Chapter 146 Chris POV Habang nasa van paalis ng city para sa biglaang business emergency na tinawag ni Mr. Huang, hindi mapakali ang pakiramdam ko. Parang may mali. Hindi ko maipaliwanag, pero ramdam ng dibdib ko ang bigat. Pagtingin ko sa cellphone ko— 10 missed calls. Lahat galing kay Kara. Agad kong pinindot ang huling tawag, pero hindi na ito umaandar. Switched off na ang phone niya? “Damn it.” Napatulig ako nang may pumasok na notipikasyon sa Messenger. Unknown sender. 3 video files. Kinabahan ako. Agad ko itong binuksan kahit na mahina ang signal. Unti-unting nag-load ang unang video. At doon, gumuho ang mundo ko. Si Kara. Nakagapos sa upuan. May piring ang mata. At may panyong nakatali sa bibig niya, pigil ang sigaw. Halatang pinipilit niyang kumalma kahit nanginginig ang buong katawan niya. “Putang—” napamura ako, agad na napahawak sa manibela ng sasakyan kahit hindi ako ang nagda-drive. “Paki-preno! Stop the van! NOW!” Huminto kami sa gilid ng kalsada. Pinano
Chapter 147 "Anong ibig mong sabihin?" tanong niya, mas matalim na ang tono. "Hindi ko maintindihan, Chris. Anong nangyari sa anak ko? Huwag mo akong gawing tanga—" "Papa, naiintindihan ko. Wala akong ibang gustong mangyari kundi matulungan siyang makabalik, pero—" Inilapit ko ang kamay ko sa aking mata, pilit pinipigilan ang mga luhang gusto nang kumawala. "Si Kara... kinidnap siya." Tumahimik sa kabilang linya. Ang bigat ng katahimikan na iyon. Alam kong iniisip ni Papa Robert ang mga posibilidad—ang mga panganib na maaari niyang hindi kayang tanggapin. "At ikaw... anong plano mo, Chris?" tanong niya, ang boses ay nagiging mas seryoso, parang banta. "Huwag mong gawing madali lang ito. Hindi kita hahayaan na wala kany gawin sa anak ko." Naramdaman ko ang init na dumarating sa aking katawan. "Hindi ko siya papabayaan, Papa. Hindi ko siya pababayaan. Gagawin ko ang lahat para mahanap siya. Ang kahit ano, makuha ko siya." "Mas makabubuti kung ikaw mismo ang makahanap kay Kara... P
Chapter 148Ang bawat salita na lumabas mula sa phone ay parang isang malupit na suntok na dumiretso sa aking dibdib. "Patayin mo ang iyong grandpa."Walang kasing bigat ang naramdaman ko. Para bang ang oras ay huminto, ang mga tunog sa paligid ko ay nawalan ng saysay. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso, ang galit at takot na nagsalubong, nag-aalab sa bawat ugat ko.Hindi ko alam kung totoo ba ito o isang malupit na laro na kanilang nilalaro sa aking isipan. Ngunit ang mga salitang iyon... ang utos na iyon... ay hindi isang biro.Mabilis akong lumingon sa paligid. Tinutok ko ang mga mata ko sa dagat, ngunit hindi ko makita ang kalinawan na gusto kong maramdaman. Lahat ng mga tanong ay nag-iba ng anyo. Ang utak ko ay nagsimula nang magkumplikado. Puwede ba itong mangyari? Puwede ba nilang gawin ito sa akin?Hindi ko na kayang magpaligoy-ligoy pa. Hindi ako pwedeng maging mahina. Kung may nagmamanipula sa akin, hindi ko sila hahayaan magtagumpay.Sumagot ako, ang boses
