Chapter 115Kinabukasan.Narinig ko na lamang sa sala ng mansyon namin ang pagdaing sa tatlong nalasing kagabi. Kaya lumabas ako sa silid saka ako nagtungo doon.Pagdating ko sa sala, bumungad agad sa akin ang tatlong mukhang pinagsakluban ng langit at lupa.Si Chris ay nakasubsob sa sofa, hawak-hawak ang ulo niya na parang iniinda ang matinding sakit. Si Richard naman ay nakaupo sa sahig, hawak ang isang baso ng tubig pero hindi niya maituloy inumin. Samantalang si Miguel, nakasandal sa dingding at nakapikit, waring nagpapanggap na patay para lang hindi mapagalitan."Ano? Masarap ba ang lambanog?" tanong ko na may halong panunukso.Napangiwi si Chris bago ako tiningnan. "Hon, ‘wag ka munang maingay... parang may marching band sa loob ng ulo ko."Si Richard naman ay nagbuntong-hininga. "Hindi ko alam kung paano kayo umiinom nito sa probinsya, pero ngayon lang ako nagkaroon ng hangover na parang nabangga ako ng trak!"Biglang dumilat si Miguel at sumingit, "Correction! Para tayong naba
Chapter 116Chris POV"Fuck, tol! Sinali pa talaga mo kaming dalawa," reklamo ni Richard."Tang-ina, paano kung may worm d'yan!" takot na sabi ni Miguel.Alam ko na takot sila lalo na ako dahil first time kaming tatlong umapak ng palay.'Shit, paano kung may nakatira d'yan sa ilalim?!' usal ko sa aking isipan.Napalunok ako habang nakatitig sa malawak na palayan sa harapan namin. Ang putik ay parang gustong lamunin ang aming mga paa, at sa tuwing naiisip kong may kung anong gumagapang sa ilalim, parang gusto ko nang umatras."Tol, hindi ko na 'to kaya. Pwede bang ibang pagsubok na lang?" bulong ni Richard habang dahan-dahang inilalapit ang isang paa sa putikan pero mabilis ding binawi."Tang-ina, Chris! Kung may bulate d'yan, uuwi na 'ko sa Manila!" sigaw ni Miguel habang nagtatatalon paalis sa pilapil.Napapikit ako at napailing. Hindi pwedeng umatras. Kung gusto kong makuha si Kara nang buo, kailangan kong ipakita sa pamilya niya na kaya kong harapin kahit ang mga kinatatakutan ko.
Chapter 117 Sabay-sabay kaming napatingin sa kanya. "WHAT?!" sigaw naming apat. "Hindi ito basta basta! Dapat maayos ang pagkakatanim n'yo. Kung hindi, uulitin n'yo ulit!" matigas niyang sabi. Lalong lumalim ang pagsisisi sa mukha ni Lance. "Chris, pagkatapos nito, may utang ka sa akin!" singhal niya. Si Richard naman ay napa-facepalm. "Tol, sana sinabi mong survival training pala ‘to!" Miguel, na halos hindi na makita sa dami ng putik sa katawan, ay huminga ng malalim at sinabing, "Kung hindi ko lang mahal ang pera, hindi ko ‘to gagawin!" Nagtawanan sina Kara at Kiara sa gilid. Si Mama Curtis naman ay nakangiti lang habang nagmamasid sa amin. Huminga ako nang malalim. "Okay, boys. Game na! Para kay Kara ‘to!" At sabay-sabay naming sinimulan ang pagtatanim ng palay—kahit pa tuloy-tuloy ang reklamo, tawa, at pagkadulas namin sa putikan.“Tol… pantay ba ‘to?” tanong ni Miguel habang halos gumapang na sa pilapil, hawak ang isang punla ng palay na parang baril sa gera.“Putek, pa
Chapter 118Habang abala kami sa pagtatanim, bigla kong napansin si Lance na nakatayo lang, nakapamewang, at nakatingala sa langit.“Lance, anong problema mo?” tanong ko habang pilit na isinusuksok ang palay sa putik.“Bro…” sabay lingon niya sa akin na seryoso ang mukha, “…sigurado ka bang palay ‘to? Baka alien egg!”Nalaglag ang punla ko. “Tangina, wag mo kong ginaganyan, bro! May trauma pa ako sa horror movie kahapon!”“Pwes ako, bro, may naramdaman akong gumalaw sa putik!” sigaw ni Richard habang nagtatakbo palayo. “Baka leech ‘yon! Ayoko na! Mag-resign na ako bilang tropa mo!”“Ano ka ba, judge ka pa naman!” hirit ni Miguel. “Ako nga, abogado, pero ngayon parang palay technician na ako—certified!”Napahinto ako saglit at napatingin sa mga kasama ko.“Alam n’yo, guys, kapag nakita ‘to ni Papa Curtis, baka isama pa tayo sa planting festival next year…”“HUWAAAT?!” sabay-sabay silang sumigaw.Bigla namang sumulpot si Ellie mula sa gilid na may hawak na tubig at sumigaw, “Go, Daddy!
