DIEGO
ISANG malalim na buntong hininga ang ginawa niya habang binibilang ang isang linggong sahod niya sa pag-sideline sa pagiging Construction worker. One thousands two hundreds ang sinahod niya. Ang hirap talaga kumita ng pera, lalo na sa katulad niyang highschool graduate.
"Diego!"
Dagli siyang napalingon sa tumawag sa kanya. Si Kiko, kasamahan niya rin sa trabaho at matalik niyang kaibigan.
"Bakit?"
Mabilis na umakbay ito sa kanya at ngumisi. Kitang-kita ang tagpi-tagpi nito mga ngipin. Payat ito, moreno, manipis ang buhok at malaki ang mga mata. Para itong pinagbiyak na buko ng artistang si Rene Requiesta.
"Empi tayo?" ngiting aso alok nito.
Naiiling siya. Pagod sila galing trabaho. Wala naman siguro masama na uminom. Umakbay din siya kay Kiko.
"Demonyo ka talaga. Dinedemonyo mo ako lagi." Sikmat niya saka kinutusan ito nang mahina sa ulo. "Alam mo naman kailangan ko magdelihensya sa Nanay kong bungangera," natatawang sabi niya.
"Naku! 'Yon perang binibigay mo kay Aling Tinay, pinang-iinom din niya. Kaya pakinabangan mo rin ang perang kinita mo, uminom ka rin. Para pag-uwi mo, parehas kayong lasing!" bumunghalit ng tawa si Kiko.
Totoo naman ang sinabi nito. Mula nang mamatay ang Tatay Pedro niya dahil sa stroke noon elementarya siya. Tanging si Nanay Tinay na ang kasama niya sa buhay. Ngunit nag-iba ang ugali nito at pakikitungo sa kanya nang mamatay si Tatay Pedro.
Naging palainom, sugarol ito at madalas siyang pinapalo nun bata siya. Nagsikap lang siya na makapagtapos sa highschool kahit sobrang tutol ang Nanay niya. Ang nais kasi nito ay magtrabaho na siya. Lagi kasing sinasabi ni Nanay na malaki ang utang na loob niya rito at kailangan niya ito bayaran.
Humugot siya nang malalim na paghinga saka iginiya siya ni Kiko patungo sa bahay nito. Doon sila lagi umiinom sa labas ng bahay nito. Isang bote ng Empi lights, isang pitsel ng pineapple juice at adobong paa ng manok ang inilagay ni Kiko sa maliit na lamesa labas ng bahay nito.
"Simple lang ang buhay. Batak lagi ang katawan natin sa trabaho. Karapatan natin maglasing para kahit papaano maramdaman naman natin ang barya-baryang sahod natin," wika ni Kiko saka inabot sa kanya ang shot glass.
May punto naman ito. Mula highschool hindi na siya tumigil sa paghahanap buhay. Naging taga-linis siya sa pier, balot vendor, fishball vendor, nag-sideline rin siya bilang basurero noon. Nasubukan na rin niya maging taho vendor hanggang sa tumuntong siya ng disiotso anyos saka siya nakapag-apply sa mga pabrika na pakyawan ang kita.
Pati ang pagiging karpentero ay nagawa na rin niya. Ngayon, suma-sideline siya bilang construction worker mula Lunes hanggang Biyernes. Pag Sabado at Linggo naman, pumapasada naman siya ng Jeep.
Ngayon bente-sinko anyos na siya. Nalulungkot siya para sa sarili. Mukhang hanggang dito na lang talaga siya sa buhay. Isang kahig isang tuka na lang. Masarap mangarap subalit sobrang hirap na. Pagod na ang katawan at isip niya.
"Imposible na yata makapag-asawa ako," wala sa loob na bigkas niya kay Kiko.
"Hoy Diego! Paano naging imposible? Sa guwapo mong iyan? Sus! 'wag ako, Diego. Kung imposible sa'yo...mas lalo na pala sa'kin? Ang daming babaeng nagpapakita ng interes sa'yo."
Umiiling-iling siya at pagak na natawa.
"Ibig kong sabihin, hindi ko pa kayang bumuhay ng pamilya. Ano ipapakain ko sa magiging anak ko kung sakali? Buhangin?" may halong lungkot na sabi niya.
Totoo naman, marami talagang babaeng nagpapakita ng motibo sa kanya. Subalit, umiiwas siya saka na lang siguro pag mayroon na siya maayos na trabaho talaga. Regular na trabaho ika nga ng iba. Tama na siya ang gutom, ayaw na muna niya mandamay. Hindi nakakabusog ang pag-ibig. Gusto lang niya maging praktikal. Masisira lang ang buhay ng babaeng mamahalin niya kaya hangga't maaari iwas siya sa mga babae.
"Ano na lang ang gagawin mo? Kahit girlfriend wala ka pa. Ano sariling sikap ka na lang gabi-gabi habang nakatingin sa poster ni Bunny?" pabirong banat ni Kiko sa kanya sabay tungga sa tagay nito.
