Nang makarating ako sa bukana ng kanto ay agad akong bumaba ng kalesa at pumasok na sa eskinita. “Miss, sigurado ka bang ayos ka lang?” habol na tanong ng lalaki. Lumingon ako at ngumiti. Sa isip-isip ko ang gentleman ng lalaking ‘to at ang gwapo pa. “Oo, ayos lang ako, salamat,” ani ko.
“Nandito lang ako sa tabi-tabi kapag kailangan mo.” Nagtaka naman ako bakit ko siya kakailanganin? Ngumiti ako bilang tugon sa sinabi niya. Tinahak kong muli ang daan patungo sa unit ko. Muli akong lumingon sa lalaki at nakita ko siyang kumakaway sa akin nang nakangiti. Sandali ay nakaramdam ako ng payapa; ang gaan sa loob ko dahil sa ginawa niya. Kumaway ako at tumalikod na; hindi ko man lang natanong ang pangalan niya. “Aish!”
Kinabukasan ng hapon naghanda ako para maghanap ng trabaho. Nagsuot ako ng semi-formal na blouse at black jeans. Pinarisan ko ng itim na doll shoes. Tinali ko naman ang buhok ko pataas. Tumingin ako sa salamin at nang makita kong maayos na ang lahat ay kinuha ko na ang bag ko at nagtungo na sa pinto. Nang biglang nakaramdam ako ng kakaiba. Muli kong naramdaman ang naramdaman ko ng nakaraan; huminto ako at nagpalinga-nga pero wala talaga, wala akong makitang kakaiba.
Matapos kong mai-lock ang pinto ay tinahak ko na muli ang eskinita. Pagdating ko sa bukana ay agad kong nakita ang lalaking sinakyan ko nang nakaraan. “Magandang hapon, Miss!” nakangiti niyang bati. Siya na naman? Pero ang gaan sa pakiramdam. “Ikaw muli?” tugon ko. “Dito ako nakatambay para maghanap ng pasahero, eh.”
“Ah gano’n ba? Pwede bang sumakay ulit?”
“It’s my pleasure, Milady!” tugon nito. Napansin ko ang accent niya hindi pangkaraniwan. He’s no ordinary man. “Sa plaza ba ulit ang punta mo?” tanong nito. “O-oo, Mr―” hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita ito.
“Agustus, ‘yon ang pangalan ko,” nakangiti niyang sabi.
“Amaliah, Amaliah naman ang pangalan ko.”
“Nagagalak akong makilala ka, Amaliah.”
Napangiti ako sa lalim niyang magsalita; minsan gumagamit ito ng lenggwaheng Inglish at minsan naman ay local na salita pero ang galing niyang magdala. Napapaisip tuloy ako kung kutsero ba talaga ‘to o isang gwapong lalaking nagpapanggap lang na kutsero.
“Sige, dito naman tayo dadaan sa tulay para makita mo ang kabilang tanawin ng kaharian.”
“Talaga? Salamat, Agustus!” masaya kong sabi. Ito naman ang gusto eh, ang gumala.
“Nga pala, Agustus alam mo ba ang naging anunsyo ng palasyo― nang nakaraan araw?” tanong ko sa lalaki.
“Ah, magdidiwang ang kaharian sa pagbalik ng prinsipe mula sa ibang bansa,” tugon niya, habang nagpepedal.
“Oh! Gano’n ba, okay,” ani ko.
Nang makarating kami sa sinasaabi nitong tulay ay namangha ako sa aking nakita. Isang napakagandang ilog; sa gitna nito ay isang tulay na gawa sa bato, nakakurba ito na parang bahaghari. Pagdating namin sa gitna ay kita ko agad ang liwanag ng araw na palubog na; nakakubli ang liwanag sa likod ng mga gusali na sentro ng kaharian. Napaawang ang labi ko sa ganda ng tanawin.
“O-oh! This is paradise!” I exclaimed in gladness.
“I’m glad you like it,” ani ni Agustus. Lumingon ako sa kanya at nasilayan ko ang magandang ngiti nito. Grabi! Ang gwapo niya at nag-English na naman siya. Aba, iba rin.
