Share

CHAPTER 4 THE LAST DANCE

A night full of happiness, people danced and happily celebrated my nineteenth birthday. Sa iba ang gabi na ito ay isang magandang panaginip, na tulad sa mga fairytales. Humahanga sila sa mga taong mayaman at namumuhay na parang isang prinsesa ngunit hindi nila alam na kahit nasa kanila na ang lahat ay nababalot parin ng kalungkutan ang puso nila.

" ladies and gentlemen, tonight is the Nineteenth birthday of my beloved princess, Maria Venus Cecilla Zamora."wika ni Daddy at inabot ang kamay sakin at inalalayan ako papunta sa tabi niya.

Tanging dinig ko lang ay ang palakpakan ng mga tao at pakiramdam ko para akong nakalutang at walang gana sa mga nangyayari.

"I am very happy because my Daughter grew up loving and obedient even though her mother died early. Ang nag iisang kayaman ko at ang babae na po-protektahan ko ano man ang mangyari." Aniya at bumaling siya sakin at kinuha ang kamay ko.

" Maari ba kitang isayaw anak?" Sabi niya at tumango naman ako.

Pumagitna kami habang hawak ko ang kay Red kong gown, kumikinang ito gaya ng suot kong maskara.

" Napakaganda mo anak, kamukhang kamukha mo ang iyong ina."

" Salamat Daddy." Tangi kong nasabi

Dahan dahan ang sayaw namin habang hawak ni dad ang isa kong kamay at ang isa naman ay nasa bewang ko habang Ang mga bisita ay nakisabay na din sa tugtog.

" Anak happy birthday." Bati sakin ni Daddy

" Thanks Dad, but this is my saddest birthday." Sagot ko Hinubad ni Daddy ang maskara niya kung kaya mas lalo kong napagmasdan ang mga mata niya na may bakas ng lungkot.

" I know, pero tutuparin ko ang hiling mo ngayon, like I usually do on your birthday." Aniya at napakunot nalang ang noo ko ng iwan niya akong nakatayo sa gitna ng mga taong nag sasayawan.

Nanatili ako sa pwesto ko, tulala at tila napagiiwanan ng mga tao. Ngunit isang lalake ang nag pabilis ng tibok ng puso ko, lalake na may kakayahang pasayahin ang puso ko sa isang iglap lang.

"I will always come when you want to be happy." Aniya.

Inabot niya ang kamay ko hinila niya ako palapit sa kaniya. Inalis niya ang maskara ko at hinalikan ako sa labi habang ang braso niya at pumulupot sa bewang ko.

" I miss you.." Bulong niya sa tenga ko.

" Baka makita ka ni Daddy Thor" sambit ko habang ang mukha niya ay napakalapit sakin.

" I'm ready to die, Venus" sagot niya sakin.

Kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa balikat niya, pinag bigyan ko ang kagustuhan ng puso ko at kumapit ako sa batok niya. Halos magkadikit ang katawan namin habang sinasabayan ang tugtog.

Ang mata niya ay natatakpan ng itim na maskara at kahit ganoon ay nahuhumaling parin ako sa lalim ng titig niya. Ang mapula niyang labi na unang nagparamdam sakin ng isang matamis na halik. Ang mga simpleng bagay na ginagawa niya na nag papabilis ng tibok ng puso, Pero ang lahat ng yun...ay huli ko ng makikita at mararamdaman.

Dahil ang gabi na ito, ang pag sayaw namin, ang paghawak niya sakin, ang pag halik niya ay huli na.

" Bakit ka umiiyak?" Tanong niya sakin at pinunasan niya agad ang luha ko, bakas sa mukha niya ang pag aalala at lungkot.

" Baby, na miss mo ba ako? Mahal mo pa ba ko? Masaya ka ba ngayon na mag kasama tayo? " sunod sunod niyang tanong.

Hinaplos ko ang pisngi niya at mariin ko siyang tinitigan.

" Oo Thor, sobrang saya ko Dahil sa huling pagkakataon magiging matapang ako para harapin yung pinaka masakit na huling pangayayari sa buhay ko."

" W...What do you mean?"

" Thor, Let's break up...." Seryoso kong sagot sa kaniya

Bumitaw siya sakin at matalim akong tinitigan, hinubad niya ang maskara niya at bumagsak ito sa sahig.

" Ayoko...Ayoko Venus..." Mahina niyang sinambit

Pilit kong inabot ang kamay niya para hawakan pero umatras siya ng isang hakbang palayo sakin.

" Thor please, ayoko na. Pagod nako itigil nalang natin to!" Matapang kong sabi habang pinipigilan ang pag piyok ng nanghihina kong boses.

" Pagod ka? Pagod ka lang susuko kana? what about me, I'm ready to die just to fight for you! Hindi ako sumuko Venus"

Hinawakan niya ang kamay ko at inilagay sa dibdib niya.

" Magpahinga tayo kapag napapagod kana, pero please, wag naman tayong sumuko! Pwede ba yun? "

Tila nag mamakaawa ang mga tingin niya sakin. Ngunit buo na ang loob ko, ito lang ang tanging paraan para matigil na ang gulo na ito.

" Hindi na Thor, Gusto ko na ng tahimik na buhay. Gusto ko ng bumalik sa buhay ko noong hindi ko pa kayo nakikilala. Noon na hindi ako umiiyak, hindi ako nasasaktan. Noon na totoong masaya ako. Noon na maayos pa kami ni Daddy, Noon na wala ka pa at Noon na hindi pa kita mahal." Sabi ko habang pilit kong kinukubli ang luha na kanina pa gustong gustong tumulo.

