แชร์

Chapter 185

ผู้เขียน: SKYGOODNOVEL
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-05-02 22:30:46

Chapter 185

CHRIS POV

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at lumapit sa mesa kung saan nakalatag ang ilang surveillance photos at intel folders.

"Gian, kailangang simulan na natin agad ang Phase One. Hindi pwedeng patagalin pa. Sa bawat araw na lumilipas, mas lumalapit ang panganib kay Kara at sa mga bata."

Tumango si Gian. "Naka-ready na ang core team. Si Revenant ang magli-lead ng reconnaissance para sa unang target."

"Good," sagot ko habang binubuklat ang folder ni Armand—ang isa sa pinakamalapit kay Falcon noon.

Huminga ako nang malalim. "Kailangan matapos 'to bago manganak si Kara. Hindi ako makakapayag na sa araw ng pagsilang ng triplets namin ay may takot pa rin sa paligid nila."

Tahimik si Gian sa ilang saglit, bago siya nagtanong ng mahinahon, "Chris… sa totoo lang, kaya mo pa ba?"

Napatingin ako sa kanya—diretso sa mata. "Hindi ako pwedeng mapagod, Gian. Dahil ang pamilya ko ang kapalit nito. At handa akong isugal ang lahat, kahit sarili ko… para sa kanila."

Tumango siya, matig
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 306

    Chapter 306Jasmine POV Naririnig ko ang bawat tunog.Ang mahinang ugong ng aircon, ang mahinang tunog ng monitor na nakadikit sa katawan ko—at higit sa lahat, ang bawat pagbuntong-hininga niya.Si Jacob.Naririto siya.At alam kong nakaupo siya sa tabi ko ngayon.Tahimik siyang nagsalita, ngunit bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig ay ramdam ko hanggang sa kaluluwa."Bumalik ka na, Jasmine... I’ll wait. Kahit gaano katagal."Ang boses niya—hindi ito ‘yung lalaking seryoso lang sa trabaho. Hindi ito ang lalaking malamig ang titig sa opisina. Ito ‘yung Jacob na natutunan kong kilalanin sa kabila ng lahat ng lihim ko.Gusto ko sanang ngumiti. Gusto ko sanang ipikit at imulat ang aking mga mata at sabihin sa kanya na… andito lang ako. Buhay. Pero hindi pa puwede.Kailangan kong tapusin ang misyon.Kailangan kong maprotektahan siya.At ang anak namin.Napalunok ako ng bahagya nang maramdaman kong pinisil niya ang kamay ko. Mainit. Seryoso. Totoo."Kung alam mo lang… kung gaano ako n

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 305

    Chapter 305Biglang sumeryoso ang mukha ni Cherie, sabay upo sa gilid ng kama ni Jasmine. Nagtagpo ang mga mata nila—at doon nagsimula ang isang nakakakilig at kabadong tanong."Jas… tell me honestly ha," sabay lapit ni Cherie na para bang may itatanong na top secret."Malaki ba? Mahaba? Or matigas?""CHERIE!!!" bulalas ni Jasmine habang namula ang buong mukha niya. Muntik pa niyang maibato ang unan sa mukha ng kaibigan."Ano ka ba!" tuloy ni Jasmine, pilit itinatago ang kilig habang tinatakpan ang mukha niya."Bakit mo tinatanong yan?!""Curious lang! Hello?! Baka mamaya masabihan lang kita ng 'lucky girl' kung sakali."Tumawa pa si Cherie ng pilya habang sinisiko si Jasmine.Hindi na kinaya ni Jasmine at napabuntong-hininga siya, sabay bulong:"Fine. Sige na nga. Sa lahat ng na-research natin sa field—walang-wala yun kumpara sa kanya."Cherie: "OH. MY. GOD. Confirmed! Hulaan ko—matigas like bato, mahaba like sword, at malaki like... powerbank?!""Mas malaki pa sa powerbank, friend!"

