Share

Psychopath 2

Author: Sunmaru
last update Petsa ng paglalathala: 2026-08-06 00:25:32

Paano ba ako napunta sa ganitong sitwasyon...?

Rewind...

"Malaki ang sahod at siguradong maganda ang magiging future mo roon kung tatanggapin mo ang trabaho, Almira," seryosong sabi ni Kuya habang nakaupo kami sa sala ng bahay.

Tahimik akong napatingin sa kanya.

"Pero, Kuya... may usapan na kami ng mga kaibigan ko na luluwas kami ng Maynila. Doon kami susubok ng kapalaran at magsisimula ng panibagong buhay."

Napabuntong-hininga siya.

"Sayang naman ang offer, Almira. Alam mo ba kung magkano ang sahod?"

Napakunot-noo ako.

"Magkano ba?"

"Tumataginting na ₱150,000 kada buwan! Para ka na ring nag-abroad!"

Nanlaki nang bahagya ang mga mata ko.

₱150,000?

Hindi ko maiwasang mapaisip.

Malaki nga...

Mabilis akong nagkuwenta sa isip ko.

Kung isang taon akong magtatrabaho roon, aabot sa halos dalawang milyon ang kikitain ko.

Napakagat ako sa labi habang nakatingin sa sahig.

Siguro... hindi naman masamang pag-isipan ang offer na ito.

Ang totoo... kumuha ako ng caregiver course dahil pangarap kong makapag-abroad. In demand daw kasi ang ganitong trabaho sa ibang bansa.

Gusto kong makaalis balang araw—hindi lang para sa sarili ko, kundi para makatulong sa pamilya ko.

Napatingin ako kay Inay na tahimik lamang na nakikinig sa usapan namin ni Kuya. Alam kong pabor siya sa sinasabi ni Kuya.

Hindi na rin iyon nakapagtataka.

Si Inay ay namamasukan bilang kasambahay sa pinakamayamang pamilya rito sa aming nayon—ang mga Raven.

Ang pamilya Raven.

Isang pangalan na halos kilala ng lahat.

May nag-iisa silang anak... pero ayon sa mga sabi-sabi, wala pa raw sinuman ang nakakakita rito.

Nakatira raw ito sa isa pang mansion ng mga Raven, nakatago sa kabilang bundok, sa pinakadulo ng nayon.

Malayo.

Tahimik.

At tila walang sinumang basta-basta pinapapasok sa lugar na iyon.

Napalingon ako kay Kuya na tila hinihintay ang sagot ko.

Siya ang isa sa mga tauhan sa hacienda ng mga Raven.

Nang mabalitaan niyang nag-resign ang tagapangalaga ng nag-iisang anak ng mga Raven, agad niya akong inalok sa mag-asawa at ipinakiusap kung maaari akong tanggapin bilang kapalit ng umalis.

Nakakapagtaka nga...

Bago pa man sila sumang-ayon sa alok ni Kuya, humingi muna ang mag-asawa ng litrato ko.

Nang makita nila daw ang picture ko sabi ni kuya.. 

Ilang sandali silang nanatiling tahimik bago tuluyang sinabi kay Kuya ang mga salitang hindi ko inaasahan.

Tanggap na daw ako.

"Grabe... na-hire ako nang hindi ko man lang alam! Litrato ko lang ang pinagbasehan nila?!"

Hindi pa rin ako makapaniwala.

"Sige na nga..." napabuntong-hininga ako, tanda ng pagsang-ayon.

Agad kong napansin ang mga ngiti sa mukha nina Inay at Kuya. Parang matagal na nilang hinihintay ang sandaling ito.

"Maghanda ka na. Ihahatid na kita sa mansion," sabi ni Kuya.

"Ha? Agad-agad, Kuya?!" halos napataas ang boses ko sa gulat.

"Oo. Kailangan ka na raw makausap ni Madam," sagot niya.

Napatingin ako sa kanya.

Ganito ba talaga kabilis ang lahat?

