Share

THE PATIENT'S SECRET
THE PATIENT'S SECRET
Author: Sunmaru

Psychopath 1

Author: Sunmaru
last update Petsa ng paglalathala: 2026-08-06 00:10:51

Almira's POV

Isang malamig at madilim na gabi ang sumalubong sa akin nang unti-unting lumapit ang taxi sa tahanan ng mga Raven. Ang malalaking bakal na gate na may masalimuot na disenyo ay parang bantay na nakatingin sa akin nang may galit. Walang kahit isang tao sa paligid. Walang kotse, walang ilaw sa labas, walang kahit anino man lang na gumagalaw. Ang katahimikan ay napakabigat, parang may bumabalot na makapal na kurtina sa buong lugar. Nanindig ang balahibo ko mula ulo hanggang paa. Ang hangin ay malamig at mabigat, may kasamang amoy ng basang lupa at mga lumang dahon.

Dito daw naglalagi ang nag-iisang anak ng mga Raven ang magiging alaga ko simula ngayon. Ngunit kahit anino niya’y hindi ko pa nakikita. Kaba at pag-aalala ang pumupuno sa puso ko. Ano kaya ang sakit niya? Ilang taon na kaya siya? Bakit tila napakalungkot, napakatahimik, at napakadilim ng lugar na ito? Parang hindi tahanan… parang libingan ng mga lihim.

Ang tanging alam ko lang ay sundin ang mga tagubilin ni Kuya Mario, ang kuya kong matagal nang nagtatrabaho bilang personal assistant ng mag-asawang sina Madam Elissa Raven at Don Jose Raven. Siya ang nagrekomenda sa akin. “Madali lang ’yan, Almira. Mag-aalaga ka lang. Malaki ang bayad,” sabi niya noon. Ngunit ngayong nandito na ako, nagsisimula akong magsisi.

Nang tanungin ko ang mag-asawa tungkol sa kalagayan ng anak nila sa interview, wala akong nakuhang malinaw na kasagutan. “Masyadong confidential ang impormasyon,” iyon lang ang malamig na sagot ni Madam Elissa, habang si Don Jose ay tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana. Isang matinding pagkadismaya ang naramdaman ko. Para bang binigyan lang ako ng isang malaking palaisipan na kailangan kong lutasin mag-isa. Lalong lumakas ang aking kuryosidad… kasabay ng pag-aalala. Ano kaya ang itinatago nila? Di kaya ito ’yung taong may multiple personality disorder? ’Yung paiba-iba ang ugali? O baka mas malala pa?

Napatingin ako sa relo ko 6:37 na ng gabi. Lumalamig na ang hangin, at kasabay nito ang mabilis na pagtibok ng dibdib ko. Kailangan ko nang makapasok. Dahan-dahan kong inilabas mula sa bulsa ang maliit na papel na ibinigay sa akin ni Kuya Mario at tinutukan ito ng flashlight mula sa cellphone ko.

“Ang susi ng gate ay nasa pangatlong ilalim ng paso ng oregano.”

Mabilis kong tinupi ang papel. Ang puso ko’y halos tumalon sa kaba. Muling tumingin ako sa paligid… at doon ko nakita ang paso ng oregano, nakatago sa gilid ng malaking bato. Dahan-dahan, may kasamang pag-aalinlangan, inangat ko iyon. At naroon nga kumikinang sa dilim ang kalawangin ngunit matibay na susi.

Pagkapasok ko sa loob ng bakuran, nanlaki ang mga mata ko. Sobrang ganda ng mansion at ng paligid nito! Hindi ko akalain na may ganitong kagandang lugar na nakatago sa likod ng matataas at makapal na pader. Sa labas kasi, walang bakas ng yaman dahil natatakpan ng mga puno at bakod ang buong lupain. Ngunit sa loob… parang ibang mundo. Malalaking halaman, maliwanag na hardin sa ilalim ng liwanag ng buwan, at ang mismong mansion na parang kinuha sa mga lumang pelikula.

Hinihingal akong naglakad papasok. Ang gate kasi ay sobrang layo sa mismong mansion. Nakasabit sa balikat ko ang may kalakihang kong bag habang pinupunasan ko ang pawis sa noo kahit malamig ang gabi.

“Hay, grabe! Pagod na pagod na ako, bago pa man ako magsimula sa trabaho!” usal ko sa sarili, sabay bugso ng buntong-hininga.

Ilang saglit kong pinagmasdan ang engrandeng p***o. Kaba at pag-aalala ang kumurot sa dibdib ko. Muling inilabas ko ang papel at binasa ang susunod na tagubilin.

