LOGINPansin ko sa mukha ng lalaki ang matinding takot, siguro naman magtatanda na siya. At hindi na paiiralin ang init ng ulo sa daan---" bulong ko.
Hinayaan ko na ang lalaki at bumalik na ako sa motor ko, ilang minuto rin lang ay naging maganda na ang galaw ng mga sasakyan sa kalsada, sinuot ko muli ang helmet, at mabilis kong pinaandar ang minamaneho kong motor. Sandali ko lang narating ang opisina ng Blackstone, bumaba ako sa motor, at deretso ako sa kinatatayuan ng security. "Manong Guard, kayo na po mo na ang bahala sa motor ko, tutal po ay lagi mo naman po ito ginagawa sa'kin, heto po ang susi at ang helmet ko, pakitago na lang po, nagmamadali po kasi ako, marami pong salamat," sambit ko na nakangiti sa security. "Walang problema po Mam, Ikaw pa po ba! eh.... malakas ka po sa'kin," pabirong sambit nito. "Sus, ikaw talaga Manong binobola mo naman ako, oh, s'ya! ma-iiwan na po kita ha," Anas ko. Dumeretso na ako sa loob ng gusali matapos kong ihabilin ang motor ko sa security naglakad na ako at mabilis din akong nakarating sa opisina ni Boss Niel. Pagpasok ko ay napansin ko ka-agad ang isang lalaking pamilyar sa a'kin, ang nagpakilala kahapon sa pangalan Sam, matapos kaming magkabungo nito, ano kaya ang ginagawa niya rito?" tanong ko sa aking isipan. "Hanggang mapansin ako ni si Sam na nakatayo sa may pinto, at nakatingin lang sa kanilang tatlo nina Boss Niel ay Bryan. "Good morning, Miss beautiful, malugod na pagbati nito sa akin na may kasama pang ngiti, I didn't think my Dad was one of my people, how are you?" tanong nito. " Ngunit bago ko pa sagutin ang tanong ni Sam ay naunahan na akong magsalita ni Boss Niel. "Nariyan ka na pala Sergent, Samantha Velasco, at teka magkakilala pala kayo ng anak kong si Sam," nagtatakang tanong nito sa'kin, sumbalit sinagot na ito ni Sam at hindi na niya ako hinayaang sumagot sa tanong ng Ama niya. "No Dad, accedent ang nangyari kung bakit ko siya nakilala, because, while I was looking for your office, I accidentally bumped into him in the hallway, I apologized, and introduced myself, but he just sneered at me," paliwanag nito sa kaniyang Ama. " Ganoon ba Sam, by the way, She is Sargent, Velasco Samantha, isa siya sa pinakamusay na tauhan ko," paliwanag niya sa anak. "Sergent Velasco, pasensya kung biglaan ang pagpapupunta ko sa'yo rito ngayon dahil gusto ko personal kita makausap, tulad ng sinabi ko S'ayo kanina dalawa kayo ni Serget, Cortez, ang hahawak sa ibibigay ko sayong malaki mission," paliwanag nito sakin. "Nice to meet you Samantha," singit na pahayag ni Sam habang inaabot s'kin ang kamay," subalit binigyan ko lang ito ng ngiti, napansin ko kasing nakatingin s'kin ng masama si Bryan mukhang nagseselos ang Loko. "Gusto kong malaman ninyo na magiging parte na si Sam sa lahat mission dito sa buong Black Stone pero sa ngayon, maliit lang na mission ang bibigay ko sa kanya dahil bagohan pa lang siya sa pagiging isang pulis, at isasama ko mo na sa grupo Sargeant Dereck, Zamora," paliwanag ni Boss Niel. Napansin ko naman na simimangot ang mukha ni Sam, sa desisyon ng Ama niya. "Pero Dad is the girl I want to be a partner in my mission," sambit nito. Sumbalit hindi pumayag si Boss Niel sa gusto niyang mangyari. Hanggang sa ipakita na samin ang location ng lugar na aming pupuntahan. "Here is the location of your destination on the map. Mahirap pasukin ang lugar na iyan dahil sa labas nito ay pinaliligiran na ng mga armadong lalaki, at sa gitna ng compound na 'yan ay may tatlong naka abang na sniper, kaya mahihirapan talaga tayong pasukin 'yan, kaya kayo na ang mag-isip ng magandang gagawin kung pa-paano makapasok sa loob ng compound ng 'di