Dahan-dahan akong napatayo.

"Sige, wait lang, Kuya... mag-aayos lang ako."

Akmang papasok na ako sa kwarto nang bigla akong tawagin ni Inay.

"Okay na," sabi niya habang bitbit ang isang malaking bag. "Napag-impake na kita kanina pa, anak."

Napatingin ako sa dala niyang gamit.

Napakamot na lang ako sa ulo.

"Eh 'di sana hindi n'yo na lang ako tinanong kung pupunta ako. Wala pala akong choice," reklamo ko kay Kuya.

Napairap na lang ako.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa bagong oportunidad na ito...

O kung dapat ba akong kabahan sa lugar na hindi ko pa man nakikita.

RAVEN'S MANSION

"Siya na ba 'yun, Mario?" tanong ng isang may-edad na babaeng elegante ang itsura.

"O-opo, Madam," sagot ni Kuya.

Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa.

Hindi ako komportable sa paraan ng pagtitig niya, kaya napayuko ako at hindi alam kung saan ibabaling ang aking mga mata.

Sa tabi niya ay naroon si Don Jose.

Tahimik lamang siyang nakatingin sa akin. Malamig at mabigat ang kanyang mga mata, na para bang sinusubukan niyang basahin kung sino ako.

"Chin up, Almira," utos ni Madam.

Agad kong sinunod.

"Maganda ka sa personal," sabi niya habang bahagyang tumango.

Napakurap ako.

"Ngayon... tumayo ka."

"Ho?"

Napatanga ako sa sinabi niya.

Hindi ko alam kung bakit, pero sa unang pagkakataon pa lang na makapasok ako sa Raven Mansion...

Pakiramdam ko, hindi lang nila ako sinusuri bilang isang empleyado.

Para bang may hinahanap sila sa akin.

"Sumunod ka na lang," narinig kong bulong ni Kuya.

Dahan-dahan akong tumayo.

Agad akong pinagmasdan ng mag-asawa mula ulo hanggang paa. Para bang sinusuri nila ang bawat detalye sa akin.

Nakaramdam ako ng kaunting kaba.

"Ikot."

Napakurap ako.

Pero wala na akong nagawa kundi sundin ang utos.

Dahan-dahan akong umikot habang tahimik silang nakatingin.

"May peklat?" malamig na tanong ni Madam.

"W-wala po..." halos pabulong kong sagot.

Sandali siyang natahimik bago muling nagsalita.

"Patingin nga ng bibig mo."

Napakunot-noo ako.

"Huh?"

"Nganga."

Napatigil ako sa gulat.

Pero dahil nasa harap ko ang amo ng magiging trabaho ko, wala akong nagawa kundi sumunod.

Pagkatapos kong gawin iyon, tumango-tango si Madam na para bang nakumpirma niya ang isang bagay.

"Good."

Napatingin ako sa kanya nang may pagtataka.

Ano ba talaga ang hinahanap nila sa akin?. 

Putek... seryoso ba talaga ito?

Ano ba itong pinasok ko?

Tagapangalaga ba ako... o modelo?!

Hindi ko na lang pinansin ang kakaibang paraan ng pagtanggap nila sa akin.

"May boyfriend?" tanong ni Madam.

Napakurap ako.

"W-wala po..." nahihiya kong sagot.

Tumango siya na parang may natapos nang suriin.

"Okay. Nakapasa ka na."

Napatingin ako sa kanya.

Ganun lang?

"Antayin mo ang doctor ng anak ko. Siya ang magpapaliwanag sa'yo ng lahat-lahat."

Mabilis akong tumango kahit hindi mawala ang kaba sa dibdib ko.

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil natanggap ako...

O matakot dahil parang may malaking bagay silang hindi sinasabi.

Maya-maya, may pumasok na isang lalaki.

Nakasuot siya ng puting polo, seryoso ang mukha, at may presensyang agad nagpapatahimik sa buong paligid.

Bumati siya sa mag-asawa bago ibinaling ang tingin sa akin.

