CHAPTER 15THE MAN WHO BREAKS MY HEARTKwentuhan at asaran habang naliligo sa swimming pool. Gabi na kaya hindi na pwede na sa dagat pa kami maliligo at baka kung saan pa kami aanurin o makakalangoy, nakakatakot kaya maligo kapag gabi na.Lalo na ngayon na may nag-iinuman, hindi na talaga pwedeng lumangoy pa sa dagat dahil gabi na rin at dahil maraming pagkain ang nakahilera sa maliit na basket kung saan nakalagay malapit sa pool para kung gusto naming kumain ay doon na lang kukuha."Imagine, sobrang bait pala ang mga angkan ng mga Sullivaño dahil free na tayo sa resort at imagine sa mga food na niluluto ng mga chief sa atin, simula pa kahapon, literal na hindi tayo nagugutom!" Saad ni Rowela."Kaya nga… " kanya-kanya naman na sang-ayon ang lahat.Pero ako? Yes mabait ang mga Sullivaño pero yung kilala ko? Mabait siguro iyon kapag tulog, walang iba kundi si Ryker."Hoy gising!" See.. kahit tulog siguro 'tong gagong ito ay hindi rin sinasapian ng kabaitan."Bakit mo ba ako sinabuyan
CHAPTER 16THE MAN WHO BREAKS MY HEARTNaalimpungatan ako dahil sa may mahigpit na yumakap sa akin. Ginalaw ko ang katawan ko pero napaigik na lang ako dahil sa sakit ng ibaba ko.What happened?Parang binugbog ako ng ilang beses bago tinigilan. Lalo kong pinikit ang mga mata ko para maisip kung ano ang nangyari.Muli, naramdaman ko na meron talagang nakayakap sa akin at umiiyak? Kaya idinilat ko ang mata ko at laking gulat ko kung sino ang katabi ko. "Ryker?" Tawag ko sa pangalan niya. "Anong nangyayari sayo? Umiiyak ka ba?" Akmang ilalayo ko ang paa ko malapit sa kanya ay talagang napapaiyak na lang ako dahil sa sakit sa pagitan ko. "Ryker, uyy okay ka lang?" Tawag ko ulit sa kanya."Kasalanan ko! I'm sorry," nangunot ang noo ko. Pilit kong inaangat ang ulo niya pero nakayuko lang ito malapit sa aking dibdib. "Why? May nangyari ba?""Wala kang naalala?" Natigilan ako. "W-What do you mean?" Kinakabahan sa sariling tanong."Hindi ko mapigilan. We made love last night, Aubree. An
CHAPTER 17THE MAN WHO BREAKS MY HEARTNakabalik na nga kami galing sa Cebu at natapos na namin ang farewell party pero parang nagbabalak na naman ang iba na dumalaw kahit saan basta same batch. Welcome naman kung merong sasama pang iba na hindi na kasama last time. Pero hindi na ako pumayag, focus muna ako sa last thesis at ibang requirements na ipapasa para sa pagtatapos ng kolehiyo ko, at makahanap na agad ng trabaho, isa pa napagod na rin ako sa party na 'yon.Iiwasan ko muna ang mga gatherings na yan lalo at may iba akong na experience sa araw na 'yan mismo. May nangyari sa amin ni Ryker. Kay Ryker Matt Sullivaño na ni minsan hindi ko maisip na siya ang una ko. Na pumatol ako sa kilalang playboy ng paaralan na ito."Tulala ka na naman, may iniisip ka bruha? Share share din pag pwede kung hindi sige ka, mag-usap kayo ng sarili mo," dahil sa boses ni Rowela ay bumalik ako sa realidad. Umirap ako dahil sa huling sinabi niya. Nasa soccer field kami ngayon para tumambay, nakau
CHAPTER 18THE MAN WHO BREAKS MY HEART"Baka after ng graduation natin ay hindi mo na ako papansinin." Niyakap niya ako galing sa likod."Baka ikaw ang ayaw na akong pansinin, Aubree.""Ano namang dahilan para hindi kita lapitan, eh di ba sabi mo na ipapasyal mo ako kinabukasan. Magce-celebrate tayong dalawa. Kaya lalapitan talaga kita to confirm at baka mamaya drawing lang ang lahat at hindi na matutupad na ililibot mo ako sa buong hacienda mo, yon ang pinangako mo."Yes, sa next week na talaga ang graduation namin na kabatchmate sa taon na ito. So far maganda ang kinalabasan ng mga plano ko. May naghihintay na rin na trabaho sa akin sa Maynila doon sa kakilala ni mama.Dahil wala ng pasok dahil practice na lang ng graduation at wala ang mga magulang ni Ryker dahil nasa states for vacation ngayon kaya dinala niya ako dito sa bahay nila. Nakapag paalam naman ako kina mama, pero hindi ko sinabi na magkasama kami ni Ryker na anak ng boss na kung saan sila nagtatrabaho. Baka kasi magtak