“Oo, ang ganda dito.”
“Malapit na tayo sa plaza, Amaliah,” ani nito.
“Liah, Liah na lang itawag mo sa akin.”
“Liah, ang ganda ng palayaw mo.”
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiilang sa sinasabi niya. Hindi naman ito nakangiti nang sabihin niya iyon pero hindi naman seryoso ang mukha nito. Patuloy ito sa pagpepedal hanggang sa makarating kami sa kabisera.
“Dito na lang ako, Agustus. Gusto ko rin maglakad-lakad.”
“Sige, Liah.” Magbabayad pa sana ako pero hindi niya tinanggap. Hindi ko na pinilit; nagpasalamat ako at nagsimula nang gumala sa kalsada ng Tyre. Kung saan maraming nagbebenta ng kung ano-ano. Hanggang sa makarating ako sa isang park na punong-puno ng mga magagandang halaman ang paligid. Parang isang hardin sa gitna ng kabisera ang ganda nito.
Lumingon ako sa kabilang parti ng lugar at nakita ko ang gate ng malaking palasyo. Nagtaka ako bakit ang daming babae ang nagkukumpulan do’n sa labas ng gate. Pero ang umagaw ng pansin ko ay ang laki at ang ganda ng palasyo. Maganda naman ang palasyo nila pero ang kakaiba sa palasyo na ito ay parang hinahatak ako papunta sa loob. Bigla na lang umihip ang hangin at may mga papel na nagsiliparan sa harap ko.
“Aray! Ano ba ‘ayan!” bulalas ko nang may papel na dumapo sa mukha ko. Tinanggal ko ito, kumurap-kurap naman ako kasi natusok yata ng dulo ng papel ang mata ko. “Pwe! Pwe!” bulalas kong muli, dahil sa nalasahan ko ang papel na dumapo sa bibig ko. Nang tignan ko ang papel ay nakita ko na isa iyong anunsyo mula sa palasyo.
“Wanted Maid.” Ito ang nakalagay sa papel. Nakasulat din ito sa ibang lenggwahe at nakalagay din ang ibang detalye. Napatingin akong muli sa gate ng palasyo; kaya naman pala ang daming tao sa labas. Nag-aaply siguro para maging personal maid sa palasyo.
“Mag-aapply ka rin?” Nagulat ako nang may biglang nagsalita sa gilid ko. Tinitignan nito ang papel na hawak ko.
“Ikaw lang pala, Agustus, ginulat mo naman ako.”
“Pasyensya na, Liah,” sabi nito habang nakangisi at kinakamot ang ulo niya.
“Magtatrabaho ka ba, diyan?”
“Siguro?” sagot ko. Napakamot na rin ako ng ulo.
“Sa ganda mong ‘yan?”
“Wala naman masama sa pagiging maid, ‘di ba?”
“Wala naman. Sige, Liah, papasada na ako,” paalam nito. Parang kabute naman ng lalaking ‘yon, bigla-bigla na lang sumusulpot. Ilan sandali pa ay nakita kong wala ng mga tao sa labas ng gate ng palasyo. Kaya nagpasya akong lumapit at nang makita ko nang malapitan ang loob.
“Parang wala naman tao?”
Aalis na sana ako nang may tumawag sa akin. "Hija?" isang matandang babae na nakasuot ng uniporme. Nagulat ako kasi kanina lang walang tao sa gate.
"Po?" tugon ko sa matandang babae na nakangiti.
"Mag-aaply ka bilang katulong?" tanong nito sa 'kin.
"Po?" tugon ko.
“Maid?” ani ng isip ko.
"Ah-eh. Oo sana," sagot ko sa nahihiyang boses. Jezz! Ano ba 'tong napasukan ko?
“Sa ganda mong ‘yan, hija?” takang tanong niya.
“A-ano kasi…” hindi ko masabi ang dahilan ko kasi wala naman akong dahilan bakit maganda ko.