"Siya na ba 'yun?" tanong niya.

Sabay na tumango ang mag-asawa.

Pagkatapos ay tumingin siya sa akin.

"Follow me."

Malamig at diretso ang utos niya.

At gaya ng dati...

Wala akong nagawa kundi sumunod.

Dinala niya ako sa isang silid na tila isang mini-office sa loob ng mansion.

Pagkaupo ko pa lamang, agad niya akong tinitigan nang matagal.

Matindi.

Parang sinusuri niya hindi lamang ang mukha ko, kundi pati ang tapang na meron ako.

"Malakas naman siguro ang loob mo?" tanong niya.

Napayuko ako nang bahagya.

"O-opo..." mahina kong sagot.

Tumango siya.

"Good."

Sandali siyang tumahimik bago tuluyang nagpakilala.

"Ako si Doc Martin De Silva. Ako ang doctor ni Master Ellixar Ace Raven."

Napalunok ako nang marinig ang pangalan.

"Master Ellixar Ace Raven..."

Iyon ang unang pagkakataon na narinig ko nang malinaw ang pangalan ng taong aalagaan ko.

"Ano po bang sakit niya, Doc?" tanong ko.

Ngunit hindi siya agad sumagot.

Nanatili lamang ang matalim niyang tingin sa akin.

Para bang may iniisip siyang sabihin...

Pero tila hinihintay muna niyang malaman kung kaya ko bang harapin ang katotohanan.

Maya-maya, may iniabot siyang makapal na folder.

"Narito ang duties and responsibilities na kailangan mong gawin," malamig niyang paliwanag. "Kasama na rin ang listahan ng mga gamot na kailangan niyang inumin para hindi siya sumpungin."

"S-sumpungin!?"

Hindi ko napigilang kabahan.

Agad na naglaro sa isip ko ang kung anu-anong posibilidad.

Anong klaseng sumpong ang tinutukoy niya?

"Anong klaseng sumpong po, Doc?" maingat kong tanong.

Pero hindi siya agad sumagot.

Nanatili lamang ang malamig niyang titig sa akin, na para bang sinasadya niyang hayaan akong kabahan.

At saka siya dahan-dahang yumuko patungo sa drawer.

Kinuha niya ang isang maliit na bote at isang injection.

"At ang pinakaimportante sa lahat..." malamig niyang sabi.

Napatigil ako sa paghinga.

"Kapag sinumpong siya at hindi mo na alam ang gagawin..."

Iniabot niya sa akin ang hawak niya.

"Iturok mo lang ito sa kanya."

"A-ano po ito...?" halos nanginginig kong tanong.

"Pampatulog," malamig niyang sagot.

Muli niya akong tinitigan nang diretso sa mga mata.

May kung anong babala sa kanyang titig na hindi ko maipaliwanag.

"Bawal kang lumabas sa gabi," mariin niyang dagdag. "Dapat sa umaga pa lang, tapos ka na sa lahat ng gawain mo."

Napahigpit ang hawak ko sa folder na iniabot niya.

"Andiyan lahat ng dapat mong malaman. Basahin mo."

Tahimik akong tumango.

Hindi ko alam kung matatakot ba ako o magtatanong pa.

Pero may isang bagay akong nararamdaman...

May malaking dahilan kung bakit kailangan kong sundin ang bawat bilin nila.

"At..." sandali siyang tumigil habang tinitingnan ang kanyang relo.

"Sa loob ng tatlumpung minuto, may susundo na sa'yo. Ihahatid ka na kay Master Ellixar."

Kabado akong napatango.

Halos hindi ko maitaas ang tingin ko sa kanya.

Maya-maya, bumalik ang mga magulang ni Master Ellixar.

May iniabot si Don Jose na isang maliit na papel.

"Sundin mo 'yan para makapasok ka sa loob ng mansion," malamig niyang wika.

Tahimik ko itong tinanggap.

Mahigpit kong hinawakan ang papel na para bang isa itong susi...

