Share

CHAPTER 3 MEMORIES OF FORBIDDEN LOVE

"Nakipag kita ka na naman sa lalakeng yun? Huwag mong hintayin na kumilos na ako para mailayo ka sa lalakeng yan Maria Venus!" Galit na singhal sakin ni Dad habang nakaupo ako sa kama ko.

"Nag punta lang siya sa school para kamustahin ako Dad anong mali dun?" Sagot ko sa kaniya habang nangingilid ang luha sa mata ko.

"Anong mali? Itatanong mo pa talaga sakin yan? Yung lalakeng yun ay isang malaking pagkakamali sa buhay mo anak! Hindi kita pinalaking may malinis na pangalan para lang mapunta sa lalakeng yun!"

" Bakit Dad? Ano ba siya? Bakit hindi ko siya pwedeng mahalin? Dahil ba sa mga nakikita mo? Dahil ang tingin mo masama siyang tao? Sorry Dad, but I can't listen to you because I know him better." Sagot ko sa kaniya at tumayo ako para kunin ang bag ko.

" Saan ka pupunta? Sasama ka sa lalakeng yun? Tandaan mo Venus sa oras lumabas ka ng pamamahay ko kakalimutan ko na anak kita! Kahit ang lalakeng yan pag dudusahin ko hanggang siya na mismo ang mag kusa na itapon ka pabalik sakin!" Sigaw ni Dad na nag patigil sa hakbang ko.

Tinatakot niya ako dahil alam niya na alam ko ang kaya niyang gawin. Sisirain niya ang buhay ni Thor, Sisirain niya ang buhay ko. Sisirain niya ang pangarap at kasiyahan ng anak niya masunod lang siya.

" Are you threatening me dad? Hindi ako takot mag dusa, dahil ngayon palang nag dudusa na ako. Hindi ako takot na itapon mo dahil ngayon palang gusto ko ng kumawala dahil nasasakal na ako. Pero wag mo sasabihin sakin na sasaktan mo si Thor dahil hindi kita mapapatawad kapag ginawa mo yun."Sabi ko at tuluyan na akong ng hina at napaupo sa kama ko.

Bakit? Ano bang mali sa pagmamahal ko para sa lalakeng yun? Sa lalakeng nag bibigay ng kaligayahan ko. Masama ba ang maging masaya? Kasalanan ba kung mamahalin ko ang isang lalakeng inaakala nilang halimaw?

" Hindi na maganda ang naidudulot sayo ng lalakeng yan, kahit sarili mong Ama nagagawa mo ng itakwil dahil sa kabaliwan mo sa sinasabi mong pagmamahal. Bata kapa Venus! Wag mong sayangin ang lahat ng hirap ko sayo." Aniya at nag lakad palabas ng kwarto ko at binagsak ang pintuan.

Binagsak ko ang katawan ko sa kama at natulala sa kesame.

Hindi ako pwedeng umalis at sumama kay Thor dahil siguradong maraming madadamay at kahit saan pa kami mag punta hahanapin parin kami ni Daddy.

Ayokong dumating sa punto na kailangan na niyang saktan si Thor mapaglayo lang kami. Alam ko na kaya ni Thor protektahan ang sarili niya kay Daddy, matapang siya at malakas Pero hindi kaya ng puso ko na makitang sinasaktan siya.

Buong gabi akong nag isip kung ano ang dapat kong gawin, sigurado akong nag aalala na si Thor ngayon dahil may usapan kami na mag kikita kami ngayong araw. Pero dahil nahadlangan na naman kami ni Daddy wala akong magagawa kundi ang manatili sa bahay na ito.

" kumain ka ng marami para lumakas ka dahil sa susunod na araw na ang Birthday party mo at Ayoko naman na mapahiya sa mga bisita natin." Wika ni Daddy habang mariin at may pag aalalang nakatingin sakin.

" Dad pwede bang humiling sayo..."

Binitawan ni Daddy ang hawak niyang kubyertos at nag hintay ng sasabihin ko.

