Nalaman ni Lawrence ang tungkol kay Aria kaya agad siyang umuwi ng bansa para puntahan at kausapin ito . May parte sa kanyang isip bakit sa dinami daming maging totoong pamilya nito ay ang mga Clarkson pa kung saan ito ang mga pumatay sa pinsan niyang si Aurora. Napansin naman ng ama ni Lawrence ang pagiging tahimik nito kaya lumapit siya at gusto niyang kausapin tungkol kay Aria .Alam niyang pagod ito dahil kakauwi niya lang sa business trip pero kailangan niyang makausap ng masinsinan . '' huwag kang magalit kay Aria .Kilala ko ang Clarkson na totoo nitong pamilya mababait ang mga ito hindi tulad ng mga nasa kulungan '' pinaliwanag niya na walang kinalaman ang totoo nitong pamilya sila pa nga ang tumulong para magkaroon ng hustisya.Kahit kasiraan ng pamilya nila minabuti nilang makulong ang ibang Clarkson dahil deserve ng mga ito . '' dad '' buntong hininga siyang nag isip ng maayos . '' narinig mo naman ang tungkol sa nawawala nilang anak which is si Aria nga iyon '' maraan s
Kanina pa nag iisip si Drake kung bakit bigla silang yayain sa bahay ni Aria at hindi pa ito ang nagyaya kundi ang mismong ina niya . '' bakit daw tayo pupunta sa bahay ni Aria ?" tanong n Cathy abala siya kanina sa pagtatanim ng halaman ng biglang pumunta sa garden ang apo niyang lalaki at sinabi nito ang tungkol sa pagpunta nila sa bahay ni Aria na ayon kay Drake ang manugang niyang si Evie ang nagpadala ng mensahe . '' hindi ko po alam basta lola pumunta nalang tayo '' ano ba dapat isagot niya wala din siyang alam dahil ultimo ang isip niya ay naguguluhan.Hindi naman siguro emergency dahil bahay naman ni Aria sila magkita kita at kung may okasyon man bakit ang aga .Kung sakaling doon sila mag lunch bakit ang mommy niya ang nagyaya .Gusto na niyang sumigaw dahil naguguluhan na talaga siya . '' sige ,si Kriza nasaan naba ang ate mo ?" tulad niya siguradong mabibigla din ang kanyang ate Kriza dahil nalaman niyang pati pala ito ay nakatanggap ng mensahe galing sa ina niya . '' pa
Ang bilis ng tibok nang dibdib ng Aria habang palapit ang doktor sa kinauupuan nila .Ilang oras din ang pagsiyasat sa kanilang DNa . Nakatingin siya sa papel habang inaabot ito sa kanyang ama. "ito na ang resulta ng Dna ,walang dayahan na nangyari dyan" Kinuha mi Dreymond ang resulta . "salamat dok " "ikaw nalang ang magbubukas Aria para makita mo ang totoo " iniabot nito sa kanya pero tumanggi si Aria. "kayo nalang po dati ko ng alam na ako si Zebbie!" napamulagat silang dalawa ni Evie.Hindi sila makapaniwala na may alam na pala ito sa kanyang pagkatao pero bakit pumayag ito sa pangalawang Dna "ha?? bakit anak anong nangyayari sayo at ginaganito mo kami?" hindi makapaniwala si Evie na pinaglalaruan sila ni Aria.Napakamot naman ng hita si Michelle dahil hindi nila inaasahan ang bawat galaw ni Aria. "lately ko lang po nalaman .Kagaya ni Kriza ang kakambal ko nakilala niyo siya , naramdaman na anak niyo siya kaya gusto ko din maging ganun sana sa akin at tama nga po dahil kayo
Dahang dahang binuksan ni Michelle ang pintuan ng kwarto ni Aria .Hindi naman siya papasok kung hindi nito sasabihin .Nadatnan niyang nakatayo si Aria mula sa bintana .Malalim ang iniisip habang nagkakape . ''Aria may bisita ka at mukhang importante ang kanilang sasabihin'' ''sino sila ate Michelle '' inilapag muna ni Aria ang tasa ng kape saka humarap kay Michelle.''baba ka nalang naroon na rin si nanay Tina sila muna ang kaharap nila '' nagtatakang tumingin si Aria kay Michelle dahil hindi naman nito masabi kung sino nga ba ang kanyang bisita .Wala naman siyang inaasahan dahil si Lawrence nasa flight na ito papunta sa ibang bansa . '' sunod na ako ate '' saad nalang niya .Papalitan muna niya niya ang kanyang dress na pantulog bago lumabas .'' sige !!'' '' pagpasensyahan niyo sir , ma'am medyo matatagalan si Aria kagigising niya lang kasi '' kahit alam niyang kanina pa ito gising pero tinatamad lang lumabas dahil sa maraming iniisip . '' naiintindihan namin dahil pagod ito
Sa madilim na hallway dahan dahang lumabas si Marie para makatakas .Nakasuot ito ng unoporme ng isang nurse kung saan lihim niyang kinuha nakaraang araw . Kailangan niyang tumakas dahil parang wala ng ginagawa si Nathy tungkol sa pag alis niya dito sa mental hospital. Gusto na niyang lumabas dahil pakiramdam niya para na siyang mababaliw sa kakaisip habang masaya ang pamilya nila Evie . Hanggang kamatayan hindi niya hahayaan maging masaya ang mga ito .Nalaman rin niya na nakakulong na sina Dante at Cora dahil sa nagawa nilang kasalanan sa nagngangalang Aurora. Binalita lahat sa kanya ni Nathy lahat ng nangyayari sa pamilya nila Dreymond. Isang rason kung bakit gusto niyang balikan ang pamilya ng mga ito .Allergic siya tuwing nalalaman niya na unti unting maging buo ang pamilya nila Evie at Dreymond pakiramdam niya laging sila nalang ang masaya samantala silang mag asawa nag susuffer sa madilim at mala empyernong lugar .May kaayusan naman kung saan siya ngayon kaysa kay Danilo .
Matyagang hinintay ni Evie ang kaibigan niyang abogada dahil nasa kamay na nito ang resulta ng DNA nila ni Aria .Sobra siyang kinakabahan na hindi niya alam kung ano nga ba ang kanyang maramdaman habang iniisip ang resulta . Medyo nanlalamig na siya sa kaba na para bang gusto na niyang umatras dahil sa sobrang kabang hindi niya maintindihan kung sa pagiging excited ba niya o takot siyang mabigo na mali ang kanyang hinala . Pagkarating ni Glaiza sa cafe kung saan sila magkikita ni Evie nakita niyang tulala at parang kinakabahan ang kaibigan.Parang alam na niya ang dahilan at nauunawaan niya ito .Nagbatihan muna silang dalawa saka nagkatinginan.Nang nilabas na ni Glaiza ang isang puting sobre kung saan naroon ang resulta ng DNA nila ni Aria . Nanatili siyang nakatitig sa sobreng pahaba sa kanyang harapan .Parang hindi niya kayang kunin at tignan ang laman . '' attorney parang hindi ko kayang tignan ang resulta '' saad nito pero nanatili parin ang mata sa sobre . '' naku Evie k