Chapter 346Lumipas ang ilang oras, at agad akong kinatok ng secretary ko sa opisina. Ramdam ko ang tensyon sa kanyang boses.“Sir Jacob, nandoon na po ang ibang board members at shareholders. Naghihintay na po sila sa conference room para sa urgent meeting.”Tumango ako at mabilis na inayos ang mga papel sa mesa bago tumayo.Habang naglalakad papunta sa conference room, hindi ko maiwasang maramdaman na may mali. Tahimik ang hallway, pero ramdam ang bigat ng hangin. Parang may bumabagabag sa lahat.Pagpasok ko sa silid, sabay-sabay silang napalingon sa akin. May ilan na nakakunot ang noo, ang iba naman ay mukhang apektado ng kung anong balita.“Good morning,” maikling bati ko habang diretsong naupo sa pinakaulo ng mahabang lamesa.Tahimik. Walang gustong magsimula.Ako na ang nagsalita.“Anong meron? Bakit napatawag ng biglaan ang meeting na ‘to?” seryoso kong tanong habang pinasadahan ko ng tingin ang bawat isa.Tumikhim si Mr. Yulo, isa sa senior shareholders.“Jacob, may kailangan
Chapter 345Jacob POVKinabukasan, maaga akong umalis ng mansyon. Hindi ko na hinintay pang magising si Jasmine, pero bago ako tuluyang lumabas ay nagbilin na ako kay Manang Lita, ang aming mayordoma."Pakisigurado pong makakain siya ng maayos, Manang. Ihanda n’yo rin ‘yung mga paborito niyang prutas at dapat laging sariwa."Tumango si Manang at ngumiti ng may malalim na kahulugan. Parang nabasa niya ang nasa isip ko—na kahit wala pa kaming label, kahit magulo pa ang lahat, ay mahalaga na sa akin si Jasmine.Bago ko tuluyang nilisan ang mansyon, tinungo ko pa ang silid na pansamantala niyang tinutuluyan. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at bahagyang sinilip ang loob.Mahimbing pa rin ang tulog niya. Nakayakap siya sa unan, bahagyang nakabuka ang labi, at nakakulot ang katawan na para bang hinahanap pa rin ang init ng katawan ko mula kagabi. Napalunok ako. Bumilis ang tibok ng puso ko.Magkaibang silid kami, ayon na rin sa bilin ni Mommy. "Walang pagtatalik habang wala pa kayong k
Chapter 344Pero hindi pa nga ako tuluyang nakakatulog ay bigla kong narinig ang marahang pagbukas ng pintuan.Dahan-dahan akong huminga at pinakiramdaman ang paligid. Kilala ko ang amoy na ‘yon—isang pamilyar na halimuyak na palaging nagbibigay ng kapanatagan sa akin.Si Jacob…Natural lang ang pabango niya, hindi matapang pero sapat para maalala ko kung gaano ako ligtas kapag nasa tabi ko siya.Kaya’t kahit gising pa ako, pinili kong magpatulog-tulogan. Ayokong makita niya ang tensyon sa mata ko. Gusto ko lang maramdaman ang presensya niya, ang init ng kanyang katawan sa tabi ko—dahil sa gitna ng kaguluhan, siya ang tahimik kong sandalan.Maya-maya’y naramdaman kong lumubog ang kama. Maingat siyang humiga sa tabi ko, at marahang hinaplos ang buhok ko.“Pagod ka na, mahal. Pahinga ka lang… ako ang bahala,” bulong niya, akala’y tulog ako.At sa sandaling iyon, kahit gising pa ang diwa ko, parang unti-unti nang pinanatag ng tinig niya ang lahat."Good night. Matutulog na din ako sa sil
Chapter 343 Jasmine POV Dinig na dinig ko ang kanilang pinag-uusapan. Naka-cross ang mga braso ko habang nakatitig sa monitor ng laptop sa tapat ko. Ilang linggo ko nang pinakikiramdaman ang paligid, at ngayon ko lang napatunayan kung gaano kahalaga na bantayan ko ang bawat sulok ng mansyon. Sa screen, nakita ko si Jacob, seryoso habang kausap ang pamilya niya tungkol kay Olivia. “Olivia Fernandez…” bulong ko sa sarili ko habang bahagyang napapikit. “Isang babaeng kailangan kong tapusin… para maging ligtas ang pamilya na ito.” Ang kamay ko ay dahan-dahang dumapo sa maliit kong tiyan. “Ayokong matulad ang anak ko sa mga batang lumaki sa takot at panganib. Hindi ko hahayaan ‘yon mangyari sa Montero family... lalo na kay Jacob.” Muling tumingin ako sa monitor—nandoon pa rin ang masiglang usapan nila, pero sa likod ng mga tawa at biruan, alam kong may banta. At ako lang ang makakatapos nito. Dahil hindi lang ako isang babae ni Jacob… Isa akong ina. Isa akong tagapagtanggol. Agad
Chapter 342 Ngumiti ako nang maluwag sa sinabi ni Dad. “Salamat po, Dad,” sagot ko habang kinukubli ang kilig sa likod ng baso ng juice na hawak ko. “Hindi biro ang pagpapakasal, anak,” seryosong dagdag ni Dad, si Daddy Christopher Montero na bihirang maging ganito ka-sentimental. “Pero sa nakita kong pagmamahal mo kay Jasmine… alam kong handa ka na.” “Dad, mahal na mahal ko po si Jasmine. At gagawin ko ang lahat para maprotektahan siya… lalo na ngayon, may baby na kami,” buong tapang kong sabi. “Awww! Kuya Jacob, iyak na yan!” biro ni Ellie habang pinupunasan ang kunwaring luha niya gamit ang tissue. “Hoy, Ellie!” sabay batok ko ng malambing sa kanya. “Ikaw talaga, palaging may punchline.” “Teka, teka,” singit ni Matias. “Kung kasal ‘to, dapat may bachelor party! Yung may—” “Matias!” singit ni Mommy Kara, sabay taas ng kilay. “Walang kung anu-anong party. Desente ang Montero wedding!” “Tama si Mommy,” sabat ko. “Simple lang pero elegant. Ang mahalaga, makasama ko si Jasmine s
Chapter 341"Sympre naman po, Manang. Gusto ko na malusog sila pareho," ngiti kong sabi habang tinitingnan ang tray ng pagkain.Napangiti rin si Manang Lita at marahang tinapik ang braso ko. "Aba'y kung ganyan ang mga lalaking magiging asawa, tiyak wala nang mag-aalangan. Swerte ni Jasmine sayo, hijo.""Swerte rin po ako sa kanya," sagot ko sabay hinga nang malalim. "Hindi lang siya matapang, maalaga pa. Napakaresponsable kahit sa sitwasyon niya ngayon."Bago pa man ako maiyak sa harap ng kusinera, kumindat ako at tuloy-tuloy na umakyat dala ang tray.Pagbukas ko ng pinto sa kwarto, nakita ko siyang nakahiga pero nakatingin sa labas ng bintana, tila malalim ang iniisip. Nang marinig ang tunog ng pagbukas ng pinto, agad siyang tumingin sa akin at ngumiti."Aba, may room service pala rito," biro niya.Ngumiti ako at nilapag ang tray sa maliit na mesa. "Hindi lang room service, may sweet delivery pa. Kumain ka na, Jas. Para sa inyo ni baby.""Salamat, Jacob," mahinang sagot niya habang i