"Ano ba, Gwy? Bakit ayaw mo lumaban?"
Kuhang-kuha na naman niya ang inis ni Celestia. Sa paraan ng pagtanong nito, kulang na lang sasabunutan na siya at ingudngod sa lamesa.Kasalukuyan silang nasa kusina at kasama nila si Natalie. Nakaupo lang ito sa upuan na nakaharap sa kaniya habang si Celestia naman nakatayo sa kabilang side ng lamesa. Halos hindi na nito magawang umupo dulot ng inis sa ginawa ni Avery at alam niyang mas matindi ang inis nito sa kaniya. Hindi kasi siya lumalaban at alam niyang gawain iyon ng talunan.Kailangan ba palakihin niya ang gulo? Tamad siya sa gulo kaya lagi niyang pinipili ang manahimik at hindi lumaban."Alam mo, pwede mong sigawan iyon eh! Dapat pinamukha mo sa kaniya na iyong boyfriend niya ang humahabol sa'yo! Kasi mas maganda ka, at vírgín, siya kasi hindi na!" singhal pa nito with matching hand signs pa. Kulang na lang sabunutan nito ang sariling buhok. "Wala tayong may magagawa kay Ace, pero iyong ginagawa ni Ace sa'yo, pwede mong ipamukha sa kaniya in front of other people!"Huminga siya nang malalim, nag-cross ng braso at umiwas ng tingin. "Iniwasan ko lang si Tatiana Cele, you know, she's worse than her daughter."Natalie scoffed at napatingin naman siya rito. Tumaas pa ang kilay nitong, tumingin sa sahig na tila ba'y nandoon si Tatiana at sinabing, "That woman is one hundred percent enabler mama bear." Natalie rolled her eyes at tumingin sa kaniya. "Ayoko sa ugaling gano'n? Ginagaya ang mga kontrabida sa palabas?"Umiling ito. "No. Naniniwala pa rin ako na lahat tayo may utak at lahat tayo alam natin kung ano ang tama at mali. Malinaw na ayaw sa'yo ni Tatiana dahil anak ka ng daddy mo plus mas gusto niya na ang anak niya ang maging asawa ni Ace. Ibig sabihin they want to be part of Sansmith at ang bagay na ito, pwedeng isampal sa mukha niya, Gwyneth."Huminga siya nang malalim. Natalie is really Natalie. Naka-patong ang isang binti nito sa tuhod. Pasipa-sipa naman sa ere ang paa nito habang nagsasalita na tila ba'y naiinis rin."True," sang-ayon naman ni Celestia at nanatili pa rin ang inis sa boses nito. "Ewan ko ba dito kay Gwyneth, walang bunganga, walang kamay, kompleto naman pero ayaw gamitin para protektahan ang sarili niya. Sinasaksak na nga ng kutsilyo, sinasalo pa. Tángá lang di ba?"Umiwas na lang siya ng tingin dahil sa sinabihan na siya nito ng tángá."Nasa iyo ang tama, Gwy. Fight for it, please," halos nakikiusap na wika ni Natalie. "You know me, ayaw kong nakikitang may sinasaktan sa mga kaibigan ko. Nakita mo naman ang ginawa ko kanina, di ba?" Kinuha nito ang baso ng wine sa ibabaw ng lamesa at bago ito uminom, dumugtong muna, "Ganoon ang dapat gawin sa mga taong, sugod nang sugod kahit mali, sinusupalpal. Madali lang gawin iyon, Gwy. Lalo na in front of many people."Bakit kasi hindi na lang pagsabihan ng mga ito si Ace? Lalo na itong si Natalie, kapag binabara si Ace, tumatahimik lang din ang lalaking iyon.Ang tanong ng isipan niyang iyon tila narinig ni Natalie kaya nagsalita pa ito. "My cousin Ace? Lumaking nakukuha niya ang lahat, hindi napagsasabihan... nakikinig lang kasi iyon sa parents niya, but when it comes to other people, for him, 'who are they anyway?"She huffed at nagsalita na rin siya since si Ace na ang nababanggit nito, "Naniniwala ako na alam ni Auntie Eloise iyong issue ko sa anak niya. Pinagsasabihan rin siya noon ng nanay niya, bakit hindi siya sumunod?"Tampong-tampo siya habang nagsasalita. "Well, saksi ako sa sagot niya diyan and he told us..." Tumingin sa kaniya si Natalie, ngumiting animo'y nang-aasar at sinabing, "He likes you."She scoffed at umiwas na lang ng tingin. Pati kasi si Celestia ay napangisi. "And what about my sister?" sarkastiko niyang tanong.Tumingin siya kay Natalie sunod