nila nalalaman, at iligtas ang mga bihag nilang ibang lahi, alamin rin kung bakit nila 'iyon ginagawa is that's clear!" tuloy-tuloy na paliwanag nito. "Copy Sir, sambit ni Bryan, kami na bahala ni Samantha, kung papaano pasukin ang lugar na iyan," pahayag ni Bryan. "Kung ga'yon ay mamayang gabi rin pwede na ninyo simulan ang mission, maari na mo na kayong magpahinga para na rin makapaghanda," utos ng Boss ko. Ka-agad nga kaming nagpaalam sa isa't isa at iniwan ko na lang sa opisina ni Boss Niel si Bryan at Sam, nag-alok pa nga si Sam na kung pwede ay kumain mo na kami bago ako umuwi ngunit tumanggi ako. Huyts! Mabuti naman at makakapagpahinga pa ako before ang mission na pupuntahan ko---" bulong ko sa aking sarili. Habang naglalakad ako sa hallway ay sumagi sa isipan ko ang nalaman ko kanina sa loob ng opisina. Hindi ko akalain na may anak si Boss Niel kaya pala nong una kaming magkita kahapon ay napansin ko na medyo hawig ang mukha nito kay Boss Niel, at isa pa gwapo at mabango, mukhang maalaga sa sarili, tiyak kong isa rin ito na mangungulit at manggugulo ng araw ko sa tuwing pupunta ako rito sa opisina ng Black Stone---" bulong ko. Huminga ako ng malalim, at naisipan ko ngang magpunta sa isang maliit ng grocery na kung saan ay malapit lang kaya naman nagmadali na ako ng aking paghakbang hanggang nasa tapat na ako ng store at pumasok sa loob ng nito. Habang naghahanap ako ng aking bibilhin ay may kakaiba akong napansin sa isang maliit na salamin sa loob ng store, napansin kong may limang lalaki na pabalik-balik at hindi mapakali sa labas ng pinto ng store, hindi ko alam kung bakit? kaya naman nakaramdam ako ng konti kaba. "Nagsisinyasan ito sa isa't isa hanggang sa magdedisyon na silang pumasok sa loob, at sa ilang sandali nga ay inilabas nila ang kanilang mga bar*l at itinutok sa mga taong nasa loob ng store. "Holdap ito!" Malakas na sigaw ng isang lalaki, mukhang nagmamadali ito sa kaniyang gusto. "Ibigay nyo lang ang gusto namin at hindi kayo masasaktan, manatili lang kayo sa kinatatayuan ninyo kung ayaw ninyo mamatay," sambit naman ng isang lalaki na kasama nito. Napansin ko nagpapanik ang mga tao sa loob at hindi nila alam ang kanilang gagawin, dahil sa takot. "Hoy Babae! heto ang bag ko ilagay mo lahat ng pera na kailangan namin diyan dalian mo!" Galit na utos ng lalaking may tattoo sa babaeng kahera. Marahan akong lumapit, sa gilid ng mga nakadisplay na pagkain, ngunit ilang hakbang ko pa ay nagulat na lang ako ng may bagay na nakatotok sa likoran ng aking batok kaya napatigil ako sa paghakbang. "Subukan mong gumalaw sabog ang ulo mo babae! itaas mo ang dalawa mong kamay at humarap ka sa a'kin," utos ng lalaking nagsasalita sa likoran ko. Kaya marahan akong lumingon habang nakataas ang dalawa kong kamay, tumingin ako ng deretso sa mata ng lalaki para malinlang ko ito, sumabalit nakatotok pa rin ang bar*l nitong hawak sa mukha ko pero hindi ako nasindak rito. "Umupo ka babae at huwag ka kikilos ng masama kung hindi patay ka!" Marahas na utos nito. Nang akmang uupo ako ay biglang nawala ang atensyon ng lalaki sa a'kin, kaya naman mabilis kong hinawakan ang baril nito na pilit kong inaagaw, tinadyakan ko ito sa sikmura saka ko pinilipit ang kamay dahilan para mabitawan niya ang bar*l niya hawak. Nakita ko ang nakahelera na bote ng alak malapit sa kinatatayuan ko, kumuha ako ng isa at pinokpok ko sa ulo ng lalaking hawak ko Nagkaroon ng matinding ingay sa loob ng store kaya naman mas lalong nagpanik ang mga tao, at napansin na rin ako ng iba pang holdaper kaya pinagbabar*l nila ako. mabilis akong nakatago at maraming paninda na rin ang nasira hanggang tumigil ang mga holdaper