Kinaumagahan ay isang katok ang gumising sa mahimbing kong tulog. Napaunat ako ng katawan; tumayo para pagbuksan ang kumakatok. Isang babaeng nakangiti, mataba at maliit ito. Kumurap-kurap ako para makita ko nang malinaw ang mukha niya. Hindi naman ito katandaan pero mas matanda ito sa akin ng ilan taon.
“Magandang umaga, Miss,” bati nito. Sabay abot ng isang malaking supot, bumati ako pabalik at pinapasok ko na siya sa loob.
“Salamat. Ano ito?” takang tanong ko sa supot na inabot niya.
“Gulay at isda, Miss, pa-welcome namin para sa mga bago dito sa lugar namin at apartment ko.”
“Nako! Nag-abala pa kayo! Pero salamat dito.”
“Teka, ako nga pala si Elsa, ako ang may-ari ng apartment na ito.”
Ngumiti ako at nagpakilala rin, “Ako nga pala si Liah,” ani ko. Tumayo ito at nagsalita pa, “Maligayang pagdating dito, Liah. Kung may kailangan ka, nasa kabilang unit lang ko.”
“Maraming salamat, Elsa.” Hinatid ko na siya sa pinto. Pagbalik ko ay agad ko na binuksan ang dala niyang supot. Mga isda nga ito at mga gulay; hindi ko naman alam kung paano ito lutuin, tinabi ko muna ang mga ito. “Kailangan ko na yatang matuto sa gawain bahay, aish!”
Tinali ko ang aking mahabang buhok at nagsimula nang maglinis ng bahay. Maliit lang ang apartment. Pero habang pinagmamasdan ko ang paligid ay parang naduduling ako. Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang maglinis.
Ilan sandali ay nagsimula ako sa pag-iiba ng mga pwesto ng mga upuan, mesa at ibang gamit. Nang biglang may narinig akong tambol ng drum at mga sigawan ng mga tao sa labas; dumungaw ako sa bintana para makita ang nangyayari. Isang mahabang parada ang nakikita ko. Nasa main road ito; kita mula sa mataas kong unit.
“Anong meron?” takang tanong ko. Kasabay ng pagtambol ng mga lalaki sa kanilang instrumento ay ang pagsayaw ng mga magagandang babae. Nagsilabasan din ang mga tao sa kanilang mga bahay at nakisaya sa parada. Dali-dali akong lumabas at nasalubong ko si Elsa, nagmamadaling bumaba ng apartment para makinood din.
“Anong meron, Elsa?” bungad ko sa kanya.
“Oh, ikaw pala, Liah. Halika’t manood tayo ng parada.”
“Ah-eh. Kayo na lang muna. Ang dungis-dungis ko,” ani ko sa nahihiyang tinig. Tumungin ito sa kabuuan ko at ngumiti. Naintindihan niya ang ibig kong sabihin.
“Wag kang mag-alala, marami kang mapupuntahan sa plaza, lalo na ‘yong palasyo ng Tyre, pwede kang mamasyal do’n sa labas. May isang park do’n na punong-puno ng mga bulaklak.”
“Talaga? Eh, para saan ang parada, Elsa?”
“May anunsyo ang palasyo. Kapag may parada may mahalagang balita ang reyna.” Napangiti ang babae nang sabihin niya iyon.
“Ah, gano’n ba?” ani ko.
“Ano, Liah? Sasama ka ba o susunod ka?” atat na sabi niya.
“Susunod na lang ako, Elsa,” ani ko.
“Sige, Mauna na ako.”
Nagmamadali itong umalis. Excited yata itong marinig ang anunsyo mula sa palasyo. Bumalik ako sa loob ng bahay at nagsimulang mag-isip kung ano ang maaaring kainin; na kaya kong lutuin. Nagtungo ako sa kusina para simulan na sana ang pagluluto. Pero bigla akong napatigil nang may naramdaman akong kakaiba. Nagpalinga-linga ako sa paligid at hinatid ako ng aking tingin sa labas ng bintana.
Pumasok ang malamig na hangin sa loob ng kusina, hindi na ako nag-atubili pa tinungo ko na ang bintana at sumilip sa labas. Maliban sa kakaibang pakiramdam at malamig na hangin wala akong nakita kundi mga tambak ng bote, at mga nakakalat na mga dahon sa paligid. Eskinita na ang likod ng apartment na ito. Nakapagtataka na wala akong makita na kakaiba. Hindi ako maaring magkamali sa naramdaman ko.