Chapter 149 Hindi pa man tuluyang lumalamig ang hangin sa paligid ko, biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Mabilis ko itong hinugot mula sa bulsa. Mula kay Troy. TROY: "Chris. May impormasyon na ako. Si Kara… nasa abandonadong dock sa kabilang isla. May bantay. Pero mukhang may trap. Ingat. May narinig akong usapan tungkol sa bomba." Nanginig ang kamay ko sa pagbasa. Hindi na ako naghintay pa. Mabilis akong sumakay sa motorboat na handa na para sa emergency. Sa bawat hampas ng alon, mas lumalalim ang takot ko. Pero hindi ako papayag na huli na ang lahat. Pagdating ko sa lugar, madilim, tahimik, at nakakatindig balahibo. Nanginginig ang kamay ko habang dahan-dahang humakbang, hawak ang baril sa likod. Napansin ko agad ang liwanag ng isang lumang bodega—ang pintuan bahagyang bukas. Pagpasok ko… Doon ko siya nakita. Si Kara. Nakaupo. Nakagapos. Ang kanyang bibig may panyo, ang mga mata niya puno ng takot habang pilit na sumusulyap sa akin. “Kara…” pabulong kong sambit,
Chapter 150Dugo ang gusto ko.Paghihirap ang ipapatikim ko.At sa bawat hiningang kukunin ko sa kanila— pangalan mo ang isisigaw nila, Kara.Tahimik ang gabi. Walang ingay maliban sa hampas ng alon sa dalampasigan at ang mabigat kong paghinga.Nakaharap ako ngayon sa isang maliit na urn na pilit kong kinakapitan — ang natitirang abo ni Kara.Ang init ng metal ay tila hindi galing sa apoy kundi sa galit na bumabalot sa buong sistema ko.Kinuha nila siya.Hindi lang basta kinuha. Winasak nila siya.Hanggang sa wala na akong naisalba kundi ang abo niyang pilit kong pinagsama-sama matapos ang pagsabog.Dahan-dahan kong hinawakan ang urn."Uuwi na tayo, Kara," bulong ko, halos walang tunog.Isang pangakong dumudugo sa bawat salita.Uuwi tayo. Pero hindi para ipahinga ka. Hindi para bigyan ka ng katahimikan.Uuwi tayo para sa digmaang ako mismo ang magbubukas.Ipinatong ko ang urn sa likurang bahagi ng sasakyan. Binuksan ko ang compartment sa ilalim ng upuan kung saan nakatago ang matagal
Chapter 151Tumayo ako, nilapitan siya. Hinawakan ko ang kanyang panga at pinilit siyang tumingin sa akin.“Dapat ba akong maawa ngayon? Dahil umiiyak ka? Dahil nagsusumamo ka?”“Chris… patawad… please…” bulong niya, halos hindi ko na marinig.“Patawad?” Binitiwan ko siya at tumalikod. Kinuha ko ang itim na gloves sa bulsa ko.“Hindi mo alam ang ibig sabihin ng salitang iyon. Pero ipapakita ko sa’yo—kung paanong humingi ng awa ang tunay na makasalanan.”Narinig ko ang pagsigaw niya.“Chris, huwag! May anak ako!”Tumigil ako. Dahan-dahan akong lumingon, malamig ang tingin ko.“Dapat inisip mo 'yan bago mo hinatak ang pisi ng bomba sa katawan ng INA ng mga ANAK KO.”At ngayon…Wala nang makapipigil sa akin.Si Veronica ang simula. At bawat kalaban nila…Kasunod na.Nakapikit ako habang naririnig ko ang paulit-ulit na pagmamakaawa ni Veronica. Ang bawat “please” niya ay musika sa tenga ko—isang sirang plaka na gusto ko nang basagin.“Chris… kahit anong galit mo… hindi ito ang paraan. May
Chapter 152Nakahawak si Revenant sa balikat ni Veronica habang nanginginig siyang nagsimulang magsalita. Ang mukha niya'y duguan, ang mga mata'y punong-puno ng takot—pero ngayon, wala akong pakialam. Wala akong puwang sa awa. Hindi sa babaeng ito. Hindi matapos ang nangyari kay Kara."Si Mr. Kenya ang lider, pero hindi lang siya ang may sala," bungad niya, habang kumakapit sa hininga niya."Meron pa—mga kasabwat niya sa loob ng gobyerno, mga negosyanteng naghugas-kamay, at... isang tao sa loob ng circle mo, Chris.""Sino?!" singhal ko, habang dumadagundong ang dibdib ko sa galit.Lumapit ako sa kanya, halos ilapit ang mukha ko sa kaniya. "Sabihin mo kung sino, Veronica. Bago ako mawalan ng kontrol!""Ramon... si Ramon Del Fierro ang isa sa mga utak ng lahat ng ito!" halos wala nang boses si Veronica sa kakaiyak at kakasigaw. "Matagal na silang konektado ni Mr. K—matagal na nilang gustong pabagsakin ka, Chris!"Napatigil ako. Ang pangalan ni Ramon ay parang lasong biglang sumabog sa u