" You are lying, alam ko na hindi yan ang gusto mo Venus" Aniya at napayuko ako ng makita ang pag tulo ng luha niya.

Sobrang sakit, hindi ko na siya kayang tignan! Bakit ganito kasakit? Paano ko hihilumin ang sugat ko matapos ng gabing ito? Paano ko itutuloy ang buhay ko matapos kong lokohin ang sarili ko na hindi siya ang kaligayahan ko.

" You promised, now you will leave me in the middle of the fight? Sabihin mo na nag sisinungaling ka lang Venus....kung pagod kana ako ang lalaban hintayin mo na ipanalo ko to. Wag ka lang mawala sakin" Aniya

Umatras ako palayo at yumuko ako para itago ang sakit at katotohanan sa kaniya. Ayokong makita niyang namamatay ako ngayon sa sakit, mas mabuti ng isipin niyang sinungaling at duwag ako.

" Sorry Thor....Goodbye." Sabi ko at huling beses ma sinulyapan ang mga mata niya na pulang pula na.

Wag kang iiyak Thor please, kung tayo....ibabalik ka sakin. At kung hindi tanggapin natin na ang panahon na to ay hindi talaga para satin.

Mabilis akong tumakbo paakyat sa taas kung nasaan ang kuwarto ko. Ang mga luha na kanina ko pa itinatago ay tuluyan na ngang lumabas, sumigaw ako sa mga unan at pilit na ibinuhos ang lahat ng sakit na nasa puso ko.

" Bakit? Bakit kailangan pa? "

Ano nga ba ang malupit? Ang mundo ba o ang tao? Ngayon malinaw na sakin na kahit gaano pa tayo kamahal ng isang tao, hindi nito iisipin ang kaligayahan natin dahil mas papakinggan nila ang sarili nilang kagustuhan.Pero Kung meron man akong kagagalitan ngayon hindi si Daddy yun, kundi ang sarili ko. Naging duwag ako dahil ang tanging kahinaan ko ay ang pagmamahal ko kay Thor.

Even though my wound hurts now, I have to convince myself that the time will come that it will heal. Sana ganun din si Thor, sana maging masaya parin siya.

" Kamusta ka anak? Mukhang wala kang tulog." Wika ni Daddy na kakapasok lang sa kwarto ko

" Ayos lang ako Dad."

" May balak ka bang puntahan ngayon? Ilang araw ka ng nag kukulong dito sa kwarto mo." Nag aalala niyang tanong.

" Wala po dito lang ako sa bahay, ikaw? Di ka po ba lalabas?"

" Paalis na ako, mag pahinga ka dito okay?" Aniya at tumango lang ako sa kaniya.

Hinalikan niya ako sa noo at agad din siyang lumabas ng kwarto ko. Isang linggo na nag nakalipag mag mula ng mag hiwalay kami ni Thor, hanggang ngayon hirap pa din akong kumilos at gawin ang mga dati kong ginagawa. Pakiramdam ko wala akong gana sa lahat ng bagay, pakiramdam ko gusto ko lang matulog at takasan ang mga alala namin na bumabalik sakin.

Napabalikwas ako dahil sa gulat ng marinig ko ang malakas na tunog ng telepono. Agad akong tumayo at sinagot yun.

" Hello? Sino ito?" Tanong ko

" Venus!"

" Red? Bakit ka napatawag?"

Mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba habang hinihintay ang sagot ni Red sakin.

" Si Thor nakakulong siya ngayon." Aniya

" Bakit? Nasaan siya ngayon? Sabihin mo anong nangyari?" Sunod sunod kong tanong.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, pero matapos ng sinabi ni Red sa telepono ay agad akong lumabas ng bahay para puntahan kung nasan man siya. Halo halong takot at lungkot ang naramdaman ko sa dinanas ni Thor hindi ko alam ang dahilan kung bakit siya nakulong pero sigurado ako na isa ako sa dahilan na yun.

Mabilis akong nag maneho at hindi ko na ininda ang mga sasakyan na nadaraanan ko. Para akong nakikipag karera kay kamatayan at kahit konting takot ay hindi ko na maramdaman.

Paliko na ako sa isang kanto kung saan konti nalang ang layo kung saan nakakulong si Thor. Napa preno ako ng may mga kotseng humarang sa harapan ko. Nilabas ko ito at nagulat ako ng lumabas din ang mga lalakeng naka maskarang itim may mga dala silang baril at itinutok nila ito sakin.

" A...Anong kailangan niyo?" Tanong ko sa mga ito

Hindi nila ako sinagot agad akong hinawakan ng dalawang lalake sa magkabilang braso at ipinasok sa kotse nila.

" Anong kailangan niyo? PAKAWALAN NIYO NGA AKO!" Sigaw ko sa mga ito pero tila wala silang naririnig sa sinasabi ko.

" Tumahimik ka diyan kung ayaw mong mapatulan kita at pare pareho tayong managot kay master."

May kinuhang kung ano ang dalawang lalake na katabi ko at nakita ko ang panyo na hawak nila at agad na itinakip nila ito sa bibig ko.

" A..Ano ba!!" Sigaw ko

Hindi na ako nakapag salita at nakapiglas ng makaramdam ako ng hilo at dahan dahan ko ng naipikit ang mata ko.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mari Joy AW
woah!... Exciting nang ganap ng story.......️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status