Chapter 119 Tumango ako, mabagal pero buo ang loob. “Oo, tol. Hindi na ito biro. Hindi na gaya ng dati. Gusto ko si Kara, hindi lang dahil mahal ko siya... kundi dahil sa kanya ako naging buo ulit.” “Eh… kung magbago ang isip niya?” singit ni Miguel, nakakunot noo. “Handa ka bang mawala siya ulit?” Napatingin ako sa kanya. Mabigat ang tanong pero kailangan sagutin. “Hindi ko hahayaang mangyari ‘yon,” mariin kong sagot. “Hindi na ako yung Chris na madaling sumuko. Kung kailangan kong harapin si Mr. Curtis araw-araw, magputik, magtanim ng palay, uminom ng lambanog… gagawin ko.” Nagkatinginan ang dalawa, sabay tango. Tahimik sila pero parang sinasabi ng mata nila na ‘handa na nga siya.’ “Tol,” wika ni Richard, “kung may kailangan ka, kahit ilang milyon pa ‘yan, bahala ka na sa utang sa amin.” Napatawa ako pero seryoso pa rin ang loob ko. “Hindi na pera ang puhunan ngayon, tol,” sabi ko. “Panahon, tiwala, at puso. At sa pagkakataong ‘to… hindi ko na yan bibitawan.” Tahimik kaming
Chapter 120 Napangiti ako. “Alam talaga ni Kara ang kahinaan ko.” Tumayo kaming apat at nagsimulang maglakad pabalik. Ramdam ko pa rin ang banayad na hangin ng Ilocos at ang saya sa paligid. Walang corporate pressure. Walang board meetings. Walang problema—pansamantala. “Ang sarap maging tatay no, Chris?” tanong ni Lance habang naglalakad kami. Tumango ako, tiningnan ang direksyon kung saan tumakbo si Jacob. “Oo, pre. Para sa kanila… worth it ang lahat.” At habang papalapit kami sa bahay, naamoy ko na ang sabaw ng sinigang at ang tunog ng tawanan mula sa loob. Ito ang pamilya. Ito ang buhay na pinangarap ko noon. At ngayon… akin na. Pagpasok namin sa loob ng bahay, sinalubong agad kami ni Kara na abala pa rin sa kusina. Hawak-hawak niya ang sandok habang inaasikaso ang sinigang. “Bilis n’yo naman. Akala ko kakailanganin pa naming hilahin kayo pabalik dito,” sambit niya sabay ngiti. “Hindi namin kayang palampasin ang sinigang mo,” tugon ko habang nilapitan siya at hinal
Chapter 121 Kara POV Nanlaki ang mata ko sa narinig ko mula kay Chris. Next month?! Hindi ko inaasahan na ganun kabilis ang plano niya. Lahat ngayon ay nakatingin sa akin. Si Miguel nakanganga pa. Si Richard parang pipigil ng tawa. Si Lance ngumiti habang umiinom ng tubig. Si Papa naman, seryoso ang tingin na para bang sinasabi, “Sige na, anak. Huwag mo na patagalin.” Si Ellie at Jacob naman, abala sa pagkain at wala pang kaalam-alam na malapit nang mangyari ang pinaka-importanteng araw sa aming buhay. Huminga ako nang malalim saka tumingin kay Chris. Nakita ko sa mata niya ang kaba, pero mas nangingibabaw doon ang sinseridad. “Eh kung next week na lang?” biro ko sabay ngiti. Halos sabay-sabay silang napatili. Si Miguel muntik na mabilaukan sa kanin, si Richard napatayo, at si Chris… biglang natulala. Para siyang hindi makahinga. “Kara… seryoso ka ba?” usisa ni Chris, takot na parang sasabog ang puso niya. Tumango ako, ngumiti, at sabay sabing, “Seryosong-seryoso.” Biglang s