Nagpasya na akong wag magluto. Maliligo na lamang ako at sa plaza na kakain. Makikibalita na rin ako tungkol sa anunsyo ng palasyo. Nais kong makita ang buong Tyre, masilayan ang ganda nito. Nasasabik ako sa bago kong buhay kahit na pansamantala lang. Matapos kong maglinis ng katawan ay naghanda na akong umalis patungo sa pinakasentro ng kaharian.
Makitid, malinis at mukhang hindi naman delikado ang daan palabas ng main road. Pero kailangan ko pang lakarin ang labasan at makahanap ng masasakyan. Ilan segundong paglalakad ay nakita ko na ang bukana ng kanto.
The wrought-iron lampposts and the old shambles footway give me the old era vibes. Feeling ko tuloy nasa lumang panahon ako. Nang makarating ako sa labasan ay naghanap agad ako ng masasakyan. Namangha naman ako sa nakikita ko dahil may pumarang kalesa sa harap ko; makaluma rin ang disenyo. Pero imbis na kabayo ang ginagamit ng kutsero ay bisiklita.
“Good day, Miss!” nakangiting bati ng kutsero.
“Good day, Mr,” tugon ko.
“May sasakyan na ba kayo, Miss?”
“Pwede bang sumakay?”
“Kinagagalak kong maisakay ang magandang dilag sa harap ko.” Pati pagsasalita ay makaluma rin. Bumaba ito at pinagbuksan ako ng pinto. Base sa porma nitong branded tee shirt and rubber shoes, masasabing kong kahit papaano ay may bahid ito ng modernong panahon. Sadyang pinanatili lang nila ang tradisyon at kultura nila.
“Saan tayo, Miss?”
“Pupunta rin ba kayo sa kabisera ng bayan, Miss?” dagdag niya pa.
“Ah-eh. Oo sana,” ani ko. Nagsimula na itong magpedal at magiliw na kumanta ng isang awiting hindi ko alam. Pero ang ganda ng boses ng lalaking ‘to. Naaaliw din ako sa mga nakikita ko sa paligid. Matataas na mga bahay na may desinyong pang Victorian era, mga tindahan ng mga bulaklak at mga antigong mga gamit. May nakita rin akong tindahan ng mga libro at mga stante ng mga iba’t-ibang prutas.
Nang mapadaan kami sa isang bahay na ginawang coffee shop, maganda ang pagkakadetalye ng mga bintana at pinto. Kuhang-kuha ang pinaghalong Tudor and Victorian era, naamoy ko na rin ang aroma ng kapeng giniling. Napakabango nito, at nakakaakit. Nakikita ko rin na ang daming tao sa loob na nagkakape.
“Mr? Can we stop over that coffee shop?” ani ko sa kutsero. Agad naman niyang hininto ang kalesa sa harap ng shop. “Maari mo ba akong hintayin, Mr?” ngumiti ito at tumango.
“Masarap ang kape nila diyan, Miss.”
“Tingin ko nga.”
Bumaba ako at pumasok sa loob. Pagpasok ko ay ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin. Hindi ko pinansin ang mga iyon, nagpatuloy ako sa pagpasok patungo sa counter at pumili ng kape.
“Good morning, Miss, welcome!” bati ng babaeng nasa counter.
“Good morning. Thank you!” tugon ko.
Pumili na ako ng kape at planong maghintay sa isang mesa sa gilid. Nang makarinig ako ng isang pamilyar na tinig sa dulo ng counter. “Yeah, I’ll be home.” Napadako ang tingin ko sa boses na iyon. Napayuko agad ako nang makita ko ang may-ari ng boses. Sa laki ba naman ng lugar na ito ay siya pa ang makikita ko? Hinawi ko ang mahaba kong buhok para takpan ang mukha ko. Nakayuko ako habang tinatahak ang mesa na nasa dulo.
“Miss! Wait!” habol ng babae sa akin. Huminto at lilingon na sana ako sa babae nang pagtalikod ko ay nabangga ang katawan ko sa isang tao. Nawalan ito ng balanse at parehu kaming natumba. “Aray!” d***g ko dahil nabangga ang ulo ko sa ulo niya.