“Step 4: Ang susi ng front door ay nakasabit sa likod ng malaking halaman ng Alocasia Amazonica.”

Napakunot ang noo ko. Napatingin sa paligid halos napapalibutan ng iba’t ibang uri ng halaman ang mansion! May mga may malalaking dahon, may mga matutulis, may mga may bulaklak pa sa dilim.

“Gosh! Ang dami! Alin kaya dito?” bulong ko habang nililibot ang tingin sa mga higanteng dahon.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko. “Bahala na… hahanapin ko na lang isa-isa.”

Pang-apat na halaman na ang sinusuri ko nang mapansin ko ang isang partikular na halaman. Napangiti ako kahit papaano dahil sa ganda ng mga dahon nito malapad, makintab, at parang tenga ng elepante. Dahan-dahan kong sinilip ang likod… at doon ko nakita! Ang susi, nakatali sa manipis na tali.

“Finally!” halos mapasigaw ako sa tuwa at ginhawa. Sa wakas, makakapasok na rin ako.

Dahan-dahan kong itinulak ang malaking p***o ng mansyon. Antigong-antigo ang itsura nito. Sa paggalaw ng bakal, may malutong na pagkaskas na umuugong sa loob ng bahay, parang may umiiyak na kaluluwa. Sandali akong naduwag, at parang gusto ko nang umatras—nanlalamig ang buong katawan ko sa takot.

Sa loob, bumungad ang dalawang malalaking sala na puno ng antigong kasangkapan: mga marangyang upuan na may velvet na takip, mabibigat na kurtina na kulay maroon, at malalaking vase na mistulang mga tahimik na saksi ng nakaraan. Madilim ang mansyon. Mas tumindi ang panginginig ko nang may malamig na hangin na humampas mula sa loob, para bang may hininga ang mga dingding. Hindi ko maiwasang maramdaman na may kakaiba rito hindi ito isang tahanan lang, kundi isang lugar na may sariling lihim. Isang lugar na marahil ay matagal nang walang tawanan, walang init, walang buhay.

“H-Hindi ko kaya ito…” bulong ko, nanginginig ang tinig. Mas lalo akong nanlumo. “Pa-parang may multo dito…” Hindi ko mapigilan ang luha na pumapatak sa pisngi ko.

Bakit walang mga maid? Bakit walang kahit isang tao? Isasara ko na nga sana ang p***o, babalik at tatanggihan ang trabaho, nang biglang bumuhos ang malakas na ulan sa labas. Ang tunog nito ay parang mga kuko na kumakamot sa bubong. Napilitan akong bumalik sa loob, basa at nanginginig.

Kinuha ko ang flashlight ng cellphone at tinutukan ang paligid. Sa dulo ng isang mahabang koridor, mula sa p***o ng tila kusina, may gumagalaw. “A-ano iyon?” napabulong ako, kinilabutan. Ang aninag na gumagalaw ay biglang tumayo.

Hindi na ako nakapag-isip napasigaw ako. Nagkagulo ang mga kamay ko habang pinipilit buksan ang p***o upang tumakas, pero tila may pumigil; hindi ko ito maigalaw. “T-tulong! Tulong! Saklolo!” sumigaw ako nang mangiyak-ngiyak.

Habang nagpipilit akong makawala, naramdaman ko ang mabigat na mga hakbang na papalapit. Isang anino ang lumalapit mula sa madilim; ang presensya nito ay malamig at malaki hindi gaya ng anumang tao na dati kong nakilala. Parang may bigat ang hangin sa paligid niya.

Napasandal ako sa malamig na p***o at dumausdos pababa hanggang sa ako’y mapaupo. Ipinatong ko ang baba sa aking mga tuhod at niyakap ang sarili, habol-habol ang hininga habang pinipigilan ang pag-iyak. Dahan-dahan kong itinaas ang paningin ko sa papalapit na anino.

Sa tulong ng liwanag ng buwan na pumapasok mula sa malalaking bintana, unti-unti kong nasilayan ang mukha niya—ang mapusyaw na kulay-abo niyang mga mata na parang may sinisigaw na damdamin, ang matikas at malaki niyang pangangatawan na wari’y hinulma sa gym, ang taas na aabot siguro sa anim na talampakan. Matapang ang tingin, manipis ang labi, at ang perpektong panga napakaperpekto ng anyo. Parang hindi totoo.

Kumalma nang kaunti ang kaba ko, at hindi ko napigilang mapatitig sa kanya.