Isang susi papunta sa isang lugar na hindi ko alam kung ligtas ba akong lalabas pa.

At sa unang pagkakataon...

Naramdaman kong baka hindi lang simpleng trabaho ang pinasok ko.. 

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • THE PATIENT'S SECRET    Psychopath 8

    Almira's POVMugto pa rin ang mga mata ko habang nakatitig sa sarili ko sa harap ng salamin.“Bwisit na lalaki ’yon…”Napangiwi ako habang pinipigilan ang inis na nararamdaman ko.Nakakababa ng tiwala sa sarili!Hindi raw ako attracted sa paningin niya…Pero kung gano’n, bakit niya ako hinalikan?Ano yon?!Napahawak ako sa labi ko habang lalo lang akong nalilito.“Humanda ka sa akin bukas, Master Ace…”Mahina kong sambit sa sarili ko.Dahil kung akala niya ay matatakot lang ako at susuko…Nagkakamali siya.Tumayo ako at mabigat ang bawat hakbang papunta sa kwarto.Pagpasok sa kwarto, agad kong nilock nang maigi ang pinto. Hindi pa ako nakuntento hinila ko pa ang isang upuan at inilagay iyon bilang harang.Hindi ko mapigilan ang kaba.Paano kung seryosohin niya talaga ang sinabi niya?Paano kung sa halip na ang mga patay ang pag-aralan niya…Ako ang piliin niyang pagtuunan ng pansin?Napailing ako sa sarili ko.“Almira, ano ba itong pinasok mo…kasalanan talaga ito ni kuya Mario.. ” bul

  • THE PATIENT'S SECRET    Psychopath 7

    Almira's POV... “M-Master…?” mahina kong bulong.Marahan kong tinapik ang balikat niya gamit ang paa ko, sinusubukang siguraduhin kung talagang tulog siya.“Ikaw kasi, Master… nanunugod ka na lang bigla!” reklamo ko pa habang pilit ko siyang hinihila palayo sa pader.Pero kahit anong gawin ko, ang bigat talaga ng katawan niya.Napabuntong-hininga na lang ako bago kumuha ng upuan mula sa dining table. At buong lakas ang binuhos ko at sa wakas nagawa ko rin siyang mapaupo roon.Nakatungo lang siya, walang anumang reaksyon.Tulog.Mabuti na lang at mabilis umepekto ang pampatulog na naiturok ko sa leeg niya.Maingat kong kinuha ang dalawang pulso niya at itinali ang mga iyon sa likod ng upuan gamit ang straw string na nakita ko sa kusina.“Kung gusto mo naman… sabihin mo lang,” pabirong sabi ko habang inaayos ang pagkakatali sa kanya.Akala ko ay mahimbing pa rin ang tulog niya.Kaya naman nang matapos ako, naglakad ako sa harap niya para tingnan kung maayos ang pagkakagawa ko.Ngunit h

  • THE PATIENT'S SECRET    PSYCHOPATH 6

    Almira's POV... Umalma ako at bigla na lang napabalikwas mula sa kinauupuan.“Mawalang-galang na po, Madam… Don Jose…” nanginginig kong sambit, pilit pinipigilan ang pagtaas ng emosyon ko. “Bakit po kailangan ng pregnancy test?! Iniisip n’yo po ba na pinagsasamantalahan ko si Master Ace habang natutulog siya?!” halos pasigaw kong tanong.Hindi ko napigilan ang pagkagulat. Ang bigat ng paratang na tila ba kaya kong gawin ang ganoong bagay sa kanya.“Umupo ka muna, iha,” mahinahon ngunit may bigat na sabi ni Madam. “Hindi naman gano’n ang ibig naming sabihin…”“Alam mo, ganito kasi ’yon…” panimula ng ina ni Ace. Bahagyang namasa ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.“Matanda na kami, Almira. Gustung-gusto na talaga naming magkaroon ng apo mula kay Ace. Alam mo naman na siya lang ang nag-iisa naming anak…” saglit siyang huminto, tila hinahanap ang tamang mga salita.“At sa tingin namin… pasado ka naman para sa kanya. Dahil nagtagal ka ng dalawang linggo rito, baka…” napalunok