Napalunok ako nang maramdaman kong nakadampi ang labi niya sa labi ko. Malambot at matamis ang labi ng lalaki kahit na ang buhok ko ay nakaharang sa pagitan ng mga labi namin.
Dali-dali akong tumayo at patakbo kong tinahak ang pinto. “Miss!” rinig kong sigaw pa ng lalaki. Pinagdarasal kong hindi nakita ng lalaki ang mukha ko. Nakakahiya. Lumabas na ako at sumakay sa kalesa.
“Nasaan ang kape mo, Miss?” takang tanong ng kutsero.
“Umalis na tayo, Mr. Pakibilisan na lang.” Hindi na ito nagtanong pa. Nagpedal na ito nang mabilis.
“Miss!” rinig ko pang sigaw ng lalaki. Ayoko ko na sanang makita ang pagmumukha ng lalaking nakatabi ko sa eroplano pero ngayon ay n*******n pa ang labi ko.
“Miss, ayos ka lang?” alalang tanong ng kutsero.
“Yeah, I’m good.”
Sinabihan ko lamang ang kutsero na ihatid ako sa palengke. Bukas na lamang ako gagala at isa pa kumakalam na ang tiyan ko sa gutom. Pati puso ko ay hindi matigil sa pagtibok nang mabilis. Nang makarating sa palengke, agad akong bumuli ng kailangan ko.
-Witch in the Palace
Another chapter is up! I hope you wait until Zek and Liah meet! Thank you pls like share and vote if you like this chapter!
data-p-id=9947c3f0af76c470ed98febbfcf078b8,style=text-align:left;,Kasalukuyan naglalakad sina Zek at Liah sa malaki at malawak na gubat ng Verona. Napagpasyahan nilang manatili muna sa Venora hanggang sa ipanganak ang anak nila. data-p-id=cce39fd6cdeaf50ecd31cb9bb3260011,” “Mahal, may pangalan ka na bang naiisip?” tanong ni Liah sa kaniyang kabiyak, habang namamasyal sila sa gubat, sariwa ang hangin kaya hindi nila napansin na napapalayo na sila sa kanilang teritoryo. ~~ data-p-id=1dec03f429b502669881f6472c170218,~~*~***~ -Flash back- data-p-id=3cc935aa2090d65dc573dcc81fc4454b, “Mahal na Reyna, wala na ba tayong magagawa para mabuhay si Zek?” tanong ni Tara, sa mahal na reyna na malalim ang iniisip. data-p-id=1e9bfeeeeeb0554818f75cd4fd490b6c,” “Tama, Tara!” bulalas ng reyna. “Mabubuhay ang namatay ―kapag namatay ito dahil sa salamangka o pinatay siya gamit ang salamangka. Pero dapat namatay siya sa pagsasakrapisyo para sa minamahal. Pero kapag ang tao pinatay ng D
Chapter 66 Nanghina nang husto si Zek nang makita ang pagdanak ng dugo, na halos hindi na makita ang lupa sa sobrang pag-apaw ng pulang likido. Kaunti na rin ang nakikita niyang nakatayong sundalo niya. Nawawalan na siya ng pag-asa na mailigtas ang kaniyang kaharian. Habang si Liah ay nakikita niyang lumalapit sa kaniya. Bigla naman kumulo ang kaniyang dugo sa galit, nakita niyang tila nag-iba ang anyo ng mukha nito. Naging maamo at nakikita na niya ang dating ganda ng mga mata nito, at ang inosenteng katauhan nito. Pero hindi niya maipagkakaila ang galit at poot na nararamdaman niya para dito. Nais niya itong patayin at pugutan ng ulo. Pero tila isang hangin na nawala lahat ng galit niya nang marinig nito ang boses ng babaeng mahal niya. Ito ang tunog ng boses niya nang una niyang marinig. “E-ezekiel, M-mahal ko,” saad ng dalaga. Naantig naman ang puso ng binata. “U-umalis ka na, Mahal ko. Pakiusap, umalis ka na,” nagsusumamong wika ng dalaga. Hindi malaman ni Zek kung maniniwala s