Chapter 153 728G-KARA. Pinangalanan niya ang passcode ayon sa pangalan ng asawa ko. Dahan-dahan akong napahawak sa baril sa aking tagiliran. Tumalikod ako, huminga ng malalim, saka tumingin kay Revenant. "Ihanda ang sasakyan. Pabayaan mo na 'tong si Ramon dito... hanggang makalimutan niya ang sarili niyang pangalan." “Chris... wag, awa na... may pamilya ako—!” Lumingon ako, ang mga mata ko'y wala ng kahit anong emosyon. “May pamilya rin akong kinitil ninyo. Ngayon... patas na tayo.”Walang ni isang patak ng awa sa puso ko.BLAG!BLAG!BLAG!Tatlong putok. Diretso sa dibdib. Hindi ko siya tinigilan hanggang hindi na siya gumagalaw. Ang puting pader sa likod niya, ngayon ay puno na ng dugo. Tumalsik ang katawan ni Ramon sa likod ng upuan, napalugmok, walang buhay.Tahimik ang buong silid. Tanging echo ng mga putok at mabigat kong paghinga ang naririnig.Lumapit si Revenant, seryoso ang tingin.“Sigurado ka bang hindi natin kailangan 'to buhay?” tanong niya, pero alam niyang huli
Chapter 197Dahil sa galit ng aking kapatid ay hindi ko na ito napigilan. Isang malakas na suntok sa mukha ang kanyang pinakawalang dahilang upang dumugo ang labi nito. Hindi pa na kuntinto binunut ang kanyang knife nakatago sa kanyang boots na hindi ko napansin man lang kanina at itinirik sa kamay nitong nakaposas na huwad.Sabay sigaw. "Putang ina ka, nang dahil sayo muntik ko na napatay ang kapatid ko!"Mabilis kong hinawakan si Clarissa upang pigilan pa siya sa sunod niyang gagawin. Nanginginig ang kanyang katawan sa galit at luha na bumabagsak sa kanyang pisngi. Habang ang huwad na si Domenico ay napasigaw sa sakit, duguan ang kamay na nasaksak."Tama na, Clarissa! Tama na!" sigaw ko habang pilit siyang pinipigilan. "Hindi tayo tulad niya. Hindi tayo mamamatay-tao.""Pero muntik ko kayong patayin! Ginulo niya ang buhay nating lahat!" sigaw niya, nanginginig ang boses sa poot at sakit.Napaatras siya habang patuloy ang pag-iyak. Nilapitan siya ni Miguel at inalalayan, habang ang m
Chapter 196KinabukasanTahimik kaming dalawa ni Clarissa habang nasa loob ng sasakyan. Tanging ugong ng makina at huni ng mga ibong dumaraan ang maririnig sa labas. Binabagtas namin ang daan papunta sa safehouse kung saan nakakulong ang matandang puno ng kasinungalingan—ang Lolo naming nagtaksil sa pamilya.Napatingin ako kay Clarissa. Nasa mukha niya ang galit at poot. Nakakuyom ang kanyang mga kamao, at bakas sa kanyang mga mata ang damdaming pilit niyang kinukubli."Hindi ko maintindihan, Kuya," mahina niyang sambit. "Paano niya nagawa 'yon sa pamilya niya? Sa apo niya? Sa 'tin?""Hindi ko rin alam," sagot ko habang pinipilit manatiling kalmado ang boses ko. "Pero ngayong hawak na natin siya, wala nang makakaligtas sa katotohanan.""Anong balak mong gawin sa kanya?" tanong niya sa akin habang diretsong tumitig sa akin."Pilitin siyang magsabi ng totoo... lahat ng itinatago niya. Para sa hustisya. Para kay Ellie. Para sa ating lahat."Pagdating namin sa safehouse, bumaba kami at ta
