Share

Chapter 3

Author: Night Walker
last update publish date: 2026-02-01 18:00:16

INILIBOT ni Arya ang kanyang mga mata sa loob ng opisina. Masasabi niya na malawak masyado ang opisina ng lalaking iyon para sa iisang tao dahil kung tutuusin ay pwede na itong maging isang bahay. Kapansin-pansin din na may space sa gilid at mukhang isang silid.

Bumalik lang siya sa kanyang katinuan nang ilapag na ng lalaking nagpakilalang si Bran ang kape sa kanyang harapan. “Magkape ka muna.” sabi nito sa kaniya na may bahagyang ngiti sa labi.

“Salamat.” saad niya at pagkatapos ay dinampot ang tasa na may lamang kape. Sa sobrang pag-iisip niya para lang makalabas ang kapatid niya sa kulungan ay halos hindi na niya namalayan pa na hindi na pala siya nakakain pa. Idagdag pa ang pagkawala ng trabaho niya.

Napakarami niyang dapat isipin ngayon, kung saan siya kukuha ng pera panghulog sa tinitirhan nila at para na rin sa panggastos nila sa araw araw. Isa pa ay nag-aaral pa lang ang kapatid niya pero ngayon, paano pa nito maipagpapatuloy ang pag-aaral kung wala naman na siyang trabaho.

Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan niya. Pero ang pinakamahalaga muna sa lahat ay ang makalabas sa kulungan ang kapatid niya.

“Pasensya ka na sa nangyari kanina.” sabi nito pagkalipas ng ilang sandali. Napatingin siya rito.

Kaagad na ibinaba ang tasa. “Naku, hindi niyo po kailangang humingi ng paumanhin. Kasalanan naman po talaga ng kapatid ko.” sabi niya rito.

Napabuntong hininga ito. “Paborito kasi ni sir Theon ang kotse na iyon kaya ganun na lang ang galit niya.”

Natahimik siya. “Saan po ba siya nagpunta? Matagal pa po ba siyang darating?” magalang na tanong niya rito. Gusto niya kasing makausap na ito kaagad dahil kailangan niya pang humanap ng trabaho. Kahit na anong trabaho na ay handa siyang pasukin basta lang mabuhay sila ng kapatid niya at maipagpatuloy nito ang pag-aaral.

Napasulyap ito sa suot na relo. “Maya-maya lang ay darating na rin iyon.” sabi nito at muling ngumiti sa kaniya. “Maiwan muna kita rito, hintayin mo na lang siya.” 

Napanganga siya at akmang magsasalita na sana ngunit mabilis itong naglakad patungo sa pinto. Huli na para magsalita pa siya dahil nakaalis na ito ng tuluyan. Sa huli ay wala siyang nagawa kundi ang ilibot na lang ang kanyang paningin sa loob ng opisina.

Halos isang oras siyang naghintay ngunit wala pa rin ang taong hinihintay niya. Sumasakit na rin ang puwet niya dahil kanina pa nga siya nakaupo doon. Napakagat labi siya, hanggang kailan kaya siya maghihintay doon?

Napalingon siya sa pinto nang marinig ang pagtunog ng seradura ng pinto at napatayo siya nang makita ang pigura ng lalaking kanina niya pa hinihintay.

Agad na naging malamig ang mukha nito nang makita siya at tumigil sa paglalakad bago lumingon sa likuran nito. “What is she doing here? Ikaw ba ang nagpapasok sa kaniya rito sa opisina ko?” maanghang nitong tanong sa lalaking nakasunod dito.

Hindi ito sumagot bagkus ay yumuko lang ito. Napakuyom ang kanyang mga kamay. “Huwag ka sanang magalit sa kaniya sir, ang totoo niyan ay pinilit ko siya na papasukin ako rito.” sabi niya na kahit na hindi naman siya ang kausap nito dahil hindi niya maatim na pagalitan ng lalaki ang taong tumulong sa kaniya para lang makausap niya ito.

