Share

CHAPTER XVI (UNDOING CIRCUMSTANCES)

(RED’S POV)

N A N A K I T . . .  ang buong katawan ni Red nang magising siya. Napahawak siya sa noo nang maramdaman ang tila pumipintig na sakit rin ng ulo nadala nang bigla niyang pagbangon. 

“Colonel! Sa wakas!” malakas na tawag ni Yoda sa kanya at agad siyang nilapitan.

Kita niya ang pag-aalala sa mukha nito. 

“A-Anong nangyari? A-Asan si Trinity?” wala sa loob niyang tanong habang iginagala ang paningin sa silid kung saan siya naroon. 

Napagtanto niyang nasa kwarto siya ng huli. 

“Hindi mo na naaalala?” tanong nito. 

Napakunot siya noo. Wala pa talaga yata siya sa sarili dahil blangko ang isip niya.

“N-Naalala ang alin?”, tanong niya din tsaka muling napapikit dahil sa lumalakas na pintig ng pulso sa sentido niya. 

“Hala! Nagka-amnesia ka na yata, Colonel!” nagtatarantang tugon nito.

“Teka nga…Lieutenant! Lieutenant!” pa-sigaw nitong tawag sa kung sino sabay umaktong tatayo para lumabas pero pinigil niya ito sa braso. 

“Sinong tinatawag mo? S-Sinong Lieutenant? A-Anong…”, sunod-sunod niyang tanong. 

Doon naman pumasok sa silid ang dalawang lalaki. Napamulagat siya nang mapagsino ang mga iyon. 

“Lieutenant Caceres? Captain Esguerra? Anong ginagawa n’yo dito?” 

Hindi siya makapaniwala na naroon ang mga kasamahan niya. Ang gulat ay mabilis na napalitan ng pagkalito. Bakit nga ba naroon ang mga ito? Nakalimutan na ba ng mga ito na malapit lang sa kanila ang kuta ng kriminal na tinutugis nila? Paano kung may mga tao si Deo na nasa malapit lang at makita ang mga ito?

“Mabuti naman at nagising ka na, Colonel”, ani Lt. Caceres. 

“What happened? Bakit kayo nandito? Alam niyo namang delikado”,

“Tingnan mo Lieutenant! May amnesia na yata si Colonel! Anong gagawin natin?”, mangiyak-iyak na singit ni Yoda sabay umaktong yayakap sa kausap.

“Wag kang OA, Yoda. Hindi nakaka-amnesia ang X-ta-C”, sagot naman ni Uno sabay sinalag ang yakap ng huli.

“Eh bakit gano’n si Colonel?! Pagkagising sabi niya ‘A-Anong nangyari? A-Asan si Trinity? Lt. Caceres? Capt. Esguerra? B-Bakit kayo nandito?’”

Kumunot ang noo niya sa paraan ng paggaya ni Yoda sa mga sinabi niya kanina.

“Hindi ko gano’n sinabi”, singit niya pero hindi siya nito pinansin. 

“Di ba gano’n ‘yong sa mga pelikula? Pagtapos maaksidente, ilang araw walang malay sa ospital, tapos ‘pag nagising…’A-Asan ako? S-Sino ka? S-Sino ako?’, di ba gan’on sila? Tapos sasabihin ng doktor, ‘I’m sorry pero may amnesia ang ho siya, hindi natin alam kung temporary ba o permanente na’”, patuloy na pag-arte pa ng peke niyang pinsan. 

Kung hindi lang siya nalilito ay matatawa sana siya sa nasaksihan. Pero wala pa ring sumasagot sa mga tanong niya kaya lalo lang nalukot ang noo niya. Pilit na inaalala ang mga nangyari bago siya mawalan ng ulirat. 

Nakita niyang nailing na lang ang mga kasama niya tila role play ni Yoda. 

Nilapitan siya ni Capt. Esguerra.

“Kamusta ang pakiramdam mo, Colonel?”