Shocks… ang gwapo! Kumislap pa yata ang mga mata ko sa paghanga dito. Siguro siya ang tagabantay sa lugar na ’to.

Mukhang makakasundo ko siya, natatawa kong bulong sa sarili habang nakatingin sa taong seryosong nakatitig sa akin.

Huminto siya sa ilang hakbang ang layo, mataman pa ring nakatingin. Ang katahimikan sa pagitan namin ay mas nakakatakot kaysa sa anumang sigaw.

“Introduce yourself,” malamig na sabi ng lalaki. Ang boses niya’y mababa, malalim, at parang yelo.

Agad akong napatayo, inayos ang nagusot kong damit, at tipid na ngumiti kahit nanginginig pa rin ang tuhod ko. “H-hi… ahm… ako po pala si Almira Jade Castillo, twenty-one years old. Ako ang bagong nurse o tagapangalaga ni Master Ellixar Ace Raven. Huwag po kayong mag-alala, magaling po akong mag-alaga. Sa ngayon, hindi ko pa po alam ang sakit niya, pero sisiguraduhin ko po na gagawin ko ang lahat para maalagaan at matulungan—”

“Enough!!!” sigaw ng lalaki na ikinatalon ko sa gulat. Ang boses niya’y umalingawngaw sa buong mansion.

Problema nito, bulong ko sa sarili, handa na sanang makipagsagutan, pero natigilan ako sa sumunod niyang sinabi.

“So… my mother brought me a new toy… one that looks far too fragile to last the night.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • THE PATIENT'S SECRET    Psychopath 8

    Almira's POVMugto pa rin ang mga mata ko habang nakatitig sa sarili ko sa harap ng salamin.“Bwisit na lalaki ’yon…”Napangiwi ako habang pinipigilan ang inis na nararamdaman ko.Nakakababa ng tiwala sa sarili!Hindi raw ako attracted sa paningin niya…Pero kung gano’n, bakit niya ako hinalikan?Ano yon?!Napahawak ako sa labi ko habang lalo lang akong nalilito.“Humanda ka sa akin bukas, Master Ace…”Mahina kong sambit sa sarili ko.Dahil kung akala niya ay matatakot lang ako at susuko…Nagkakamali siya.Tumayo ako at mabigat ang bawat hakbang papunta sa kwarto.Pagpasok sa kwarto, agad kong nilock nang maigi ang pinto. Hindi pa ako nakuntento hinila ko pa ang isang upuan at inilagay iyon bilang harang.Hindi ko mapigilan ang kaba.Paano kung seryosohin niya talaga ang sinabi niya?Paano kung sa halip na ang mga patay ang pag-aralan niya…Ako ang piliin niyang pagtuunan ng pansin?Napailing ako sa sarili ko.“Almira, ano ba itong pinasok mo…kasalanan talaga ito ni kuya Mario.. ” bul

  • THE PATIENT'S SECRET    Psychopath 7

    Almira's POV... “M-Master…?” mahina kong bulong.Marahan kong tinapik ang balikat niya gamit ang paa ko, sinusubukang siguraduhin kung talagang tulog siya.“Ikaw kasi, Master… nanunugod ka na lang bigla!” reklamo ko pa habang pilit ko siyang hinihila palayo sa pader.Pero kahit anong gawin ko, ang bigat talaga ng katawan niya.Napabuntong-hininga na lang ako bago kumuha ng upuan mula sa dining table. At buong lakas ang binuhos ko at sa wakas nagawa ko rin siyang mapaupo roon.Nakatungo lang siya, walang anumang reaksyon.Tulog.Mabuti na lang at mabilis umepekto ang pampatulog na naiturok ko sa leeg niya.Maingat kong kinuha ang dalawang pulso niya at itinali ang mga iyon sa likod ng upuan gamit ang straw string na nakita ko sa kusina.“Kung gusto mo naman… sabihin mo lang,” pabirong sabi ko habang inaayos ang pagkakatali sa kanya.Akala ko ay mahimbing pa rin ang tulog niya.Kaya naman nang matapos ako, naglakad ako sa harap niya para tingnan kung maayos ang pagkakagawa ko.Ngunit h

