공유

Chapter 115

작가: SKYGOODNOVEL
last update 최신 업데이트: 2025-04-03 16:37:42

Chapter 115

Kinabukasan.

Narinig ko na lamang sa sala ng mansyon namin ang pagdaing sa tatlong nalasing kagabi. Kaya lumabas ako sa silid saka ako nagtungo doon.

Pagdating ko sa sala, bumungad agad sa akin ang tatlong mukhang pinagsakluban ng langit at lupa.

Si Chris ay nakasubsob sa sofa, hawak-hawak ang ulo niya na parang iniinda ang matinding sakit. Si Richard naman ay nakaupo sa sahig, hawak ang isang baso ng tubig pero hindi niya maituloy inumin. Samantalang si Miguel, nakasandal sa dingding at nakapikit, waring nagpapanggap na patay para lang hindi mapagalitan.

"Ano? Masarap ba ang lambanog?" tanong ko na may halong panunukso.

Napangiwi si Chris bago ako tiningnan. "Hon, ‘wag ka munang maingay... parang may marching band sa loob ng ulo ko."

Si Richard naman ay nagbuntong-hininga. "Hindi ko alam kung paano kayo umiinom nito sa probinsya, pero ngayon lang ako nagkaroon ng hangover na parang nabangga ako ng trak!"

Biglang dumilat si Miguel at sumingit, "Correction! Para tayong naba
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 351

    Chapter 351Sana pagkatapos ng lahat, pagkatapos ng aming misyon ni Cherie, ay tanggap pa rin nila ako.Kahit alam kong pansamantala lang ang katahimikang nararamdaman ko ngayon, hindi ko mapigilan ang pag-asang baka… baka sakaling sa dulo ng lahat ng ito, hindi lang misyon ang matupad. Baka sakaling may matira pa—kahit kaunting puwang—para sa akin sa mundong ito na tila hindi ko naman talaga pag-aari.Lumingon ako kay Jacob na masaya pa ring kausap ang mommy niya at ang wedding team. Pinilit kong ngumiti, pero sa likod ng ngiting iyon ay ang isang tahimik na panalangin.Panginoon, huwag N’yo pong hayaang mawala ang lahat ng ito. Sana kahit matapos na ang lihim naming layunin, ay manatili pa rin ako—bilang ako. Hindi bilang bahagi ng isang plano.Hindi bilang isang undercover agent.Gusto kong manatili bilang ako—si Jasmine. Hindi ang babaeng may dalang lihim. Hindi ang taong nakatalaga para magmasid, mag-imbestiga, at sirain kung kinakailangan.Gusto kong manatili bilang taong natuto

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 350

    Chapter 350“Lumabas na nga tayo,” paiwas ko ng tingin sa kanya, pilit iniiwas ang sarili sa bitag ng kanyang mapanuksong titig.Ngunit bago pa ako makakilos, hinawakan niya ang aking braso—hindi mariin, pero sapat para pigilan ako.“Jas…” Mababaw ang kanyang hininga. “Kahit ilang beses mo akong iwasan, darating din tayo sa puntong hindi na natin kayang itanggi 'to.”Pinili kong hindi tumugon. Hindi dahil wala akong sagot, kundi dahil ayokong masabi ang katotohanang unti-unti ko na ring nararamdaman ang kinatatakutan ko—ang tuluyang mahulog.Dahan-dahan niyang binitiwan ang braso ko, tila may bigat sa kanyang kilos. “Sige, kung 'yan ang gusto mo. Lalabas tayo… pero hindi ibig sabihin niyon, tapos na 'to.”Naglakad ako paalis, hindi na lumingon. Pero sa bawat hakbang, ramdam ko pa rin ang init ng titig niyang sumusunod sa akin.At kahit pa pinilit kong kontrolin ang tibok ng puso ko… alam kong sa lalim ng titig niyang iyon, may isang parte sa akin na hindi na kailanman makakatakas.Pag

