Share

The Dangerous woman 6

Mabilis naman akong nakarating sa bahay na inuupahan ko. Pagpasok ko ng pinto ay umupo mo na ako sa bakanteng upuan, napasandal ako at napabuntonghininga ng malalim, naisipan ko naman na humarap sa salamin na naka sabit sa dingding. Pagharap ko rito ay nakita ko ang nakakaawa kong mukha, nababahiran ito ng dugo at may mga galos na natamo, dahil sa pakikipaglaban sa tatlong lalaki.

Napailing-iling na lang ako at medyo nalungkot dahil ang maganda kong mukha sa ngayon ay puro gasgas na.

Nagtungo naman ako sa loob ng banyo para linisan ang aking katawan na may bahid ng dugo. Hindi naman ako nagtagal dito sa loob at agad ding lumabas.

Pagkatapos magbihis ay sinimulan ko nang gamutin ang aking sugat. Kinuha ko ang vetadine para lagyan rin ang aking sugat. Hanggang sa ilagay ko ang ang gasa sa sugat ko sa aking braso.

Natapos na ako sa paglinis ng mga sugat ko. Kaya naisipan ko mo na magpahinga, dahil sa sobra akong napagod sa pakikipaglaban kanina.

Kaya naman humiga na ako sa sofa na nasa may terrace ng bahay na inuupahan ko. Ipipikit ko na sana ang mata ko nang bigla ko maranig na may kumakatok sa pinto ng bahay.

Ka agad naman akong bumangon at kinuha ko ang baril ko, dahil hindi ko alam kung sino ang kumakatok lalo’t baguhan lang ako rito sa lugar.

Marahan ko naman binuksan ang pinto at napahinga ako ng maluwag, nang makita ko kung sino ang kumakatok. Isa lang pala babaeng matanda.

“Magandang hapon, hija, pasensya ka na kung naistorbo kita? Ako pala si lola Miling,” bungad na pakilala ng matanda sa akin.

“Ahmmmm--- kayo po pala Lola, pasok po kayo,” magalang na anyaya ko kay Lola Miling.

Tumanggi naman ito dahil hindi naman daw siya magtatagal, gusto lang pala ako kamustahin nito kung komportable ako sa bahay na inupahan ko.

Ilan sandali pa nga nga ay iniwan na ako ng matanda. At nagmadali na itong umalis sa aking harapan. Pinagmasdan ko lang naman ang paglayo ni Lola Miling.

Sinarado ko na ang pinto at bumalik na ako sa pagkakahiga. Gustong-gusto ko na talaga matulog. Ngunit kumonot ang noo ko ng bigla magring ang telepono ko.

Nakita ko naman na tumatawag si Palpak ang kapwa Agent. Wala naman akong magawa kundi sagotin ang telepono dahil sa sobrang ingay nito.

“Ano kailangan mo!” Malakas na sigaw ko sa kabilang linya. Naiinis ako dahil istorbo ito sa aking pamamahinga.

“Agent Nathalie, relax ka lang, masyado ka naman high blood, kung makasigaw ka ang sakit kaya sa teynga,” natatawang sambit ng lalaki sa kabilang linya.

“Ehh…” Bakit ka kasi tumatawag? Ano ang kailangan mo sa akin storbo ka, eh… alam mong pagod ako at gusto kung matulog,” anas ko sa lalaki.

“Gusto lang sana kita kamustahin Agent Nathalie, dahil mag-isa ka lang pumunta riyan sa St. Maria para sa misyon na binigay sayo. Sa ngayon misyon mo ay hindi mo ako isinama, nag-alala ako sa ’yo Agent Nathalie.”

Natawa naman ako sa sinabi ng lalaki, dahil wala naman ako paki sa kaniya. Sa totoo lang ay palaging sumasakit ang aking ulo kapag kasama ko siya.

“Huwag mo ako alalahanin Franco hindi na ako bata at kaya kong mag-isa sa mission na ito. Marami na akong mission na nalutas, siguro naman ay makakaya ko rin ang mission na ito ng mag-isa,” tuloy tuloy na letanya ko.

Narinig ko namang nagbuntonghininga ang lalaki. Ngunit hindi nagsasalita mula sa kabilang linya. Kaya naman pinagpatuloy ko ang aking mga sasabihin.

“Huwag ka mag-alala Franco, dahil kapag kailangan ko ng tulong dito ay ka agad naman kitang tatawagan. Kaya relax-relax ka muna riyan. Bukas ay sisimulan ko na ang aking misyon. May mga aalamin pa akong mga detalye tungkol sa pagkawala ng mga bata rito sa Sta. Maria,” tuloy-tuloy na litanya ko kay Palpak.

“Ahmmmm--- Sige Agent Nathalie, mag-iingat ka na lang diyan lalo na’t baguhan ka lang sa lugar nayan,” anas ng lalaki.

“Maraming salamat Franco.” Hanggang sa ibaba ko na ang telepono at kailangan kong magpahinga dahil bukas na bukas din magmamatyag na ako lugar na iyon, aalamin ko ang punot dulo ng lahat ng pangyayaring sa pagkawala ng mga bata.

Agad ko nang ipinikit ang mga mga mata ko para matulog. Hindi naglaon ay agad akong dinalaw ng antok at tuluyan na dumilim ang aking paligid.

Matulin na lumipas ang buong magdamag maaga akong nagising medyo inaantok pa ako at pakusot-kusot ng mata. Nagtungo naman ako sa kusina para magtimpa ng kape. Kumuha naman ako ng tasa at nilagyan ko ito ng mainit na tubig at saka nilagay ang kapeng pampagising.