Natawa siya nang malakas. Mayroon kasi siyang poster ng sikat na Australian model na si Bunny sa maliit na kuwarto niya. Mukhang normal naman sa lalaki ang mag-solo sa gabi. Mas nanaisin na lang niya ang ganoon kaysa magkaroon ng responsibilidad. Mahirap na baka makabuntis siya wala naman siyang ipapakain.
"Oo! Kung hindi lang din si Bunny ang makakatabi ko sa gabi. Hindi na lang ako mag-aasawa," ganting sabi niya kay Kiko. Siya naman ang tumagay.
Panay pa rin ang kuwentuhan nila ni Kiko. Puro biruan, kapilyuhan at mga pantasya nila sa babae ang topic nila. Hindi masama magpantasya, minsan pa nga napapaginipan pa niya si Bunny. Mainit na panaginip. Sobrang lakas kasi ng dating ng Australian model na iyon. Kaya nang makakita siya ng calendar poster nito na naka-red two piece bikini ito na nakasakay sa itim na ducati motor. Hindi talaga siya nag dalawang isip na bilhin ang poster na iyon.
Pasado ala-una nang umaga nang matapos sila ni Kiko uminom. Nagpaalam na siya sa kaibigan. Kahit marami siyang nainom, diretso pa rin ang lakad niya hanggang sa makarating siya sa kanila. Hindi na siya nag-abalang kumatok sa pinto dahil alam niyang hinding-hindi siya pagbubuksan ng Nanay niya.
Kaya lagi siyang may spare key sa likuran pinto nila. Pagkapasok sa loob tumambad sa kanya ang makalat na bahay nila. Napabuntong hininga na lang siya. Tahimik na pumasok na lang siya sa maliit na kuwarto niya. Isang single bed na kama at maliit na electric fan lang kasya. Ang mga damit niya naka-hanger sa likod ng pinto.
Pabagsak na humiga siya at tumitig sa poster ni Bunny. Isang malawak na ngiti ang lumabas sa mga labi niya nang masilayan ang magandang mukha ni Bunny.
"Mahal na miss kita? Ako ba miss mo? Buti ka pa lagi kang nakangiti sa'kin. Siguro pag n*******n kita puwede na akong mamatay." Natatawang sabi niya sa sarili.
Ganito siya palagi. Kinakausap niya mag-isa ang poster ni Bunny. Ito ang nagsisilbing lucky charm sa lahat ng oras. Nag-flying kiss pa siya sa poster saka tuluyan pumikit na may ngiti sa labi. Mananaginip na naman siya na katabi ito sa pagtulog.
BUNNY POV"I CHOOSE you and promise to choose you as my husband every day we wake up. I will love you in word and deed. I will laugh with you, cry with you, scream with you, grow with you, and craft with you. I'm madly in love with you, my husband," aniya na nagpipigil na maluha habang nakangiting nakatitig kay Diego.Mayamaya pa ay inabot naman ang isang microphone kay Diego."How lucky am I to call you mine? Your love and trust makes me a better person, each and every day. You are my every dream come true. Your love gives me hope. Your smile gives me joy. You make me a better man. When I am with you, everything else fades to the background. You flood my senses with joy. You are my life, my greatest gift. I'm so lucky to call you my loving wife. I love you so damn much."Walang pagsidlan ang sayang lumukob sa dibdib niya hanggang sa nagsalita ang pari at ianunsiyo ang pagiging mag-asawa nila kasabay ang masuyong paghalik ni Diego sa labi niya.Buhay na buhay ang mga tao sa paligid nil
BUNNY POVBLOCKBUSTER ang pelikulang pinagbibidahan niya at masayang-masaya siya sa lahat ng magagandang reviews at papuring natanggap niya. Kaliwa't kanan ang mga guesting niya sa mga talk shows at mall shows para mag-promote ng movie.Now, kasalukuyang nasa isang talk show siya."Let's do a FAST TALK with the most prominent leading lady of all time, please welcome.... Miss Bunny Smith," masiglang pagpapakilala ng host sa kaniya.Matamis siyang ngumiti sa camera."Thank you for having me.""We are so grateful na pinaunlakan mo ang aming paanyaya, Miss Bunny Smith. Kaya naman — hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa. Dahil maraming usap-usapan, sa social media tungkol sa buhay pag-ibig mo. Totoo ba, Bunny Smith na ikakasala ka na?" diretsahan tanong ng host.Walang pag aalinlangan na tumango siya."Yes, it's true," kaagad niya sumagot.Isang bagay na gustong gusto niya ipagsigawan o ipagkalat sa lahat ang nalalapit na pagpapakasal niya.Malakas na hiyawan at palakpakan ang narinig niya g
