LOGINNagpaalam si Boss Niel sa aming lahat dahil babalik na ito sa oposina niya bago tuluyan umalis ay nagpasalamat siya sa kabayanihan ginawa ng ibang kasama ko lalo na sa akin at naging proud ito.
"Samantha binabati kita sa tapang at lakas ng loob mong pagkakaligtas sa mga hostage kanina. Sa ngayon magpahinga ka! mag- iingat ka sa iyong pag-uwi Sergeant Velasco paalala ni Boss Niel, sa'kin sabay talikod at nagpatuloy na sa paglalakad pabalik sa opisina niya. Pinagmasdan ko lang ang malapad nitong likod na unti,-unting naglalaho sa aking paningin hanggang nabaling na ang atensyon ko sa mukha ni Bryan, pansin kong kakaiba ang emahe ng mukha nito. dahil siguro sa nasaksihan niya kanina hanggang marinig ko na ang boses niya "Samantha are you okay, why are you looking at my face, is there a problem?" Nag tatakang tanong ng Bryan. "Ahmmm.... e---h, W-wala," nauutal-utal na sagot ko, napansin ko kasi sa mukha mo parang na malungkot ka, at parang may problema kang dinadala, hindi tuloy ako makapaniwala sa itsura mong yan why? Mr Bryan Cortez?" Tanong ko. "Pagod lang siguro ako Samantha, at maraming iniisip," pagdadahilan ni Bryan sa akin, mahalata naman sa mukha nito ang labis na pag-alala sa nangyari sa akin kanina Mamaya ay aamin ka rin alam kong 'di mo mapipigilan 'yan sa sarili mo--" bulong ko. Hanggang inilabas na nga niya ang kanyang salobin tungkol sa nanyari sa akin kanina. "Sa totoo talaga Samantha, natakot ako sa pusibling mangyari sa 'yo kanina. Dahil sa disiyon mong ginawa na itinaya mo ang buhay mo para sa kaligtasaan ng nakakarami sa loob ng store na ito." Pa-ano kung tinuluyan ka ng lalaking may hawak sa 'yo, mabuti na lang at naling-lang mo yong holdaper na may hawak sa 'yo at nagawa mong makatakas sa kanya. "Pero kahit ganoon pa man ang nangyari hindi pa rin ako nakakasigurado na okay ka Samantha, dahil alam kong napalaban ka rin sa loob ng store na iyan, ng nag-iisa," malumanay na paliwanag ni Bryan. "Nakikita mo naman na okay lang ako diba! at walang nangyaring masama sa 'kin, kaya huwag mo ako alalahanin Bryan, isa pa hindi na ako bata para bantayan mo. Ngunit kung hindi ko naisipan gawin ang naisip kong takteta kanina, at mapanganib na disisyon malamang napahamak pa ang mga sivilian na kasama ko sa loob ng store na iyan, at baka ako pa ang sisihin sa nangyari. dahil wala ako nagawa. Pero sa awa naman ng diyos heto ligtas akong nasa harapan mo at marami rin akong buhay na naisalba, alam mo daig mo pa ang magulang ko kung mag- alala ka sa'kin, don't worry kaya ko ang sarili, pero salamat sa pag-aalala mo," sambit ko. "Gusto ko lang naman makasigurado na okay ka. Walang mangyayari masama sa 'yo dahil sa oras ng laban dapat magkakampi tayo," sambit nito. Hindi ko alam kung bakit ganoon si Bryan sa'kin, Minsan naman di ko tuloy siya maiintindihan. kahit ilang beses ko siyang sinusungitan nagpapakita pa rin ito sa akin ng kabaitan, mukhang may gusto siyang ipahiwatig, halata naman--" bulong ko. " Ang Mabuti pa siguro ay ihatid na kita sa bahay ninyo Samantha, may sasakyan naman ako, at kung gusto mo kumain na rin mo na tayo huwag ka mag-alala lebre ko na," nakangiting sambit ni Bryan. Iba talaga ang lalaking ito, gusto pa talaga niya ako ihatid, sinisigurado niya talaga ang kaligtasaan ko. Niyaya pa niya akong kumain. Subalit tumanggi ako rito at ginusto ko na lang umuwi ng mag-isa sa bahay. "Nako huwag na at baka maabala pa kita. Ang mabuti pa ay umuwi ka na sa inyo para pakapagpahinga at makapaghanda ka! dahil mamayang gabi ay sisimulan na natin ang mission. Isa pa may motor naman ako, kaya ko pang magdrive pauwi sa bahay naroon nga owh sa may parking lot," paliwanag ko. "Ganoon ba