Chapter 195 Napahinto si Clarisse o Clarissa, sa narinig. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan si Gian na palapit sa kanya. "Clarissa?!" ulit ni Gian, bakas sa tinig ang halong gulat at emosyon. "Ikaw nga…" Hindi na ito nakatiis at agad siyang niyakap ng mahigpit, para bang takot na muli pa itong mawala. Napasinghap si Clarissa. "G-Gian?" mahina niyang tugon habang unti-unting lumuluhang ang kanyang mga mata. "Ikaw ang… kaibigan ko noon sa Panglao…" sabik na sabi sa aking kapatid kay Gian. "Hindi lang kaibigan," sabat ni Gian habang nakangiti. "Ikaw ang matalik kong kaibigan noon… ang batang laging nagtatanggol sa akin tuwing inaapi ako sa eskwela. Naalala mo na?" Tumulo ang luha ni Clarissa, kasabay ng mahinang pag-iling. "Akala ko… kinalimutan mo na ako." "Hinding-hindi kita malilimutan," sambit ni Gian habang pinupunasan ang luha nito. "Ngayon, babawi tayo sa mga panahong nawala. At ipagtatanggol naman kita ngayon… kahit kanino." Tahimik na pinanood ng
Chapter 194Lumabas ako ng kwartong iyon nang walang lingon-lingon. Matatag ang bawat hakbang ko, ngunit sa loob-loob ko'y may bagyong humahagupit. Kailangan kong magmadali—dahil kung hindi ko siya mapipigilan, tuluyan siyang malulunod sa dilim na inihain ng aming Lolo.Ang aking step-sister.Ang babaeng ni minsan ay hindi ko pinakita, hindi ko pinakilala. Bahagi siya ng nakaraan kong pinilit kong ibaon, ngunit ngayon, siya na ang banta sa lahat ng mahal ko.Hindi siya masama noon.Ngunit mula nang yakapin niya ang mga kasinungalingan ni Lolong walang awa, naging kasangkapan siya ng kasamaan."Hindi kita hahayaang masira, at lalo nang hindi ko hahayaang manakit ka," bulong ko sa sarili habang sumakay sa sasakyan.Habang pinaandar ko ito papunta sa huling lokasyong binigay ni Troy, ramdam ko na... ito na ang simula ng dulo. Isang engkwentro na hindi lang pisikal—pati damdamin, alaala, at katotohanan ay babanggain.Sa bawat ikot ng gulong ng sasakyan, mas lalo akong nadadarang sa galit
Chapter 193Lumipas ang ilang oras—oras ng katahimikan, ngunit hindi kapayapaan. Pinagmasdan ko ang mukha ni Kara habang natutulog sa kama, mahigpit ang hawak ni Ellie sa kamay ng kanyang ina. Hinaplos ko ang buhok ng anak kong babae, saka yumuko upang halikan ang noo ni Kara.“Magpapahinga lang ako sandali, mahal. Gian,” tawag ko sa kasama kong nakabantay. “Ikaw na muna bahala dito. Ako na ang bahala kay Lolo.”Tumango si Gian. “Walang problema, Chris. Ligtas sila sa akin.”Tumalikod ako at tuluyang lumabas ng kwarto, muling nabalot ng galit ang dibdib ko. Ngayong alam ko na ang totoo—na si Senyor Carlo, ang taong itinuring kong gabay at ama-amahan, ay siya palang ugat ng gulo, hindi ko na kayang palampasin pa.Tumigil ako sa harap ng interrogation room. Dalawang bantay ang nakatayo roon, at sa loob, naroon ang matandang puno ng karanasan at lihim—ang sarili kong Lolo.Hinawakan ko ang door handle, huminga nang malalim, at marahan itong binuksan."Panahon na para sa mga sagot, Lolo,"
Chapter 192 Nang makarating kami sa pinakadulong pinto ng kuta, nagsimula nang mag-ingay ang ilang tao sa loob. May mga nagsasalita, ngunit wala akong pakialam sa kanila. Ang tanging nasa isip ko ay ang kaligtasan ni Kara at Ellie. Bago ko pa magawa ang lahat ng plano, tumunog ang phone ko. Si Gian. "Chris, nahanap namin sila. Nasa silid sa itaas. Kailangan nating magmadali," sabi ni Gian, ang boses niya ay puno ng urgency. "Got it. I’ll be there," sagot ko. Walang pasabi, tumakbo kami papunta sa itaas. Alam ko, kailangan ko na silang makuha at wala nang oras para maghintay. Pagpasok sa silid, nakita ko si Kara, naka-kadena at nakagapos. Nasa tabi niya si Ellie, ang mga mata ni Ellie ay puno ng takot, ngunit nang makita ako, bigla siyang ngumiti. "Daddy!" sabi niya, mahina at may takot sa boses. Naglakad ako sa direksyon ni Lolo Carlo. "Ikaw na lang, Lolo. Bakit? Magsalita ka?" sabi ko, ang mata ko’y puno ng galit at determinasyon. "Oo apo," sagot ni Lolo Carlo, may ngiti sa l
