LOGINNAPATITIG si Bran sa kanyang boss bago niya sinulyapan ang suot niyang relo sa kanyang bisig. Gabi na at halos mag-aalas otso na ng gabi ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay nasa harap pa rin ito ng mesa nito. Sa totoo lang, alam na niya kaagad kung bakit ito nagpapaka-busy dahil may gumugulo sa isip nito.Gustong-gusto kasi nitong nagpapakabaon sa trabaho kapag may gumugulo sa isip nito. Matagal-tagal na rin simula noong mag-umpisa siyang magtrabaho para rito kaya kilala na niya ito. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. “Hindi pa po ba kayo uuwi sir?” tanong niya rito.Ni hindi man lang siya nito nilingon. “Mamaya na ako uuwi. Ikaw mauna ka ng umuwi.” sabi nito sa kaniya. Tumaas ang kilay niya sa sagot nito. Mangilan-ngilang beses lang ito nagseseryoso sa trabaho at sigurado na talaga siyang may problemang iniisip ito. Nagdadalawang isip siya kung magtatanong ba siya o hindi pero sa huli ay hindi na rin niya nagawa pang pigilan ang sarili niya.“May problema po b
NAPAHILOT sa sentido si Theon pagkatapos niyang maalala ang lahat ng nangyari noong araw na iyon. Hinding-hindi niya makakalimutan ang birthday niyang iyon kung saan, kung saan ay may dalawang buhay na nawala ng dahil sa kaniya. Simula noon ay hindi na siya nag-celebrate pa ng birthday niya dahil sa pangyayaring iyon.Napuno ng guilt ang dibdib niya pagkatapos niyang malaman na ang babaeng iyon pala ang anak ng mga taong iyon. Ang anak ng mga taong napatay niya dahil sa aksidenteng iyon.“Gusto kong puntahan mo ang babaeng iyon at sabihin mo sa kaniya na tuloy pa rin ang pagtatrabaho niya sa akin.” utos niya rito. Hindi na niya nakita pa ang pagtango nito dahil nakapikit siya. Sobrang bigat ng pakiramdam niya dahil dito.Ilang taon na rin niyang pilit kinakalimutan ang bagay na iyon ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay minumulto pa rin talaga siya ng nakaraan at higit sa lahat, hindi niya akalaing isang araw ay makikilala niya ang mga anak ng mga ito. Tadhana nga naman oo.~~~~NAGU
NAPAHILAMOS si Theon sa kanyang mukha at may hindi maipintang mukha. Kagigising pa lang niya pero naiinis na siya kaagad dahil paano ba naman. Kagabi, unang beses na nangyari iyon sa kaniya na ni hindi siya nakaramdam ng kahit na ano habang nilalaro ni Mika ang kanyang pagkalalaki. Ni ayaw nitong tumigas kahit na anong subo nito roon at iyon ang ikinakainis niya.Sino ba naman ang hindi maiinis hindi ba? Bumangon siya mula sa kama at naglakad patungo sa banyo. Maagad pa para sa gising niya sana kaso hindi na siya makatulog pa o mas tamang sabihin na ni hindi man lang siya nagkaroon ng maayos na tulog.Pumasok siya sa banyo at tinanggal ang nag-iisang saplot sa katawan niya at ibinagsak na lamang sa sahig pagkatapos ay binuksan ang tubig. Agad siyang napapikit nang dumaloy sa kanyang katawan ay maligamgam na tubig. Habang nakapikit ay bigla na lang pumasok sa kanyang isip ang babaeng iyon— dahilan para muli na naman siyang makaramdam ng matinding inis ngunit laking pagtataka niya sa s
DAHIL sa pangyayari ay napagdesisyunan ni Arya na umalis na lang sa lugar na iyon tutal naman ay mukhang nagalit sa kaniya ang lalaki. Pero ang hindi niya maiwasang isipin ay kung paano niya ngayon ito babayaran ng hindi ginagamit ang katawan niya dahil parang hindi niya talaga kaya.Napakagat labi na lang siya. Wala naman siyang mukhang maiharap ngayon sa lalaki dahil hindi maalis sa isip niya ang galit nitong mukha kanina. Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan niya at bago siya maglakad palabas ng pinto ay nilingon pa niya ang nakasarang silid nito. Muli siyang napahugot ng malalim na buntong hininga at mabibigat ang mga naging paghakbang niya. Baka bukas ay magugulat na lang siya dahil ipapadampot na naman nito ang kapatid niya para ipakulong. Akmang bubuksan na sana niya ang pinto nang bigla na lang itong bumukas kahit na hindi pa niya ito binubuksan.Nagkagulatan sila ng babaeng nakatayo sa pinto. Sinuyod siya nito ng tingin at napakunot noo bago ngumiti sa kaniya. “Ooh
BUMABA ang mga labi ng lakaki patungo sa kanyang leeg, pababa sa kanyang balikat. Nakausot siya ng isang oversize na t-shirt ng mga oras na iyon at wala siyang suot sa ilalim nito. Bago pa man siya magpunta doon ay nilinaw na ni Theon sa kaniya kung ano ang magiging trabaho niya kaya hindi na siya nagsuot pa ng kahit anong damit.Buo na ang desisyon niya at ang kalooban niya na gawin ang bagay na iyon ngunit habang nasa ganitong sitwasyon siya ay parang gusto niyang umatras. Parang gusto niyang bawiin ang lahat. Parang gusto niya na lang maghanap ng ibang trabaho dahil baka may paraan pa para mabayaran niya ang utang niya sa lalaki.Napakagat-labi siya, pilit na pinipigilan ang sariling hindi mapahikbi dahil sa labag na labag ang loob niya sa ginagawa nito sa kaniya.Halos mapasinghap siya nang maramdaman niya ang labi nito sa ibabaw ng pagkababae niya. Mahigpit niyang isinara ang kanyang mga hita na pilit naman nitong ibinubuka.Tumigil ito at tumingin sa kaniya ng sobrang naiinis. “
DINALA siya ni Theon sa isang condo unit. Ni hindi na siya nagtanong pa kung anong gagawin nila doon, tahimik na lang siyang sumama dahil sa pangako nito sa kaniya. Inabutan siya nito ng tuwalya. Napatitig siya sa inaabot nito bago napatitig sa mukha nito. “What?” nagsalubong ang makakapal nitong mga kilay.“Hindi mo ba ito kukunin? Nangangawit na ang kamay ko.” naiinis na sabi nito sa kaniya. Dahil sa kanyang gulat ay kaagad niyang kunuha ito. Narinig niya ang paghugot nito ng malalim na buntong hininga. “Simula ngayon ay dito ka na titira okay? Dalawa lang ang silid dito at itong silid na ito ang sayo.” sabi nito sa kaniya. Naglakad na ito patungo sa pinto, ngunit bago lumabas ay nilingon siya nito. “Bilisan mong maligo. Pagkatapos mo ay pumasok ka kaagad sa kabilang silid.” sabi nito sa kaniya at lumabas na ng hindi na siya nito nililingon pa.Napatitig siya sa nakasarang pinto at sa hawak niyang tuwalya. Bakit naman kaya siya nito pinapaligo? Niyuko niya ang kanyang sarili at p