l! Samantha, ayaw mo talaga? Sige hindi na kita kita pipilitin," malungkot nitong pahayag. Kitang-kita ko sa mukha ni Bryan ang pagkadismaya dahil sa pagtanggi ko sa alok niya. Bakit pa ba niya ako kailangan ihatid malaki na ako at isa pa baka kung ano na lang ang isipin ng mga kasamahan ko rito sa Blackstone nakakahiya. mamaya rin naman makakasama niya muli ako. Nagpaalam na nga ako kay Bryan Cortez, at iniwan ko ito sa kaniyang kinatatayuan, nagtungo na ako kay Manong security para kunin ang susi ng aking motor at ang helmet. Nang makalapit nga ako kay Manong ay ka-agad ko itong kinausap. "Manong pwede ko na po ba makuha ang helmet at susi na pinahabilin ko Sa 'yo kanina?" Tanong ko sa security, na ka-agad naman akong inasikaso nito. "Heto na po Maam, ang helmet at susi ninyo! Uuwi na po ba kayo Maam?" Tanong ng security. "Opo Manong kailangan ko na rin po magpahinga eh, grabi na po ang sakit ng katawan ko," Anas ko. "Ganoon po ba Maam, Sige po, mag-iingat po kayo," pa-alala ng security, matapos nitong iabot sa 'kin ang gamit ko. "Marami pong salamat Manong, heto nga po pala kunin ninyo bilang kabayaran sa araw-araw ninyo pagbabantay ng gamit ko," sambit ko sa security. Inabot ko ang five hundred sa security subalit 'di niya ito tinangap tumanggi lang ito sa binibigay ko, siguro ay nahihiya lang si Manong. "Huwag na po Maam maraming salamat na lang po Maam. Obligasyon ko po talaga iyan bilang isang security dito sa building," sambit nito. "Kunin mo na po Manong maliit lang po na bagay ito. Sige po magagalit ako sa 'yo kapag 'di mo po ito kinuha mula sa kamay ko ang pera na ito." Anas ko. Dahil sa pamimilit ko nga at pananakot ay kinuha na rin ni Manong ang pera na binibigay ko sa kanya. Hanggang magpaalam na kami sa isa't isa. Ka-agad na ako tumalikod at naglakad papunta sa paring lot kung saan naroon naka-park ang motor ko. Pagkarating ko sa Parking lot ay sumakay na ako sa motor ko at sinuot ko ang dala kong helmet, at mabilis ko ito pinatakbo. Subalit hindi pa ako tuluyang nakakalayo ng dumating ang kamalasan na hindi ko naman inaasahan na muntik kopa ngang ikapahamak ngayon araw. "Shit naman oh! Puro na lang kamalasan ang nangyari sa buong maghapon ko ngayon araw ah! Pa-ano ba naman dahil bigla na lang sumabog ang isang gulong ng motor ko. Dahilan rin para ito ay mawala ng balansi, at sa takot ko nga ay mabilis kong pinisi ang preno ng motor ko. Dahil nga sa mabilis ang takbo ng motor kong dala ay nahirapan akong kotrolin ito at bumagsak pa rin ako sa semento. Mabuti naman at naka helmet ako ng suot at naka leather jacket kaya 'di ako masyado nasaktan kahit nagpagulong-gulong ako sa kalsada subalit parang nabali yata ang kabila kong siko. Dahil natukod ko ito sa semento. Napakamot na lang ako sa aking ulo ng makita ko ang sinapit ng motor ko na aking pinakaingat-ingatan at laging kasama sa mga mission. nawasak ang unahang bahagi nito pero kahit ganon pa man ay maswerte pa rin ako. Dahil ito lang ang aking sinapit at buhay pa ako. Nanatili lang ako sa gilid ng gater ng kalsada habang dinaramdam ang aking siko parang nabali talaga. Ilang minuto rin ako sa aking kinatatayuan, ngunit nagulat na lang ako ng may isang maganda kotse ang tumigil mismo sa aking harapan, kaya naman na pa wow ako sa ganda nito. Mukhang mamahalin ito at sa isip-isip ko ay isang mayamang tao ang nagmamay-ari nito. Color blue ang kulay ng kotsseng nasa harapan ko, napakinis ng bawat bahagi nito. Tiyak kong papatayin ka ng may-ari kapag ito ay nagawa mong gasgasan," tuloy-tuloy na letanya ko sa aking isipan Pinagmasadan ko lang ang magarang kotse na nasa aking harapan. Hanggang maya-maya pa nga ay unti-unting umangat ang bobong