sa pagpapaputok. Subalit nakita kong papalapit sa akin ang isang lalaki kaya naman kinuha ko ang isang pabanggo, at inabanganko siya, nang tuluyang makalapit ang lalaki sa pinagtataguan ko, inispriyan ko siya ng pabango sa mata, saglit nga ay nawala ang paningin nito, saka inupakan ko na ng malakas ng suntok at sipa sa katawan hanggang bumagsak ito sa semento. Napansin ko sa natitirang lalaki ang matinding pagkatakot lalo't may mga kasamahan pala akong naka abang na sa labas ng pinto ng store, dahil narinig siguro nila ang pagputok ng bar*l kanina, kaya naman nakahinga ako ng maluwag. "Ano ang gagawin natin mga pare? tiyak kong mahuhuli tayo ng mga pulis na iyan, ayaw ko makulong," sambit ng isang lalaki nanginginig sa takot. "Kahit ano ang mangyari ay huwag tayo susuko! lalaban tayo ng patayan sa kanila, alam kong papatayin rin tayo ng mga iyan kapag mahuli tayo! Matapang na pahayag ng pinuno nila. Hanggang sa maisipan nilang manghostage kaya naman, natakot ako, hindi para sa sarili kung hindi sa mga sivilian na kanilang hawak. Kaya naman nag-isip ako ng maganda kong gagawin para walang masamang mang-yari sa mga tao rito sa loob, isa pa lalo't may mga baril na hawak ang tatlong natitirang holdaper sa loob ng store na ito, kaya mahihirapan akon iligtas sila, kapag nagpadalos-dalos ako ng disiyon, dahil konti pagkakamali ko lang patay lahat ng mga hostage rito. "Subukan ninyong magpaputok, hindi kami magdadalwa-isip na patayin ang lahat ng tao rito sa loob, hayaan ninyo kaming makatakas at bigyan ninyo kami ng sasakyan kapalit ng mga taong ito," utos ng isang lalaki sa mga kasama ko. May naisip na akong paraan dahil sa sinabi ng isang holdaper, ako ang papalit na hostage nila, para magawa kong mailigtas ang mga tao sa loob ng store na ito, alam kong delekado itong gagawin ko pero kailangan para sa kaligtasaan ng lahat ng taong hostage nila. Lumapit ako sa mga holdaper ng walang takot, at kinausap ko sila, Teka lang, hindi ba gusto ninyo makalabas ng buhay sa store na ito? Ako ang gawin ninyo hostage, at huwag ninyo idamay ang mga cevillian dito. Sa narinig ng mga holdaper mula sa a'kin ay nagkatinginan ang tatlo. Mukhang sang-ayon ito sa sanabi ko. "Sige kunin siya at pakawalan ang ibang hostage!utos ng pinakaleader nila. Kaya naman nilapitan na ako ng isang lalaki, niyakap niya ako sa may likoran ko habang naka totok ang baril sa aking ulo at hinarap sa leader nila. "Ang tapang mo naman babae,l" sambit ng leader nila, Ano ka nagpapakabayani, pero 'di ako nasindak, bagkus ngumisi lang ako at pinag-utos ko sa kanila na isama ako palabas ng pinto ng store para na rin sila ay makatakas. Paglabas ko nga ng pinto ay nakita ko ang reaction ng mga mukha ng kasamahan ko, mukhang nag-aalala sila sa kalagayan ko ngayon. "Nasaan na ang sasakyan na hihingi ko ibigay ninyo na ngayon din! kung ayaw ninyo sumabog ang ulo ng babaeng hawak ko! Pinagmasdan ko ang kilos ng bawat isang holdaper napansin ko na natataranta sila at parang hindi mapakali sa kanilang kinikilos. Hanggang natoon ang atensyon ko kay Bryan naisipan kong landi-landi ko ito, sa papamagitan ng sinyas at pagkagat ko sa ibaba ng aking labi, at naging dahilan nga iyon para magtaka ang lalaking may hawak sa'kin. "Miss, ano ang ginagawa mo? tanong nito pero nagpatuloy pa rin ako sa pakikipaglandian ng tingin kay Bryan, taranta-taranta ang lalaking may hawak sa'kin at dahil nga sa aking ginawa ay nawala ito sa atensyon sa akin, kaya naman mabilis kong hinawakan ang kamay nito saka itinanaas sabay sipa ko ng malakas sa kaniyang lato-lato at nang makawala na ako sa lalaking may hawak sa a'kin ay nagdidisyon na magpaputok ng kanilang