Chapter 35 Pagkatapos naming mag-usap ni Papa ay agad akong nagpaalam sa kanya. Pagkalabas ko ng kwarto ni Papa, agad kong nakita si Christopher na kausap si Mama. Bakas sa mukha ni Mama ang seryoso at mabigat na ekspresyon, ngunit nang makita niya ako, napalitan ito ng pag-aalala. "Anak," mahina ngunit puno ng emosyon niyang tawag sa akin. Mabilis akong lumapit, ramdam ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Si Christopher naman ay nakatitig lang sa akin, tila may nais sabihin pero nag-aalangan. "Ano'ng pinag-uusapan niyo?" tanong ko, sinusubukang panatilihin ang normal na tono ng boses ko kahit na may kaba akong nararamdaman. Nagpalitan ng tingin sina Mama at Christopher bago ako sinagot ni Mama. "Kara, gusto ko lang linawin ang ilang bagay kay Christopher tungkol sa nangyari noon..." Kumunot ang noo ko. "Anong tungkol saan, Ma?" Napatingin si Mama kay Christopher, at nakita ko ang pag-kuyom ng kanyang kamao. Para bang may pilit siyang itinatago o pinipigilan. "Ano ba tal
Chapter 36KinabukasanNagising ako na parang may kulang sa akin kaya napahawak ako sa aking tiyan at doon ko napagtantong na wala ng umbok sa aking tiyan.Kaya labis akong nasaktan sa aking nararamdaman. Napakapit ako nang mahigpit sa kumot, pilit na nilalabanan ang matinding sakit na bumalot sa akin. Nanginginig ang aking mga kamay habang dahan-dahang bumangon."Wala na siya…" mahina kong bulong, habang ang luha ko ay kusa nang bumagsak.Wala na ang anak ko.Parang may kung anong pumiga sa puso ko. Ang pangarap kong mayakap siya, marinig ang kanyang iyak, at makita ang kanyang ngiti—lahat iyon ay nawala na lang bigla.Napansin kong may kumilos sa tabi ko. Lumingon ako at nakita ko si Christopher—nakaupo sa gilid ng kama, hawak ang aking kamay, ngunit halatang hindi makatingin nang diretso sa akin. Kita ko ang pamumugto ng kanyang mga mata."Kara…" bulong niya, puno ng pagsisisi at sakit ang tinig niya.Hindi ko alam kung kaya ko siyang harapin ngayon. Hindi ko alam kung may tamang
Chapter 37Umiling siya, lumapit at hinawakan ang kamay ko, pero agad kong binawi iyon."Hindi mo alam ang sinasabi mo," mahina niyang bulong, puno ng desperasyon. "Kara, pwede ba tayong mag-usap nang maayos? Ayokong matapos tayo ng ganito—""Pero gusto ko." Pinutol ko ang sasabihin niya. "Gusto ko nang matapos 'to. Wala na ang anak natin, Chris. Wala nang dahilan para ipaglaban pa ang isang relasyong matagal nang wasak."Nakita ko kung paano siya napalunok, kung paano niya pinigilan ang sariling magpakita ng emosyon. Pero bakas sa mga mata niya ang sakit—sakit na pilit niyang itinatago."Kung iyan ang gusto mo..." mahina niyang sagot. "Pero hindi pa ako sumusuko, Kara. Hindi pa tapos ang lahat.""Pero, paano si Jacob kapang malaman niyang tuluyan tayong naghiwalay."Napalunok ako sa sinabi niya. Si Jacob. Ang aming anak. Paano ko ipapaliwanag sa kanya na hindi na kami buo?"Hindi ko alam..." mahina kong sagot, iniwas ang tingin kay Christopher. "Pero mas mabuti nang maaga pa lang, ma
