Chapter 1 Kara POV Nakatitig ako sa papel na hawak ko—isa na namang rejection letter mula sa kumpanyang inaplayan ko kanina lang. Ilang beses na ba akong nabigo? Hindi ko na mabilang. Sa bawat pagtanggi, parang unti-unting bumibigat ang mundo sa balikat ko. “Pasensya na po, Miss Curtiz, pero hindi kayo pasado sa qualifications namin.” Isa na namang pamilyar na linya. Sa totoo lang, alam ko namang hindi lang ito tungkol sa qualifications. Ang apelyido kong minsang kinakatakutan dahil sa yaman at impluwensya, ngayon ay parang sumpa na nagtataboy sa akin sa bawat pintong aking kakatukin. Huminga ako nang malalim at tiningnan ang paligid. Ang daming taong nagmamadali—mga empleyadong may patutunguhan, may layunin. Samantalang ako, para akong napag-iwanan ng mundo. Napatingin ako sa cellphone ko. 5 missed calls from Mom. Alam kong tatawag siya upang tanungin kung may trabaho na ako. Kung may pag-asa bang mababayaran na namin ang utang ng ospital ni Papa. Kung may pambili na ba
Chapter 2Mabilis akong tumayo mula sa kinauupuan ko, kinuha ang bag ko, at halos patakbong lumabas ng coffee shop. Sa pagmamadali ko, muntik na akong mabangga ng isang lalaking papasok pa lang.“Miss, ayos ka lang?” tanong niya, pero hindi ko na nagawang sumagot.Wala akong ibang iniisip kundi ang makarating agad sa ospital.Habang nasa loob ng lumang jeep na sinakyan ko, hindi ko mapigilan ang panlalamig ng kamay ko. Isa na namang atake? Hindi pa nga namin nababayaran ang unang hospital bill, tapos heto na naman…Napasandal ako at napatingin sa labas ng bintana. Ang bigat-bigat sa dibdib.Maya-maya lang, nakarating na ako sa ospital. Dali-dali akong bumaba at halos magkandarapa sa pagtakbo papasok. Sa nurse station, hingal na hingal akong nagtanong.“Nasaan si Mr. Smith Curtiz?!”Agad akong tinuro ng nurse sa isang private room. Pagpasok ko, bumungad sa akin si Mama na nakaupo sa tabi ng kama ni Papa. Halata sa mukha niya ang pagod at lungkot.“Ma…” halos paos kong tawag.Napatingin
Chapter 3Napahinto ako sa may entrance ng hotel, tila may aninong humahatak sa akin palayo. Ang daming tanong sa isip ko—Tama ba 'tong ginagawa ko? Sino ba talaga lalaki na ito?Napalunok ako. Paano kung isa siyang matabang matanda? O isang panot na may tiyan na parang lobo? O baka naman isang payat na may malalaking mata?Naguguluhan pa rin ako nang biglang lumapit sa akin ang isang babae—maganda, pino ang kilos, at mukhang sanay sa ganitong klase ng lugar.“Miss Kara Smith Curtiz?” magalang niyang tanong.Agad akong napatingin sa kanya. “A-Ako po.”Bahagya siyang ngumiti. “Kanina pa po kayong hinihintay ni Mr. Montero sa itaas. Pakisunod po ako.”Nagpantig ang tenga ko sa narinig. Kanina pa? Ibig sabihin, seryoso talaga siya sa pagkikita namin.Wala akong nagawa kundi sumunod sa babae. Sinamahan niya ako sa elevator at pinindot ang button para sa VIP floor. Lalong lumakas ang kaba ko. Anong klaseng tao ba ang naghihintay sa akin sa itaas?Habang tumataas ang elevator, pakiramdam ko