Muling ibinalik ng lalaki ang tingin nito sa kaniya. “Iwanan mo muna kami.” utos ng lalaki at mabilis itong tumango. Sinulyapan muna siya nito bago nito isinara ang pinto.

Malalaki ang hakbang na nagtungo ito sa upuang nasa harapan ng mesa bago malamig na tumingin sa kaniya. Umupo ito. “Anong ginagawa mo rito? Nakahanap ka na ba ng pambayad sa kotseng nasira ng kapatid mo?”

Napalunok siya ng ilang beses at napakuyom ang mga kamay. Gusto niya mang umiwas mula sa titig nito ay hindi niya magawa. Kailangan niyang maging matatag at salubungin ang mga mata nito. Tanging ang magmakaawa lamang rito ang nakikita niyang paraan para makalaya ang kapatid niya.

Inipon niya ang lahat ng lakas ng loob niya bago dahan-dahang naglakad patungo sa tabi nito at lumuhod.

Kitang-kita niya ang disgusto sa mukha nito dahil sa ginawa niya. Lumuhod na rin siya kanina sa harapan nito ngunit wala iyong silbi ngunit gusto niyang subukang muli, baka sa pagkakataong ito ay tuluyan na itong maawa sa kaniya. Baka sa pagkakataong ito ay pakinggan na siya nito.

Napakagat labi siya bago unti-unting itinaas ang kanyang mukha. “Alam kong nagmakaawa na ako sayo kanina sir, pero sana ay pakinggan niyo ako. Mag-isa na lang ako na nagtatrabaho para sa aming dalawa ng kapatid ko at kanina, nawalan pa ako ng trabaho—-”

“So kasalanan ko pa na nawalan ka ng trabaho?” malamig na putol nito sa sinasabi niya.

“Hi-hindi po sir. Gusto ko lang pong malaman niyo. Hindi naman po namin kayo tatakbuhan, pinapangako ko po na babayaran ko ang pagpapagawa ng sasakyan niyo.”

“Ha! Sa tingin mo ba ay kaya mo talagang bayaran? Alam mo ba kung gaano iyon kamahal?”

Napalunok siyang muli. Halos manginig na ang kanyang mga kamay. “Kaya nga po ako nandito sa harapan niyo, nagmamakaawa na sana ay pakawalan niyo na ang kapatid ko. Kung gusto niyo, kung gusto niyo ay kunin niyo ako para magtrabaho sa inyo para lang makabayad ako. Para lang makasiguro kayo na hindi ako tatakbo.” sabi niya ng hindi na pinag-iisipan pa ang mga sinasabi.

Natigilan ito bago siya sinuyod ng tingin mula ulo hanggang paa. “Sa tingin mo? Anong trabaho ang bagay sayo?” puno ng panunuya na tanong nito sa kaniya. Halata na inaalipusta siya nito ngunit wala siyang magawa. Kailangan niyang tiisin ang lahat at kailangan niyang lunukin ang lahat ng pang-aalipusta nito sa kaniya.

“Kahit, kahit tagapunas niyo na lang ng sapatos kung iyon ang bagay sa akin.” wala na siyang pagpipilian pa. Kailangan niyang tiisin ang lahat.

“Tagapunas ng sapatos? Well, sa itsura mo… bagay nga iyon sayo.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay tumayo.

“Well, then… you will be my personal maid starting now.” 

Naglakad ito patungo sa floor-to-ceiling-window bago siya muling nilingon. “Bukas ka magsisimula at iwanan mo na lang ang number mo sa assistant ko siya at siya na ang bahalang magpaliwanag sayo ng lahat.” sabi nito sa kaniya. “You can go now.” naging malamig ang mga mata nito at dahil dito ay nagmamadali siyang tumayo.

Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata at dahil sa sobrang kasiyahan ay bigla na lang siyang lumapit dito, hinawakan ang kamay nito ng hindi sinasadya. “Maraming, maraming salamat po sir!” sabi niya at huli na para mapansin niya na hawak-hawak niya ang kamay nito.

