''nakikita mo ba ang building na iyan ?" tinuro ni Dreymond ang isang gusali na patapos na .
''this land is belong to Clarkson..o I mean belongs to me .. Ang ama mo naniwala sa isa naming tauhan na pagmamay ari ng kaibigan niya ang lupang ito kaya binenta sa ama mo '' ''oh bakit nagkautang si papa sayo ?" inis niyang tanong . Hindi pa nito nasagot ang tanong niya kanina. '' nagkautang siya dahil business partners niya ang isa naming tauhan .Kung matalino ka alam mo ang regulation ng mga gusaling naipapatayo .Kaya malaki ang utang sa akin ng ama mo dahil ang perang binigay niya sa kasosyo niya kuno ay tinakbuhan siya at nagtatago ngayon so walang ibang mananagot kundi ang ama mo '' parang wala siyang naiintindihan sa sinabi nito dahil sa bilis niyang magsalita. ''ehh ?" kunot noong tumingin si Drey sa babaeng kasama niya . ''ehh lang ang masabi mo ?" galit niyang tanong . ''pasensya na hindi kasi ako makapaniwala na ganun ang nangyari .Pwede bang hanapin niyo ang lalaking iyon at siya panagutin huwag ang aking ama ?" maluha luha niyang paki usap .Hindi siya makapaniwala na ganun ganun lang maloloko ang ama niya . ''I think alam mo miss Quinros .Alam mo kung ano ang patakaran ng business diba ,kung sino ang front man siya ang aako sa lahat ng responsibilidad . So ito ang nangyari nagpaloko ang papa mo sa isang mabulaklak na sinabi ng lintik na hayop na iyon" ''pero !'' akma niya sanang hawakan ang braso niya ng inilayo sa kanya . Lalo siyang nanlumo .Nalugmok pala sa pagkakautang ang kanyang ama dahil sa pagtitiwala niya sa isang tao . Lalo siyang naiyak dahil hindi man lang nag isip ng maayos ang ama niya . Ngayon makukulong siya at pagbayaran ang ginawa ng kaibigan nya . ''pero bakit ang mga iyan ?" turo niya sa mga malalaking sasakyan at mga backhoe. ''ipapagiba ko ang gusaling pinatayo dahil hindi naman makapanibangan ultimo strucktura ng gusali tinipid at hindi safe .Alam mo bang kami ang nagbayad sa mga niloko ng ama mo at kaibigan nito .Marami silang hindi nabayaran na mga tao kaya kami ang siningil dahil ang lokong tauhan namin ginamit ang pangalan ng aming pamilya .Kaya siguro nagpaloko ang ama mo dahil akala niya under ang tao na iyon sa amin . '' napabuga siya ng hangin .Kahit sino magagalit kung ginawa nila sa kanya ang mga bagay na iyon . ''so whats now miss Quinros may alam ka bang ibabayad sa akin ?" umiling siya dahil kahit ibigay niya ang laman ng kanyang bank account hindi ito sasapat dahil ayon sa kanyang ina half million ang utang nila sa mga Clarkson.Wala pang laman ang bank account niya na isang million .Kung ibabayad naman niya ito paano sila magsisimula . ''sarili ko lang naman ang kaya kong ibayad eh '' umiling siya agad .Parang mali ang nasabi niya . ''what ?" parang nabingi si Dreymond sa sinabi ng babae . ''I mean parang mawawalan ang ng sariling utak ngayon at hindi ko kayang bayaran iyang utang sayo ng papa ko dahil kahit ibigay ko sayo lahat ng ipon ko o pera ko sa banko kulang parin " kung ano ano na ang nasasabi niya dahil sa pagkalutang niya . ''kung wala ka palang balak i offer ang sarili mo bakit nasabi mo ang mga ganyang bagay ?" inis niyang inirapan dahil napakabob* ng kaharap niya paulit ulit. ''hindi naman ganon ang ibig kong sabihin eh .Ang layo naman sa iniisip ko ang nasabi ko " pagtatama nito .Tama naman iba lang ang pagkakaintindi ng lalaki sa kanya .Tanging katawan niya lang ang meron siya dahil wala naman siyang kayamanan lalo't pag uwi niya galing ibang bansa baon na pala sa bangko ang kanyang mga magulang tapos ibibigay niya lang sa isang lalaking hindi niya mahal No way!! . Hindi naman siya makahanap ng trabaho dahil hindi pa niya naayos ang mga dokumento niya at hindi siya sanay sa buhay mahirap dahil kahit scholar siya ay naturingan siyang