Chapter 4 "Sandali, pwede bang walang makakaalam muna?" Agad akong nagsalita bago pa niya maisara ang envelope ng kontrata. "Gusto kong ako muna ang magsabi kay Mama. Ayokong mabigla siya. Maaari ba?" Tahimik siyang tumitig sa akin, tila iniisip kung pagbibigyan ba niya ako o hindi. Halos pigil ang hininga ko habang hinihintay ang sagot niya. Maya-maya, bahagyang tumango siya. "Fine. Pero hanggang kailan?" "Bigyan mo ako ng isang linggo. Kailangan ko lang siyang ihanda." Napangisi siya nang bahagya. "One week, huh? Mukhang may dahilan kung bakit gusto mo pang itago ito." Napakuyom ako ng kamao. "Hindi ko ito itinatago. Ayoko lang na mag-alala si Mama nang biglaan." Hindi siya sumagot agad. Sa halip, uminom siya ng alak mula sa baso sa harap niya bago muling nagsalita. "Fine. One week. Pero pagkatapos niyan, gusto ko nang matapos ang lahat ng pag-aayos. Lilipat ka na sa bahay ko." Para akong sinampal ng katotohanan. Totoo na talaga ‘to. "Salamat." Mahina kong sabi. T
Chapter 5Christopher POV"Tol, sigurado kana ba?" sabi sa akin ni Daniel isa sa mga kaibigan ko. Pagkatapos naming mag-usap sa office ni Kara ay agad akong pumunta sa bar para uminum."Oo, pamamagitan sa kanilang anak ay makaganti ako sa kanilang pag ginawa sa aking magulang.""Pero, you need investigate more. Baka hindi sila ang dahilan pagka-aksidinte nila ni Tita," bigkas ni Troy.Sinilip ko ang basong nasa harapan ko, ang whiskey na kanina ko pa iniinom ay hindi man lang nabawasan. Hindi ko alam kung dahil ba sa bigat ng alaala o dahil sa salitang binitiwan ni Troy."Sigurado na ako," mariin kong sagot. "Kara Smith Curtiz ang magiging daan para makuha ko ang hustisya."Napalunok si Daniel bago nagsalita. "Pero, tol... kung hindi sila ang tunay na dahilan? Paano kung wala siyang kinalaman?"Natawa ako nang mapakla. "Then, malas niya. Isa siyang Curtiz. Iyon lang ang mahalaga."Tahimik na nagpalitan ng tingin sina Daniel at Troy. Alam kong pareho silang may pag-aalinlangan, pero wa
Chapter 6KinabukasanAgad kong pinahanda sa mga katulong ang silid para sa magiging asawa ko. Walang espesyal na dekorasyon, walang kahit anong palamuti na magbibigay ng ideya na ito ay isang kwarto ng isang bagong kasal. Isang simpleng silid, malamig, walang emosyon—tulad ng kasunduang ito.Tumayo ako sa harap ng malaking bintana ng aking silid, hawak ang tasa ng itim na kape. Sa labas, ang tahimik na paligid ng aking estate ay tila sumasalamin sa lungkot at hinanakit na matagal ko nang kinikimkim.Isang malakas na katok ang pumukaw sa aking atensyon."Pumasok," malamig kong utos.Bumukas ang pinto, at pumasok si Troy. Kita sa kanyang ekspresyon ang pag-aalinlangan."Dumating na siya," aniya.Hindi ako agad sumagot. Tinungga ko ang natitirang kape bago ibinaba ang tasa sa mesa."Nasaan siya?" tanong ko, hindi ipinapahalata ang kung anong nararamdaman ko."Nasa sala. Tahimik lang siya. Hindi ko alam kung kinakabahan o takot," sagot niya. "Sigurado ka na ba talaga rito, tol?"Napangis
Chapter 7Napapikit ako, pilit pinapanatili ang kontrol sa sarili. Hindi ko kailangang ipaliwanag ang sarili ko sa kanya. Hindi ko kailangang sabihin ang tunay kong dahilan."Hindi kita kailangang bigyan ng sagot, Andrea," sagot ko nang matigas. "Tapos na tayo. At ang buhay ko ngayon, wala ka nang kinalaman."Tahimik. Ilang segundo bago siya muling nagsalita, mas mahina na ang boses niya pero may bahid ng hinanakit."Hindi ako naniniwala diyan, Christopher. Kilala kita. At kung iniisip mong matatapos mo ang plano mo nang hindi kita naiipit sa gulo mo… nagkakamali ka."Bago pa ako makasagot, ibinaba na niya ang tawag.Napatingin ako sa telepono, ramdam ang paninigas ng panga ko.Andrea…Hindi ko siya dapat alalahanin. Ang dapat kong pagtuunan ng pansin ay ang kasal bukas.Pero bakit may masamang kutob akong may paparating na bagyo—at hindi ko alam kung paano ko ito haharapin?"Hindi kita hahayaan na guluhin ang plano ko, Andrea!" galit kong bulong sa sarili ko habang mahigpit na nakaku