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 349

    Chapter 349Tahimik akong naupo sa kama habang pinakikiramdaman ang bawat yapak ni Jacob mula sa ibaba. Nanginginig pa ang kamay ko habang inaayos ang buhok ko na parang walang nangyari.Hindi niya dapat malaman… Hindi pa. Hindi sa ngayon.Pinilit kong maging kalmado, kahit ang tibok ng puso ko ay parang may drumline sa dibdib. Nang bumukas ang pinto ng kwarto niya, ilang segundo pa lang ay narinig ko na ang boses niya mula sa hallway.“Ellie, nasa'n si Jasmine?”Napatingin ako kay Ellie na nandoon pa rin sa tabi ng pinto. Mabilis siyang sumagot, parang sanay na sanay na sa pagsisinungaling.“Nandiyan lang sa kwarto, Kuya. Nagpahinga lang. Kanina pa siya dito, hindi na lumabas simula umaga.”Tahimik akong huminga ng malalim. Good job, Ellie.Ilang sandali pa ay marahan ang pagkakatok sa pinto ng kwarto ko. Dali-dali akong tumayo at binuksan iyon, nakangiti na parang walang lihim na bitbit.“Hey,” bati ko kay Jacob.“Hey,” sagot niya. “Nandito ka lang pala buong araw? Hindi kita nakita

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 348

    Chapter 348"Umuwi kana James, may pupuntahan lamang ako!" "Yes, sir!" sagot ko agad at nauna na itong umalis.Akmang susunod na ako sa pag-alis Niya pero biglang nag vibrate qng phone ko sa bulsa."Jas, nakuha ko na ang ebidensya!"Mula sa mensahe ni Cherie.Napakapit ako sa mesa ng mahigpit habang binabasa ang mensahe niya. Ang bilis ng tibok ng puso ko—ito na. Ilang linggo na kaming naghihintay ng pagkakataong ito. Sa wakas, hawak na namin ang patunay.Agad akong nag-type ng reply."Siguraduhin mong malinis ang pagkakakuha, Cherie. I-forward mo sa secured folder natin. Huwag kang dumiretso rito. May mata sa paligid."Ilang segundo lang ay dumating na ang encrypted file. Nang i-access ko ito, bumungad ang isang video recording—kuhang-kuha ang mukha ni Manuel Ortega, ang assistant finance supervisor namin, habang palihim na isinusubo sa bulsa niya ang isang thick envelope mula sa confidential vault."Hayop ka," bulong ko sa sarili ko. "Ikaw pala."Sa likod ng mapagkakatiwalaang ngit

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 347

    Chapter 347 Jasmine POV "Shit," napamura ako nang makita kong tumatawag si Jacob. "Bakit ba kasi hindi ko nilagay sa silent mode 'yung phone ko?" Nagbalatkayo kasi akong lalaki at ako ang secretary ni Jacob—na hindi niya alam. Ang tanging nakakaalam lang ay si Ellie. Kaya agad akong nag-excuse kay Jacob na mag-CR muna. Pagkapasok ko sa cubicle, dali-dali kong tinawagan si Ellie. "Ellie, pupunta raw ang tauhan ng kuya mo sa mansion para kuhanan ako ng litrato. Sabihin mo sa kanila na natutulog pa rin ako sa silid para hindi sila magduda," pabulong kong utos habang nililingon ang paligid para makasigurong walang ibang tao. Alam kong delikado na ang sitwasyon ko. Pero kailangan ko itong gawin para maprotektahan ang sarili ko at ang anak ko. "Wag kang mag-alala, Jasmine. Ako na ang bahala. Tatawagan ko si Kuya ngayon," tugon niya sa akin na may kasamang kumpiyansang tono. Napabuntong-hininga ako sa kaunting ginhawang naramdaman. Mabuti na lang talaga at may kakampi akong katulad ni

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 346

    Chapter 346Lumipas ang ilang oras, at agad akong kinatok ng secretary ko sa opisina. Ramdam ko ang tensyon sa kanyang boses.“Sir Jacob, nandoon na po ang ibang board members at shareholders. Naghihintay na po sila sa conference room para sa urgent meeting.”Tumango ako at mabilis na inayos ang mga papel sa mesa bago tumayo.Habang naglalakad papunta sa conference room, hindi ko maiwasang maramdaman na may mali. Tahimik ang hallway, pero ramdam ang bigat ng hangin. Parang may bumabagabag sa lahat.Pagpasok ko sa silid, sabay-sabay silang napalingon sa akin. May ilan na nakakunot ang noo, ang iba naman ay mukhang apektado ng kung anong balita.“Good morning,” maikling bati ko habang diretsong naupo sa pinakaulo ng mahabang lamesa.Tahimik. Walang gustong magsimula.Ako na ang nagsalita.“Anong meron? Bakit napatawag ng biglaan ang meeting na ‘to?” seryoso kong tanong habang pinasadahan ko ng tingin ang bawat isa.Tumikhim si Mr. Yulo, isa sa senior shareholders.“Jacob, may kailangan

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status