nito, napansin ko ang lalaking sakay ng mamahalin kotse na para bang pamilyar na sa sa'kin ang mukha nito. Dahil nakasuot ito ng black shades at medyo naka side view ay 'di ko makomperma kung siya nga itong nakikita ko. Ngunit nagkatotoo ang aking hinala ng nagtanggal ng shade at humarap siya sa akin. Dahil ang lalaking nakasakay sa isang magarang kotse ay walang iba kung hindi si Sam na anak ng Boss ko. Hindi ako makapaniwala na si Sam ang taong nakikita ko ngayon ang may ari ng isang magarang kotse na pangarap ng ibang kalalakihan. Sabagay 'di na ako magtataka kasi mayaman naman ang pamilya niya. Kaya meron siyang ganito ka garang kotse. Nakatitig lang ako sa mukha niya hanggang sa bumaba ito mula sa kaniyang sasakayan. Subalit hindi pa rin kumukurap ang dalawa kong mata napara bang nakakita ako ng isang angel. hindi ko nga rin namalayan na nasa harapan ko na pala siya. Bumalik ako sa katinuan ng bigla ko na lang marinig ang maganda nitong boses. Naamoy ko rin ang mamahalin niyang pabango, na talagang mapapasingo't ka sa bango nito. "Samantha, what are you doing here, what happened to you, you need my help, you want me to take you to the hospital?" bungad ni Sam na tanong sa 'kin. kita ko sa mukha nito ang pag-alala kaya gusto niya ako dalhin sa hospital dahil na rin sa mga natamo kong gasgas sa aking Isang braso. Pero tumanggi ako. "Hindi na siguro Sam, malayo naman sa bituka ang mga gasgas ko na ito, mas nakaka-awa pa nga sa kalagayan ko yong motor ko eh! tingnan mo, pero kung gusto mo talaga akong tulungan, siguro ay magpapahatid na lang ako sa bahay, ako na ang bahalang gumamot ng sugat ko," sambit ko kay Sam. "Okay sure, Sige ihahatid na lang kita, walang pasabi sabi niya akong binuhat at sinakay sa magara niyang kotse. Itinali niya sa beywang ko ang seatbelt na sakto lang naman ang luwag nito. Hanggang sumakay na siya sa driving set. Tahimik lang ako sa likoran ng kanyang magarang kotse habang pinagmamasdan ko ng pasimple ang mukha niya sa salamin na nasa bandang unahan niya, na alam kong pasimple rin siyang sumusulyap sa akin. "Are you okay Miss Samantha, by the way, pa-ano na pala ngayon ang motor mo. Iiwan mo na lang ba ito rito sa lugar na ito?" tanong ni Sam. "Oo nga pala no, Teka itatawag ko mo na ang pangyayari ito sa opisina para naman maaksyon nila! Sagot ko Kay Sam. Kaya naman ka-agad kong kinuha ang cellphone ko, shit mukhang nabasag pa yata ang temperd glass ng cellphone ko ha. Dahil sa pagkakabagsak ko. Kanin, at ayaw pang mabuhay. Mukhang nalowbt na yata---" bulong ko. "Matagal pa bayan Samantha?" tanong ng lalaki sa akin dahil. Pansin niyang kanina ko pa pilit binubuhay ang cellphone ko kaya nagsadjest na ito sa akin." "Dont worry Samantha, ako na ang bahala. Relax ka lang diyan tatawagan ko na lang si Dad para siya na ang magbigay alam sa mga kasama natin sa opisina sa nangyari sa 'yo," aniya nito. Kinuha na nga niya ang cellphone niya at agad niyang tinawagan si Boss Niel. Mabilis lang naman nitong sinagot sa tawag ni Sam. "Hello dad,I need to to talk, pwede ba kita maabala," sambit nito sa cellphone niyang hawak. Samantha and I are together now, dad, we are here at Markus st, vergina high way, can you and your people go here. kaylangan namin ng tulog rito," pakiusap ni Sam sa kanyang Dad. "Okay anak, mag papapunta ako ng tauhan ko ri'yan, hintayin mo na lang," utos nito. Binaba na ni Sam ang cellphone niyang hawak, at kinausap niya muli ako. "Kailangan lang natin mag hintay ng ilang minuto Samantha, okay ka "lang ba sa pwesto ri'yan, tanong nito. Yes, pero pwede bang pakahinan ang Aircon masyado malamig eh. Hindi ako sanay lalo't pa kasama kita sa loob nito," sambit