Tumingin naman ako sa orasan na nasa wall. Napansin kong mag alas-sais na ng umaga. Kaya nagmadali na ako para inumin ang nasa harap ko. Dahil balak ko magjogging para naman ma-exercises ang katawang lupa ko.

Nagmadali na akong ng suot ng maikling short at nagsuot din ako ng rubber shoes at saka ako lumabas ng bahay. Nagsimula na akong tumakbo nang marahan, napansin ko naman na tahimik ang paligid. Masaya kong binabaybay ang daan habang nakikinig ng musika sa head set naka salpak sa aking tainga.

Napagod naman ako at hiningal kaya nagpahinga mo na ako saglit. Sa ‘di naman kalayuan ay nakakita ako ng dalawang tao na nag-aaway. Hindi ko naman ito nilapitan dahil hindi ko naman alam ang pinag-aawayan nila. Nagdisisyon naman akong bumalik sa aking bahay, dahil maghahanda na ako para simulan ang mission ko rito Sta. Maria.

Kasalukuyan akong naglalakad. Subalit nagulat ako nang may dumaan sasakyan sa aking kaya kaya naman lahat maruming sa tubig kanal ay napunta sa aking katawan.

Hindi ako kapagsalita. Para yata akong namaligno. Tapos ang kotse iyon ay hindi man lang tumigil para humingi ng sorry sa akin

Dala nang matinding galit ay kumuha ako ng hindi kalakihang bato. Hindi pa naman masyadong nakakalayo ang kotse. Ngunit kayang-kaya ko pa itong patamaan.

Hanggang sa gigil na gigil akong binato ang side mirror ng kotse. Animal na ‘yun. Mabilis naman akong lumiko sa kanang daan nang makita kong sapol na sapol ang kotse salamin ng kotse. Tiyak akong galit na galit ang driver noon. Aba! Patas lamang kami!

Iiling-iling na lamang ako na pinagpatuloy ko ang aking paglalakad. Hindi naglaon ay tuluyan na akong nakarating sa bahay na inuupahan ko.

Sa banyo ako unang pumunta dahil ang dumi-dumi ng buong katawan ko.

Bandang alas nueve, na ako umalis ng bahay para magtungo sa lugar ang aking mamanmanan. Sana lang ay tama ang nakuha kong detalye na rito nga sa pinakang dulo ng Sta. Maria nagpupugad ang mga masasamang nilalang.

Mabilis naman akong nakarating dito. Ibang-iba talaga ang lugar na ito, sa lugar na tinitirahan ko sobrang daming tao rito. Kapag patanga tanga ka rito ay mananakawan ka.

Dulong-dulo na talaga ito ng Sta. Maria. Ngunit nakikita sa mga mukha ng mga tao rito ay parang problemado. Dahil siguro sa mga batang nawawala at nag-aalala sila.

Sa patuloy kong pag-iikot ay natuon ang mga mata ko sa mga batang naglalaro. Hanggang sa may huminto na van sa tabi nila. Nakita ko ang dalawang lalaki na bumaba ng sasakyan at kinakusap ang mga bata, may inaabot itong bagay, na alam kong chocolate at candy, sa tingin ko ay ito ang istilo ng kanilang ginagawa para makahikayat ng mga bata para sumama sa kanila at isakay sa van. Patingin-tingin pa ang isang lalaki habang ang mga bata ay isa isang sumasakay sa kanilang sasakyan.

Palihim naman akong nakatago sa may puno habang pinagmamasdan ko sila. Tiyak ito ang mga sindikato na aking hinahanap. Dahil mga bata ang kanilang biktima.

Tuluyan na nga nakaalis ang ban, sakay ang mga batang kinuha nito. Ka agad na umikot ang mga mata ko sa buong paligid. Hanggang sa makita ako ang motor. Dali-dali akong lumapit dito. Ngunit dumukot ako ng pera upang ilagay sa kamay ng may-ari ng motor.

Agad kong sinabi na hihiram ako ng motor. Hindi na hinintay na magsalita ang lalaki. Agad akong sumakay sa motor at matulin ko itong pinatakbo para habulin ko ito. Sa pagkakataong ito ay malalaman ko na kung saan ang tutuong kuta nila.

Matagal akong nakasunod sa van. Mamayamaya pa ay biglang bumilis ang takbo ng sasakyan sinusundan ko. Mukhang pansin nila na may sumusunod sa kanila. Bigla naman itong lumiko at hindi ko na ito nasundan. Napatigil naman ako at palinga-linga sa paligid.

Hanggang sa muli kong makita ang sasakyan na hinahabol ko. Pumasok ito sa malaking gate. Mabilis akong bumaba ng motor at pa-simpleng lumapit sa gate. Naghanap din ako ng daan para makapasok sa loob.

Hanggang sa makita ko ang malaking puno na malapit sa pader. Dali-dali akong umakyat dito. Kinuha ko rin ang dala kong telescope na nasa aking bag at tinutok ito sa loob ng bahay.

“Kitang-kita ko ang napakaraming armadong lalaki na pabalik-balik sa loob nito. Sa tingin ko ay isang daan katao ang bantay sa loob. Tiningnan ko rin ang taas ng bobong nakita ko na may mga naka bantay din dito. At mahahaba ang mga dalang baril. Bigla naman akong nakatago sa malagong mga dahon na kung na saan ako naroon. Baka kasi makita ako.

Kailangan kong paghandaan ang pagpasok ko rito mayamayang gabi. At titiyaking kong makukuha ko ang mga kawawang bata.

Hanggang sa magdesisyon na akong umalis dito sa malaking puno. At tuluyang sumakay ng motor.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Franco pala Ang tunay na pangalan ni Palpak
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status