Share

Chapter 5: THE CEO MEETS HER

Gulat na gulat si Chandler ng dumating sa location ang diborsyadong si Mr. Montague Bluebird. May dala itong magandang bouquet ng bulaklak habang kasama ang ilang alalay niya. Kitang-kita niyang nagbulungan pati ang buong staff ng Baron Advertising kasama ang ilang bagito ngunit beteranong photographer ng DreamWorkX Company.

Iniabot kay Chandler ang kanyang bathrobe matapos ang pictorial kasama ang dalawang lalaki sa ibaba ng hood ng kotse. Nasa madamong bahagi sila ng burol na iyon with an old cadillac. Walang itatago ang buong katawan ni Chandler ng mga oras na iyon kahit naka-dark glasses pa si Montague. Aliw na aliw siyang pinagmamasdan ang kabuuan ng babae at inaalala ang nangyari sa kanila ng nagdaang gabi.

“Let’s have a break everyone,” sigaw ng kanilang director.  Bumaling naman si Felix sa CEO at malugod na inanyayahan siya kanyang kubol ngunit diniretsa niyang ito.

“I want to have a heart-to-heart talk with Ms. Mayward. Please!” magalang nitong pakiusap sa hindi pa ganoon katandang lalaki.

“Oh, sure, Mr. Bluebird. Chandler, honey! Meet Mr. Montague Bluebird.” Lumapit naman si Chandler.

“We just met last night in my bed, don’t we?” Napanganga lahat ang nakarinig sa tinuran ng lalaki.

“Excuse me! Ako? In your bed? I can’t believe to date a divorcee. Oh, come on!” Hindi makapaniwalang sabi ng modelo. 

“I like that reaction, Chandler but you can’t escape from me. Akin ka na!” Nagtilian ang mga babaeng staff na nakarinig sa kanyang tugon.

“Hey, Mr. Bluebird! Remove your hand off me!” But not Mr. Montague Bluebird. He doesn’t accept any alibis from a woman he had a great night with. Hinapit niya sa balakang si Chandler and kissed her. He stuck out his tongue ngunit malakas na sampal ang ipinalit nito. Nagulat ang mga tao doon.

“Hindi puwede sa akin ang ginagawa mong pangha-harass, Mr. Bluebird. Besides ngayon lang kita nakita. Alam kong mayamang CEO ka but a man with several divorce marriage, anglakas ng loob mo!”

Napailing si Montague. Hindi niya iyon inaasahan ngunit hindi iyon sapat upang tigilan na niya ang babae.

“What is mine… IS MINE!” Iyon ang kanyang banta at umalis na siya kasama ang ilan pa niyang alalay.

Napailing na lang sa loob ng kotse si Montague sa naging reaksyon ni Chandler. Ayaw niya sa pakipot but this time, it gives him a thrill to chase a woman for the first time in his life.

Pagdating sa loob ng air-conditioned tent ni Chandler, hangang-hanga ang kanyang ina for making a scene and bringing the CEO to his senses na hindi lahat ng babae ay kaya niyang masilaw sa kanyang yaman. Ang lahat ay palabas lang.

“Tama ang ginawa mo, Iha! Let him chase after you.”

“Anong akala niya sa akin? Katulad lang ng babaeng ikinama niya kagabi. Thanks to that girl.”

“Who ‘s that girl?”

“Ah, never mind her. So, unlucky of her. And now, this man has gone crazy over me.”

“Sinong babae iyon?” tanong muli ng ina.

“Hayaan na nga ninyo ‘yung sinabi ko. Ang mahalaga, mapapakagat natin si Mr. Bluebird sa ating pain. I will make sure that he will die to see me again and go crazy about me.”

Naging laman sa balita ang bagong apple of the eye ni Mr. Bluebird kaya pinagkaguluhan ng media si Chandler for an ambush interview.

CLUB RAMA KTV BAR

9PM

Iniwasan ni Chandler si Montague dahil hindi niya balak makipagrelasyon sa isang diborsyado kahit anong yaman nito.

“I don’t want to be added in his list,” seryosong sabi niya kay Sophia. Masyado kasing na-curious ang mga staff sa mga sinabi ni Mr. Bluebird.

“Pero totoo bang naikama ka na daw niya?”

“NO WAY! I will only give my virginity to the man I love.” She’s like any other woman with all her ideals in life. “Masyadong wild ang imagination ni Mr. CEO. Anong tingin niya sa akin? Bayarang babae?”

Nagtawanan ang mga kausap niya.

“I deserve someone better than him,” wika ni Chandler.

Hindi nila inasahan na kanina pa palang nakikinig si Montague sa kanilang usapan. He is very professional in dealing with them. He is also gentleman habang kinakausap ang mga babae. He knows how to please them but Chandler is the last person to appreciate all his dirty tactics.

“You seemed to be more experienced when it comes to relationship, Ms. Mayward. I think, we can be a perfect match.”

“I don’t think so, Mr. Bluebird. Mas marami kang karanasan kumpara sa akin. Walong taon ang agwat natin at hindi ako palipat-lipat ng karelasyon. I am single at the moment while you had just divorced your marriage. Kaya ba, hindi ka nagpapakasal sa simbahan?”

Lalong natigilan si Montague.

“You mean, you are only willing to accept me if we had a church wedding?”

Napasimangot si Chandler.

“Iyon ba ang dating sa iyo ng sinabi ko, Mr. Bluebird? Kung makikipagrelasyon rin lang ako, I want a serious person to deal with me. Hindi ‘yung after six months or nine months, a divorce papers are ready on my table. You are making marriage a business and not keeping up your promise. It is supposed to be a commitment and not a sort of obligation to be fulfilled to just give you a child.”

“Loud and clear, Ms. Mayward.”

Tumayo si Montague at tahimik siyang pumasok sa loob ng kotse. Pinag-isipan niyang mabuti ang mga narinig niya kay Chandler. May point naman ang lahat ng sinabi niya. Mukhang kulang nga siya ng kaseryosohan kung iyon ang dating ng kanyang mga ginawa.

“Montague, mukhang busy ka na naman sa babae,” komento ng ina pagdating nito at nakipagbeso sa kanya habang nadatnan siya sa sala at humihigop ng tsaa.

“Mama…”

“Get serious para seryosohin ka rin ng mga babae.”

“Mama, seryoso naman po ako eh. But I am also serious to have a child.”

“But a child is not the only reason for you to get married. Una mo munang mahalin at pagsilbihan ang iyong asawa.”

Yeah, puro lang kasi anak ang nasa isip niya. Madalas siya mainggit sa mga ka-batch mate niya sa college who are happily married and had two to three kids. Naririnig niya ang masaya nilang kuwentuhan during class reunion. Ni hindi siya maka-relate just because he is still single.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status