เข้าสู่ระบบPAKIRAMDAM ni Arya ay siya na ang pinakamalas na tao sa balat ng lupa ng mga oras na iyon. Dahil sa pag-alis niya ng walang paalam sa trabaho niya dahil sa tawag ng kapatid niya kanina ay sinesante siya ng kanyang boss sa pinagtatrabahuhan niya.
Halos magmakaawa na siya rito na huwag siya nitong tanggalan ng trabaho dahil kailangang-kailangan niya ng pera para mailabas lang ang kapatid niya sa kulungan ngunit ayaw nitong makinig. Tanging ang kapabayaan niya lang ang inintindi nito. Laglag ang balikat niya habang naglalakad. Napakagat labi siya. Sinubukan niya ng humingi ng tulong sa mga kamag-anak niya dahil wala naman na siyang ibang aasahan o malalapitan kundi sila ngunit ni isa sa mga ito ay wala man lang sumagot sa tawag niya. Napatingala siya sa makulimlim na kalangitan, tila ba maging ang langit ay nakikisimpatya sa kamalasang nararanasan niya ng mga oras na iyon. Kung pagsubok naman iyon ay parang sobra naman yata dahil bakit naman sunod-sunod? O mas tamang sabihin na parusa na iyon? Ilang sandali pa ay tuluyan nang bumagsak ang luha na kanina niya pa pinipigilan. Hindi na niya alam kung saan siya lalapit ngayon. Wala na siyang ibang alam na pwede niyang lapitan, ang kanyang kapatid ay nasa loob pa rin ng kulungan hanggang ngayon at ayaw pa rin palabasin. Awang-awa man siya sa kanyang kapatid ay wala siyang alam na pwede niyang malapitan pa. Mukhang wala na yata siyang ibang pagpipilian pa kundi ang hanapin ang lalaking nabangga ng kanyang kapatid at magmakaawa dito dahil wala ng ibang paraan pa. Kailangan niyang muling lumuhod sa harap nito kahit na wala siyang kasiguraduhan kung mapapayag niya ba ito o hindi. ~~~~ Kaagad na nakuha ni Arya ang impormasyon tungkol sa lalaking iyon at kung saan ito nakatira. Kinausap niya kaagad ang kapatid niya na maghintay doon sa kaniya at huwag mainip dahil gagawin niya ang lahat para lang makalabas siya doon. Kitang-kita niya sa mukha ng kanyang kapatid ang pagsisisi sa nagawa ngunit wala rin naman itong magawa at bago pa man silang mag-iyakang dalawa ay umalis na siya doon at nagtungo sa kumpanya na pag-aari ng pamilya ng lalaking iyon. Napatingala siya sa napakataas na building at sunod-sunod na napalunok. Mukhang mayaman talaga ang pinagmulang pamilya ng lalaking iyon kaya napaka-arogante nito at napaka-walang awa sa katulad nilang mahirap lang. Palibhasa ay hindi nito alam kung anong pakiramdam ng mahirap dahil mayaman sila. Pero ganun pa man ay kailangan niyang lunukin ang lahat ng pride na meron siya para sa paglaya ng kapatid niya. Sa lobby pa lang ay hinarang na siya. “Miss, nagpapatawa ka ba? Gusto mong makausap si sir Theon?” tanong ng isang babae at sinuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa bago pinagkrus ang dalawang kamay sa dibdib. “Saan mo ba nakuha ang lakas ng loob mo para pumunta rito at hanapin siya?” puno ng panunuya na tanong nito sa kaniya. Nagtawanan sila ng kasama nitong babae. “Baka naman nasulyapan niya lang si sir Theon tapos ay nainlove na siya kaagad, pagkatapos ay nagpunta dito at sasabihin na may namagitan sa kanilang dalawa.” sabi ng isa. Napailing ang naunang babae at muling tumingin sa kaniya. “Alam mo miss, hindi ito ang unang beses na may nagpunta ditong babae para hanapin siya. Marami na kayo, at katulad ng mga nauna ay hindi ka rin makakapasok dito at lalong-lalo na ay hinding-hindi mo siya makakausap.” sabi nito at tinalukuran na siya. “Pero kailangan ko lang talaga siyang makausap, please. Wala akong balak na manggulo, gusto ko lang siyang makausap!” sinubukan niyang habulin ang mga ito ngunit humarang na sa kanyang harapan ang dalawang guard. Nag-umpisa nang mag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Ang mga taong dumaraan ay magkahalong awa at kasiyahan ang mga nasa mata habang nakatingin