mayaman ng mga nakakakilala sa kanya . Hindi niya kayang ibigay ang sarili sa lalaking kaharap dahil ang pagkakilala ng lahat sa anak ng Clarkson ay laruan lang ang mga babae dahil mabilis magsawa na parang bihisan lang ng kung ayaw na niya basta basta nalang niya itatapon . ''kung gagawin ko man sakali ang pagbebenta ng dangal sa iba ko nalang gagawin baka sakali matulungan nila ako .For the sake of my parents..ahhh aray '' nabigla siya sa biglang paghablot ng lalaki sa kanyang braso .Nanlilisik ang mga mata at parang gusto niyang manakit . ''ano ba nasasaktan ako !'' naluluha na siya dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa kanyang braso . '' give your soul to me kung gusto mong makabayad ka sa utang na meron ang ama mo or else ipapadampot kona ngayon sa mga pulis '' galit niyang salita habang nanlilisik ang mga mata .Hindi niya maintindihan dahil biglang nag init ang kanyang ulo sa sinabi nito na hindi niya ibibigay sa kanya ang katawan nito na siyang wala pang babae ang umayaw sa kanya ,hindi siya papayag na mapunta sa iba ang dalaga . ''please no ..maawa ka sa papa ko mahina na siya at may sakit ito sa kaya please o sige gagawin ko lahat basta huwag mo lang ipadala sa kulungan si papa parang awa muna '' natakot siya sa mangyayari sa ama niya.Kaya niyang sikmurain ibigay ang dangal niya sa lalaking nasa harapan niya huwag lang makulong ang kanyang ama . Dangal lang ang mawawala sa kanya pero ang ama niya siguradong pati ang mama niya mawawala dahil saksi siya sa pagmamahalan ng kanyang mga magulang .Gagawin niya lahat para sa kanila .Kanina pa sila paikot ikot sa daan kung saan nasa loob sila ng isang sikat na subdivision,napahanga siya dahil malalaki ang bahay at mukhang mayayaman ang mga nakatira sa subdivision. '' ate Michelle saan ba tayo pupunta at mukhang kanina pa tayo paikot ikot sa subdivision na ito '' medyo nahihilo na rin siya dahil paulit ulit ang kanyang nakikita na mga bahay at pag liko lagi ng kotse . '' may titignan lang akong lupa Aria gusto ko kasi magpatayo ng bahay dito '' nagulat siya sa sinabi ni Michelle. '' ayaw mo ng tumira sa bahay ?" kung aalis ito wala ng maingay sa kanilang bahay . Nakaramdam siya ng lungkot dahil darating ang pagkakataon na kailangan na nilang maghiwahiwalay . '' hindi naman sa ganun Aria gusto ko lang magkaroon ng sariling bahay dahil pag mag asawa kana alangan naman doon ako sa bahay mo titira parin '' may punto naman ito pero iisang pamilya na sila para sa kanya at ayaw niyang mawalay sa mga ito . '' ayos lang naman iyon ate at ang mansion ni mommy p
'' Pasensya na panlolokong ginawa ko sa inyo nagawa ko lang iyon dahil gipit ako pero habang tumatagal napapamahal na ako sa inyo kaya mas kinailangan ko pong lumayo na para hindi pa lalo madagdagan ang kasalanan ko . Pasensya na po kung umalis akong walang paalam pero gusto kong aminin sa inyo hindi ako si Zebbie nagpanggap lamang ako dahil sa utos ni Dante . Pinangako nila sa akin na pag ginawa ko ang utos nilang mag asawa sasabihin nila kung sino ang tunay kong magulang pero habang tumatagal nakikita ko ang totoo nilang hangarin .Hindi ko gusto paki alaman ang pera na para sa totoo niyong anak .Gusto ko balang araw si Zebbie ang mag dedesisyon kung saan niya gagamitin ang pera '' tahimik lang nagbabasa si Dreymond sa sulat na iniwan ni Kriza habang binabasa niya ito nanlalamig ang buo niyang katawan dahil sa pawis .Naawa siya bigla dito dahil ulila pala ito at inampon lang ni Cora at pinatira sa ibang bansa kaya si Dhelia ang bukod tanging nag alaga at tumayong nanay na rin .Wala s