kay Celestia. Kumibit-balikat si Natalie, at sumagot sa patanong rin since hindi ito sure, "His toy?"Natawa si Celestia. "I'm second to that, iyon din kasi ang nakikita ko eh."Napanganga na lang siya. To the fact na kapatid niya si Avery, at siya itong hinahabol-habol ni Ace. Hindi talaga maganda ang sitwasyon."Wala ba kayong may nakikitang mali doon? I mean, Avery and I...we're sisters," tanong pa niya, gusto nang magtampo kasi halatang nakukunsinti ng mga ito si Ace."We saw," simpleng sagot ni Natalie bago uminom ng wine. Nagpasya na ring umupo si Celestia sa harap niya. "Katulad ng sabi ko, hindi susunod si Ace kapag sinabi naming stop. We can't stop him, but you can dodge him."Mas lalo siyang nalito sa linya ni Natalie, lalo na't tumango-tango si Celestia."Dodge? How?" tanong niya."Saktan mo si Avery sa harap niya," sagot nito.Nagthumbs-up si Celestia na talagang sang-ayon na sang-ayon at gumatong pa, "Sa gaanong paraan mo maipakita kay Ace na hindi lahat ng gusto niya nakukuha niya. Saktan mo si Avery at isampal mo sa mukha ni Ace in front of Avery ang salitang ayaw mo sa boyfriend niya. Tapang lang kasi talaga ang kailangan mo, Gwyneth eh. At meron ka noon, ayaw mo lang gamitin."Pero hindi niya kayang saktan si Avery, mas lalong gugulo ang sitwasyon at baka idemanda pa siya ni Tatiana. Baka sa sampal lang makulong pa siya. Madrama pa naman ang dalawang iyon.Nag-cross na lang siya ng braso at maktol na tumingin sa dalawa. "Mas gusto kong umiwas na lang."Tumaas ang kilay ni Natalie at nagtanong, "Makakaiwas ka ba?"Gumatong si Celestia na nakalumbaba na sa ibabaw ng lamesa. "Maiiwasan mo ba si Ace?"Napanganga siya. Celestia added, "Remember he's obsessed with you. Hangga't walang harang lalapitan ka niya."Mas lalo siyang na-stress at naisautak na lang ang tanong na, 'gusto ko lang namang mabuhay.'"Exactly and again, we can't stop Ace, gusto ka niya, at gagawin niya ang lahat para makuha ka. Wala kaming magagawa doon dahil personal niya iyon...I mean." Umiling si Natalie tila nag-iisip ng right term sa ibig niyang sabihin at sinabi nito, "Feelings niya iyon eh. Teenager pa lang tayo, gusto ka na niya at ayaw naming hadlangan. Mas lalo na ang parents niya."Napatayo na lang siya, talagang aminado pa itong kinukunsinti ng mga ito si Ace.Nagsalita siya, "Gusto niya ako pero ito ang ginagawa niya sa amin na magkapatid? Hindi na nga kami okay, pinapalala pa niya. Kung ako ang gusto niya bakit si Avery ang girlfriend niya?""So gusto mo ikaw na lang ang girlfriend ko?"Napatalon siya ng biglang mangibabaw ang boses ni Ace papasok sa kusina. Kitang-kita na naman niya ang yabang sa mga ngiti nito pero siya, ramdam na ramdam niya ang pang-iinit ng pisngi niya na paniguradong nangangamatis na sa pula.Ang daming pabaon na natanggap si Avery mula kay Gwy at sa mga kaibigan nito na naging kaibigan niya narin. Dalawang paper bag mula kay Gwy, isang paper bag naman mula kay Ace, nagbigay rin si Celestia at Natalie, ganon din si Noah. Tig-iisang paper bag mula sa mga ito. "Kita na lang tayo sa Singgapore, sakaling may transaksyon ako doon," ani Noah at sumenyas pa ng finger chat. "Me too, puntahan kita sa hospital niyo," ani naman ni Natalie kung may project ako roon. Napangiti naman siya at sinabi niyang, "Guys, uuwi rin ako dito, don't worry." "Dapat lang, lalo na sa kasal ko, subukan mo lang kalimutan," ani naman ni Ace. Sinamaan niya ito ng tingin, "Nakalimutan mo yatang kapatid ko ang aasawahin mo? Shempre hindi ako mawawala doon." Humarap siya kay Gwy, ngumiti lang ito pero may lungkot sa mga mata. "Mamimiss kita," mahinang sabi nito. Nagpatunog siya ng dila. "Tatawag ako lagi, shempre..." Piniga-piga niya ang pisngi ni Austin, "Lagi kong mamimiss itong baby na to eh."