CHAPTER 19THE MAN WHO BREAKS MY HEART"OMG! This is it, pancit!" Tulad ko, walang paglagyan ang kasiyahan namin ni Rowela na sa wakas ay ito na ang hinihintay namin na pagtatapos na nga namin ng college. Lahat ng mga nakamit ko ngayon ay talagang ipinagpapasalamat ko sa Maykapal at sa mga magulang ko na walang sawang sinusuportahan ang pag-aaral ko. At ang susunod ko ngayon na hakbang ay ang pagbutihin ang pagtatrabaho ko para mabigyan ng magandang buhay ang mga magulang ko.Sila ang dahilan kung bakit ako nagsusumikap sa pag-aaral na kahit wala man akong natanggap na award sa paaralan pero yung salitang natanggap ko ng buong puso ang diploma ko ay isang malaking achievement na iyon sa akin. "Kahit nasa malayo na tayo ay dapat magtetext pa rin tayo ha," si Jenisa."Dapat lang talaga na nagpapansinan pa rin tayo kahit na nasa ibang mundo man tayo dalhin ng tadhana." Sabat ko.Napansin kong kumaway si mama kaya nagpaalam muna ako sa mga kaklase ko para mapuntahan si mama at papa na
CHAPTER 20THE MAN WHO BREAKS MY HEART(Warning: Mature Content)"Totoo ba?" Bigla nagulat si Ryker pagliko niya sa gawi ko dahil agad ko siyang hinarangan. "T-totoo ba ang lahat na narinig ko, Ryker Matt?" nanginginig kong tanong sa kanya na halos hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa lahat-lahat na narinig tungkol sa akin.Itinapon niya ang kanyang sigarilyo na malapit ng mangalahati malapit sa harapan niya at tinapakan ito ng dahan-dahan para maupos, bawal sa school pero ginagawa niya saka pa tumingala para ibuga ang usok na nasa kanyang bibig at matalim ang tingin na bumaling sa akin."Saan doon sa lahat ang gusto mong marinig Aubree?" Nanlaki ang mata ko at napasinghap dahil sa malalim na boses habang tinatanong niya ako, hindi siya ang Ryker na kilala ko. Hindi… Wala na yung malumanay at ma pang-asar na boses. "Na… na pinagpustahan niyo lang ako? Ha Ryker? Tell me, sabihin mo sa akin na…na hindi totoo ang narinig ko, ha Tell me?" Nakalagay sa magkabilaan na bulsa
CHAPTER 21THE MAN WHO BREAKS MY HEART "Hoy! Ayos ka lang ba talaga, Aubree? Kanina ka pa tulala diyan sa lamesa mo?' dahil sa tanong ni Lorna ay bumalik ako sa realidad.Binura ko ang mapait na kahapon ko tungkol sa pag-ibig at ngayon, magpapatuloy ako para sa mga anak ko."Ayos lang ako, Lorna!""Sure ka? May I see." Ilalayo ko na sana ang mukha ko na agad naman niya itong hinawakan at nilagay ang palad niya sa noo ko paharap at likod. "Medyo mainit ka ngayon. Buti pa umuwi ka na lang ng maaga. Tapos ka na naman siguro sa pagpafiles ng mga documents na isusubmit natin sa next clients this weekend." Mungkahi niya pa."Ayos lang ba? May 40 minutes pa bago ang uwian. Pero parang kailangan ko nga ng kaunting pahinga ngayon.""Sus, ayos na ayos lang, ikaw kasi baka iniisip mo kung sino ang magiging next boss natin nitong… omg.. next week na pala. Gosh! I'm so excited." "Hindi naman, marami lang yata akong iniisip na iba, pero hindi sa bagong boss," sagot ko."Alam mo ba na may balit
CHAPTER 22THE MAN WHO BREAKS MY HEARTAkala ko maging maayos na talaga ang pakiramdam ko pero hindi pa talaga. Medyo sinisipon pa ako at masakit ang ulo ko.Dahil hindi pa ako pwedeng lapitan ang mga anak ko kaya hanggang silip lang muna sila sa pinto tulad ngayon para kumustahin ako. "Mama, drink a lot of water po and take your medicine, nilagay na po ni kambal sa tray kanina bago hatid ni Lola mama," concern na sabi ni Freya."Get well soon, mama. We love you po." saad naman ni Maynard. Ngumiti ako sa kanilang dalawa."Thank you babies, marami na pong nakain at nainom ni mama na tubig. Tapos na rin po ako sa gamot. Salamat my dear angels, babawi si mama pag gumaling na ako, okay ba yon?""Mama, makita ka lang namin na wala na pong sakit, masaya na po kami ni kambal, shi lola mama at lolo papa and Noona ganda and Tito Caloy po. Di na po kami sad basta magaling na mama namin po!" Pinigilan ko na hindi ma luha ulit dahil sa sinabi ni Freya."Of course baby, pray niyo lagi si mama na g