mga bar*l ang mga kasama ko, at nasawi ang mga holdaper sa labas ng store. Pagmatapos nga ng eksena ay sabay-sabay na nagsilabasan ang mga tao sa loob ng store at isa-isa silang nagpasalamat sa ginawa ko. Wala akong ibang ginawa kung hindi ay ngitian lang sila lahat, hanggang lumapit sa harapan ko si Bryan. "Okay ka lang ba Samantha? hindi ka nasaktan nagtaka ako sa ginawa mo ha, saka, tinamaan ako, pero alam kong paraan mo iyon para makawala ka sa lalaking may hawak sa'yo," sambit ni Bryan. "Oo Bryan okay lang ako, kanina pa lang sa loob naisipan ko na ang bagay na 'yon! kaya pasensya ha ginamit kita! Nakangising sambit ko sa lalaki napansin kong napakamot ito ng ulo. Hanggang lumapit sa harapan namin si boss Niel at binati ako. "Congratulations Sergeant Velasco, pinahanga mo ako sa iyong ginawa at tapang," payahag ni Boss Niel. Natuwa naman ako sa sinabi nito, dahil naging proud din siya sakin ngayon matapos niya ako sermonan kanina.Muling napatingin sa mukha ko ang matandang lalaki at tela halata sa reaksyon ng mukha niya ang pangamba, nang marinig niya ang boses ng kausap ko sa telephono, tahimik lang siya at hindi na nag-usisa pa.Hanggang maya-maya nga ay dumating na ang ilang kalalakihan at may bilang sila na lampas sampo at lahat sila ay may mahahabang baril na kung saan ay nakasakbit sa leeg.Matalim ang pagkaktitig ng isang lalaki matapos itong makalapit ng husto sa aking harapan, pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa, sa mga titig niya ay parang gusto niyang na akong hubaran, ngunit hinayaan ko na lang na suruin niya ako. At alam ko rin na mukhang hindi gagawa ng maganda ang lalaking ito---" bulong ko.Subalit biglang nawala ang kaba ko nang marinig kong magsalita ito. Mabuti naman nahanap mo ang lugar na ito ngunit nakakasigurado ba kaming ikaw lang mismo ang pumunta sa lugar na ito nang nag-iisa?" Tanong niya hab
Ilang oras din ang nakalipas bago pa tuluyang makarating si Sir, Bryan sa labas ng gate nang subdivision. Dahil muli siyang tumawag para ipagbigay alam sa akin nakarating na siya.Dahil doon ay nagmadali na akong lumabas ng kwarto. Ngunit ng makita ako ni Mama at Rita ay nanlaki ang mata nila sa pagkagulat lalot nakita akong nakabihis at parang nagmamadali rin ang kinikilos.Ka-aagad ngang lumapit si Mama sa akin saka, ito nagtanong Samantha anak, saan ka pupunta? Basi sa aking nakikita parang may laban kang pupuntahan ah?" malumanay niyang tanong. Huminga ako ng malalim saka, ko hinawakan ang kamay ni Mama at sinagot ko ang tanong niya. Tama po kayo Mama. May laban po talaga ang pupuntahan. Gusto ko lang po na malaman ninyo na nasa panganib ang buhay ng Boss ko at kailangan namin siyang iligtas sa lalong madaling panahon," paliwanag ko."Pero anak, hindi ka pa gaanong magaling baka napahamak ka lang," malu
Nang makapasok na kami ni Rita sa loob ng grocery ay ka-agad akong kumuha ng dalawang basket, ang isa ay sa akin at ang isa naman ay kay Rita. "Rita, Kunin mo ito! At ilagay mo sa basket na iyan ang lahat ng gusto mo huwag ka mag-alala dahil ako naman ang magbabayad," nakangiti kong wika habang inaabot ko sa kaniya ang isang basket. "Ho, seryoso ka po ba ate Samantha, hindi ka po ba nagbibiro,?" Nagtatakang tanong niya at parang duda pa dahil hindi siya makapaniwala na sasagotin ko lahat ng gusto niya sa grocery ito. "Hahaha mukha ba akong nabibiro! Kaya Kunin mo na itong basket, Sige ka baka mag bago pa ag isip ko," nakangiti kong wika sa dalaga. Hindi na nga siya pa nagdalawang isip at ka-agad niyang kinuha mula sa mga kamay ko ang basket at sinabit sa kabila niyang braso. Marami pong salamat ate Samantha, napakabait mo po talaga," Saad niya.