Three weeks later. "Happy birthday, Austin!" Sumigabong ang palakpakan, puno ng decoration ng pambata ang buong paligid. Maraming mga bisita ang ilan pa ay galing ibang bansa ang ilan naman staff ng innovation at Abertoy. Gabi isinagawa ang kaarawan ni Austin, pang-isang taong gulang nito. Marami ring mga maliliit na bata, at nakita naman niya ang anak niyang nag-eenjoy makipaglaro sa mga ito. Suot nito ang costume ni Dave sa Dave and Ava, at talagang napaka-cute nitong tingnan. Takbo pa ito nang takbo, at dahil last day na ng tatlo, Avery, Simon and Shaira dito sa Pilipinas, ang tatlong ito ang naging yaya ni Austin. Sunod nang sunod ang mga ito kahit saan man tumakbo ang bata. Siya naman, inasikaso ang mga bisita na dumating. Si Ace naman ang mga business partners and friends naman ang inatupag ng mga ito. Sobrang dami rin ng natanggap na regalo ng anak niya. Kahit saan siya tumingin, puro mukha ni Austin ang nakikita niya. Marami kasing photoshoot itong hinarap bago mang
Tila bumalik sa nakaraan si Ace, nakikita niya ang kaniyang sarili mula noong bata pa. Bawat birthday niya, noong mga panahong nag-aaral siya, elementary, highschool, college. Sumagi rin ang hindi kaaya-ayang pangyayari, that's Avery noong gínáhásá ito. Hanggang sa may nakilala siyang babae, ang pangalan nito ay Gwyneth, lahat ng nakaraang iyon, naalala niya, umalis ito, nasaktan siya. Naalala rin niya noong mga panahong inatake siya ng OCD. Kung paano niya ito tinago hangang sa nalaman ni Gwy. Naaksidente siya, nawalan ng ala-ala, after two years nagpakita si Gwyneth sa kaniya at may anak nila, ang pangalan nito ay Austin at kung kailan okay na sila kahit wala siyang naalala may masamang nangyari. Saktong pagbangga ng truck sa sasakyan nila nagmulat siya ng mga mata. Puting kisame ang nakita niya, at narinig niya ang umi-echo na boses, "Ace?" Malabo pa ang paningin niya kaya pigura lang ng babae ang nakita niya. Nagtanong siya, "Who are you?" Kinikilala niya ang pigura ng babae,
Pagkatapos matamaan ni Avery si Tatiana sa balikat, naging alerto siya dahil tumakbo ito kahit nasasaktan. Nangibabaw ang iyak ng anak nito, rinig niya ang daíng ni Diether, at lumapit naman ang mga katulong sa mga ito. Siya naman, may hawak siyang projector, paborito niyang projector iyon, palaka lover kasi siya. Binuksan niya ito, pinatama niya sa sahig ang ilaw na dadaanan ni Tatiana. "Saan ka pupunta ha?" aniya, lumakas ang tili ng babae nang makita ang reflection ng mga palakang gumagapang sa sahig. Napaupo ito at umatras pa. "Akala mo ba nakalimutan ko na ang kahinaan mo, Samantha?""Alisin mo iyan!" tili nito, at nagpasya na lang na magtakip ng mga mata. Kung saan-saan ito nagpapaputok ng baril at panay naman ang yuko nila. Puno ng sigawan ang loob ng mansion, at para tumigil ito, pinatamaan niya ito ng bala sa braso. Nabitawan nito ang baril at dahil nagtatakip ito ng mata lumapit rito ang tauhan niya at kinuha ang baril.Tumayo siya, nakabukas pa rin ang projector at nakatu
Sobrang higpit ang hawak ni Avery sa manibela ng sasakyan niya. Halos paliparin niya rito pabalik sa mansion nila. Sumasagi sa isipan niya ang lahat ng nangyari, ang araw na gínáhásá siya, kahit anong advice psychiatrist sa kaniya na kalimutan na ang pangyayaring iyon hindi iyon mangyayari.Naalala niya ang mga araw na kulang na kulang si Tatiana bilang ina sa kaniya. Naghihirap siya kahit sa harapan nito, pero pinili nitong maging bingi sa mga daing niya. Ngayon, na nakuha na niya ang pagmamahal sa kapatid niya, may minahal na rin siya at iyon ang pamangkin niya, mga ito pa talaga ang sinaktan ng nanay niya. Masama ang titig niya sa kalsada, pero may mga lumalabas na mga luha sa kaniyang mga mata. Hinayaan niyang tumulo lamang ang mga iyon. Magkahalo ang takot at galit na nararamdaman niya. Naiiyak siya sa tuwing naalala niya ang kalagayan ni Gwyneth, lalo na't naranasan ni Austin ang ganoong pangyayari sa sobrang bata ng edad. Anak pala siya ni Samantha Hulterar. Mahirap tanggapin
Bumaba sila mula sa Fourth floor, sa sobrang sabik na makita ang laman ng USB naglalakad siyang bumubulong, "I need laptop, I need laptop."Halos hindi na niya alintana ang mga taong nakakasalubong at nadaanan niya. Sumasabay lang sa lakad niya si Deither na nababalisa. Nagulat na lang siya may babaeng tumayo sa harap niya. "Dad..." Pagtingin niya rito, si Avery at nakatingin ito sa ama. Napatitig siya sa dalaga at habang tinititigan niya ito, saka lang niya nare-realize ang hawig nito kay Samantha. "W-Wha..." halos hindi niya masambit ang salitang what, hindi niya alam ang dapat i-react. "Anong ginagawa mo dito, Ave? Hindi ba't sumama ka sa kanila?" pagalit na tanong ni Diether na pinipilit lang din kumalma. Nag-pipisil ito nagkamao na nakaharap sa ama. Naiiyak na naman habang sinasabi, "I just thought, what if kausapin natin si Mom? Tanungin natin siya sino ba talaga ang kaaway niya—""Ave..." Deither groaned. "Dad, hindi natin pwedeng baliwalain ito! Hindi pwedeng walang may m