Chapter 65Habang patuloy silang naglalakbay, natanaw ng isang sundalo ni Zek na malapit na sila sa kabundukan ng Zeon, nang biglang may nakita silang mga anino sa ‘di kalayuan. Nagsenyas naman siya na tumigil sa paglalakad at sumigaw ito na humanda dahil may paparating. Agad naman na tinignan ng kasama niyang pantas kung ano o sino ang sumasalubong sa kanila. Gano’n na lang ang kaniyang gulat nang napagtanto niya na aswang ang mga ito. Agad na sumigaw ang pantas na ihanda ang mga pana.Kumuha naman ng teleskopyo si Zek para tignan ang nasa unahan. Gano’n na lamang ang kaniyang gulat nang makita ang mga nilalang kasama ang iba’t-ibang mangkukulam at mas lalong siyang nagulat nang makita ang isang pamilyar na babae, ito ang nangunguna sa lahat. Ito ang nag-uutos sa mga kasama na sumugod sa kanilang gawi. Nanlulumo naman niyang binitawan ang gamit niya, hindi niya alam ang gagawin kung kakalabanin niya ba ang babaeng mahal na mahal niya o haharapin ng buong tapang. Pero mas umaapaw ang
Chapter 64Hinanap ni Zek ang dalaga sa buong paligid pero ni anino ni Liah ay hindi niya nakita. Napa-isip siya tuloy kung panaginip lang ba ang nangyari kahapon? Sa sobrang lungkot, dismaya, pagod, pag-aalala at sobrang pangungulila niya sa dalaga ay naisip niyang ilusyon lang ba ang lahat? Napahilamos siya ng kaniyang mukha sa sobrang pagkabalisa. Gano’n pa man ay patuloy pa rin ang paghahanap niya sa buong palasyo. Kung sino-sino na ang kaniyang tinanong pero ni isa ay walang nakakita sa dalaga. Halos mabaliw na siya sa paghahanap.“Siguro ay ilusyon lang lahat ang nangyari,” aniya sa kaniyang sarili. Hindi na niya pinilit pa na makita ang dalaga, kailangan na nilang lumikas bago sumalakay muli ang mga masasamang nilalang. Bilang susunod na hari ay kailangan niyang patatagin ang sarili at malampasan ang lahat ng pagsubok. Tungkulin niyang pangalagaan ang mga tao.~**~
Chapter 63 “Huminahon ka, Atlas. May mga bisita tayo,” awat ng babae sa kaniyang asawa. Natauhan naman ang Alpha at agad na kumalma. Huminga ito nang malamin at kinuyom na lamang mga kamao. Napalunok naman ng laway si Tara, dahil pakiramdam niya ay siya ang may dahilan bakit nalaman ng pinuno ang nangyari sa anak nito. “Pumasok na muna sa iyong silid, Cyenthia,” ani ng ina nito. “Opo, Ina.” Agad siyang humakbang nang nakayuko at tumalikod, bakas ang sakit at hiya sa kaniyang buong mukha. “Humihingi po ako ng kapatawaran sa aking kalapastangan, Mahal na Pinuno,” ani naman ni Tara na hindi mapigilan ang kaba, nakayuko itong humihingi ng tawad sa mag-asawa. “Hindi mo kasalanan ang nangyari, Pantas. Sapagkat ay ikaw ang naging daan para malaman namin ang kaniyang kondisyon, hindi man lang namin na amoy na nagdadalang-tao pala siya
Verona Nasa bukana na sila ng teritoryo ng mga De Arcon, ngunit hindipa rinmapigilan ni Airah ang kabahan. Hinihintay nilang bumalik si Tara, ilan sandali pa ay humihingal na bumalik ang pantas,na pinagtaka ng dalawa, pawis na pawis ito at balisang-balisa. “Tara? Anong nangyayari sa iyo? Bakit ka pawis at nababalisa?” “Hindi ko nakita si Liah, Kamahalan. Pero sa tingin ko may hindi tama sa mga nangyayari.” “Anong ibig mong sabihin, Tamara?” alalang tanong ni Airah. “Sa ngayon hindi ko pa masasagot pero may hinala akong may gumagamit sa katawan ng prinsesa.” “Ano?!” bulalas ng dalawa. “Kailangan na natin humungi ng tulong sa mga De Arcon, dahil hindi ako maaring magkamali, may digmaan na darating.”