Kitang-kita niya sa mukha nito ang labis na pagkagulat sa ginawa niya. “Pa-pasensya na po sir. Salamat po ulit!” masayang sabi niya at nagmamadaling lumabas ng opisina nito. Tiyak na matutuwa ang kapatid niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE HEARTLESS ZILLIONAIRE'S PERSONAL MAID   Chapter 11

    NAPATITIG si Bran sa kanyang boss bago niya sinulyapan ang suot niyang relo sa kanyang bisig. Gabi na at halos mag-aalas otso na ng gabi ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay nasa harap pa rin ito ng mesa nito. Sa totoo lang, alam na niya kaagad kung bakit ito nagpapaka-busy dahil may gumugulo sa isip nito.Gustong-gusto kasi nitong nagpapakabaon sa trabaho kapag may gumugulo sa isip nito. Matagal-tagal na rin simula noong mag-umpisa siyang magtrabaho para rito kaya kilala na niya ito. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. “Hindi pa po ba kayo uuwi sir?” tanong niya rito.Ni hindi man lang siya nito nilingon. “Mamaya na ako uuwi. Ikaw mauna ka ng umuwi.” sabi nito sa kaniya. Tumaas ang kilay niya sa sagot nito. Mangilan-ngilang beses lang ito nagseseryoso sa trabaho at sigurado na talaga siyang may problemang iniisip ito. Nagdadalawang isip siya kung magtatanong ba siya o hindi pero sa huli ay hindi na rin niya nagawa pang pigilan ang sarili niya.“May problema po b

  • THE HEARTLESS ZILLIONAIRE'S PERSONAL MAID   Chapter 10

    NAPAHILOT sa sentido si Theon pagkatapos niyang maalala ang lahat ng nangyari noong araw na iyon. Hinding-hindi niya makakalimutan ang birthday niyang iyon kung saan, kung saan ay may dalawang buhay na nawala ng dahil sa kaniya. Simula noon ay hindi na siya nag-celebrate pa ng birthday niya dahil sa pangyayaring iyon.Napuno ng guilt ang dibdib niya pagkatapos niyang malaman na ang babaeng iyon pala ang anak ng mga taong iyon. Ang anak ng mga taong napatay niya dahil sa aksidenteng iyon.“Gusto kong puntahan mo ang babaeng iyon at sabihin mo sa kaniya na tuloy pa rin ang pagtatrabaho niya sa akin.” utos niya rito. Hindi na niya nakita pa ang pagtango nito dahil nakapikit siya. Sobrang bigat ng pakiramdam niya dahil dito.Ilang taon na rin niyang pilit kinakalimutan ang bagay na iyon ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay minumulto pa rin talaga siya ng nakaraan at higit sa lahat, hindi niya akalaing isang araw ay makikilala niya ang mga anak ng mga ito. Tadhana nga naman oo.~~~~NAGU

  • THE HEARTLESS ZILLIONAIRE'S PERSONAL MAID   Chapter 9

    NAPAHILAMOS si Theon sa kanyang mukha at may hindi maipintang mukha. Kagigising pa lang niya pero naiinis na siya kaagad dahil paano ba naman. Kagabi, unang beses na nangyari iyon sa kaniya na ni hindi siya nakaramdam ng kahit na ano habang nilalaro ni Mika ang kanyang pagkalalaki. Ni ayaw nitong tumigas kahit na anong subo nito roon at iyon ang ikinakainis niya.Sino ba naman ang hindi maiinis hindi ba? Bumangon siya mula sa kama at naglakad patungo sa banyo. Maagad pa para sa gising niya sana kaso hindi na siya makatulog pa o mas tamang sabihin na ni hindi man lang siya nagkaroon ng maayos na tulog.Pumasok siya sa banyo at tinanggal ang nag-iisang saplot sa katawan niya at ibinagsak na lamang sa sahig pagkatapos ay binuksan ang tubig. Agad siyang napapikit nang dumaloy sa kanyang katawan ay maligamgam na tubig. Habang nakapikit ay bigla na lang pumasok sa kanyang isip ang babaeng iyon— dahilan para muli na naman siyang makaramdam ng matinding inis ngunit laking pagtataka niya sa s