Chapter 8 Kara POV Pagtapak ko pa lang sa loob ng kanyang mansion, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Para akong pinapasok sa isang lugar na hindi ko dapat kinaroroonan. Ngunit pinatatagan ko ang sarili ko—ito ang pinili kong desisyon. Nang ihatid ako ng katulong sa magiging silid ko, agad akong napangiwi nang makita ko ang loob. Walang kahit anong dekorasyon, walang ni isang palamuti o kahit anong bagay na maaaring magbigay ng kaunting aliwalas sa kwarto. Tanging isang lumang single bed lang ang naroon at isang maliit na aparador. Ni aircon ay wala, tanging isang maliit na bentilador lang ang nakapatong sa lamesa sa tabi ng kama. Ganito ba ang tingin niya sa akin? Alam kong hindi ito bahay ko, alam kong isa lang akong Contract Wife, pero hindi ko inasahan na ganito niya ako tatanggapin—parang isang tauhan lang sa bahay na inilagay sa isang lumang kwarto. Napabuntong-hininga ako. Hindi ka pwedeng magreklamo, Kara. Alam ko namang wala akong karapatang umangal. May papel
Chapter 196KinabukasanTahimik kaming dalawa ni Clarissa habang nasa loob ng sasakyan. Tanging ugong ng makina at huni ng mga ibong dumaraan ang maririnig sa labas. Binabagtas namin ang daan papunta sa safehouse kung saan nakakulong ang matandang puno ng kasinungalingan—ang Lolo naming nagtaksil sa pamilya.Napatingin ako kay Clarissa. Nasa mukha niya ang galit at poot. Nakakuyom ang kanyang mga kamao, at bakas sa kanyang mga mata ang damdaming pilit niyang kinukubli."Hindi ko maintindihan, Kuya," mahina niyang sambit. "Paano niya nagawa 'yon sa pamilya niya? Sa apo niya? Sa 'tin?""Hindi ko rin alam," sagot ko habang pinipilit manatiling kalmado ang boses ko. "Pero ngayong hawak na natin siya, wala nang makakaligtas sa katotohanan.""Anong balak mong gawin sa kanya?" tanong niya sa akin habang diretsong tumitig sa akin."Pilitin siyang magsabi ng totoo... lahat ng itinatago niya. Para sa hustisya. Para kay Ellie. Para sa ating lahat."Pagdating namin sa safehouse, bumaba kami at ta
Chapter 195Napahinto si Clarisse o Clarissa, sa narinig. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan si Gian na palapit sa kanya."Clarissa?!" ulit ni Gian, bakas sa tinig ang halong gulat at emosyon. "Ikaw nga…" Hindi na ito nakatiis at agad siyang niyakap ng mahigpit, para bang takot na muli pa itong mawala.Napasinghap si Clarissa. "G-Gian?" mahina niyang tugon habang unti-unting lumuluhang ang kanyang mga mata. "Ikaw ang… kaibigan ko noon sa Panglao…""Hindi lang kaibigan," sabat ni Gian habang nakangiti. "Ikaw ang matalik kong kaibigan noon… ang batang laging nagtatanggol sa akin tuwing inaapi ako sa eskwela. Naalala mo na?"Tumulo ang luha ni Clarissa, kasabay ng mahinang pag-iling. "Akala ko… kinalimutan mo na ako.""Hinding-hindi kita malilimutan," sambit ni Gian habang pinupunasan ang luha nito. "Ngayon, babawi tayo sa mga panahong nawala. At ipagtatanggol naman kita ngayon… kahit kanino."Tahimik na pinanood ng lahat ang muling pagkikita ng dalawang matagal nang nag
