Home / Romance / THE GENERAL'S LOVER / CHAPTER XVII (CAUGHT IN THE ACT)

Share

CHAPTER XVII (CAUGHT IN THE ACT)

last update Last Updated: 2023-05-14 01:39:49

RED’S POV

N A G K A T I N G I N A N . . . sila ni Yoda nang pumasok ang van na sinasakyan nila sa entrance ng Manila North Port. Naka-convoy sila sa tatlo pang sasakyan kung saan naman nakasakay sina Deo at iba pang tauhan nito. Kasama nila sa van si Trinity at dalawa pang alagad ni Deo.

Pasimple niyang sinulyapan ang mga ‘hotspots’ kung tawagin nila. Doon nakatago at naghihintay ng senyales para sumalakay ang mga kawani ng ADFP. 

Ilang sandali na lang ay magkakaalaman na kung kaninong pangkat ang mananaig. Kumpiyansa siyang mananalo sila, pero gusto niyang maging handa para sa lahat ng posibleng mangyari. Hangga’’t maaari sana, ay ayaw niyang may masasaktan sa grupo nila. Pero alam niyang kasama ang panganib na iyon sa tungkuling sinumpaan nila. 

Malayo pa ay tanaw na nila ang grupo na nakatayo at naghihintay sa kanila. Huminto ang mga sasakyan nila ilang metro lang ang layo sa mga ito. Mukhang ito na nga ang mga kliyenteng hapon na sinasabi ni Deo.

Naunang bumaba ang huli, pati na ang mga tao nitong lulan ng dalawa pang sasakyan. Bumaba din ang dalawang kasama nila sa van. Habang sila ni Yoda ay nanatili sa loob, ayon na din sa utos ni Deo. Bababa lang sila kapag nagbigay na ito ng hudyat para dalhin si Trinity sa mga kliyente.

Mula sa loob ng van ay kita nila nang magsimula  ang pag-uusap ng dalawang panig. Base sa galaw ng mga ito, halatang malapit na ang mga ito sa isa’t isa. Hula niya ay hindi iyon ang unang beses na nagkaro’n ng ugnayan ang mga ito.

“Handa ka na, Red?” biglang tanong ni Yoda.

Nilingon niya ang si Trinity na nakapiring at nakapagos pa rin. Mukhang nakatulugan na naman nito ang pag-iyak. Ilang segundo niya itong pinakatitigan bago muling ibinalik ang tingin sa nagaganap sa harapan. Nahagip ng tingin niya ang kabadong mukha ni Yoda, pati na ang panginginig ng kamay nito. 

“Kinakabahan ka ba?” kalmado niyang tanong habang sa harapan pa din natuon ang tingin. 

“Huh? A-Ako? Kinakabahan? H-Hindi ah! S-Sanay ako sa ganito”, 

Muli niya itong nilingon kaya napatingin din ito sa kanya.

“Hindi nga sabi!” giit nito kahit wala naman siyang sinasabi. 

Of course he knows that that is not the truth. He was fidgeting and sweating like crazy. Hindi niya ito masisisi. Sa mga panahon nakasama niya ito, napag-alaman niyang malabot ang puso nito, lalo na sa mga nangangailangan at naaapi. 

Ibinalik niya ang tingin sa harapan.

“Huwag kang magtakot. Hindi ko hahayaang mamatay ka”, he said coldly.

“Alam mo kahit KJ ka, medyo sweet ka rin ano?”

Hindi niya ito pinansin. Nasanay na siya sa mga kakaiba nitong gawi at komento paminsan-minsan. Sa halip ay iginala niya ang mga mata sa paligid para siguruhing naka-posisyon ang lahat ayon sa plano. 

“Speaking of sweet…totoo nga ba ‘yong sinabi ni Captain Esguerra?” tanong ulit nito. 

“Alin?” wala sa loob niya namang tanong habang abala pa din sa pag-mamatyag.

“May balak ka ngang magtapat ng nararamdaman mo kay Miss Byutipul?”

Kunot ang noo siyang napalingon dito tsaka pasimpleng napalingon sa gawi ng dalaga. Mabuti na lang at mukhang tulog pa rin ito.

Sinamaan niya lang ng tingin si Yoda at piniling huwag na lang itong pansinin. 

“Wala lang, parang hindi lang ikaw ‘yong type na so-shota ng mas bata ng higit sa’yo, alam mo ‘yon? Tapos, pareho pa kayo ng personality…medyo kuripot kayo sa ngiti gan’on…”, narinig niya pang komento nito kaya muli niya itong pinukol ng masamang tingin. 

“U-Uy pero b-bagay… bagay kayo, bagay”, bawi nito agad sa sinasabi sabay thumbs-up pa. 

