Gulat na napatingin si Michelle sa bisita nila .Kilala niya ito dahil assistant ni Dreymond Clarkson . Kagigising palang nila dahil sinamahan niyang maglasing si Aria kagabi para daw makatulog ito ng mahimbing .Sobra silang nag aalala kay Aria kagabi dahil kahit tulog na ito ay tuloy parin ang pag agos ng mga luha sa mata nito .Kaya hindi nila iniwan at doon siya sa tabi ni Aria natulog.Kaya nang magising siya at bumaba para magtimpla ng kape sakto namang may nagdoorbell at pinapasok ng security guard."ma..may ka.. kailangan po ba kayo at napaaga ang pagdalaw niyo dito?" medyo nauutal niyang tanong dahil sa pagtataka. Bigla siyang umasa na baka alam na ni Mister Clarkson ang tungkol kay Aria."nandito ako para sunduin si ma'am Aria miss dahil may mahalagang sasabihin ang boss ko sa kanya" biglang lumakas ang kaba ng kanyang dibdib sa narinig. Nagpaalam siya sa lalaki na gisingin niya lang si Aria dahil tulog pa ito .Nang makita niyang nakaupo na sa gilid ng kama si Aria ay agad siyan
Kinaumagahan tahimik na nagkakape si Evie sa isip niya parin si Aria ang birthmark nito sa braso na katulad ni Kriza at ang ngiti nito . Napansin naman ni Dreymond ang kanyang asawa at mukhang hindi nito namamalayan na medyo tumagal ang pagiisip nito ng malalim .'' malamig na ang kape mo honey ?" habang siya abala rin sa pagkain ng pang umagahan.Sila lang ngayon ng kanyang asawa ang nasa hapag dahil tulog pa ang iba at binilin naman nila kagabi si Kriza na huwag muna ito papasok ng kompanya at magpahinga muna .Agad naman hinawakan ni Evie ang tasa niya at malamig na nga kung bakit ba naman kasi ang lalim ng kanyang iniisip at masyado siyang naapektuhan kay Aria. '' pasensya na Dreymond naiisip ko kasi si Aria '' hindi niya napigilang saad.'' ohh !! at bakit ?" takang tanong nito. Hindi niya napansin si Aria kagabi dahil lumapit ang mga ibang investor at shareholder ng kompanya para magtanong ng mga nagaganap sa event .Talagang naging abala siya sa pakikipag usap kagabi at b
Isasara na sana muna ni Tina ang malaking pintuan ng makita niyang parating ang kotse na sinakyan ng dalawa papunta sa event ng mga Clarkson.Pagkababa nila laking gulat niya dahil mugto ang mga mata ni Aria na mukhang galing ito sa iyal .Pumasok ang mga ito at deretso sa sala kaya sumunod siya agad para tanungin kung ano ang nangyari . '' Michelle anong nangyayari ,,ayos ka lang ba Aria ?" lumapit siya kay Aria at inayos ang buhok nitong nagulo . '' nay Tina sabihin niyo na kay Aria ang totoo '' napatingin siya kay Michelle alam niya kung ano ibig sabihin nito pero naguguluhan siya bakit biglang nagbago ang isip ni Michelle.Naawa na din siya bigla kay Aria na mukhang naghihintay ng kanyang sasabihin . Tumayo siya para kunin ang larawan na kararating lang kanina at nasa hardin ito .Iniwan niya doon para isara sana ang malaking pintuan na siya naman pagdating ng dalawa . Nagtaka naman si Aria dahil wala siyang nahintay na sasabihin nito at umalis na parang walang narinig .Tatayo n
May pagtataka man ulit ang mga taong naimbita sa event ng mga Clarkson ay wala ni isa ang nagtanong kila Dreymond kung saan tungkol ang event na magaganap . Lahat ay naroon na at ganun din sina Aria at Michelle hindi naman nakasama si Tina dahil medyo sumakit ang ulo nito kaya sila nalang dalawa ang dumalo sa imbitasyon na pinadala ng mga Clarkson sa kanila . '' kinagagalak kong nakapunta ka apo '' bumeso ang matandang Clarkson na si Cathy at nakipagbeso din siya kay Michelle. Napalunok naman si Michelle dahil parang nangangati ang kanyang labi na sabihin ang totoo kay Aria .Kitang kita niya kung gaano kasaya ang ginang habang nakikipag usap kay Aria ,apo pa ang tawag nito .Natuwa siya dahil iba ang saya ng kinang sa mata ni Aria habang kausap ang maglolang Drake at Cathy . Nagalinlangan lumapit si Evie sa kausap ng byenan at anak niyang si Drake dahil ang gown na suot nito ay parehas kay Kriza .Nagtaka pa nga siya na baka dumating na si Kriza na hindi niya alam .Mabuti nalang
Muling nabuhay ang mansion nila Dreymond mula sa villa dahil sa paghahanda .Habang nas himpapawid naman sila Kriza pauwi kung saan may totoong pamilya nang naghihintay sa kanya . Ang buong akala niya ito ay panaginip lamang pero nang makita niya ang ibaba habang nasa himpapawid ay doon niya napagtanto na totoo ang lahat dahil ang kaba at init ng balat ni Dhelia ang siyang nagpagising sa kanyang diwa .Yakap yakap niya ang ginang dahil takot ito sa mataas at sa paglikot ng sakay nila na pang himpapawid ,para maibsan ang takot nito niyakapa niya ng mahigpit bilang paalala na nandyan lang siya sa tabi ni Dhelia . ''tara na ma'am '' inalalayan ni Brian si Kriza pababa ng chopper habang si June naman ay si Dhelia .Pagkaalis ng chopper dahil pabalik na ito sa airport kung saan naroon ang mga private chopper at private plane na pinapaupahan ng kompanya ni Dreymond. '' tito Brian bakit mo ako tinatawag ng ganyan ''sanay naman siyang tawagin siya nito noon pero ngayon may pagkailang na s
Sumasakit parin ang ulo ni Kriza habang hinihilot niya ito gamit ang herbal na binili ng nanay Dhelia niya sa palengke kahapon ,Habang nag stretching may biglang nagdoorbell mula sa labas ng kanilang bahay .Nagmadali niyang tinignan mula s cctv na naka konekta sa kanyang cellphone nang makita niya si June nagmadali siyang pumunta sa gate para pagbuksan ito . '' manong June ano ginagawa mo dito ?" wala naman siyang inutos at hindi niya ito pinapunta pero bakit nandito si June .'' Kriza may gustong kumausap sayo '' nasa loob parin ng taxi si Brian at hindi pa lumabas para hindi matakot si Kriza . '' sino ?" nang sumenyas si June doon na siya lumabas para magpakita kay Kriza. '' tito Brian a..anong ginagawa mo dito '' parang gustong bumalik sa loob si Kriza .Natakot siya bigla na baka kaya nagpunta si Brian sa kanila para huliin at ipakulong dahil sa panloloko niya sa pamilya ng mga Clarkson. Nakakabinging kaba ang nararamdaman niya ngayon .Mainit naman ang panahon pero pakira