sa kaniya. Handa na nga siyang lunukin ang lahat para lang magmakaawa sa lalaking iyon ngunit hindi niya akalain na ganito pala magiging kahirap ang pagdadaaanan niya para lang makausap ito. Hinila siya ng mga guard palabas at kahit na anong pagmamakaawa niya sa mga ito ay hindi nakinig ang mga ito. Tuloy-tuloy lang siyang hinila palabas at pagkatapos ay basta na lang itinulak sa labas kung saan ay bigla na lang siyang natumba at napasalampak. Nang mga oras na iyon ay tirik na tirik ang araw kaya napakainit ng simento ngunit hindi niya iyon ininda dahil ang mas ininda niya ay ang kawalan ng pag-asa na mapalaya ang kapatid niya. Hindi niya maatim na matulog doon ang kapatid niya sa selda. Napapikit siya at napaiyak na lang dahil sa kawalan ng pag-asa nang bigla na lang may lumapit sa kaniya at tinulungan siyang tumayo. “Ayos ka lang ba Miss?” tanong nito sa kaniya pagkatapos niyang tumayo. Ni hindi na niya ito tiningnan pa at nanatili lang na nakayuko. “Salamat.” halos bulong na lang niyang sabi at laglag ang balikat na tinalikuran ito. NAPATAAS ang kilay ni Bran nang makita ang pamilyar na mukha nito. Hindi ba at ito ang babae kanina sa presinto? Ang kapatid ng lalaking nakabangga sa kotse ng kanyang amo? Nakailang hakbang na ito nang ibuka niya ang kanyang bibig. “Teka Miss, ikaw ba yung kapatid nang lalaking nakabangga kanina sa kotse ni sir Theon?” tanong niya rito. Anong ginagawa nito doon? At bakit ito umiiyak sa labas? Hindi kaya, sinubukan nitong pumasok sa loob ngunit hindi ito pinapasok? …DAHIL sa pangyayari ay napagdesisyunan ni Arya na umalis na lang sa lugar na iyon tutal naman ay mukhang nagalit sa kaniya ang lalaki. Pero ang hindi niya maiwasang isipin ay kung paano niya ngayon ito babayaran ng hindi ginagamit ang katawan niya dahil parang hindi niya talaga kaya.Napakagat labi na lang siya. Wala naman siyang mukhang maiharap ngayon sa lalaki dahil hindi maalis sa isip niya ang galit nitong mukha kanina. Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan niya at bago siya maglakad palabas ng pinto ay nilingon pa niya ang nakasarang silid nito. Muli siyang napahugot ng malalim na buntong hininga at mabibigat ang mga naging paghakbang niya. Baka bukas ay magugulat na lang siya dahil ipapadampot na naman nito ang kapatid niya para ipakulong. Akmang bubuksan na sana niya ang pinto nang bigla na lang itong bumukas kahit na hindi pa niya ito binubuksan.Nagkagulatan sila ng babaeng nakatayo sa pinto. Sinuyod siya nito ng tingin at napakunot noo bago ngumiti sa kaniya. “Ooh
BUMABA ang mga labi ng lakaki patungo sa kanyang leeg, pababa sa kanyang balikat. Nakausot siya ng isang oversize na t-shirt ng mga oras na iyon at wala siyang suot sa ilalim nito. Bago pa man siya magpunta doon ay nilinaw na ni Theon sa kaniya kung ano ang magiging trabaho niya kaya hindi na siya nagsuot pa ng kahit anong damit.Buo na ang desisyon niya at ang kalooban niya na gawin ang bagay na iyon ngunit habang nasa ganitong sitwasyon siya ay parang gusto niyang umatras. Parang gusto niyang bawiin ang lahat. Parang gusto niya na lang maghanap ng ibang trabaho dahil baka may paraan pa para mabayaran niya ang utang niya sa lalaki.Napakagat-labi siya, pilit na pinipigilan ang sariling hindi mapahikbi dahil sa labag na labag ang loob niya sa ginagawa nito sa kaniya.Halos mapasinghap siya nang maramdaman niya ang labi nito sa ibabaw ng pagkababae niya. Mahigpit niyang isinara ang kanyang mga hita na pilit naman nitong ibinubuka.Tumigil ito at tumingin sa kaniya ng sobrang naiinis. “
