Share

CHAPTER 17

"Shower kana," mahinahong utos nya ng mailapag nya ako sa sofa. Agad akong tumayo dahil baka mabasa ko yung sofa nya. Mahirap pa namang labahan 'to kasi makapal at malaki.

"It's okay."

"Ayos lang ako," sabi ko bago lalabas na sana ng hawakan nya ako sa braso. "Uuwi na ako, baka gutom na si Peachie. Tiyak umiiyak na yun sa lungkot at sa gutom. Kasi sya na nga lang meron ako diba?" Pinahid ko ang luha ko.

"Gutom kana ba? Tahan na," mahigpit nya akong niyakap. "About kanina kay Bianca," huminga sya ng malalim. "Lahat ng sinabi ko sayo hindi totoo. Anak sya ng sikat na news anchor kaya kinaylangan kitang sabihan ng mga bagay na yun. Nag hihinala na kasi sya na iba ang trato ko sayo."

"Bakit sinasabi mo sakin 'to ngayon?" Tanong ko bago humiwalay sa yakap nya.

"Shower kana." Imbis na sumagot sa tanong ko ay ito na naman ang sinabi nya. "Nabasa tayo ng ulan, baka lagnatin ka." Dagdag pa nya.

Basa rin naman sya. Dalawa kaming basa sa ulan, at sya rin ang driver. Napayuko ako at muling hinay
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status