“Ang hinahanap niyo bang aplikante ay pangit, Ma’am?” inosente kong tanong. Tumawa ang matanda sa sinabi ko. “Palabiro ka pala, hija,” ani nito. Napakamot naman ako ng ulo. “Ah-eh, ako nga pala si Liah, bago lang po ako dito sa Tyre. Pero Ma’am, wala po akong dala na dokumento; naghahanap po ako ng mapapasukang trabaho." Pakilala ko at paliwanag ko sa kanya. Habang pinagbubuksan niya ako ng gate.
"Ah, gano’n ba, hija? Ako nga pala si Senya. Okay lang 'yan at tamang-tama bagong dating kasi ang prinsipe galing sa ibang bansa, pero hindi pa siya nakakauwi dito sa palasyo; gumala pa yata.”
"Nana Senya, who's that?" May lumabas na isang batang babae ang cute nito.
"Prinsesa Ezra, si Liah, nag-aaply bilang katulong ng kuya mo."
"Magandang araw, Princess Ezra.” Yumuko ako bilang paggalang sa kanya. Pero teka? Magiging maid ako ng prinsipe?
"You?" ani ng prinsesa. She looked at me from head to toe. Parang gulat na gulat ito. "You will apply as personal maid of my brother?!" She exclaimed.
"O-oo," alinglangan kong tugon. Hindi ko naman alam na sa isang prinsipe ako magiging katulong.
"Why is that?" tanong ni Ezra sa 'kin. Naguguluhan ako sa reaksyon niya.
"Ano, po?" tanong ko.
"Are you serious?! You're going to apply?"
"Po?" ulit ko. Wala akong ibang masabi kundi, “po”. Na 'ko naman Liah ang tanga mo lang ‘no? Sermon ng isip ko.
"Damn! You can't even speak English," saad nito na parang naiirita na sa 'kin.
"Po?" sabi ko pa. Ang tanga ko. Bakit puro “po” 'yong sagot ko. I can clearly understand what she's asking. Kaiinis! Bakit parang aling maliit magsalita ang batang 'to?
"You're fired!" sigaw niya. Nagulat naman ako; hindi pa nga ako nagsisimulang magtrabaho, tanggal na agad.
"Po?!" tanong ko. Kinamot niya ang kanyang ulo. Dahil puro “po” ang sagot ko sa kanya.
"It's not you who will decide for that matter, 'Lil sister." May kung sino ang sumabat sa likod ko. "Finally, you're home, and it's been days since you've arrived at umuwi ka pa? Sana hindi na ‘no?!" sermon niya sa lalaking sumabat.
"Well, I've got my fiancée first," sagot nito sa batang babae. Nahiya naman akong humarap sa lalaki.
"Where is she?" Mataray na tanong ng batang babae.
"There," sagot niya. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niyang babae kaya humarap na ako, para makita ang nobya niya. Pero wala akong nakikitang babae. "There she is." Ngayon ko lang na-realize na ako pala ang tinutukoy niya. Parang gusto kong takpan ng lupa ang mukha ko. Ano 'tong pinasok ko.
At mas nagulat ako nang makita ko ang buong mukha ng lalaki. Damn! ang lalaking kaharap ko at ang lalaki sa eroplano ay iisa; isang prinsipe. What the heck! Mama tulong po! Sambit ng isip. Kasabay no’n ay ang pag-akbay niya sa akin, naalala niya kaya ako? Makikilala niya kaya ako? Maraming pumapasok sa isip ko.
“Hi, babe,” ani niya sa akin.
“P-po?” naiilang kong tanong.
“For pete’s sake, you can’t fool me,” saad ni Ezra. Pero parang balewala lang sa lalaki ang sinabi ng kapatid niya.
“Mabuti pa siguro pumasok na tayo sa loob ng bahay ‘no? Para makapagpahinga na ang prinsipe.” sabat ni Nana Senya.
“Maligayang pagbabalik, anak,” ani pa ng matanda.
“Salamat, Nana.” Kinuha niya ang braso niya sa akin at niyakap niya ang matanda.
-Witch in the Palace
hello there, hope you like chapter!