Chapter 122Habang si Richard ay patagilid na nagtatangka na magmukhang hindi apektado, napansin ko ang malalim na paghinga ni Chris. Tinignan ko siya ng mabilis at naghintay na makita kung ano ang reaksyon niya."Nakita mo 'yon?" bulong ko kay Chris, na parang hindi makapaniwala sa nakita.Ang mata ni Chris ay nakatutok kay Richard, at sa hindi ko maipaliwanag na paraan, parang may sinasabi ang kanyang mata na hindi niya kailanman ipinapakita sa ibang tao—hindi na siya natuwa sa nangyari. "Si Richard kasi, sobra na sa pagpapakita ng interes kay Analiza," sagot ni Chris, sabay patagilid ng ulo, ngunit parang may kabuntot na pagkabahala.Sumingit ang mata ni Kiara sa aming pag-uusap, "Baka nga may namumuong 'something' kay Richard, pero okay lang, hindi ba?" sabay halakhak."Huwag mong gawing biro 'yan," sabi ko kay Kiara habang ang mata ko ay muling tumingin kay Richard, na parang naliligaw na sa mga huling tanaw ni Analiza.Habang kami ay nag-uusap, si Chris ay nagmukhang seryoso, an
Chapter 192 Nang makarating kami sa pinakadulong pinto ng kuta, nagsimula nang mag-ingay ang ilang tao sa loob. May mga nagsasalita, ngunit wala akong pakialam sa kanila. Ang tanging nasa isip ko ay ang kaligtasan ni Kara at Ellie. Bago ko pa magawa ang lahat ng plano, tumunog ang phone ko. Si Gian. "Chris, nahanap namin sila. Nasa silid sa itaas. Kailangan nating magmadali," sabi ni Gian, ang boses niya ay puno ng urgency. "Got it. I’ll be there," sagot ko. Walang pasabi, tumakbo kami papunta sa itaas. Alam ko, kailangan ko na silang makuha at wala nang oras para maghintay. Pagpasok sa silid, nakita ko si Kara, naka-kadena at nakagapos. Nasa tabi niya si Ellie, ang mga mata ni Ellie ay puno ng takot, ngunit nang makita ako, bigla siyang ngumiti. "Daddy!" sabi niya, mahina at may takot sa boses. Naglakad ako sa direksyon ni Lolo Carlo. "Ikaw na lang, Lolo. Bakit? Magsalita ka?" sabi ko, ang mata ko’y puno ng galit at determinasyon. "Oo apo," sagot ni Lolo Carlo, may ngiti sa l
Chapter 191 Ang sakit na dulot ng bawat salitang binitiwan niya ay tila isang matalim na kutsilyo na tumusok sa puso ko. Hindi ko matanggap na ang lahat ng ito ay isang malupit na laro para kay Senyor Carlo—ang lolo ko. "Kung hindi mo sasabihin kung saan siya, babalikan kita. At hindi na ako magiging magaan," ang sinabi ko kay Lucas, na puno ng galit at pasakit. Bago pa niya makuha ang pagkakataon na magsalita, naglakad na ako palayo sa kanya. Kailangan ko ng oras. Kailangan ko ng tamang plano. At higit sa lahat, kailangan ko na hanapin si Kara bago pa mahulog ang lahat sa mga kamay ng aking pamilya.Ang galit ko ay hindi matitinag. Nagmamadali akong lumabas ng silid, at ang mga hakbang ko ay mas mabilis kaysa sa karaniwan. Ang bawat segundo ay may bigat—hindi ko kayang mag-aksaya ng oras. Gusto ko na makuha si Kara at matigil na ang lahat ng ito bago pa mahulog sa mga kamay ng aking pamilya.Nagmadali akong dumaan sa mga kasamahan ko sa kuta. "Kailangan kong malaman kung nasaan si
Chapter 190 “Gusto kong malaman kung sino ang mga nangungunang tao sa likod ng operasyon niyo,” sabi ko, ang boses ko’y parang buo ng yelo. “At hindi ako maghihintay ng matagal para makita kung gaano katagal ka pa magsasalita.” Naglakad ako palapit sa kanya at itinapat ang baril sa kanyang kaliwang braso. Sabay sigaw ng pwersa at tapat ang tanong: “Sabihin mo na!” Ngumisi siya, “Hindi ko sila kayang ipagkanulo, Chris.” Gamit ang lahat ng galit at sakit, ginamit ko ang pinakapangit na pamamaraan na alam ko. Mabilis kong pinutol ang mga daliri ni Lucas gamit ang matalim na kutsilyo. “Alam ko na matigas ang ulo mo, pero hanggang kailan mo kayang tiisin ang sakit?” tanong ko, ang galit ay bumabalot sa bawat salitang binibigkas ko. Sumabog ang katahimikan sa pagitan namin. Ilang segundo ng pagka-gulat bago siya sumigaw, tila napuno ng pasakit. Pero matigas pa rin siya. Sa kabila ng lahat ng pain, hindi siya nagsalita. “Sa huli, ikaw din ang magpapasa ng hatol sa sarili mo,” sabi ni