Napailing na lang siya tsaka ibinalik ang atensyon sa harapan nila. Doon niya kita ang signal ni Deo na ilabas na si Trinity. 

Mabilis niyang kinalabit ang katabi tsaka nauna nang bumaba ng van. Agad namang sumunod si Yoda na akay-akay na ang dalaga. Marahil ay sa labis na panghihina ay muntik itong matumba at nabitawan ni Yoda. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes niya kaya agad niya itong nasalo. Halos lupaypay na ito at hindi na makapagsalita. 

“S-Sorry ‘insan”, 

Tumango lang siya bilang sagot. 

Inayos niya ang pagkakahawak sa dalaga. Isinampay niya ang isang braso nito sa balikat niya habang ipinulupot niya naman ang isa niyang braso sa balakang nito para masuportahan ito sa pagtayo. Para itong lasing na susuray-suray sa paglakad. Kung siya lang ang masusunod ay bubuhatin niya ito. Kaya lang gaya ng sabi ni Capt. Esguerra, kailangan niyang mag-ingat na huwag gumawa ng kahit na anong maaaring kumuha ng atensyon.

We’re almost there, Trinity. Hang in there, tahimik niyang sabi sa isip.

Ilang hakbang lang ay narating na nila ang kumpulan. Noon naman inilapag ng mga tauhan ni Deo ang dalawang kahon sa pagitan ng dalawang grupo. Agad iyong binuksan ng mga hapon, at gaya ng inaasahan ay naglalaman ang mga iyon ng epektos. Kumuha ng isang bag ng droga ang lider ng mga dayuhan at inamoy iyon. Napangiti ito nang makumpirmang hindi siya niloko ng kausap.

“And as promised, here is my personal present for you, Mr. ShinjI”, magiliw na sabi ni Deo sa kliyente na ang tinutukoy ay ang dalaga akay niya. 

Nilapitan sila ng matandang hapon na sa tantya niya ay nasa late sixties na ang edad. Puno ng  pagnanasa nitong sinipat ang kabuuan ng dalaga tsaka hinawakan ang pisngi. 

“Hmm, very pretty and young. I like very much!”, wika ng hapon. 

“Small body but very sexy, hmm. Arigato, Deo-sang”

Abot ang pagpipigil niya na huwag hawiin ang kamay ng matanda na humihimas-himas sa balat ni Trinity.

Mayamaya pa ay lumapit sa kanila ang dalawang hapon para kunin ang dalaga mula sa kanya. At dahil hindi pa iyon ang nakatakdang oras ng pagsalakay, wala siyang nagawa kung ‘di ang ipaubaya ito sa mga hapon.

Naging malikot ang mga mata niya. Alam niyang any time now ay tutunog na ang hudyat ng pagsisimula ng bakbakan. Timing and precision is the key to the success of their mission. 

Biglang tumunog ang malakas na sirena. Nagulat at natigilan ang lahat. 

“Ano ‘yon?!”

“What is happening, Deo-sang?!” nangangambang tanong ng hapon.

Ngunit hindi na nakasagot ang tinatanong nito dahil mabilis na siyang bumunot ng baril at itinutok iyon kay Deo. 

“ADFP! Taas ang kamay!” sigaw niya.

Kasabay niyon ay ang sabay-sabay na pagdating ng mga kasamahan niya sa ADFP pati na ang hinigi nilang backup force sa Marine Corps.

Ang gulat ay mabilis na napalitan ng galit nang lingunin siya ng huli.

“Sabing taas ang kamay!” ma-awtoridad niyang ulit sa sinabi. 

Wala itong nagawa kundi ang sumunod sa utos niya. 

Pinaikutan ng pwersa nila ang grupo nito pati na ang mga ka-transaksyon nitong dayuhan.

Nagpakiramdaman ang lahat. Agad na hinanap ng mata niya si Trinity. Nakita niyang napaupo ito sa simento nang bitiwan ng dalawang hapon para itaas ang mga kamay. Mula sa gilid ng mga mata niya ay nakita niya ang tuluyang pag-aresto ng mga kasamahan niya sa mga tauhan ng hapon.

At dahil hindi siya ang nakatalaga para sa rescue operations, binigyan niya na lang ng hudyat ang team na naka-toka sa assignment na iyon. 

“Red transmitting. Team A. Proceed to rescuing the butterfly”, sabi niya sa radio transmitter na nakakabit sa tenga niya. 

Nanatiling nakapako kay Deo ang tingin at tutok ng baril niya. 

“Put*ng ina mo ka, Red”, mariin nitong sabi habang pinupukol siya ng masamang tingin. 

“Tama si Geronimo, hindi kita dapat pinagkatiwalaan”

Hindi siya sumagot. Sa halip ay sinenyasan niya ang mga sundalong dumating na dakpin na ito. 