" Pwede bang hayaan mo na makasama ko si Thor sa gabing yun? Pangako ko sayo na susundin ko ang lahat ng sasabihin mo, lahat ng gusto mo. Ipangako mo lang din sakin na hindi mo sasaktan si Thor."

Seryoso ang tingin sakin ni Daddy at Tuluyan ng tumulo ang luha ko. Yumuko ako para itago ang mga luhang ayaw kong makita ni Daddy, siguradong iniisip niya ngayon na nababliw na ang anak niya dahil sa isang lalake At Oo, tama! Nababaliw na nga ako. Sobrang nababaliw ako sa sborang pagmamahal ko kay Thor. Sobrang durog ang puso ko dahil sa patong patong na sakit. Siguro nga hanggang dito nalang ang kaya kong gawin.

"Venus! Venus please talk to me!"

Malakas na sigaw ang narinig namin at tumayo ako at dali daling sumilip sa bintana, nakita ko si Thor na hawak ng mga tauhan ni Daddy sa magkabilang braso. Sinisigaw ni Thor paulit ulit ang pangalan ko habang pilit na pumipiglas sa mga lalake.

" Daddy please pabayaan niyo na si Thor! " Sigaw ko kay Daddy pero patuloy lang siya sa pagkain niya na parang walang nangyayaring kaguluhan.

" Venus! Venus please! Limang minuto, kahit limang minuto lang!" Sigaw niya.

Bumalik ako ng tingin sa bintana at nang magtagpo ang mga mata namin ni Thor ay tumigil siya sa pag sigaw. Pilit akong ngumit sa kaniya at sumenyas na umalis na siya pero hindi siya nakinig. Sa halip sinuntok niya ang mga tauhan ni Daddy at Bawat suntok na tumatama sa kaniya ay hindi niya ininda hanggang sa dinumog na siya ng mga ito.

" Thor tama na! Tama na please!" Sigaw ko habang patuloy sa pag agos ng mga luha ko.

Nakaupo na si Thor dahil sa dami ng mga tauhan ni Daddy duguan ang labi niya at tumayo siya ulit para tumakbo palapit sa bahay namin ngunit agad siyang nahawakan ng mga tauhan ni Daddy at kahit anong gawin niyang pag piglas ay hindi siya binibitawan ng mga ito.

Hindi ko na natiis ang panunuod ko at agad na akong tumakbo palabas ng bahay sinundan ako ni Daddy pero hindi ko siya pinansin. Ang tanging nasa isip ko ngayon ay ang matulungan si Thor at malaman kung ayos lang ba siya.

" V....Venus!" Sigaw niya ng makita niya akong papalapit sa kaniya.

" Thor! Sinabi kong umalis kana diba! Bakit kapa lumaban! Bakit kapa lumaban sa kanila! " Sigaw ko sa kaniya at agad akong lumapit ng bitawan siya ng mga bantay at sumalampak nalang siya sa lupa dahil sa labis na pang hihina.

Pinunasan ko ng daliri ko ang dugo na nasa labi niya habang siya ay mariin na humawak sa kamay ko.

" Gusto l...lang naman kitang mayakap... ka..kahit saglit lang, kasalanan din ba yun? " Aniya

Mas lalo akong napaluha dahil sa sakit na pilit niyang tinatago sakin, alam kong nasasaktan siya. Alam ko na pinapakita niyang ayos lang siya kahit bakas sa mga dugo at pasa sa katawan niya ang sakit na gawa ng tauhan ng Daddy ko.

" Mahal mo pa ba ako Venus?" Tanong niya at agad naman akong tumango. Napangiti siya at dinikit ang noo niya sa noo ko.

" Malakas na ako ulit...." Aniya

"Mahal na mahal kita palagi mo yun tatandaan, nangako tayo diba? " Sabi ko at pilit siyang tumango sakin at pinunasan ang luha ko.