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 304

    Chapter 304 SAMANTALA. Pagkarinig pa lang ni Cherie sa balita na nabundol si Jasmine, ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Agad siyang umalis mula sa safehouse at halos liparin ang kalsada pa-hospital. Hindi niya inalintana ang takot na baka kilalanin siya, dahil ang mahalaga sa kanya ngayon—ang kaibigan niyang parang kapatid—ay nasa bingit ng kamatayan. “Jasmine… anong ginawa mo?” bulong niya habang tinutulak ang pinto ng hospital entrance. Diretso siya sa information desk. “Jasmine Lim. Saan ang room niya?” “Private Wing 3rd floor, Room 310, ma’am.” Hindi na siya nagpasalamat. Tumakbo siya paakyat, halos hindi na humihinga. Nadatnan niya ang isang lalaki—matangkad, maitim ang suot, may malalim na titig—na nakaupo sa tabi ng kama ni Jasmine, hawak ang kamay nito na parang ayaw bitawan. Agad niyang naisip, “Ito ba si Jacob Montero?” Paglapit niya, napalingon si Jacob. "Excuse me, sino ka?" malamig ang boses nito, pero may pagtataka. Cherie tumitig pabalik. Di siya n

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 303

    Chapter 303Third Person POV"Jas, listen. Nasa panganib si Jacob," mariing wika ni Cherie sa kabilang linya. "Sabi ng source natin, may bagong kalaban sa negosyo. Target nila si Jacob para makuha ang kontrol sa Montero Company."Napatigil si Jasmine sa kanyang paglalakad sa tapat ng Montero Building. Hawak pa rin niya ang cellphone, pero ang atensyon niya ay napako na sa lalaking paparating sa entrance—Jacob Montero.Eleganteng naglalakad ito, pormal at walang kamalay-malay sa panganib na nagmamasid sa paligid.Hanggang sa narinig ni Jasmine ang tunog ng papalapit na sasakyan—isang itim na van—na tila walang balak huminto.Agad niyang na-realize ang plano. Isang assassination attempt sa mismong umaga.Wala nang oras.Wala siyang inaksayang segundo."Jacob!" sigaw niya, sabay takbo.Sa bilis ng kanyang galaw, walang kahit sino ang nakaawat. At bago pa man makarating ang van kay Jacob, tinulak niya ito ng buong lakas—isang galaw na sumalba sa buhay ng lalaki.Ngunit siya…Si Jasmine an

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 302

    Chapter 302ARAW ng Lunes, isang normal na araw lang sana. Suot ko pa ang paborito kong charcoal gray suit habang papasok sa opisina, hawak ang tasa ng kape’t hawak ang kumpiyansa. Pero sa isang iglap, bumaliktad ang mundo ko.VRROOOMMMM!!!Isang itim na van ang humarurot mula sa kabilang kanto—diretsong patungo sa direksiyon ko. Sa una, inakala kong isa lamang itong naligaw ng brake. Pero mali ako.Mabilis ang mga pangyayari.May tumulak sa akin.Bumagsak ako sa gilid ng driveway, nadaganan ang tasa ng kape sa gilid ng aking kamay, pero buo pa ako.Pagharap ko—hindi ko agad maiproseso.Duguan. Walang malay. Nakahandusay sa malamig na semento.Si Jasmine.“J-Jasmine!”Puno ng gulat, takot, at hindi maipaliwanag na kaba ang sigaw ko habang mabilis kong nilapitan ang duguan niyang katawan na nakahandusay sa malamig na semento. Basag ang balat sa kanyang sentido, may sugat sa kanyang braso, at halos wala nang malay.“Tumawag na ba ng ambulansya?!” sigaw ko sa mga tao sa paligid. Ang ilan

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 301

    Chapter 301 Pagdating ng reunion na sinabi ni Mommy, naging abala ang buong pamilya. Halos araw-araw may kailangan ayusin—mula sa decorations, guest list, food tasting, at mga damit na susuotin sa mismong araw. Parang isang royal event ang kinalabasan, hindi simpleng family gathering. Pati ako, naging busy. Kahit ayaw ko man, naging magaan sa pakiramdam ang pansamantalang pagkalimot sa isang bagay—o sa isang tao. Si Jasmine. Hindi ko siya naiisip gaya ng dati. Wala ang mga pagkakataong napapatingin ako sa pinto ng opisina ko, hinihintay kung kailan siya muling darating. Wala ring random texts o tawag mula sa kaniya. Tahimik. At sa katahimikang 'yon, saka ko naisip... Bakit parang mas mahirap ang hindi siya iniisip? Habang iniikot ko ang mga bisita sa hardin ng mansion, pansin kong lahat ay masaya. Si Mom at Dad, naka-ngiti habang kausap ang mga ninong at ninang namin. Si Ellie at ang triplets, busy sa photo booth. Si Maricar, abalang-abala sa music arrangement. Lahat masaya. L

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status