Habang ipino-posas ito ng mga kasamahan niya ay hindi niya maiwasang maalala ang lahat ng pagpapahirap nito kay Trinity. Kung maaari lang ay kakalabitin niya na ang gatilyo ng baril niya at tutuluyan na niya ito. 

“Sa ngalan ng Armadong Sandatahan ng Pilipinas, at sa kapangyarihang ipinagkaloob sa akin, ako si Colonel Juan Miguel Enriquez, alias Red, ay dinadakip ka, Deo Dysangco, sa salang illegal drugs smuggling and possession and transaction of firearms”, mariin niyang sabi dito habang ipino-posas ng mga sundalo ang kamay nito sa likod. 

“Karapatan mong manahimik at kumuha ng abogado. Pero tandaan mong anumang sabihin o gawin mo magmula sa puntong ito ay maaaring gamitin laban sa’yo”, pagpapatuloy niya sa spill na kailangan nilang sabihin kapag humuhuli sila ng mga kriminal.

Sa galit ay tinangka nitong sugurin siya pero agad niya itong siniko sa mukha, sanhi para matumba ito ay sumadsad sa lupa. 

“Kulang pa ‘yan sa lahat ng kasamaang ginawa mo!” sigaw niya dito. 

Humagikhik naman ito.

“Bakit? Tingin mo inosente ka, Colonel Juan Miguel Enriquez?”, tanong nito habang nakasadlak pa rin sa simento. 

“Baka nakakalimutan mo kung sino ang gumahasa ng paulit-ulit kay Tisay?” 

Ang hindi niya pagkibo ay tila ikina-aliw nito. 

“Pareho lang tayong kriminal dito, Red. Kung ako, drug lord, ikaw naman rapist!” malakas pa nitong sabi at sinundan iyon ng tila nababaliw na tawa.

Naiyukom niya ang kamao para pigilin ang sariling suntukin pa ito.

Itinayo na ito ng dalawang sundalo tsaka kinaladkad papasok sa defense force transport car.  Pero hindi niya makalimutan ang huli nitong mga sinabi. 

Prinsesa Maria

Haloo! Haloo! May part 2 po itong Caught in the Act Chapter! Abangan! Leave a comment below po if keri lang hehehe Ciao!

| Like
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 120 (REAL IDENTITY)

    JADE'S POV“A-ATE?” wala sa loob niyang tawag sa babaeng kakapasok lang sa entrada ng silid na kinaroroonan niya. “Oh don’t look to surprise just yet, Teej. Simula pa lang ‘to o. Wala pa tayo sa exciting part,” tila nang uuyam naman nitong sagot at sinundan pa iyon ng isang makabuluhang ngiti. Nagpalipat-lipat ang tingin niya rito at sa lalaking nagpakilala bilang si Deo kanina. Although the picture in front of her already suggests a definitive and clear meaning of what the situation is, she still cannot find it in her to believe na may kinalaman ang sarili niyang kapatid sa lahat ng ito. “A-Anong ibig sabihin nito? W-Why are you here? A-And…” wala sa loob niya pa ring tanong. “Anong ‘anong ibig sabihin nito’ ba? God! Isn’t it obvious? Yes, Trinity! Kasabwat ako ni Deo sa lahat ng ito!” may pagmamalaki pa nitong tugon. It was one thing to know, but it’s another thing to hear it directly from her own sister. Pakiramdam niya ay may malaking batong ibinagsak sa dibdib niya sa nari

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 119 (A FOE)

    JADE'S POVNAALIMPUNGATAN...siya ng gising dahil sa masamang panaginip.Kasabay ng pag dilat ng mga mata niya ay ang pagdaloy ng mala-kuryenteng kirot sa ulo niya, kaya agad din siyang napapikit muli.At nang subukan niyang hilutin ang sentido, noon niya napagtantong nakagapos sa likuran niya ang mga kamay.Akala niya ay nananaginip lang siya kaya sinubukan niya pang kalagan ang sarili. Hanggang sa tuluyang magising ang diwa niya at malamang totoo nang nakatali siya. Hindi lang ang mga kamay niya kung di ang buon niyang katawan ay nakatali sa silyang kinauupuan niya.Agad na bumilis ang tibok ng puso niya.Parang biglang nanumbalik sa kanya ang masalimuot na alaala ng pagkakadukot sa kanya noon. Ang sandaling sumira sa buhay niya bilang Trinity Santiago.Pero sa kabila ng takot at kaba ay agad niya ring naisip ang anak.Si JM! sigaw niya sa isip.Mabilis na iginala niya ang paningin para hanapin ang anak, pero wala siyang ibang nakita kung di puro dingding na walang pintura.Lalo siya