ko. Pasensya ka na Samantha," mahinahon sambit ni Sam, 'yan sakto na at normal na lang ang lamig ng aircon okay naba? Comprtable kana? Saka pala huwag ka mailang sa'kin Samantha hindi naman ako masamang tao," wika niya. Sasagot pa sana ako ng bigla naman dumating ang isang kasamahan namin tiyak kong siya na yong pinadala ni Boss. Bumaba siya ng mobile at lumapit sa sasakayan ni Sam. "Ano ang nangyari dito Sir?" bungad na tanong nito. Diba kay Sergeant Velasco ang motor na ito nasaan siya? Gulat ng tanong ng lalaki kay Sam. Nasa likod siya nakapwesto at nagpapahinga. Hindi naman siya napurahan, matapang nga, ayaw niya magpadala sa hospital ihatid ko na lang daw siya sa bahay nila," paliwanag ni Sam sa lalaki. "Ganoon po ba Sir, Sige ako na bahala rito mag-iingat na lang po kayo sa pupuntahan ninyo," sambit ng kasama namin pulis. "S-sege salamat, so pa-ano aalis na kami Ikaw na ang bahala magreport sa nangyari. Bilin ni Sam. Saka, umalis na kami sa lugar.Muling napatingin sa mukha ko ang matandang lalaki at tela halata sa reaksyon ng mukha niya ang pangamba, nang marinig niya ang boses ng kausap ko sa telephono, tahimik lang siya at hindi na nag-usisa pa.Hanggang maya-maya nga ay dumating na ang ilang kalalakihan at may bilang sila na lampas sampo at lahat sila ay may mahahabang baril na kung saan ay nakasakbit sa leeg.Matalim ang pagkaktitig ng isang lalaki matapos itong makalapit ng husto sa aking harapan, pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa, sa mga titig niya ay parang gusto niyang na akong hubaran, ngunit hinayaan ko na lang na suruin niya ako. At alam ko rin na mukhang hindi gagawa ng maganda ang lalaking ito---" bulong ko.Subalit biglang nawala ang kaba ko nang marinig kong magsalita ito. Mabuti naman nahanap mo ang lugar na ito ngunit nakakasigurado ba kaming ikaw lang mismo ang pumunta sa lugar na ito nang nag-iisa?" Tanong niya hab
Ilang oras din ang nakalipas bago pa tuluyang makarating si Sir, Bryan sa labas ng gate nang subdivision. Dahil muli siyang tumawag para ipagbigay alam sa akin nakarating na siya.Dahil doon ay nagmadali na akong lumabas ng kwarto. Ngunit ng makita ako ni Mama at Rita ay nanlaki ang mata nila sa pagkagulat lalot nakita akong nakabihis at parang nagmamadali rin ang kinikilos.Ka-aagad ngang lumapit si Mama sa akin saka, ito nagtanong Samantha anak, saan ka pupunta? Basi sa aking nakikita parang may laban kang pupuntahan ah?" malumanay niyang tanong. Huminga ako ng malalim saka, ko hinawakan ang kamay ni Mama at sinagot ko ang tanong niya. Tama po kayo Mama. May laban po talaga ang pupuntahan. Gusto ko lang po na malaman ninyo na nasa panganib ang buhay ng Boss ko at kailangan namin siyang iligtas sa lalong madaling panahon," paliwanag ko."Pero anak, hindi ka pa gaanong magaling baka napahamak ka lang," malu
Nang makapasok na kami ni Rita sa loob ng grocery ay ka-agad akong kumuha ng dalawang basket, ang isa ay sa akin at ang isa naman ay kay Rita. "Rita, Kunin mo ito! At ilagay mo sa basket na iyan ang lahat ng gusto mo huwag ka mag-alala dahil ako naman ang magbabayad," nakangiti kong wika habang inaabot ko sa kaniya ang isang basket. "Ho, seryoso ka po ba ate Samantha, hindi ka po ba nagbibiro,?" Nagtatakang tanong niya at parang duda pa dahil hindi siya makapaniwala na sasagotin ko lahat ng gusto niya sa grocery ito. "Hahaha mukha ba akong nabibiro! Kaya Kunin mo na itong basket, Sige ka baka mag bago pa ag isip ko," nakangiti kong wika sa dalaga. Hindi na nga siya pa nagdalawang isip at ka-agad niyang kinuha mula sa mga kamay ko ang basket at sinabit sa kabila niyang braso. Marami pong salamat ate Samantha, napakabait mo po talaga," Saad niya.