Chapter 191 Ang sakit na dulot ng bawat salitang binitiwan niya ay tila isang matalim na kutsilyo na tumusok sa puso ko. Hindi ko matanggap na ang lahat ng ito ay isang malupit na laro para kay Senyor Carlo—ang lolo ko. "Kung hindi mo sasabihin kung saan siya, babalikan kita. At hindi na ako magiging magaan," ang sinabi ko kay Lucas, na puno ng galit at pasakit. Bago pa niya makuha ang pagkakataon na magsalita, naglakad na ako palayo sa kanya. Kailangan ko ng oras. Kailangan ko ng tamang plano. At higit sa lahat, kailangan ko na hanapin si Kara bago pa mahulog ang lahat sa mga kamay ng aking pamilya.Ang galit ko ay hindi matitinag. Nagmamadali akong lumabas ng silid, at ang mga hakbang ko ay mas mabilis kaysa sa karaniwan. Ang bawat segundo ay may bigat—hindi ko kayang mag-aksaya ng oras. Gusto ko na makuha si Kara at matigil na ang lahat ng ito bago pa mahulog sa mga kamay ng aking pamilya.Nagmadali akong dumaan sa mga kasamahan ko sa kuta. "Kailangan kong malaman kung nasaan si
Chapter 190 “Gusto kong malaman kung sino ang mga nangungunang tao sa likod ng operasyon niyo,” sabi ko, ang boses ko’y parang buo ng yelo. “At hindi ako maghihintay ng matagal para makita kung gaano katagal ka pa magsasalita.” Naglakad ako palapit sa kanya at itinapat ang baril sa kanyang kaliwang braso. Sabay sigaw ng pwersa at tapat ang tanong: “Sabihin mo na!” Ngumisi siya, “Hindi ko sila kayang ipagkanulo, Chris.” Gamit ang lahat ng galit at sakit, ginamit ko ang pinakapangit na pamamaraan na alam ko. Mabilis kong pinutol ang mga daliri ni Lucas gamit ang matalim na kutsilyo. “Alam ko na matigas ang ulo mo, pero hanggang kailan mo kayang tiisin ang sakit?” tanong ko, ang galit ay bumabalot sa bawat salitang binibigkas ko. Sumabog ang katahimikan sa pagitan namin. Ilang segundo ng pagka-gulat bago siya sumigaw, tila napuno ng pasakit. Pero matigas pa rin siya. Sa kabila ng lahat ng pain, hindi siya nagsalita. “Sa huli, ikaw din ang magpapasa ng hatol sa sarili mo,” sabi ni
Chapter 189 "Gian, kailangan bumalik ka sa Panglao para maprotektahan mo sila," malamig kong utos habang pinupunasan ang bahid ng dugo sa aking kamay. "Ako ang hahanap kay Lucas." Napatingin sa akin si Gian, puno ng pag-aalala ang mga mata niya. "Sigurado ka ba, Chris? Mag-isa ka lang—" "Mas magiging ligtas sila kung hindi ako kasama. Alam kong ako ang puntirya. Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan kong makakabantay sa kanila nang buong puso." Tumango si Gian, bagama't halata ang bigat sa desisyong iyon. "Sige, pero mangako kang babalik ka nang buhay." "Kapag nahanap ko si Lucas... matatapos na ang lahat." "Isa pa," madiin kong sabi habang tumayo ako sa harap ni Gian, "andito sila Revenant, Miguel, Richard, at Troy upang samahan ako." Napatingin si Gian sa paligid. Isa-isang tumango ang mga nabanggit ko—matatapang, determinadong mga kaibigan, kapwa mandirigma ng hustisya. Muli kong nilingon si Gian. "Hindi ako mag-iisa. Hindi kami matatalo. Pero ikaw—ikaw ang susi sa kaligtasan nil