Share

Chapter 13: Tyre

Kumakati na ‘yong puwet ko, kaya hindi ko na mapigilan gumalaw. Takte! Naramdaman niya siguro; kaya sumilip ito na parang tanga, “What? Walang tao? Nagpapanggap akong tulog makita lang ang mukha ng babaeng ‘yon,” himutok nito.

Napangiti ako sa sinabi niya. Ang kyut niya talaga parang bata. “Lalapag na ang eroplano pero hindi pa rin bumabalik ang babaeng 'yon. Saan naman ‘yon pumunta?” saad nito. Hindi ko alam pero bakit parang naiinis ito; parang naisahan siya.

"Tch. Tumae siguro," saad niya. I laughed silently.

 “Kainis! Ano bang pakialam ko sa babaeng 'yon, damn! Hindi ako interesadong makita ang mukha niya, aish! Pero imposebling hindi ko siya makita. This floor is first-class seat. 

Kaunti lang ang tao rito, baka bumaba ng second floor? Kainis ginayuma yata ako, no’n ah?” Gusto kong matawa nang malakas. Parang bata kasi ito na inagawan ng candy. Napalunok ako nang hinawakan niya ang kanyang labi. Anong ginawa nito? May kung anong kiliti akong naramdaman.

“Bakit ba hinahanap ko ‘yon. Ba't bigla akong nagkakaganito?” he rants. I smiled widely; dahil nasa tabi niya lang ako. Naaliw din ako sa ginawang niyang pasilip-silip. Nang humarap ito sa akin, ay namangha ako sa ganda ng mga mata niya; ang kapal ng kilay, at mahahaba ang pilik mata. Pakiramdam ko tuloy, nangbubuso ako.

Malapit nang lumapag ang eroplano at palinga-linga ito. Hinahanap niya pa rin ako. Pero mas nagulat ako nang hinawakan niya muli ang kanyang labi, at namumula ang kanyang pisngi. We almost kissed, then. Damn, this is so crazy. Isa itong estranghero. Pero bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya.

At hindi ako nagsasawang tumingin sa kaniya, na parang kinakabisado ko ang bawat parti ng mukha niya. “Nasaan na ang babaeng ‘yon?” saad niya pa. Palinga-linga pa rin ito. Nakakatuwang pagmasdan ang isang gwapong lalaking, aligaga, kahahanap sa akin.

Ilan sandali ay narinig kong may tumunog. Kinabahan ako; akala ko phone ko ang tumutunog. Napabuntong-hininga na lang ko nang makita ko siyang may hawak na cellphone. Nakita ko rin na nilagay niya ito sa speaker mode.

"Oh! Ezra, bakit?" bungad niya sa tumawag sa kanya, at parang dismayado ito. "Kuys, where are you? Your girlfriends are waiting here," sagot ng isang cute na boses sa kabilang linya. Isang bata yata o teenager.

"Girlfriends? Sino?" sagot niya. Aba, babaero rin ang mokong. Girlfriends with letter ‘s’ plural ‘yon ah, tch.

"They are four here.

Nag-aaway sila dahil sa

'yo, you jerk!" sigaw ng bata sa kabilang linya. Kapatid niya siguro ito.

“What? Wala naman akong girlfriend ah? Kahit kailan wala. Tell them I won't be home. Susunduin ko muna 'yong, fiancée ko.’’ Gumalaw yata ang teanga ko sa salitang, ‘fiancée’.

"What??

May girlfriend ka na, kuys? Tinamaan ka na ba at magpapakasal ka na?"

sagot naman ng bata. Bakit ba ako nakikinig sa pinag-uusapan nila? Pero hindi ko mapigilang makinig. Lalo na nang may narinig akong ibang boses ng babae. Ang chismosa ko! Tch!

"Is that your brother?" rinig kong may nagtanong sa bata, babae.

"Nope! This is just my friend! Don’t butt in!" sagot naman ng bata.

"Hey, kuys. I'm annoyed with these ugly butterflies

lurking around." saad niya nang pabulong.

"Do something. Chase them away!" irita niyang sagot sa bata.

"Okay-okay, boss. You owe me 1000 $ for that!" saad nito na parang negosyante.

"What?" Kahit kailan talaga ikaw!" Narinig kong tumawa nang malakas ang bata; tawa ng panalo.

"Erza?

Is that your kuya?"

another woman butt in.

"Nope its just my friend again! Bakit ba ang kulit niyo?!"

inis na sagot ng bata.

"Yes, mag-donate ka sa charity ko, ah?"

balik kausap niya sa kuya niya. Walang nagawa ang lalaki. Pinagbigyan niya na ang gusto ng bata.

“Okay fine. I’ll pay 500 dollar,” sagot nito sa kapatid. Habang nakangiti. Damn, ang ganda ng mga ngipin niya. Sarap siguro mahalikan ng lalaking ‘to. Hays, ano ba ang iniisip ko?

"Kahit kailan talaga kuys ang kuripot mo!" mahinang sigaw niya.

"Shut up, sis! Humanda ka talaga kapag nakita kita," sagot niya sa kanyang kapatid.

"Whatever kuys, just go home. I hate them lurking anywhere. Na alibadbaran ako," reklamo niya pa.

“Oo na ang kulit mo,” matipid niyang tugon. Binaba na niya ang cellphone. Nagsimula naman itong tumingin-tingin sa paligid. “Kanina pa ‘yon ah? ‘Di pa rin bumabalik?” Hanggang ngayon, hinahanap pa rin niya ako? Woah, hindi ako gumamit ng gayuma o love spell. Lakas yata ng tama niya sa akin?