Lumundag ang puso ko nang hawakan ng prinsipe ang kamay ko at napaawang ang mga labi ko nang tumigin ito sa akin nang seryoso at biglang ngumiti nang nakakaloko. “Hi, nice to meet you, my fiancée. I’m Ezekiel,” sabi niya, sabay kindat. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o nagbibiro. Blanko ang mukha niya pero ‘yong mga mata niya ay parang may sinasabi. “A-ano po?” utal-utal kong tugon. Ngayon ko lang nakita na may nunal pala ang prinsipe sa kaliwang ilalim ng mata nito. Mas lalo itong naging kaayaaya. Napalunok ako nang hawakan niya ang braso ko habang pababa kami ng hagdan. Namangha naman ako sa mga libro na naka-display sa matataas na bookshelves, malaki talaga ang empluwensya ng Tudor Era sa kanila. “You can’t speak English?” takang tanong nito. “No. She, can’t speak. Right, Liah?” sabat ng bata, habang nakatingin sa akin. “Shut up, Ezra,” ani ng prinsipe. “Liah? Cute name,” ani nito sa akin.
As the water falls on the lake floor, tears run down. This pain leaves no trace but unseen scars, filling my heart into blue, blue as the sky. Bugs buzz the memories away, fading like a rainbow in the clouds. Tearing me apart, tearing me apart. Nilapagko ang libro at bumagon na ako. Bagong araw bagong karanasan. Nasasanay na ako sa palasyo. Kahit na medyo nakakapagod. At nami-miss ko na sina mama. Tinuruan naman ako ni Nana Senyasa mga gawain bahay, kaya hindi na ako nahirapan sa gagawin ko araw-araw. Nakapagtataka lang kasi one week na, pero hindi ko pa rin nakakausap ang Prinsipe, tungkolsa kung ano ang magiging silbi ko sa kanya. Akala ko ba, he needs an assistant. But here I am doing chores and arranging tables buong araw. Kapagod pero nag-eenjoy na man ako. Dahil bago ang experiences na 'to sa akin, bigla akong na proud sa sarili ko. Next stop, ang bar naman mamaya. Tinapos ko mun
"Elle!" Nahahapong sigaw ng ina Elle. "Ooh,bakit,Ma?may nangyari ba?" takang tanongni Elle, sabay bukas ng pinto. "Alam mo ba na umuwi na si PrinsipeLuke?Natapos na ang misyon niya sa Corinth. Naipanalo niya ang lupa natin dito.Lahat ng mamamayan ay magdiriwang sa pagdating niya. Maghanda kaanak," tuwang anonsyo niya. "Huh?!"gulat na tanong ni Elle, parang hindi ito makahinga sa tuwa. 'Yong lang ang tanging salita ang lumabas sa labi niya.Dahil sa galak at saya sa balitang sinabi ng ina niya.Napatulala ito; hindi niya maiwasan ang lumuha. “Opo, Ma. Nabanggit nga ni Liah, na uuwi siya.” Parang wala sa sarili niyang tugon niya. Hindi na niya mapigilan ang sariling umiyak. Dali-dali itong pumasok ng banyo. Tumigin siya sa salamin at ngumiti, habang tumutulo ang kanyang luha. "Elleee!Ano bang ginagawa mo, bakit ka umiiyak?" s
Tulala si Luke habang binabagtas niya ang daan pauwi sa kanilang palasyo. Basang-basa siya sa siya at parang gusto niyang itapon ang sarili sa kanal sa ginwa niyang pag-iwan na lang basta sa dalaga sa hardin. Naging duwag at natakot siya; ngayon paano niya haharapin ang dalaga. Paano niya pa ipaglalaban ang dalaga kung siya ang rason bakit ito umiiyak at nasasaktan ng husto. “Hijo? Anong nangyari?” salubong na tanong ng kanyang ina. “Wala, Ma, nabasa lang ako ng ulan.” “Sige na, maligo ka na at magpahinga.” “Sige, Ma,” tugon niya. “Nga pala, anak,” habol ng kanyang ina. “Bukas na ang pagdiriwang na gagawin ng mga tao para sa ‘yo.” “Ah, sige, Ma, darating ako. Umaasa ang binata na makikita niya ang dalaga sa handaan at hihingi siya kapatawaran sa kanyang ginawa. Buong buhay niya ay Elle lamang ang tangi
