga anak na papasok sa eskwelahan. Hinayaan niyang matulog at makapagpahinga ang asawa."Mommy, may school program po kami sa school. Family day po. Puwede po ba kayo ni daddy?" tanong ng anak nilang si Junior."Tatanungin ko muna si daddy. Baka kasi maraming work. Pero kung hindi makakasama ang daddy mo. E, 'di si mommy na lang."Nalungkot naman si Junior sa tinuran ng ina. "Sana po, kasama natin si daddy. Masaya po kung kompleto. Palagi naman pong busy si daddy. Wala na po siyang time para sa atin." Nahimigan ni Diane ng tampo ang pangalawang anak nila.Hindi naman nagkukulang sa atensyon si Ryder sa kanila. Minsan nga ay ito ang nag-aasikaso sa kanilang mag-iina. Iyon lamang ay kapag kailangan siya sa kompanya ay hindi puwedeng 'di puntahan ng asawa. Masyadong babad sa trabaho si Ryder at alam niyang para iyon sa future ng mga anak nila."May work lang si daddy. Hayaan mo kakausapin ko siya. Kailan ba ang family day sa school mo, J
MAAGA pa ay nasa kompanya na si Ryder. Pinaiimbestigahan na niya ang pagkawala ng malaking pera sa RSC. Wala namang problema kung nasa libo lang siya, pero daan-daang libo ang nawawala.Kailangan na niyang mahuli ang kumuha para hindi mawalan ng gana ang kanyang mga investor na mag-invest sa RSC.Hawak-hawak ni Cassandra ang files. At lahat ng withdrawal ay pirmado. Pero nasaan ang pera? Tila naging palaisipan sa kanya ang matapang na kumukuha ng pera ng kompanya.Nanlaki ang mga mata niya sa handwritten na pirma sa isa sa mga cheque. Mabilis siyang tumayo, dala ang folder na naglalaman nang mga kopya ng withdrawal at ang detalye ng mga pumapasok na pera sa RSC.Paanong hindi sumagi sa isip niya? Sakay na siya ng kotse niya kakastiguhin niya. Gusto niyang marinig ang mga paliwanag nito.Ilang minuto lamang ang nagdaan ay narating ni Ryder ang bahay nila."Good morning, kuya. Anong mayroon, napasyal ka?" tanong ni Raleigh."Nasaan si Mommy?""Huh? Bakit, kuya?" Nagtataka si Raleigh sa
NAGISING ng maaga si Ryder. Napatingin siya sa katabi at matamis na ngumiti. Tiyak na napagod si Diane. Kaya siya ang mag aasikaso sa mga bata at magluluto ng kanilang almusal.Pupungas pungas si Wenna na lumapit sa ama. Nasa likuran lang din si Petra, ang yaya ng bata."Good morning, daddy," bungad na bati ni Wenna sa ama."Good morning, my princess." Malawak na ngumiti si Wenna. At yumakap sa ama. Kumalas ito sa yakap niya at hinarap siya ng anak."Ano pong niluluto niyo, daddy?" tanong ng anak niya. Inosenteng inosente ito. "Breakfast natin. And especially for mommy too."Napahagikhik ang anak niya. Hakatang kinikilig. "Ang sweet ni daddy. I hope someday makatagpo din po ako ng katulad niyo."Kumunot ang noo ni Ryder sa narinig mula sa anak. "Wait. You are only four years old, my princess. Bata ka pa. Paano mo nalaman ang tungkol diyan?"May ngiti na kakaiba ang panganay niya."Dad, siyempre po sa inyo. Nakikita ko kayo everyday ni mom na sweet palagi. And you always makes her hap
NAGING sobrang maalaga ni Ryder sa kaniyang asawa. Maselan ang pagbubuntis ni Diane. Hind ito puwedeng mapagod o magkikilos. Bed rest siya at halos nasa loob lang ng kuwarto nilang mag-asawa.Nalulungkot ito na hindi na siya naaalagaan nito. Kaya ginagawa niya ang lahat para hindi ito makaramdam ng panghihina. Isa pa para ito sa anak nilang dalawa. Kailangan niyang magiging matatag para lumaban si Diane. "Love, gusto kong lumabas dito sa kuwarto natin. Ayoko na dito sa loob ng kuwarto lang. Naiinip na ako, e. Wala na akong ginagawa kundi ang humiga," reklamo nitong pangungumbinsi na lumabas ng kuwarto."I'm really sorry, love. Pero hindi puwede. Ginagawa namin ito para sa inyong dalawa ni baby. Ayokong mapahamak ka o kaya ang anak natin. Konting tiis lang. Three months lang naman."Advice ng doktor na manatiling bed rest si Diane dahil sa sobrang maselan ng pagbubuntis. Muntik muntikan na itong makunan. Kaya todo ang ingat nila.Nakasimangot na humalikipkip si Diane.Medyo natawa nam