Hindi ko naman alam kung paano gumamit no’n, sa ngayon. Malapit nang lumapag ang eroplano, kailangan ko nang umalis. Tumayo na ‘ko nang dahan-dahan, baka hindi na ako makabalik sa pagiging visible. I broke the rule. Pero emergency naman.

Bumalik ako ng banyo para magpalit ng damit. Baka hanapin niya ‘ko paglabas ng airport. Pero bago ako umalis tinignan kong muli ang mukha niya. Ang gwapo talaga, tch. May kung anong mabigat sa loob kong umalis at iwan ito nang hindi man lang humihingi ng pasyensya. Nagsimula akong gumalaw at tumalikod sa kanya.

Pagkatapos kong magbihis nagsuot ako ng facemask at sumbrero. Para hindi ako makita ng iba, lalo na siya. Paglabas ko ng exit, maraming tao ang naghihintay sa kani-kanilang kakilala o pamilya. Ang iba may mga banner pa. Ako, hindi ko alam ang gagawin. Nasa kaharian na ako ng Tyre. Masyadong malawak ang kahariang ito at hindi ako pamilyar sa mga lugar o kultura nila.

Hindi ako pinayagan ni Miss Tara na mag-research tungkol sa lugar na ito. Ang sabi niya sa akin, ‘’Explore yourself. Pero mag-iingat ka.” Ngayon hindi ko na alam ang gagawin ko, at mas lalong hindi ko alam kung saan ako unang pupunta. Aalis na sana ako nang may tumawag sa akin.

Nagpalinga-linga ako para makita kung sino ang tumatawag sa akin. Pero sa dami ng tao, mahihirapn akong mahanap ito. Nang makita ko ang isang banner na nagsasabi na, “Welcome, Amaliah Green Ford!”

Alam kong si mama ang nagpapasundo sa akin. Akala ko ba ako na bahala sa buhay ko ngayon? Tch. Mama talaga. "Hello po ma'am," bati ng driver habang nakangiti. "Hi din po, kuya," ganting tugon ko. Lahat ba ng lalaki dito ay gwapo? Pati taxi driver ang gwapo, ah! Pero mas gwapo 'yon nasa eroplano. Pambihira, “Cut

the shit off, Liah. Stop! Stop! Stop!

sermon ko sa isip ko. 

Tinulungan ako ni kuya sa pagbuhat mga gamit ko. "Ah? Kuya? Alam mo na ba kung saan ako mamalalagi?" tumingin ang driver sa salamin. Siguro naman may instruction ito mula kay mama. Nag-hired si mama ng taxi driver para sunduin ako at hinatid sa lugar kung saan ako titira. ‘Di pa rin siya makatiis. Mama talaga.

“Sa Casa de Grasya, po.”  

“Ah, gano’n ba? Sige salamat kuya.” Tumingin ako sa labas ng bintana, at pinagmasdan ang lugar na madaraanan ng sasakyan.The kingdom of Tyre is as modern as Ashville. But I see some old chariot roaming around, cool.

Halong modern and old fashion. Makaluma rin ang mga kainan nila at mga coffee shop. Vintage yet, sophisticated. Ang ganda ng Tyre, pero parang may natatago itong misteryo.

"Kuya, gumagamit pa rin po kayo rito ng karwahe?"

"Opo ma'am. Ito ay para sa mga turista na gustong pumunta sa plaza o gustong makita ang palasyo nang malapitan," nakangiting sagot niya. "Ah gano’n ba, cool." Ang astig din pala ng lugar na 'to. Sana maging mabuti sa akin ang kapalaran ko dito. Sana mag-enjoy din ako. Ilan sandali pa ay nakarating din kami sa apartment. Maayos naman at malinis. “Salamat po kuya, pahingi po ng number mo kung sakaling kailangan kita.” He hand over his number.

"Salamat din po, ma'am." 

Pagdating sa information area, binati agad ako ng isang babae, at binigay agad ang susi ng kwarto ko. Sarap din pala sa feelings na ako na lang mag-isa. Suddenly, I felt something's off. Maraming naka-itim na lalaki. Nag-hired ba si mama ng bodyguards? Pero hindi sila familiar sa akin. Bigla akong kinabahan.

Pumasok na 'ko sa kwarto at diretso na sa kama, pero may kaba pa rin sa 'kin dibdib ko. Hindi ako makatulog namamahay yata ako. Bigla kong naalala ang lalaking nakatabi ko. Hindi mawala sa isip ko ang mukha niya. Ang mga ngiti niya at ang mga magagandang mata. Marami naman akong nakilala, mga lalaki na gwapo at mayayaman; pero kakaiba ang pakiramdam ng puso ko sa isang ‘yon.

Ako yata ang nagayuma. Nakakaadik ang amoy niya, parang kay sarap idampi ang labi ko sa labi niya. Napamulat ako nang mapagtanto ko na, hindi maganda ang naiisip ko. Napatingin ako sa paligid ng kwarto ko. Maliit pero maaliwalas ang paligid. Masarap din ang hangin na pumapasok sa bintana.

“Hay nako, Liah mag-ayos ka!” Kausap ko sa sarili ko. Pinilit kong matulog kasi gabi na rin at wala rin akong ganang kumain ng hapunan. Nang biglang tumunog ang cellphone ko. Si Elle, na-miss yata agad ako, baliw talaga nito.

“Oh, Elle? Bakit ka napatawag?”

“Na-miss kita bruha,” saad niya sabay iyak nang malakas. Ang emotera kong bestfriend. “Na-miss din kita” tugon ko.

Nag-usap kami buong gabi, hay na ‘ko. Pero nakakalungkot ang malayo sa pamilya at mga kaibigan. Pero alam kong kaya kong lagpasan ang misyon ko dito.

-Witch in the Palace

The Samaritan

Hello po! hope, you like this Chapter. Please like, share, and comment! thank you!

| 1

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status