Pagkapasok sa loob ng bahay ni Sam. Ay natoon ka-agad ang atensyon ni Mama at Rita sa kaniya. Natulala pa nga at parang nakakita sila ng multo. may kung anong tanong din sa kanilang isipan lalo't ngayon lang nila ito nakita."Samantha anak sino siya?" Nagtatakang tanong ka-agad ni Maam habang seryoso itong nakatingin sa akin. Samantalang si Rita naman ay tahimik lang at pasimple sumusulyap sa mukha ni Sam.Hindi ko na nga nasagot pa ang tanong ni Mama, dahil ka-agad naman nagpakilala si Sam at nagawa pa niyang kunin ang kamay ni Mama saka, inilagay sa noo niya bilang paggalang sa Ina ko."Magandang tanghali po tita, By the way ako po si Samuel, o mas kilala sa tawag na Sam, kaibigan po ako ng anak ninyo. Narito po ako para bisitihin si Samantha dahil nabalitan ko po ang nangyari sa kaniya. Heto nga po pala at may dala akong mga prutas," paliwanag niya sa aking Ina sabay abot ng isang basket na prutas at nagbigay pa ng ngi
Makalipas ang dalawang araw ay nakarecover na ako, ga'yon pa man ay malaki ang pasasalamat ko sa panginoon dahil binigyan pa niya ako ng pagkakataong mabuhay. Ngunit kailangan ko pa rin ng konting pahinga at alagaan ang aking sarili."Samantha anak, halika na kumain na tayo! ipinaghanda kita ng paborito mo, na alam kong magugustohan ng panlasa mo at maging kalakasan ng katawan mo," wika ni Ina.Napalingon ako sa dereksyon ni Ina ng marirnig ko ang mahina niyang boses, nakatayo siya at nakapamayawang pa habang nasa bukana ng pinto, halatang hinihintay niya akong lumapit.Subalit ngumiti lang ako sa kaniya at tumango-tango, paraan para malaman niyang susunod na ako at huwag na ako hintayin pa.Sa ngayon ay narito ako sa labas ng bahay at mag-isang nakatayo habang naka cros arms, habang lumalanghap rin nang sariwang hangin at pinagmamasdan ang paligid, napatingala ako sa kalawakan nakita ko ang mga ibon at a
Habang nagkwekwento si Sir, Bryan, tungkol sa aking Ama ay hindi ko napigilan hindi mapaluha. Naalala ko ang aking mahal na Ama na hindi ko manlang nakasama ng matagal.Galit ang aking naramdaman sa mga oras na ito, ipapangako ko na mananagot kung sino ang taong nasa likod nang pagkamatay ng aking Ama, hindi ko siya mapapatawad kahit sino pa siya, kalaban man ito o kakampi ang mahalaga mabigyan ko ng hustisya ang pagkamatay niya---" bulong ko.Ang lungkot na aking naramdaman ay napansin ni Sir Bryan, hinawakan niya ang kamay ko at niyakap ako ng walang pasabi. Nagulat ako sa kaniyang ginawa, ngunit alam kong paraan lang niya ito para ako ay damayan sa aking kalungkotan.Hinayaan ko na lang siya, dinama ko na na lang ang mainit niyang yakap na nagpagaan ng pakiramdam ko. Niyakap ko rin siya ng mahigpit habang tumutulo pa rin ang mga luha ko sa aking mata."Samantha okay kalang ba?" tanong niya. "Pasensya dahi
POV Bryan.Habang unti-unti kong dinidilat ang aking mata tumambad sa harapan ko ang nakakasilaw na ilaw, at maingat rin akong bumangon mula sa pagkakahiga sa isang maliit na foldeng bed, hanggang imikot ang paningin ko sa kabuohan ng kwarto, nalaman ko pala na nasa loob ako n
Pov: Samantha.Nakahinga na ako ng maluwag ng mailigtas ko mula sa pagkakagapos Sir, Bryan. Dahil na rin sa tulong ng mga kasama ko. nailigtas na rin ng iba kong kasama ang mga dayuhang bihag ng mga kaaway, mabuti na nga lang at medyo nabawasan ang bilang ng mga armadong nagba
Pov: Bryan.Sa mga oras na ito ay hindi ko alam kung makakaligtas pa ako sa kamay ng mga armadong lalaki na humuli sa akin kanina. Sa ngayon ay narito ako sa malaking poste kung saan nakagapos ang dalawa kong braso. Nararamdaman ko rin ang pananakit ng aking katawan dahil sa nata
Nang makarating na ang tren sa pinaka huling station, marahan itong huminto, pinasok ko sa bag ang hawak kong pocket book at tumayo ako mula sa aking pagkakaupo, at nagmamadali nang lumabas sa pintuan ng tren. Naglakad ako sa Hall way, kasabay ang ibang mga taong nagmamadali