Chapter 38 Christopher POV Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. "I want a divorce." Parang isang suntok sa sikmura ang sinabi ni Kara. Matagal akong natulala, pilit iniintindi kung paano nauwi sa ganito ang lahat. At ngayon, gusto niyang ipagkatiwala sa akin si Jacob. Damn it. Hindi ko kailanman inisip na aabot kami sa puntong ito. Oo, nagkasala ako noon, pero sa loob ng maraming buwan, sinubukan kong itama ang lahat. Mahal ko siya. Mahal ko ang pamilya namin. Pero bakit parang hindi na iyon sapat? Lumapit ako sa kanya, pilit hinahawakan ang kamay niya, pero agad niya iyong inilayo. "Kara, hindi ko hahayaan na basta mo na lang akong iwan," madiin kong sabi. "Maaari mong ipagkait ang pagmamahal mo sa akin, pero hindi ko hahayaan na sirain mo ang pamilya natin." Lumingon siya sa akin, at sa unang pagkakataon mula nang magising siya, nakita ko ang malinaw na determinasyon sa kanyang mga mata. "Huli na ang lahat, Chris," malamig niyang sagot. "Gusto ko nang magsimula ulit, mal
Chapter 39 "Palayain mo muna siya, habang nililinis mo ang pangalan ng pamilya nya at ibalik ang negosyong pinabagsak mo. D'yan mo simulan upang unti-unting bumalik ang kanyang tiwala sayo!" dagdag niyang sabi. Napalunok ako sa sinabi ni Richard. Palayain siya? Paano ko magagawa iyon kung siya na lang ang natitirang dahilan kung bakit patuloy akong lumalaban? Pero alam kong tama siya. "Kung mahal mo siya, hayaan mo siyang maging malaya," seryoso niyang dagdag. "Huwag mo siyang pilitin, Chris. Dapat niyang makita na kaya mong itama ang pagkakamali mo nang hindi mo siya kinokontrol." Napahawak ako sa sintido ko, pilit iniisip kung paano ko sisimulan ang lahat ng ito. Pero may isang bagay akong sigurado—gagawin ko ang lahat para maibalik si Kara sa akin. "Saan ako magsisimula?" tanong ko, tila walang direksyon. "Hanapin mo ang totoo," sagot ni Richard. "Kung may kinalaman nga sa pagkamatay ng ama mo ang paghihiganti sa kanyang pamilya, ilabas mo ang katotohanan. Itatama mo ang okas
Chapter 40 "Pero, uncle. Makinig ka naman minsan sa akin. Bilang isang babae, lalo't may malaking kasalanan ang isang lalaki sa amin kapag malaman naming sinusundan kami ay mas lalong lalayo at magalit kami. Pabayaan mo muna si Kara, Uncle. Hayaan mo munang buuhin ang kanyang sarili na winasak mo. Ayusin mo muna ang mga dapat mong ayusin bago mo siya suyuin mula.' Napabuntong-hininga ako sa sinabi ni Mara. Alam kong may punto siya. Alam kong tama siya. Pero paano ko hahayaang lumayo si Kara kung bawat segundo ng pagkawala niya ay parang unti-unting pinupunit ang puso ko? “Mara… hindi ko alam kung kaya kong gawin ‘yon,” mahina kong sagot. Hinawakan niya ang braso ko at seryosong tumingin sa akin. “Kaya mo, Uncle. Kung talagang mahal mo si Kara, matuto kang maghintay. Huwag kang kumilos nang padalos-dalos. Hayaan mo siyang buuin ang sarili niya habang inaayos mo ang gulo na ginawa mo noon.” Napalunok ako. Napayuko. Alam kong kailangan kong ayusin ang mga pagkakamali ko—hindi lang p
Chapter 41 Napasandal ako sa aking upuan, mahigpit na hinawakan ang mga papel. Gaano ako katanga para hayaang ang galit ko ang magdikta sa akin noon? Dahil sa galit at paghahanap ng hustisya, nasaktan ko ang mga taong walang kasalanan—lalo na si Kara. Hindi ko na mababawi ang mga masasakit na salitang binitawan ko noon. Pero kaya kong itama ang mga maling desisyon ko. At sisimulan ko ito sa paghahanap ng hustisya—hindi lang para sa aking mga magulang, kundi para rin sa pamilya ni Kara.Agad kong pinindot ang intercom na konektado kay Mara, ang aking pamangkin at secretary.“Mara, pumasok ka sa opisina ko. May ipapagawa ako sa’yo,” seryoso kong sabi.Ilang minuto lang ay bumukas na ang pinto at pumasok siya, may bitbit pang mga folder. “Yes, Uncle? Ano yun?” tanong niya habang inilapag ang mga dala niya sa mesa.Tiningnan ko siya ng diretso. “Gusto kong ipahanap lahat ng impormasyon tungkol kay Vincent Salazar. Anumang transaksyon niya sa kumpanya ni Dad bago ang aksidente, sino