  • THE PATIENT'S SECRET    PSYCHOPATH 6

    Almira's POV... Umalma ako at bigla na lang napabalikwas mula sa kinauupuan.“Mawalang-galang na po, Madam… Don Jose…” nanginginig kong sambit, pilit pinipigilan ang pagtaas ng emosyon ko. “Bakit po kailangan ng pregnancy test?! Iniisip n’yo po ba na pinagsasamantalahan ko si Master Ace habang natutulog siya?!” halos pasigaw kong tanong.Hindi ko napigilan ang pagkagulat. Ang bigat ng paratang na tila ba kaya kong gawin ang ganoong bagay sa kanya.“Umupo ka muna, iha,” mahinahon ngunit may bigat na sabi ni Madam. “Hindi naman gano’n ang ibig naming sabihin…”“Alam mo, ganito kasi ’yon…” panimula ng ina ni Ace. Bahagyang namasa ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.“Matanda na kami, Almira. Gustung-gusto na talaga naming magkaroon ng apo mula kay Ace. Alam mo naman na siya lang ang nag-iisa naming anak…” saglit siyang huminto, tila hinahanap ang tamang mga salita.“At sa tingin namin… pasado ka naman para sa kanya. Dahil nagtagal ka ng dalawang linggo rito, baka…” napalunok

  • THE PATIENT'S SECRET    PSYCHOPATH 5

    Almira's POV... Nakahiga ako sa kama, dilat na dilat habang tahimik na nakikiramdam sa bawat ingay sa paligid. Sobrang lakas ng tukso na alamin kung ano ang ginagawa ngayon ni Master Ace, pero pilit kong pinipigilan ang sarili kong lumabas ng kwarto.Kanina, habang nakatambay ako sa veranda ng silid ko, nakita ko ang isang itim na van na pumasok sa mansyon. Agad kong naisip na baka iyon ang sasakyan ng bangkay na pag-aaralan niya ngayong gabi.Ngunit matapos umalis ang van, ilang sandali pa ang lumipas habang abala ako sa pagmumuni-muni nang bigla kong mapansin ang isang sports car na palabas ng mansyon.Napakunot ang noo ko.“Imposibleng si Master Ace ang umalis…” bulong ko sa sarili habang marahang umiiling.Pumasok na ako sa loob ng kwarto para sana ay matulog.Pinilit kong ipikit ang aking mga mata, ngunit hindi nagtagal ay bumangon din ako. Hindi ko mapigilan ang sarili kong muling tumambay sa veranda, hinihintay kung babalik pa ba ang sports car na nakita ko kanina.Ngunit lumi

  • THE PATIENT'S SECRET    Psychopath 4

    Almira's POV.. Napatingin ako sa mga gamot na iniwan ni Doc Martin.Puro injection.Isa roon ang kailangan kong ibigay kay Master Ace mamayang alas-siyete ng umaga.Napabuntong-hininga ako habang hawak ang mga bote.Hindi pa rin mawala sa isip ko ang lahat ng nangyari kagabi.Para bang isang panaginip na ayokong balikan.Nagpasya muna akong mag-ikot sa loob ng mansion habang hinihintay ang oras.Alas-singko pa lamang ng umaga, pero ang buong lugar ay tahimik na parang walang nakatira.Makalipas ang ilang minuto, may narinig akong pumasok.Dalawang babae ang dumating—isang matanda at isang halos kasing-edad ko lang."Magandang umaga, ineng," bati ng matanda."H-hi po. Magandang umaga rin po," nahihiya kong sagot.Ngumiti siya bago nagpakilala."Kami ang caretaker ng mansion. Ako si Nanay Esme, at ito naman ang anak ko, si Betty."Tumango ako bilang tugon."Ako po ang bagong tagapangalaga ni Master Ace."Agad napatingin si Betty sa kanyang ina."Ay, hindi na si Rosita?" mahina niyang b

  • THE PATIENT'S SECRET    Psychopath 3

    Present..."So... my mother brought me a new toy. One that looks far too fragile to last the night."Nanlaki nang bahagya ang mga mata ko sa narinig ko.Napalunok ako habang nakatitig sa lalaking nasa harapan ko.Siya ba talaga si Master Ellixar Ace Raven?Kung siya nga...Bakit parang wala naman siyang sakit?Ang laki ng katawan niya, matikas ang tindig, at higit sa lahat... hindi siya mukhang isang taong kailangang alagaan.Ang nasa isip ko ay isang mahina at nakaratay na lalaki.Hindi isang lalaking may malamig na presensya at nakakatakot na aura na parang kaya niyang kontrolin ang buong silid sa pamamagitan lamang ng kanyang tingin.Paano kaya siya sinusumpong?Hindi ko maiwasang maging mausisa."Ahm... kayo po ba si Master Ellixar Ace?" tanong ko nang may pag-aalinlangan.Tinitigan niya ako nang matagal."Who else, stupid..." malamig niyang sagot.Napatigil ako sa pagtawag niya sa akin.Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatakot.Pero isang bagay ang sigurado...Hindi ito ang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status