Chapter 189 "Gian, kailangan bumalik ka sa Panglao para maprotektahan mo sila," malamig kong utos habang pinupunasan ang bahid ng dugo sa aking kamay. "Ako ang hahanap kay Lucas." Napatingin sa akin si Gian, puno ng pag-aalala ang mga mata niya. "Sigurado ka ba, Chris? Mag-isa ka lang—" "Mas magiging ligtas sila kung hindi ako kasama. Alam kong ako ang puntirya. Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan kong makakabantay sa kanila nang buong puso." Tumango si Gian, bagama't halata ang bigat sa desisyong iyon. "Sige, pero mangako kang babalik ka nang buhay." "Kapag nahanap ko si Lucas... matatapos na ang lahat." "Isa pa," madiin kong sabi habang tumayo ako sa harap ni Gian, "andito sila Revenant, Miguel, Richard, at Troy upang samahan ako." Napatingin si Gian sa paligid. Isa-isang tumango ang mga nabanggit ko—matatapang, determinadong mga kaibigan, kapwa mandirigma ng hustisya. Muli kong nilingon si Gian. "Hindi ako mag-iisa. Hindi kami matatalo. Pero ikaw—ikaw ang susi sa kaligtasan nil
Chapter 188 Pagdating namin sa kuta, hindi na ako nag-aksaya ng oras. "Dalhin siya sa interogation room. Siguraduhing may CCTV at walang makakalapit sa paligid maliban sa tauhan natin," malamig kong utos sa isa sa mga tao ko. Agad nilang hinila si Don Armando pababa ng van, nakaposas, may itim na supot sa ulo, at bahagyang naglalakad dahil sa pagkakabugbog sa engkwentro kanina. Sumunod ako sa kanila. Mula sa hallway hanggang sa silid, bawat hakbang ay may baon akong tanong—mga katanungang matagal ko nang gustong masagot. Ang dahilan kung bakit muntik nang mawala sa akin ang asawa ko, ang mga anak ko, at ang tahimik naming buhay. Pagkapasok namin sa interogation room ay agad nilang ipinatong sa bakal na upuan si Armando at itinali ang mga kamay at paa nito. Tinanggal ng isa kong tauhan ang supot sa ulo nito. "Bumati ka naman, Don Armando," sarkastikong wika ko habang lumalapit ako, "matagal ko nang hinihintay ang araw na ‘to." Lumapit ako kay Don Armando, hawak ang lumang litrat
Chapter 187Wala akong inaksayang oras. Agad kong sinundan ang anino na dumaan sa likurang lagusan ng base. Tahimik ang paligid pero dama ko ang tensyon sa bawat hakbang. Mabilis ang tibok ng puso ko, pero mas mabilis ang galaw ng katawan ko—sanay sa dilim, bihasa sa panganib.Sa bawat liko ng pasilyo, sinisiguro kong walang nakakakita. Sa malayo, naririnig ko ang mahinang yabag. Isa lang ang ibig sabihin—tama ang direksyon ko.“Hindi ka na makakatakas, Don Armando…” bulong ko sa sarili habang mahigpit ang hawak sa baril ko.Handa na akong harapin ang katotohanan… o ang kalaban.Bawat madaanan ko, bawat humaharang sa aking daraanan—wala akong sinayang na segundo. Walang alinlangan. Isa, dalawa, tatlo... kasabay ng bawat putok ng baril ay ang pagbagsak ng mga kalaban. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nararating si Don Armando.Ang mga sigaw at yabag sa paligid ay tila ba musika sa aking pandinig. Pero hindi ito musika ng takot—ito'y himig ng katarungan at paghihiganti. Marami na siy