Chapter 42 Napalunok ako. Hindi pa ito ang tamang panahon para suyuin siya, pero hindi ibig sabihin na susuko na ako. "Fine," sagot ko. "Ipasa mo sa legal team ko ang mga papeles, at pag-uusapan natin ang terms ng deal." Tumango siya, saka tumalikod na walang anumang pag-aalinlangan. Habang pinapanood ko siyang lumabas ng opisina, napapikit ako at napabuntong-hininga. Hindi ko siya basta-basta pakakawalan. Kahit sabihin niyang tapos na ang lahat sa amin, gagawin ko ang lahat para maibalik siya sa buhay ko. At magsisimula iyon sa pagbawi ko hindi lang sa kumpanya—kundi pati sa tiwala niya. "Patawad, Kara. Dahil sa pangalawang pagkakataon ay nasaktan kita!" bulong ko sa sarili habang nakatingin sa kanyang nilabasan. Naiwan akong nakatayo sa harap ng desk ni Mara, pinagmamasdan ang pintong isinara ni Kara. Ramdam ko ang bigat sa dibdib ko—hindi lang dahil sa mga salitang binitiwan niya, kundi dahil sa katotohanang muli ko siyang nasaktan. Sa pangalawang pagkakataon, hindi
Chapter 192 Nang makarating kami sa pinakadulong pinto ng kuta, nagsimula nang mag-ingay ang ilang tao sa loob. May mga nagsasalita, ngunit wala akong pakialam sa kanila. Ang tanging nasa isip ko ay ang kaligtasan ni Kara at Ellie. Bago ko pa magawa ang lahat ng plano, tumunog ang phone ko. Si Gian. "Chris, nahanap namin sila. Nasa silid sa itaas. Kailangan nating magmadali," sabi ni Gian, ang boses niya ay puno ng urgency. "Got it. I’ll be there," sagot ko. Walang pasabi, tumakbo kami papunta sa itaas. Alam ko, kailangan ko na silang makuha at wala nang oras para maghintay. Pagpasok sa silid, nakita ko si Kara, naka-kadena at nakagapos. Nasa tabi niya si Ellie, ang mga mata ni Ellie ay puno ng takot, ngunit nang makita ako, bigla siyang ngumiti. "Daddy!" sabi niya, mahina at may takot sa boses. Naglakad ako sa direksyon ni Lolo Carlo. "Ikaw na lang, Lolo. Bakit? Magsalita ka?" sabi ko, ang mata ko’y puno ng galit at determinasyon. "Oo apo," sagot ni Lolo Carlo, may ngiti sa l
Chapter 191 Ang sakit na dulot ng bawat salitang binitiwan niya ay tila isang matalim na kutsilyo na tumusok sa puso ko. Hindi ko matanggap na ang lahat ng ito ay isang malupit na laro para kay Senyor Carlo—ang lolo ko. "Kung hindi mo sasabihin kung saan siya, babalikan kita. At hindi na ako magiging magaan," ang sinabi ko kay Lucas, na puno ng galit at pasakit. Bago pa niya makuha ang pagkakataon na magsalita, naglakad na ako palayo sa kanya. Kailangan ko ng oras. Kailangan ko ng tamang plano. At higit sa lahat, kailangan ko na hanapin si Kara bago pa mahulog ang lahat sa mga kamay ng aking pamilya.Ang galit ko ay hindi matitinag. Nagmamadali akong lumabas ng silid, at ang mga hakbang ko ay mas mabilis kaysa sa karaniwan. Ang bawat segundo ay may bigat—hindi ko kayang mag-aksaya ng oras. Gusto ko na makuha si Kara at matigil na ang lahat ng ito bago pa mahulog sa mga kamay ng aking pamilya.Nagmadali akong dumaan sa mga kasamahan ko sa kuta. "Kailangan kong malaman kung nasaan si
