Share

CHAPTER 11: TAKING THE RISK

Marami ang naapektuhan ng dumating ang isang malawakang pandemya. Tuluyang nanatili si Sandra at ang kanyang staff sa Brazil. Halos dalawang taon din bago lumuwag ang sitwasyon maging sa paliparan.

Magtatatlong taon na si Alexi ng bumalik ang ama sa Pilipinas.

“Sandra, uuwi na pala ako sa Pilipinas. Hanggang kailan ka ba dito?” Marami na siyang napabayaan sa kanyang negosyo sa Pilipinas. Ang ilan sa kanyang restaurant ay bigla niyang naipasara at marami siyang empleyado na nawalan ng trabaho.

“Don’t worry, Papa. Pag-uwi namin, magpapaalam na kami ni Sandra. ‘Di ba, Sweetheart?” Ngunit hindi umimik si Sandra.

Hindi nila napag-uusapan ang tungkol sa magulang ni Monarch. Hindi rin naman nagtanong si Sandra.

“Bakit bigla kang nanahimik?” Umiling ang babae. “Ipapakilala kita kay Mama pag-uwi natin sa Pilipinas. She is excited to see you.”

“Alam ba ng mama mo na may anak ako?”

“Malalaman niya pag-uwi natin.” Hindi sinasadya ni Sandra ang magdabog. “Galit ka ba?”

“Don’t worry about me, Mona
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status