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 118 (TABLES TURNED)

    RED’S POVNAPABULAGTA… si Red matapos ang high intensity work out na araw-araw niyang ginagawa. Pakiramdam niya ay sasabog ang baga niya sa labis na pagkahingal. This is how he has been trying to get by since he came here in Basilan. He tries his best not to think of anything or anyone else other than his duties, their mission and ADFP. Although their current situation is far from the privileged life na mayroon siya sa kampo, at the moment as mas gusto niyang narito muna siya sa gitna ng kawalan, pre-occupied by everything else na walang kinalaman kay Trinity. It has been over a week magmula nang dumating siya rito para alalayan ang local armed force sa misyon nitong pasukuin ang mga rebelde. Breaking up was never in his plans. But he cannot stop thinking about the possibility na baka nga may nararamdaman din si Trinity para sa kaibigan nito. Maybe she herself is not aware. Baka iniisip lang nito na kailangang siya ang mahalin nito dahil may anak sila, and she has that responsibil

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 117 (FRIEND OR FOE?)

    JADE’S POV“AIRA… bakit ba tayo nagtatago dito? Kailangan na nating umalis dahil by now, malamang ay alam na nila na nakatakas kami at sigurado ako na ipapasuyod ni General Rodriguez ang buong villa para mahanap kami,” reklamo niya sa kaibigan habang nakatalungko sila at nagtatago sa may mga halamanan.Matapos kasi sila nitong kaladkarin kanina ay iginiya sila nito sa may mayayabong na halamanan sa may ‘di kalayuan lang sa mansyon. “Shh, sa ingay mong ‘yan ate, kahit sa Timbuktu ka magtago, mahahanap at mahahanap ka nila,” saway naman nito sa kanya sabay luminga-linga sa paligid.She started to grow impatient. They really have no time for this. Kailangan na nilang umalis at magpakalayo-layo, dahil kung hindi, tiyak na mahahanap sila ng mga tao ng heneral in no time. “P-Pero–”“Basta mag-relax ka lang d’yan ate, okay? Alam ko medyo tagilid ang ugali n’ong ate mo, pero wala rin naman tayong choice. Siya lang ang alam kong makakatulong sa inyo,” pabulong ulit nitong saway sa kanya. Sa

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 116 (ESCAPE ROUTE)

    JADE'S POVPIGIL... ang hininga niya sa bawat paghakbang nila ni JM habang halos dumikit na sila sa matataas na pader ng bakuran.Hinintay niyang kumagat muna ang dilim bago nila sinimulan ang pagtakas.Mabuti na lang napaniwala niya sina General Rodriguez sa palusot niyang hindi maganda ang pakiramdam ni JM kaya mananatili lang ito sa kwarto. Habang siya naman ay lumalabas lang kapag kukuha siya ng pagkain nilang dalawa.Gaya nga ng narinig niya kanina sa usapan ng mag-anak, nagdagdag ng seguridad ang mga ito sa paligid ng mansyon. Ilang mga naka-unipormeng lalaki na may dalang military dog na din ang nakita niyang palakad-lakad sa bakuran simula kaninang hapon.Alam niyang hindi magiging madali ang makalusot sa mga bantay, pero handa siyang gawin ang lahat huwag lang mailayo ang anak niya sa kanya.Nagpag-usapan nila ni Aira na magkikita sila sa entrance ng mansyon. Susubukan nitong i-distract ang bantay habang susubukan nilang tumakas mag-ina. Hindi niya alam kung magwo-work ba ang

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 115 (PSEUDO)

    JADE’S POVNAGISING… siya sa sinag ng araw na sumilip mula sa nakasaradong kurtina ng balkonahe sa silid nila ng anak. Marahang kinusot niya ang mga mata at agad na bumaling para hanapin ang orasan. Alas siete y media pa lang ng umaga. Sunod na binalingan niya ang anak na nasa tabi niya. Mahimbing pa rin itong natutulog. Kahit na medyo inaantok pa ay nagpasya siyang bumangon para ayusin ang pagkakasara ng kurtina . Baka kasi magising din ng liwanag si JM. Inayos niya ang kumot ng anak ‘tsaka nagtungo na sa banyo para sa morning rituals niya. Sinikap niyang maging maingat sa bawat galaw para huwag maistorbo ang nahihimbing niyang anak.Makalipas ang halos sampung minuto lang ay muli na siyang lumabas ng banyo. Tulog pa rin si JM.Alam niyang hindi na siya makakabalik pa sa tulog kaya minabuti niyang lumabas na ng silid.Wala siyang nakitang tao sa pasilyo. Ito yata ang unang beses, magmula nang dumating sila sa mansyon, na wala siyang inabutang tao pagkalabas niya ng kwarto.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status