Napapakamot nalang ng ulo ang isang lalaki nang makita niya na ibang babae ang kanyang binabantayan sa cafe na pinuntahan ni Kriza . ''boss nawala siya bigla '' tinawag na niya kay Brian ang totoo para matapos na ang pagsunod at maibigay na rin ang mga larawan na kanyang nakuhanan . '' hanapin mo dyan '' kahit anong hanap niya wala na ito at hindi naman siya pwede manghimasok para tignan lang ang kuha ng cctv . Nayuko nalang siya dahil maling mali ang kanyang ginawa bakit hindi niya sinipat ang babae kung ito ba .Magkapareha kasi ng damit at buhok kaya ang akala niya ito .Mukhang naisahan siya ng anak ng kanilang amo . ''bakit Brian anong problema ?" tanong ni Dreymond dahil nakita niyang medyo nainis ito habang kausap ang isang tao sa cellphone.''nawala daw bigla si Kriza na pinapasundan ko '' kunot noong nakayuko si Dreymond habang ang kamay ay tinigil muna sa pagsulat .''baka nakahalata '' saad nito . Saka tinuloy ang ginagawang pagpirma .'' papunta na dito ang tauhan ko at
Kinaumagahan nabigla si Kriza dahil ayon kay Dreymond kailangan na nilang pumunta sa banko dahil may pipirmahan siya . ''dad pwede bukas nalang may kailangan pa kasi akong puntahan '' may aayusin siya tungkol sa kanilang pag alis lalo pa ngayon at nautusan na niya ang isa sa mga tauhan niya para pumunta sa probinsya at kukuha ng kanilang matitirahan . May pera naman siya at ito gagamitin para maging maayos ang kanilang pag alis . '' pwede ba malaman kung ano ang lakad mo anak ?" tanong ni Dreymond. Ngayon palang nag paalam si Kriza sa kanila . '' ah may aayusin lang po ako '' sagot nito sabay subo ng pagkain . '' paano na iyan Dreymond pwede ba kasing saka nalang ang pera na iyan .Pa importante masyado ang tito mo '' napatingin siya sa kanyang lola . '' sige sabihan ko si attorney bukas nalang '' medyo guminhawa ang tibok ng kanyang puso akala niya hindi ito papayag .Gagawin niya lahat para hindi makinabang si Dante sa perang iyon ,Kung hindi man ito kukunin ng totoong Zebbie
Pinagmamasdan ni Tina si Michelle habang abala ito sa mga papel na binubuklat mukhang gumagawa ng report para sa opisina . Buo na ang kanyang pasya kailangan na niyang sabihin ang totoo tungkol kay Aria .Hawak hawak niya ang isang papel habang papalapit siya kay Michelle . '' Michelle pwede ba kitang makausap ?" nagtaka sa kanya si Michelle dahil ito lang ang unang pagkakataon na niyaya siya ni Tina na makipag usap . ''tungkol saan nay Tina?" tanong nito . '' kay Aria '' napaisip si Michelle kung ito naba ang tungkol sa pagkatao ni Aria o may iba pa . ''ano iyan nay at makikinig ako ''' inilgpit niya muna ang ibang gawain sa kanyang mesa saka niyaya si Tina sa may sofa para doon sila mag usap at maging komportable habang nagkwekwentuhan. Nagtaka siya ng biglang may iniaabot sa kanyang papel mukhang liham ito dahil may medyo kalumaan at maayos ang pagkakatupi . '' basahin mo nalang itong liham galing sa kapatid ko '' agad niya itong kinuha at binasa .Sa una medyo naguguluhan
Pinakain muna ni Drake ang dalawa ng ice cream bago yayain sa susunod nilang gagawin sa mall kung kanina emotional ang nangyari sa susunod siguradong mapapagod ang mga ito . '' oh tapos na tayo manood saan ang sunod natin puntahan Drake ?" tanong ni Aria habang umiinom ng tubig . Pakiramdam niya ubos ang kanyang luha kanina sa sinehan mabuti nalang at silang tatlo lang ang nandoon kaya kahit anong lakas ng kanilang pag iyak ay walang maiistorbo . '' sa arcade may mga tokens na ako '' pinakita niya ang isang pouch ng mga token .Punong puno ang itim na pouch nito at napanganga nalang ang dalawa sa kanilang nakikita . '' wow ang dami '' saad ni Kriza .Ang kanyang kadalasan na nalalaro lang naman doon ay ang claw chain iyon lang at wala ng iba kahit minsan ubos na ang kanyang token ay wala pa siyang makuha kahit isa . '' sempre !!'' pagmamayabang ni Drake sa kanila . '' maka sempre ito .huwag kang maniwala dyan Kriza.Kasosyo niya ang may ari dyan '' na kwento dati sa kanya ni Drak