  • THE PATIENT'S SECRET    PSYCHOPATH 5

    Almira's POV... Nakahiga ako sa kama, dilat na dilat habang tahimik na nakikiramdam sa bawat ingay sa paligid. Sobrang lakas ng tukso na alamin kung ano ang ginagawa ngayon ni Master Ace, pero pilit kong pinipigilan ang sarili kong lumabas ng kwarto.Kanina, habang nakatambay ako sa veranda ng silid ko, nakita ko ang isang itim na van na pumasok sa mansyon. Agad kong naisip na baka iyon ang sasakyan ng bangkay na pag-aaralan niya ngayong gabi.Ngunit matapos umalis ang van, ilang sandali pa ang lumipas habang abala ako sa pagmumuni-muni nang bigla kong mapansin ang isang sports car na palabas ng mansyon.Napakunot ang noo ko.“Imposibleng si Master Ace ang umalis…” bulong ko sa sarili habang marahang umiiling.Pumasok na ako sa loob ng kwarto para sana ay matulog.Pinilit kong ipikit ang aking mga mata, ngunit hindi nagtagal ay bumangon din ako. Hindi ko mapigilan ang sarili kong muling tumambay sa veranda, hinihintay kung babalik pa ba ang sports car na nakita ko kanina.Ngunit lumi

  • THE PATIENT'S SECRET    Psychopath 4

    Almira's POV.. Napatingin ako sa mga gamot na iniwan ni Doc Martin.Puro injection.Isa roon ang kailangan kong ibigay kay Master Ace mamayang alas-siyete ng umaga.Napabuntong-hininga ako habang hawak ang mga bote.Hindi pa rin mawala sa isip ko ang lahat ng nangyari kagabi.Para bang isang panaginip na ayokong balikan.Nagpasya muna akong mag-ikot sa loob ng mansion habang hinihintay ang oras.Alas-singko pa lamang ng umaga, pero ang buong lugar ay tahimik na parang walang nakatira.Makalipas ang ilang minuto, may narinig akong pumasok.Dalawang babae ang dumating—isang matanda at isang halos kasing-edad ko lang."Magandang umaga, ineng," bati ng matanda."H-hi po. Magandang umaga rin po," nahihiya kong sagot.Ngumiti siya bago nagpakilala."Kami ang caretaker ng mansion. Ako si Nanay Esme, at ito naman ang anak ko, si Betty."Tumango ako bilang tugon."Ako po ang bagong tagapangalaga ni Master Ace."Agad napatingin si Betty sa kanyang ina."Ay, hindi na si Rosita?" mahina niyang b

  • THE PATIENT'S SECRET    Psychopath 3

    Present..."So... my mother brought me a new toy. One that looks far too fragile to last the night."Nanlaki nang bahagya ang mga mata ko sa narinig ko.Napalunok ako habang nakatitig sa lalaking nasa harapan ko.Siya ba talaga si Master Ellixar Ace Raven?Kung siya nga...Bakit parang wala naman siyang sakit?Ang laki ng katawan niya, matikas ang tindig, at higit sa lahat... hindi siya mukhang isang taong kailangang alagaan.Ang nasa isip ko ay isang mahina at nakaratay na lalaki.Hindi isang lalaking may malamig na presensya at nakakatakot na aura na parang kaya niyang kontrolin ang buong silid sa pamamagitan lamang ng kanyang tingin.Paano kaya siya sinusumpong?Hindi ko maiwasang maging mausisa."Ahm... kayo po ba si Master Ellixar Ace?" tanong ko nang may pag-aalinlangan.Tinitigan niya ako nang matagal."Who else, stupid..." malamig niyang sagot.Napatigil ako sa pagtawag niya sa akin.Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatakot.Pero isang bagay ang sigurado...Hindi ito ang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status