“Ayos naman. Ano bang nangyari? T-Tsaka bakit kayo nandito? Bigo ba ang misyon?” sunod-sunod niyang tanong. 

“No, the mission is still on, Colonel”

“Kung gano’n,  bakit kayo nandito?”

Magkasabay na nalipat ang tingin ng mga kasama niya kay Yoda.

“‘Eto kasing si Yoda, tinawagan kami kagabi. Napa-panic. May nangyari daw sa’yo. Nag-alala kamii kasi wala kang suot na kahit na anong device kaya hindi ka namin makausap. Akala namin may nangyaring masama sa’yo, Colonel”, sagot ni Lt. Caceres na may bahid ng paninisi sa katabi. 

Napakamot naman ng ulo ang huli.

“Eh kasi naman… ininom n’yo ‘yong X-ta-C ni Boss, ta’s biglang para kayong naging halimaw! Grabe kawawa si Miss Byutipul. Tiyak ko nananakit ang buong katawan n’on ngayon”, sagot ni Yoda na ikinatawa ng dalawa niyang ka-team.

Napakunot ang noo niya sa reaksyon ng dalawa.

“W-What do you mean?” nalilito niyang tanong. 

“Hindi mo talaga naaalala?”

“Ang alin nga?”

Mukhang nag-alinlangan pa ito noong una pero maya-maya ay umakto ito na parang sumasayaw at ina-atras-abante ang balakang.

Lalong nalukot ang noo niya.

“Ano ‘yan?” tanong niya.

“Ni-ratsada mo si Miss Byutipul ng malupet at paulit-ulit, Colonel!” 

Ang kanina’y pa-simpleng hagikhik lang ng dalawa niyang kasama ay nauwi sa tuluyang pagbulanghit ng tawa. 

Doon mabilis na nanumbalik sa kanya ang lahat nang nangyari noong nakaraang gabi. Ang bawat ungol niya, pati ang pag-iyak at pagsigaw ni Trinity, at ang pagmamakaawa nitong tumigil na siya habang inaangkin niya ito ng paulit-ulit. 

Nasabunutan niya ang sarili.

“F*ck!” he exclaimed.

Gusto niyang suntuking ng paulit-ulit ang sarili sa mga naalala. How can he do that to her? Walang kapatawaran ang ginawa niyang iyon sa dalaga.

“Where is she?” bigla niyang naisipang itanong. 

“Nasa bartolina pa rin”, kalmadong sagot ni Capt. Esguerra.

“What?! Hinayaan niyong bumalik pa din siya d’on?”

Hindi agad sumagot ang mga ito. 

“Yoda?” baling niya sa peke niyang pinsan

“E-Eh, C-Colonel—”, tila nag-aalangan nitong sabi. 

Hindi na niya ito hinintay matapos. Kahit nanakit ang buong katawan ay pilit siyang tumayo. Diretso niyang inabot ang baril at isinuksok sa likod ng pantalon niya. 

“Colonel…”

“Colonel, saan kayo pupunta?---”

“Colonel…”

Pero hindi niya pinansin ang mga ito. He needs to go and get Trinity out from there, by hook or by crook.

“Colonel”, pigil ni Capt. Esguerra sabay harang sa daraanan niya.

“Tumabi ka, Daniel”, pagbabanta niya sa huli. 

“Saan ka pupunta?”, tanong nito. 

Nagpupuyos ang dibdib niya sa galit. Sa lahat ng kasangkot sa pagdukot kay Trinity, kay Deo, at lalong lalo na sa sarili niya. 

Pinukol niya ng matalim na tingin si Capt. Esguerra pero hindi siya sumagot. Akmang lalagpasan niya ito nang pigilin siya nito sa braso. 

“Malapit na tayo sa katotohanan, Colonel. Hindi na tayo pu-pwedeng magkamali ngayon”, mariin nitong paalala. 

“Kahit na, Daniel! Masyado nang malaki ang sakripisyo ni Trinity para lang sa misyong wala naman siyang kinalaman!--” hindi niya mapigilang mapataas ang boses sa kausap. 