Chapter 190 “Gusto kong malaman kung sino ang mga nangungunang tao sa likod ng operasyon niyo,” sabi ko, ang boses ko’y parang buo ng yelo. “At hindi ako maghihintay ng matagal para makita kung gaano katagal ka pa magsasalita.” Naglakad ako palapit sa kanya at itinapat ang baril sa kanyang kaliwang braso. Sabay sigaw ng pwersa at tapat ang tanong: “Sabihin mo na!” Ngumisi siya, “Hindi ko sila kayang ipagkanulo, Chris.” Gamit ang lahat ng galit at sakit, ginamit ko ang pinakapangit na pamamaraan na alam ko. Mabilis kong pinutol ang mga daliri ni Lucas gamit ang matalim na kutsilyo. “Alam ko na matigas ang ulo mo, pero hanggang kailan mo kayang tiisin ang sakit?” tanong ko, ang galit ay bumabalot sa bawat salitang binibigkas ko. Sumabog ang katahimikan sa pagitan namin. Ilang segundo ng pagka-gulat bago siya sumigaw, tila napuno ng pasakit. Pero matigas pa rin siya. Sa kabila ng lahat ng pain, hindi siya nagsalita. “Sa huli, ikaw din ang magpapasa ng hatol sa sarili mo,” sabi ni
Chapter 189 "Gian, kailangan bumalik ka sa Panglao para maprotektahan mo sila," malamig kong utos habang pinupunasan ang bahid ng dugo sa aking kamay. "Ako ang hahanap kay Lucas." Napatingin sa akin si Gian, puno ng pag-aalala ang mga mata niya. "Sigurado ka ba, Chris? Mag-isa ka lang—" "Mas magiging ligtas sila kung hindi ako kasama. Alam kong ako ang puntirya. Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan kong makakabantay sa kanila nang buong puso." Tumango si Gian, bagama't halata ang bigat sa desisyong iyon. "Sige, pero mangako kang babalik ka nang buhay." "Kapag nahanap ko si Lucas... matatapos na ang lahat." "Isa pa," madiin kong sabi habang tumayo ako sa harap ni Gian, "andito sila Revenant, Miguel, Richard, at Troy upang samahan ako." Napatingin si Gian sa paligid. Isa-isang tumango ang mga nabanggit ko—matatapang, determinadong mga kaibigan, kapwa mandirigma ng hustisya. Muli kong nilingon si Gian. "Hindi ako mag-iisa. Hindi kami matatalo. Pero ikaw—ikaw ang susi sa kaligtasan nil
Chapter 188 Pagdating namin sa kuta, hindi na ako nag-aksaya ng oras. "Dalhin siya sa interogation room. Siguraduhing may CCTV at walang makakalapit sa paligid maliban sa tauhan natin," malamig kong utos sa isa sa mga tao ko. Agad nilang hinila si Don Armando pababa ng van, nakaposas, may itim na supot sa ulo, at bahagyang naglalakad dahil sa pagkakabugbog sa engkwentro kanina. Sumunod ako sa kanila. Mula sa hallway hanggang sa silid, bawat hakbang ay may baon akong tanong—mga katanungang matagal ko nang gustong masagot. Ang dahilan kung bakit muntik nang mawala sa akin ang asawa ko, ang mga anak ko, at ang tahimik naming buhay. Pagkapasok namin sa interogation room ay agad nilang ipinatong sa bakal na upuan si Armando at itinali ang mga kamay at paa nito. Tinanggal ng isa kong tauhan ang supot sa ulo nito. "Bumati ka naman, Don Armando," sarkastikong wika ko habang lumalapit ako, "matagal ko nang hinihintay ang araw na ‘to." Lumapit ako kay Don Armando, hawak ang lumang litrat
Chapter 187Wala akong inaksayang oras. Agad kong sinundan ang anino na dumaan sa likurang lagusan ng base. Tahimik ang paligid pero dama ko ang tensyon sa bawat hakbang. Mabilis ang tibok ng puso ko, pero mas mabilis ang galaw ng katawan ko—sanay sa dilim, bihasa sa panganib.Sa bawat liko ng pasilyo, sinisiguro kong walang nakakakita. Sa malayo, naririnig ko ang mahinang yabag. Isa lang ang ibig sabihin—tama ang direksyon ko.“Hindi ka na makakatakas, Don Armando…” bulong ko sa sarili habang mahigpit ang hawak sa baril ko.Handa na akong harapin ang katotohanan… o ang kalaban.Bawat madaanan ko, bawat humaharang sa aking daraanan—wala akong sinayang na segundo. Walang alinlangan. Isa, dalawa, tatlo... kasabay ng bawat putok ng baril ay ang pagbagsak ng mga kalaban. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nararating si Don Armando.Ang mga sigaw at yabag sa paligid ay tila ba musika sa aking pandinig. Pero hindi ito musika ng takot—ito'y himig ng katarungan at paghihiganti. Marami na siy