Pagkapasok sa loob ng bahay ni Sam. Ay natoon ka-agad ang atensyon ni Mama at Rita sa kaniya. Natulala pa nga at parang nakakita sila ng multo. may kung anong tanong din sa kanilang isipan lalo't ngayon lang nila ito nakita."Samantha anak sino siya?" Nagtatakang tanong ka-agad ni Maam habang seryoso itong nakatingin sa akin. Samantalang si Rita naman ay tahimik lang at pasimple sumusulyap sa mukha ni Sam.Hindi ko na nga nasagot pa ang tanong ni Mama, dahil ka-agad naman nagpakilala si Sam at nagawa pa niyang kunin ang kamay ni Mama saka, inilagay sa noo niya bilang paggalang sa Ina ko."Magandang tanghali po tita, By the way ako po si Samuel, o mas kilala sa tawag na Sam, kaibigan po ako ng anak ninyo. Narito po ako para bisitihin si Samantha dahil nabalitan ko po ang nangyari sa kaniya. Heto nga po pala at may dala akong mga prutas," paliwanag niya sa aking Ina sabay abot ng isang basket na prutas at nagbigay pa ng ngi
Makalipas ang dalawang araw ay nakarecover na ako, ga'yon pa man ay malaki ang pasasalamat ko sa panginoon dahil binigyan pa niya ako ng pagkakataong mabuhay. Ngunit kailangan ko pa rin ng konting pahinga at alagaan ang aking sarili."Samantha anak, halika na kumain na tayo! ipinaghanda kita ng paborito mo, na alam kong magugustohan ng panlasa mo at maging kalakasan ng katawan mo," wika ni Ina.Napalingon ako sa dereksyon ni Ina ng marirnig ko ang mahina niyang boses, nakatayo siya at nakapamayawang pa habang nasa bukana ng pinto, halatang hinihintay niya akong lumapit.Subalit ngumiti lang ako sa kaniya at tumango-tango, paraan para malaman niyang susunod na ako at huwag na ako hintayin pa.Sa ngayon ay narito ako sa labas ng bahay at mag-isang nakatayo habang naka cros arms, habang lumalanghap rin nang sariwang hangin at pinagmamasdan ang paligid, napatingala ako sa kalawakan nakita ko ang mga ibon at a
Habang nagkwekwento si Sir, Bryan, tungkol sa aking Ama ay hindi ko napigilan hindi mapaluha. Naalala ko ang aking mahal na Ama na hindi ko manlang nakasama ng matagal.Galit ang aking naramdaman sa mga oras na ito, ipapangako ko na mananagot kung sino ang taong nasa likod nang pagkamatay ng aking Ama, hindi ko siya mapapatawad kahit sino pa siya, kalaban man ito o kakampi ang mahalaga mabigyan ko ng hustisya ang pagkamatay niya---" bulong ko.Ang lungkot na aking naramdaman ay napansin ni Sir Bryan, hinawakan niya ang kamay ko at niyakap ako ng walang pasabi. Nagulat ako sa kaniyang ginawa, ngunit alam kong paraan lang niya ito para ako ay damayan sa aking kalungkotan.Hinayaan ko na lang siya, dinama ko na na lang ang mainit niyang yakap na nagpagaan ng pakiramdam ko. Niyakap ko rin siya ng mahigpit habang tumutulo pa rin ang mga luha ko sa aking mata."Samantha okay kalang ba?" tanong niya. "Pasensya dahi
Pov: Samantha.Nakahinga na ako ng maluwag ng mailigtas ko mula sa pagkakagapos Sir, Bryan. Dahil na rin sa tulong ng mga kasama ko. nailigtas na rin ng iba kong kasama ang mga dayuhang bihag ng mga kaaway, mabuti na nga lang at medyo nabawasan ang bilang ng mga armadong nagba
Nang makarating na ang tren sa pinaka huling station, marahan itong huminto, pinasok ko sa bag ang hawak kong pocket book at tumayo ako mula sa aking pagkakaupo, at nagmamadali nang lumabas sa pintuan ng tren. Naglakad ako sa Hall way, kasabay ang ibang mga taong nagmamadali
POV Bryan.Habang unti-unti kong dinidilat ang aking mata tumambad sa harapan ko ang nakakasilaw na ilaw, at maingat rin akong bumangon mula sa pagkakahiga sa isang maliit na foldeng bed, hanggang imikot ang paningin ko sa kabuohan ng kwarto, nalaman ko pala na nasa loob ako n
Pov: Bryan.Sa mga oras na ito ay hindi ko alam kung makakaligtas pa ako sa kamay ng mga armadong lalaki na humuli sa akin kanina. Sa ngayon ay narito ako sa malaking poste kung saan nakagapos ang dalawa kong braso. Nararamdaman ko rin ang pananakit ng aking katawan dahil sa nata


![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