“At mas lalong pwedeng mauwi sa wala ang lahat ng sakripisyong iyon kung magpapadalos-dalos ka na naman, Red!” ganti nito sa parehong intensidad.

Natigilan siya. 

“Hindi lang ni Trinity, kundi nating lahat. Mo, ni Yoda, ni General Wisconscio, na langit ang kumpiyansasayo… at ng buong ADFP. Get a hold of yourself, Red. You are being unreasonable again. Hindi ka ganyan”,

Nagtaas-baba ang dibdib niya sa galit ngunit hindi siya makasagot. 

“Huwag mong hayaang pangunahan ka ng kung anong nararamdaman mo para kay Trinity. Alam mo ‘yan, higit kanino pa man. Magiting kang sundalo at magaling na lider. Kaya nga hindi kami nagdalawang isip na pumayag na sumali sa secret mission na ‘to dahil sinabi ni General Wisconscio na ikaw ang mamumuno nito”

Napatingin siya kina Yoda at Sixto, na kapwa nagulat sa biglaan niyang pagtaas ng boses. 

“Kung talagang gusto mong mabigyan ng hustisya ang nangyari kay Trinity, gawin mo ang tama, para mahuli at papanagutin sa batas ang tunay na may sala”, pagpapatuloy ni Daniel.

Nang marahil ay makitang kumalma na siya, ay unti-unti na nitong binitawan ang mahigpit n pagkakahawak sa braso niya. May iniabot itong maliit na piraso ng papel sa kanya.

“‘Yan ang detalye ng magaganap na transaksyon ni Dysangco bukas”, 

Binasa niya ang nakasulat na address sa papel. 

Freight Check-in Gate

Manila North Port

Dock 42

Shinjimoto Shipping

IMO 934578

EAD: 03/08/2018

EAT: 21:10

“Si Yoda na ang bahala para siguruhing makakasama ka kina Deo. From there, we’ll carry on with the original plan”, wika ulit ni Daniel. 

Hindi siya kumibo. 

Tinungo na nito ang direksyon ng pinto, ngunit bago tuluyang makalabas ay huminto muna ito at muli siyang nilingon. 

“There will be a separate team na bahala sa rescue operations ni Trinity. So don’t worry. Should everything go according to our plans, you can personally explain your circumstances to her. Who knows, baka kapag napatawad ka na niya, pwede mo nang ipagtapat ang nararamdaman mo para sa kanya”, pahabol pa nito tsaka nauna nang lumabas. 

Naiyukom niya ng kamaong may hawak sa maliit na papel. 

“Wait, wait, teka lang… so may feeling talaga si Colonel doon sa babaeng ni-rape niya ‘kuno’? Na ngayon ay bihag pa din ng mga kalaban natin?” narinig niyang pag-momonologue ni Uno.

Sinamaan niya ito ng tingin. 

“Wag ka nang maraming satsat d’yan! Tara na, pagtitimpla kita ng kape!” sagot naman ni Yoda sabay niyakag ang huli palabas ng kwarto. 

Prinsesa Maria

OMG! Same kami ng tanong ni Lt. Caceres aka Uno. So may feelings ka nga kay Trinity, Colonel???? ----- Maraming salamat po sa pagsubaybay!

| Sukai
Komen (5)
goodnovel comment avatar
Prinsesa Maria
thank you sa pag intindi kay General ate! .........
goodnovel comment avatar
Vie Bongat
may feelings si red kay trinity kaya kahit labag sa kalooban nyang gawin pikit mata kesa lahat ng tauhan pag piyestahan si trinity eh di si red na lang. maiintindihan naman nya kapag naipaliwanag na
goodnovel comment avatar
Calista Dale
Rape will probably make a person not the same again.. like Trinity case.. she will be in traumatize big time.. or maybe makes her life miserable.. nightmares or depression that will be the case for that traumatic event.. i feel sorry for Trinity
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status