Chapter 186"Hi to, inumin mo muna para bumalik agad ang lakas mo. Galing yan sa black market. Isang bagong gamot naa ibininta kaya agad naming binili para sa ating organisasyon," wika ni Troy sa akin.Kinuha ko ang maliit na bote mula sa kamay ni Troy. Maitim ang likido sa loob, at may kakaibang amoy.“Sigurado ka bang ligtas ‘to?” tanong ko habang tinititigan ang gamot.Tumango si Troy. “Oo, sinubukan muna ng isa sa ating mga tauhan. Ilang minuto lang, bumalik ang lakas niya. Wala ring naitalang side effects. Pero huwag kang mag-alala, mayroon din tayong antidote just in case.”Saglit akong nag-isip bago ininom ang laman ng bote. Mainit ito habang bumababa sa lalamunan ko, at ilang sandali lang ay ramdam kong gumaan ang pakiramdam ko. Parang unti-unting bumabalik ang lakas ng katawan ko—mas malinaw na rin ang isip ko.“Ganyan nga ang epekto,” sambit ni Gian habang pinagmamasdan ako. “Sa ganyang kondisyon, kaya mo nang humarap sa susunod na hakbang.”Napahawak ako sa mesa, matatag an
Chapter 185CHRIS POVTumayo ako mula sa kinauupuan ko at lumapit sa mesa kung saan nakalatag ang ilang surveillance photos at intel folders."Gian, kailangang simulan na natin agad ang Phase One. Hindi pwedeng patagalin pa. Sa bawat araw na lumilipas, mas lumalapit ang panganib kay Kara at sa mga bata."Tumango si Gian. "Naka-ready na ang core team. Si Revenant ang magli-lead ng reconnaissance para sa unang target.""Good," sagot ko habang binubuklat ang folder ni Armand—ang isa sa pinakamalapit kay Falcon noon.Huminga ako nang malalim. "Kailangan matapos 'to bago manganak si Kara. Hindi ako makakapayag na sa araw ng pagsilang ng triplets namin ay may takot pa rin sa paligid nila."Tahimik si Gian sa ilang saglit, bago siya nagtanong ng mahinahon, "Chris… sa totoo lang, kaya mo pa ba?"Napatingin ako sa kanya—diretso sa mata. "Hindi ako pwedeng mapagod, Gian. Dahil ang pamilya ko ang kapalit nito. At handa akong isugal ang lahat, kahit sarili ko… para sa kanila."Tumango siya, matig
Chapter 184 Mabilis ang kilos namin. Pati ang mga yapak namin ay halos walang tunog. Pagbaba namin sa tunnel, naamoy ko ang halumigmig at lumang simento. Ngunit sa bawat hakbang, isang bagay lang ang nasa isip ko—makabalik kay Kara at sa mga anak ko. Ngunit hindi pa ngayon. Kailangan ko munang buwagin ang natitira pang mga anino sa likod ng banta sa buhay namin. “Revenant,” tawag ko. “Ayusin mo na ang transport. At i-encrypt lahat ng communication natin. Gusto kong tapusin 'to bago pa man manganak si Kara.” “Copy that, Boss.” Walang atrasan. Sa oras na ito, ako ang multo ng kalaban. At hindi ako titigil hangga’t hindi ko sila tuluyang binura. Pagkalabas namin ni Gian sa dulo ng tunnel, agad kaming sinalubong ng malamig na simoy ng gabi. Isang itim na SUV na may tinted windows ang nakahimpil sa lilim ng mga puno. Bukas ang pinto sa likuran, senyales na handa na ito sa mabilisang pag-alis. "Boss, clear ang paligid," sabi ng driver na agad bumaba para pagbuksan kami. Agad kaming