Chapter 186"Hi to, inumin mo muna para bumalik agad ang lakas mo. Galing yan sa black market. Isang bagong gamot naa ibininta kaya agad naming binili para sa ating organisasyon," wika ni Troy sa akin.Kinuha ko ang maliit na bote mula sa kamay ni Troy. Maitim ang likido sa loob, at may kakaibang amoy.“Sigurado ka bang ligtas ‘to?” tanong ko habang tinititigan ang gamot.Tumango si Troy. “Oo, sinubukan muna ng isa sa ating mga tauhan. Ilang minuto lang, bumalik ang lakas niya. Wala ring naitalang side effects. Pero huwag kang mag-alala, mayroon din tayong antidote just in case.”Saglit akong nag-isip bago ininom ang laman ng bote. Mainit ito habang bumababa sa lalamunan ko, at ilang sandali lang ay ramdam kong gumaan ang pakiramdam ko. Parang unti-unting bumabalik ang lakas ng katawan ko—mas malinaw na rin ang isip ko.“Ganyan nga ang epekto,” sambit ni Gian habang pinagmamasdan ako. “Sa ganyang kondisyon, kaya mo nang humarap sa susunod na hakbang.”Napahawak ako sa mesa, matatag an
Chapter 185CHRIS POVTumayo ako mula sa kinauupuan ko at lumapit sa mesa kung saan nakalatag ang ilang surveillance photos at intel folders."Gian, kailangang simulan na natin agad ang Phase One. Hindi pwedeng patagalin pa. Sa bawat araw na lumilipas, mas lumalapit ang panganib kay Kara at sa mga bata."Tumango si Gian. "Naka-ready na ang core team. Si Revenant ang magli-lead ng reconnaissance para sa unang target.""Good," sagot ko habang binubuklat ang folder ni Armand—ang isa sa pinakamalapit kay Falcon noon.Huminga ako nang malalim. "Kailangan matapos 'to bago manganak si Kara. Hindi ako makakapayag na sa araw ng pagsilang ng triplets namin ay may takot pa rin sa paligid nila."Tahimik si Gian sa ilang saglit, bago siya nagtanong ng mahinahon, "Chris… sa totoo lang, kaya mo pa ba?"Napatingin ako sa kanya—diretso sa mata. "Hindi ako pwedeng mapagod, Gian. Dahil ang pamilya ko ang kapalit nito. At handa akong isugal ang lahat, kahit sarili ko… para sa kanila."Tumango siya, matig
Chapter 184 Mabilis ang kilos namin. Pati ang mga yapak namin ay halos walang tunog. Pagbaba namin sa tunnel, naamoy ko ang halumigmig at lumang simento. Ngunit sa bawat hakbang, isang bagay lang ang nasa isip ko—makabalik kay Kara at sa mga anak ko. Ngunit hindi pa ngayon. Kailangan ko munang buwagin ang natitira pang mga anino sa likod ng banta sa buhay namin. “Revenant,” tawag ko. “Ayusin mo na ang transport. At i-encrypt lahat ng communication natin. Gusto kong tapusin 'to bago pa man manganak si Kara.” “Copy that, Boss.” Walang atrasan. Sa oras na ito, ako ang multo ng kalaban. At hindi ako titigil hangga’t hindi ko sila tuluyang binura. Pagkalabas namin ni Gian sa dulo ng tunnel, agad kaming sinalubong ng malamig na simoy ng gabi. Isang itim na SUV na may tinted windows ang nakahimpil sa lilim ng mga puno. Bukas ang pinto sa likuran, senyales na handa na ito sa mabilisang pag-alis. "Boss, clear ang paligid," sabi ng driver na agad bumaba para pagbuksan kami. Agad kaming