AMALIAH Sumalubong ang ganda ng umaga nang magising ako. Masarap sa pakiramdam ang init na nagmumula sa bintanang krystal. “Window open,”wika ko. Kahit na parang napahiya ako nang araw na maraming babaeng dumating sa palasyo at pinag-aagawan si Zek at ako ang naging taya sa dramang ‘yon, nakakahiya sabihing bobo ako sa wikang Ingles. Ngayon araw ay may gaganaping pagdiriwang sa palasyo. Hindi ko alam pero may pakiramdam akong hindi ito magiging maganda. Naligo na ‘ko at nag-ayos para makapagsimula nang tumulong sa kusina. Marami raw kaming gagawin para sa paghahanda. Pagkatapos kong mag-ayos ay lalabas na sana ako nang may pumasok na malamig na hangin sa bintana ko. Nang tignan ko naman ay wala naman akong nakita o naramdamang kakaiba. Pero malakas ang pakiramdam kong merong mali sa paligid. “Window close,” mahina kong utos sa bintana. Ang sabi ni
Pagdating namin sa palasyo ay abala ang mga tao; halos hindi na sila makausap. May mga taong nagde-design ng bulwagan at may nag-aayos ng mga ilaw. Lakad tabko ang ginagawa ng iba. Mamayang gabi na kasi ang kasiyahan at kailangan nilang matapos nang maaga ang pag-aayos. “Ah, Betty, tutulungan ko muna sina Nana Senya sa kusina,” paalam ko kay Betty. “You’re not doing anything, unless I told you so,” isang malamig na boses ang narinig ko. Si Zek nasa likod ko at mukhang kakarating niya lang. Saan ‘to galing? At may mga kasama siyang mga bisita. Yumuko ako kanya bilang pagbati. “Provido, this is Liah, my Fiancée, attend her needs for the party,” saad niya sa isang babaeng blond ang buhok at maganda. Hindi naman ako maka-react sa sinabi niyang ‘fiancée’ dahil nagpapanggap nga akong bobo sa wikang Inglish. “You really have a good choice, darling,” saad nito. Habang nakangiti
Habang naglalakad ako papunta sa kwarto ni Zek,hindi ko mapigilan kabahan. Ano ba talaga ang plano ng lalaking ‘to. Nang makarating ako sa pinto ng kwarto niya ay agad na akong kumatok. Ilan katok pa ang ginawa ko bago ako buksan ng lalaki. Ang akala ko siya ang bubungadpero iba ang bumukas. “Yes? Hello?” ani ni Ezra. “Hi!” ani ko sabay yuko. “Hello? Which kingdom are you from?” tanong niya. Nagtaka ako bakit ‘yon ang tanong niya. “Mahal na Prinsesa, ako ‘to si Liah,” sabi ko. “Huh? What? Wait?” sunod-sunod niyang tanong. “Oo, ako ito, Mahal na Prinsesa.” “You look like a real princess! Oh! Gosh! You look like a fairy!” bulalas niya. “Nasa loob ba ang pronsi
Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa makarating ako muli sa bulwagan ng palasyo. Kinalma ko muna ang sarili bago tuluyan pumasok sa loob. Kailangan kong makalayo sa gano’n sitwasyon. Ano sa tingin niya ang inisip niya? Na gano’n ako kadaling makuha? Na kaya niya akong bilhin? Oo kailangan ko nang trabaho at kumita sa sarili kong sikap. Pero hindi ko kayang ipagbili ang sarili kong dignidad. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit gusto kong manatili sa tabi niya? Bakit ganito kabilis ang tibok ng puso ko? Naguguluhan na ‘ko. Tch. “Liah?” napatalon ang puso ko nang marinig ko boses niya. Hindi ako lumingon ayokong makita ang mukha niya. Hinawakan ko ang manggas ng aking gown pataas nang kunti at naglakad sa gitna ng bulwagan. “Listen everyone!” napahinto ako nang bigla siyang nagsalita nang malakas. Lahat ng tao sa bulwagan ay napatingin sa kanya. Lahat huminto at binigay sa k