DINALA siya ni Theon sa isang condo unit. Ni hindi na siya nagtanong pa kung anong gagawin nila doon, tahimik na lang siyang sumama dahil sa pangako nito sa kaniya. Inabutan siya nito ng tuwalya. Napatitig siya sa inaabot nito bago napatitig sa mukha nito. “What?” nagsalubong ang makakapal nitong mga kilay.“Hindi mo ba ito kukunin? Nangangawit na ang kamay ko.” naiinis na sabi nito sa kaniya. Dahil sa kanyang gulat ay kaagad niyang kunuha ito. Narinig niya ang paghugot nito ng malalim na buntong hininga. “Simula ngayon ay dito ka na titira okay? Dalawa lang ang silid dito at itong silid na ito ang sayo.” sabi nito sa kaniya. Naglakad na ito patungo sa pinto, ngunit bago lumabas ay nilingon siya nito. “Bilisan mong maligo. Pagkatapos mo ay pumasok ka kaagad sa kabilang silid.” sabi nito sa kaniya at lumabas na ng hindi na siya nito nililingon pa.Napatitig siya sa nakasarang pinto at sa hawak niyang tuwalya. Bakit naman kaya siya nito pinapaligo? Niyuko niya ang kanyang sarili at p
NAPAHIGPIT ang hawak ni Arya sa dala niyang tray ng mga oras na iyon. Sunod-sunod ang naging paglunok niya. Pumayag siya sa alok ng babae kanina na maging waitress sa club na iyon. Hindi lang ito isang ordinaryong club dahil ang mga customer ay mga mayayaman at ang kwento pa nito ay malalaki sila magbigay ng tip.Kapag natipuhan daw siya ng mga ito ay pwede silang pumasok sa mga kwarto na nakahilera sa loob kung saan magaganap ang mga transaksyon. Ayaw niya sanang pumayag dahil ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa kaniya kung sakali? Isa pa, kailangan niya ba talagang ibaba ang dangal niya para lang humanap ng pera? Marami pa naman sanang paraan hindi ba? Pero wala na siyang oras pa para mag-inarte dahil bukas na bukas ay kailangan niya ng mag-umpisa sa trabaho niya sa lalaking iyon.Kailangan niyang lunukin ang lahat, idagdag pa na hindi naman siya mapapakain ng kaartehan niya hindi ba?Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto kung saan niya dadalhin ang alak na inorder nila. Sa pagk
HINDI makapaniwala si Theon habang nakatingin sa nakasarang pinto. Ni hindi siya nakagalaw mula sa kanyang kinatatayuan sa labis na gulat. Tyaka lang siya gumalaw nang muling bumukas ang pinto at pumasok si Bran.Malalamig ang mga mata niyang tumingin dito. “Kailan ka pa nakialam sa buhay ko Bran? Hindi lang isa ang ginawa mong pakikialam ngayon kundi dalawa.” walang ekspresyon niyang sabi rito.Napakamot lang naman ito sa ulo. “Pasensya na po kayo sir, naawa lang po ako sa kaniya dahil nasa labas siya kanina at umiiyak. Alam niyo naman na malambot ang puso ko sa mga taong kagaya niya.”Napabuntong hininga na lang siya at muling bumalik sa kanyang upuan. Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang kanyang kamay ng pauulit-ulit. Hindi niya akalain na hahawakan siya ng babaeng iyon at higit sa lahat ay hindi niya akalain na hinayaan niya na hawakan siya nito kahit pa sabihin na ilang segundo lamang iyon.“Gusto kong alamin mo ang lahat tungkol sa babaeng iyon.” utos niya rito.Nang hindi ito
INILIBOT ni Arya ang kanyang mga mata sa loob ng opisina. Masasabi niya na malawak masyado ang opisina ng lalaking iyon para sa iisang tao dahil kung tutuusin ay pwede na itong maging isang bahay. Kapansin-pansin din na may space sa gilid at mukhang isang silid.Bumalik lang siya sa kanyang katinuan nang ilapag na ng lalaking nagpakilalang si Bran ang kape sa kanyang harapan. “Magkape ka muna.” sabi nito sa kaniya na may bahagyang ngiti sa labi.“Salamat.” saad niya at pagkatapos ay dinampot ang tasa na may lamang kape. Sa sobrang pag-iisip niya para lang makalabas ang kapatid niya sa kulungan ay halos hindi na niya namalayan pa na hindi na pala siya nakakain pa. Idagdag pa ang pagkawala ng trabaho niya.Napakarami niyang dapat isipin ngayon, kung saan siya kukuha ng pera panghulog sa tinitirhan nila at para na rin sa panggastos nila sa araw araw. Isa pa ay nag-aaral pa lang ang kapatid niya pero ngayon, paano pa nito maipagpapatuloy ang pag-aaral kung wala naman na siyang trabaho.Is







