Share

Kabanata 45

MAAGA pa ay nasa kompanya na si Ryder. Pinaiimbestigahan na niya ang pagkawala ng malaking pera sa RSC. Wala namang problema kung nasa libo lang siya, pero daan-daang libo ang nawawala.

Kailangan na niyang mahuli ang kumuha para hindi mawalan ng gana ang kanyang mga investor na mag-invest sa RSC.

Hawak-hawak ni Cassandra ang files. At lahat ng withdrawal ay pirmado. Pero nasaan ang pera? Tila naging palaisipan sa kanya ang matapang na kumukuha ng pera ng kompanya.

Nanlaki ang mga mata niya sa handwritten na pirma sa isa sa mga cheque. Mabilis siyang tumayo, dala ang folder na naglalaman nang mga kopya ng withdrawal at ang detalye ng mga pumapasok na pera sa RSC.

Paanong hindi sumagi sa isip niya? Sakay na siya ng kotse niya kakastiguhin niya. Gusto niyang marinig ang mga paliwanag nito.

Ilang minuto lamang ang nagdaan ay narating ni Ryder ang bahay nila.

"Good morning, kuya. Anong mayroon, napasyal ka?" tanong ni Raleigh.

"Nasaan si Mommy?"

"Huh? Bakit, kuya?" Nagtataka si Raleigh sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status