  • THE HEARTLESS ZILLIONAIRE'S PERSONAL MAID   Chapter 8

    DAHIL sa pangyayari ay napagdesisyunan ni Arya na umalis na lang sa lugar na iyon tutal naman ay mukhang nagalit sa kaniya ang lalaki. Pero ang hindi niya maiwasang isipin ay kung paano niya ngayon ito babayaran ng hindi ginagamit ang katawan niya dahil parang hindi niya talaga kaya.Napakagat labi na lang siya. Wala naman siyang mukhang maiharap ngayon sa lalaki dahil hindi maalis sa isip niya ang galit nitong mukha kanina. Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan niya at bago siya maglakad palabas ng pinto ay nilingon pa niya ang nakasarang silid nito. Muli siyang napahugot ng malalim na buntong hininga at mabibigat ang mga naging paghakbang niya. Baka bukas ay magugulat na lang siya dahil ipapadampot na naman nito ang kapatid niya para ipakulong. Akmang bubuksan na sana niya ang pinto nang bigla na lang itong bumukas kahit na hindi pa niya ito binubuksan.Nagkagulatan sila ng babaeng nakatayo sa pinto. Sinuyod siya nito ng tingin at napakunot noo bago ngumiti sa kaniya. “Ooh

  • THE HEARTLESS ZILLIONAIRE'S PERSONAL MAID   Chapter 7

    BUMABA ang mga labi ng lakaki patungo sa kanyang leeg, pababa sa kanyang balikat. Nakausot siya ng isang oversize na t-shirt ng mga oras na iyon at wala siyang suot sa ilalim nito. Bago pa man siya magpunta doon ay nilinaw na ni Theon sa kaniya kung ano ang magiging trabaho niya kaya hindi na siya nagsuot pa ng kahit anong damit.Buo na ang desisyon niya at ang kalooban niya na gawin ang bagay na iyon ngunit habang nasa ganitong sitwasyon siya ay parang gusto niyang umatras. Parang gusto niyang bawiin ang lahat. Parang gusto niya na lang maghanap ng ibang trabaho dahil baka may paraan pa para mabayaran niya ang utang niya sa lalaki.Napakagat-labi siya, pilit na pinipigilan ang sariling hindi mapahikbi dahil sa labag na labag ang loob niya sa ginagawa nito sa kaniya.Halos mapasinghap siya nang maramdaman niya ang labi nito sa ibabaw ng pagkababae niya. Mahigpit niyang isinara ang kanyang mga hita na pilit naman nitong ibinubuka.Tumigil ito at tumingin sa kaniya ng sobrang naiinis. “

  • THE HEARTLESS ZILLIONAIRE'S PERSONAL MAID   Chapter 6

    DINALA siya ni Theon sa isang condo unit. Ni hindi na siya nagtanong pa kung anong gagawin nila doon, tahimik na lang siyang sumama dahil sa pangako nito sa kaniya. Inabutan siya nito ng tuwalya. Napatitig siya sa inaabot nito bago napatitig sa mukha nito. “What?” nagsalubong ang makakapal nitong mga kilay.“Hindi mo ba ito kukunin? Nangangawit na ang kamay ko.” naiinis na sabi nito sa kaniya. Dahil sa kanyang gulat ay kaagad niyang kunuha ito. Narinig niya ang paghugot nito ng malalim na buntong hininga. “Simula ngayon ay dito ka na titira okay? Dalawa lang ang silid dito at itong silid na ito ang sayo.” sabi nito sa kaniya. Naglakad na ito patungo sa pinto, ngunit bago lumabas ay nilingon siya nito. “Bilisan mong maligo. Pagkatapos mo ay pumasok ka kaagad sa kabilang silid.” sabi nito sa kaniya at lumabas na ng hindi na siya nito nililingon pa.Napatitig siya sa nakasarang pinto at sa hawak niyang tuwalya. Bakit naman kaya siya nito pinapaligo? Niyuko niya ang kanyang sarili at p

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status