" Tapos na ang limang minuto! Pumasok kana sa loob Venus!" Sigaw ni Daddy habang nakatayo lang sa pinto.

Mahigpit na humawak sa kamay ko si Thor na parang ayaw pa akong bitawan.

" Sakin ka, hindi ako papayag na ilayo ka niya sakin." Bulong niya, bumaling ako kay Thor at nag mamakaawa siyang nakatitig sakin.

" Thor kailangan ko ng pumasok, baka saktan ka ulit nila kapag nag tagal pa ako dito. Tatawagan ko si Gray at Red para sunduin ka, sana lang makagamit ako ng telepono."

Inalalayan ko si Thor para makatayo at nakayanan naman niya, lumapit samin si Daddy at agad akong pumagitna para harangan si Thor.

" Papasok na ako Dad please..." Takot na takot kong sabi kay daddy, pahakbang palang ako palapit kay Daddy pero agad akong hinila ni Thor at inilapit sa kaniya. Matapang niyang tinitigan si Daddy habang naka igting ang panga niya.

Sobrang takot at kaba ang naramdaman ko ng bumunot si Daddy ng baril at tinutok kay Thor.

"DADDY PLEASE!" sigaw ko dito.

" Are you going to kill me? do it now, but i won't let go of venus."Nag mamatigas na sabi ni Thor kay Daddy.

" Thor please, makinig nalang tayo okay?" Pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sakin pero masyado itong mahigpit. Ang mata niya na namumula at ang mga tingin niya ay nag mamaka awa sakin na huwag ko siyang iwan. Ngunit hindi pwede, hindi ko pwedeng gawin yun dahil hindi ko kakayanin kapag napahamak siya.

" Matigas ka Carizon, talaga ngang matapang ka. Napabilib mo ko dahil kahit nabugbog kana at kahit patayin pa kita ngayon pilit mo parin inilalaban ang Anak ko but I'm sorry, because you are not the right one for my Daughter! Bibitawan mo ba ang kamay ng anak ko o kakalabitin ko ang baril na ito?" Galit na sabi ni Daddy ngunit hindi ito ang nag pasindak kay Thor dahil mas lalo pang humigpit ang pag hawak niya sakin.

" Thor... I love you!" I said while I looked at him begging.

" Ito ba ang gusto mo?" Tanong niya sakin at agad akong tumango " Mahal mo ako?" Dagdag niya

" Mahal kita, Mahal kita Thor."Sagot ko at lumuwag ang kapit niya sakin, agad akong tumakbo palapit kay Daddy at kasabay nun ang pagbaba ni Daddy ng baril.

" Pumasok kana sa loob Venus at sa susunod na mang gugulo ang lalakeng ito dito hindi ko na papalampasin pa." Mariin na sabi ni Daddy habang matalim na nakatingin kay Thor.

Agad akong pumasok sa loob at sumunod naman si Daddy sakin. Sa huling pagkakataon ay sumulyap ako kay Thor na nasa likuran ko, nakapako ang tingin niya sakin at nginitian ko siya para kahit paano ay gumaan ang pakiramdam niya. Tumango siya sakin at agad tumalikod at naglakad palabas ng malaking gate.

" Sana masaya kana Daddy..." Bulong ko

" Hindi ako magiging masaya hanggang hindi tumitigil ang lalakeng yun. At kung handa pala siyang mamatay para sayo handa din akong ibigay yan sa kaniya!" Aniya

" kung ganun pati ako patayin mo na rin Dad!" Walang reaksyon kong sagot sa kaniya.

" Patayin mo na ako para mawalan kana ng anak." Dagdag ko at agad akong tumakbo paakyat sa kwarto ko at doon nag kulong at umiyak

If this is all I have to go through, I wish I had never been born.

Hindi ko matanggap sa puso ko na ang sarili kong ama ang papatay sa kaisa isang kaligayahan ko, At kung gagawin niya yun hindi parin siya mag tatagumpay.

We die, but not our love. Because it will remain alive in this cruel world.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status