BUNNY POVMAKALIPAS NG halos dalawang linggo, maayos na ang lagay ni Brooke, gayon din si Drake kaya naman nakalabas na ang mga ito ng hospital. Kahit papaano nakahinga na rin siya ng maluwag, daig pa niya nabunutan ng tinik sa dibdib habang pinagmamasdan ang kambal na maganang kumakain ng hapunan."So, okay na sila? Ikaw? Kailan ka magsimula sa shooting, puro mga eksena mo na lang ang kulang?" kapagkuwa'y tanong ni Alona.Nagpapasalamat talaga siya dahil mayroon siyang manager slash bestfriend na katulad nito na laging nandyan sa kanila."Next week. Pasabi kay bossing na pasensya na talaga sa delayed," nakangusong sabi niya."Oh sya sya— sasabihin ko. Maiwan ko muna kayo, may lakad ako ngayon. Bye kids! Bye, baks."Nang makaalis na si Alona, inasikaso na niya ang dalawa ng matapos ang mga ito kumain hanggang sa pinag-half bath niya ang mga ito para magsimula ng matulog. Habang binibihisan niya si Drake, tumunog ang door bell. Sabay pang nagkatinginan ang kambal, at saka tumitiling na
BUNNY POVNAPATITIG siya sa madilim na mukha ni Diego saka marahas na umiling. Hindi siya papayag na kunin na lang nito basta ang mga anak niya. No over her deád body!Umiling-iling siya sabay napatayo."Not gonna happened. Hindi ko ibibigay ang mga anak ko!" napalakas na ang boses niya."And ... why not?" nagtatakang nakatingin sa kaniya si Diego.Huh? At nakuha pa talagang tanungin siya? Héck!"Because, they're mine!"Tumayo na rin si Diego. Pinagkrus nito ang mga braso sa dibdib nito saka mataman siyang tinignan."At ako ang Ama nila... Siguro naman deserve ko rin makasama ang mga anak ko.""K-Kailangan ko sila, Diego. Please— huwag mo silang ilayo sa'kin," naluluha niyang sabi.Hindi niya kakayanin. Mawala na ang lahat 'wag lang ang mga anak niya. Kaya niyang isakripisyo ang trabaho niya pero hindi ang pagiging isang Ina niya.Napaigtad siya ng maramdaman ang paghaplos ni Diego sa basang pisngi niya. Napaangat ang tingin niya sa mukha nito. Bakit ba nasasaktan siya lalo sa tuwing
BUNNY POV"TAHAN NA, pag bumalik siya at kalmado na, saka n'yo pag usapan ang tungkol sa mga bata," pang-aalo ni Alona sa kaniya habang nakayakap siya rito.Maraming tumatakbo sa isipan niya. Alam niya galit sa kaniya si Diego, kaya hindi imposibleng gumawa ito ng paraan para makasama at makuha sa kaniya ang kambal. Paano ang gagawin niya pag nagkataon? Paano sila? Paano ang nararamdaman niya para sa binata?"Natatakot ako, baks. Nakakatakot. Ayokong kunin niya sa'kin ang mga bata," naiiyak na paanas niya sa kaibigan.Hinihimas ni Alona ang likod niya."Mas may karapatan ka sa mga bata kasi ikaw ang Nanay, okay? Siguro nga galit siya pero kakalma rin 'yon. At saka, kung mahal ka niya talaga, papatawarin ka niya. Look-- mas mabuti kausapin mo na ang mga bata tungkol sa Ama nila, para naman pag bumalik si Diego at mag-demand siya na ipakilala siya sa dalawa ay kahit papaano may ideya ang kambal kung sino siya." Paliwanag nito sa kaniya."Magugulat sila for sure...." bulong niya."Aba' na
BUNNY POVNANLUMO siya nang makitang nanghihina ang dalawang anak niya habang may nakasaksak na IV Fluids sa mga kamay ng mga ito. Pakiramdam niya sinasakal siya kaya nahihirapan siyang huminga. Mahigpit na niyakap siya ni Alona. Hindi na niya napigilan ang maluha, walang Ina ang may gustong makitang may sakit ang mga anak. Napakasakit sa dibdib."Kailangan nila ng dugo para sa bloód transfusions, AB negative ang need," mayamaya ay banggit ni Alona sa kaniya.Humiwalay siya sa kaibigan at sumulyap sa mga anak na mahimbing na natutulog."Hindi ako -- fúck! saan pwede makakuha ng dugo?" nakaramdam siya ng kaba, kailangan niya maibigay kung ano ang kailangan ng mga anak niya."AB negative is a rare blood type, bakla. Wala available ang hospital but--"Naputol ang iba pang sinasabi ni Alona nang magsalita si Diego na nasa likuran lamang niya."I'm AB Negative."Parehas silang napatitig ni Alona kay Diego, kasabay ang pagtinginan nilang dalawa ng kaibigan. Bakit ba hindi nila naisip na may