Chapter 194Lumabas ako ng kwartong iyon nang walang lingon-lingon. Matatag ang bawat hakbang ko, ngunit sa loob-loob ko'y may bagyong humahagupit. Kailangan kong magmadali—dahil kung hindi ko siya mapipigilan, tuluyan siyang malulunod sa dilim na inihain ng aming Lolo.Ang aking step-sister.Ang babaeng ni minsan ay hindi ko pinakita, hindi ko pinakilala. Bahagi siya ng nakaraan kong pinilit kong ibaon, ngunit ngayon, siya na ang banta sa lahat ng mahal ko.Hindi siya masama noon.Ngunit mula nang yakapin niya ang mga kasinungalingan ni Lolong walang awa, naging kasangkapan siya ng kasamaan."Hindi kita hahayaang masira, at lalo nang hindi ko hahayaang manakit ka," bulong ko sa sarili habang sumakay sa sasakyan.Habang pinaandar ko ito papunta sa huling lokasyong binigay ni Troy, ramdam ko na... ito na ang simula ng dulo. Isang engkwentro na hindi lang pisikal—pati damdamin, alaala, at katotohanan ay babanggain.Sa bawat ikot ng gulong ng sasakyan, mas lalo akong nadadarang sa galit
Chapter 193Lumipas ang ilang oras—oras ng katahimikan, ngunit hindi kapayapaan. Pinagmasdan ko ang mukha ni Kara habang natutulog sa kama, mahigpit ang hawak ni Ellie sa kamay ng kanyang ina. Hinaplos ko ang buhok ng anak kong babae, saka yumuko upang halikan ang noo ni Kara.“Magpapahinga lang ako sandali, mahal. Gian,” tawag ko sa kasama kong nakabantay. “Ikaw na muna bahala dito. Ako na ang bahala kay Lolo.”Tumango si Gian. “Walang problema, Chris. Ligtas sila sa akin.”Tumalikod ako at tuluyang lumabas ng kwarto, muling nabalot ng galit ang dibdib ko. Ngayong alam ko na ang totoo—na si Senyor Carlo, ang taong itinuring kong gabay at ama-amahan, ay siya palang ugat ng gulo, hindi ko na kayang palampasin pa.Tumigil ako sa harap ng interrogation room. Dalawang bantay ang nakatayo roon, at sa loob, naroon ang matandang puno ng karanasan at lihim—ang sarili kong Lolo.Hinawakan ko ang door handle, huminga nang malalim, at marahan itong binuksan."Panahon na para sa mga sagot, Lolo,"
Chapter 192 Nang makarating kami sa pinakadulong pinto ng kuta, nagsimula nang mag-ingay ang ilang tao sa loob. May mga nagsasalita, ngunit wala akong pakialam sa kanila. Ang tanging nasa isip ko ay ang kaligtasan ni Kara at Ellie. Bago ko pa magawa ang lahat ng plano, tumunog ang phone ko. Si Gian. "Chris, nahanap namin sila. Nasa silid sa itaas. Kailangan nating magmadali," sabi ni Gian, ang boses niya ay puno ng urgency. "Got it. I’ll be there," sagot ko. Walang pasabi, tumakbo kami papunta sa itaas. Alam ko, kailangan ko na silang makuha at wala nang oras para maghintay. Pagpasok sa silid, nakita ko si Kara, naka-kadena at nakagapos. Nasa tabi niya si Ellie, ang mga mata ni Ellie ay puno ng takot, ngunit nang makita ako, bigla siyang ngumiti. "Daddy!" sabi niya, mahina at may takot sa boses. Naglakad ako sa direksyon ni Lolo Carlo. "Ikaw na lang, Lolo. Bakit? Magsalita ka?" sabi ko, ang mata ko’y puno ng galit at determinasyon. "Oo apo," sagot ni Lolo Carlo, may ngiti sa l
Chapter 191 Ang sakit na dulot ng bawat salitang binitiwan niya ay tila isang matalim na kutsilyo na tumusok sa puso ko. Hindi ko matanggap na ang lahat ng ito ay isang malupit na laro para kay Senyor Carlo—ang lolo ko. "Kung hindi mo sasabihin kung saan siya, babalikan kita. At hindi na ako magiging magaan," ang sinabi ko kay Lucas, na puno ng galit at pasakit. Bago pa niya makuha ang pagkakataon na magsalita, naglakad na ako palayo sa kanya. Kailangan ko ng oras. Kailangan ko ng tamang plano. At higit sa lahat, kailangan ko na hanapin si Kara bago pa mahulog ang lahat sa mga kamay ng aking pamilya.Ang galit ko ay hindi matitinag. Nagmamadali akong lumabas ng silid, at ang mga hakbang ko ay mas mabilis kaysa sa karaniwan. Ang bawat segundo ay may bigat—hindi ko kayang mag-aksaya ng oras. Gusto ko na makuha si Kara at matigil na ang lahat ng ito bago pa mahulog sa mga kamay ng aking pamilya.Nagmadali akong dumaan sa mga kasamahan ko sa kuta. "Kailangan kong malaman kung nasaan si
Chapter 190 “Gusto kong malaman kung sino ang mga nangungunang tao sa likod ng operasyon niyo,” sabi ko, ang boses ko’y parang buo ng yelo. “At hindi ako maghihintay ng matagal para makita kung gaano katagal ka pa magsasalita.” Naglakad ako palapit sa kanya at itinapat ang baril sa kanyang kaliwang braso. Sabay sigaw ng pwersa at tapat ang tanong: “Sabihin mo na!” Ngumisi siya, “Hindi ko sila kayang ipagkanulo, Chris.” Gamit ang lahat ng galit at sakit, ginamit ko ang pinakapangit na pamamaraan na alam ko. Mabilis kong pinutol ang mga daliri ni Lucas gamit ang matalim na kutsilyo. “Alam ko na matigas ang ulo mo, pero hanggang kailan mo kayang tiisin ang sakit?” tanong ko, ang galit ay bumabalot sa bawat salitang binibigkas ko. Sumabog ang katahimikan sa pagitan namin. Ilang segundo ng pagka-gulat bago siya sumigaw, tila napuno ng pasakit. Pero matigas pa rin siya. Sa kabila ng lahat ng pain, hindi siya nagsalita. “Sa huli, ikaw din ang magpapasa ng hatol sa sarili mo,” sabi ni
Chapter 189 "Gian, kailangan bumalik ka sa Panglao para maprotektahan mo sila," malamig kong utos habang pinupunasan ang bahid ng dugo sa aking kamay. "Ako ang hahanap kay Lucas." Napatingin sa akin si Gian, puno ng pag-aalala ang mga mata niya. "Sigurado ka ba, Chris? Mag-isa ka lang—" "Mas magiging ligtas sila kung hindi ako kasama. Alam kong ako ang puntirya. Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan kong makakabantay sa kanila nang buong puso." Tumango si Gian, bagama't halata ang bigat sa desisyong iyon. "Sige, pero mangako kang babalik ka nang buhay." "Kapag nahanap ko si Lucas... matatapos na ang lahat." "Isa pa," madiin kong sabi habang tumayo ako sa harap ni Gian, "andito sila Revenant, Miguel, Richard, at Troy upang samahan ako." Napatingin si Gian sa paligid. Isa-isang tumango ang mga nabanggit ko—matatapang, determinadong mga kaibigan, kapwa mandirigma ng hustisya. Muli kong nilingon si Gian. "Hindi ako mag-iisa. Hindi kami matatalo. Pero ikaw—ikaw ang susi sa kaligtasan nil
Chapter 188 Pagdating namin sa kuta, hindi na ako nag-aksaya ng oras. "Dalhin siya sa interogation room. Siguraduhing may CCTV at walang makakalapit sa paligid maliban sa tauhan natin," malamig kong utos sa isa sa mga tao ko. Agad nilang hinila si Don Armando pababa ng van, nakaposas, may itim na supot sa ulo, at bahagyang naglalakad dahil sa pagkakabugbog sa engkwentro kanina. Sumunod ako sa kanila. Mula sa hallway hanggang sa silid, bawat hakbang ay may baon akong tanong—mga katanungang matagal ko nang gustong masagot. Ang dahilan kung bakit muntik nang mawala sa akin ang asawa ko, ang mga anak ko, at ang tahimik naming buhay. Pagkapasok namin sa interogation room ay agad nilang ipinatong sa bakal na upuan si Armando at itinali ang mga kamay at paa nito. Tinanggal ng isa kong tauhan ang supot sa ulo nito. "Bumati ka naman, Don Armando," sarkastikong wika ko habang lumalapit ako, "matagal ko nang hinihintay ang araw na ‘to." Lumapit ako kay Don Armando, hawak ang lumang litrat