공유

THE PRICE OF PLEASURE -SPG
THE PRICE OF PLEASURE -SPG
작가: lhyn

Chapter 1

작가: lhyn
last update 최신 업데이트: 2025-03-10 11:50:21

''Pancho ano gagawin natin ngayon mukhang ginigipit na tayo ng mga Clarkson '' nag aalalang tanong ni Mae sa asawa niyang nakayuko sa mesa . Hindi nila alam na sila ang aako sa lahat ng panloloko ng kaibigan nito .

''hindi ko alam honey hindi ko na alam ,uuwi ngayon si Evie ayaw kong malaman niya ang tungkol dito! '' sumasakit na ang kanyang ulo kakaisip kung paano niya malulutasan ang kabobohan niyang nagawa . Tinuringan siyang matalino pero parang ang dali niyang maloko .Isa pa sa iniisip nila ang pauwi nilang anak galing sa ibang bansa .Hindi nila paano ipapaliwanag na mahirap na sila gayong buhay prinsesa ito nang ituring nila . Sarili nga nila hindi sila maka adjust sa sobra ng pagtitipid nila dahil walang wala na sila .Even Bank hinahabol na rin sila dahil sa utang nila.

''Ilabas niyo si Pancho Quinros '' sigaw ng dalawang lalaki mula sa sala .Basta basta nalang pumasok ang mga ito na akala ang tatapang nila . Nagmadaling pumunta sa taas ang katulong nila na matagal nang naninilbihan sa kanila .Kahit sinasabi nilang umuwi na ito dahil baka wala na silang maipasahod ay nanatili parin dahil wala naman na daw siyang pamilya na uiwian .

'' ma'am Mae may mga lalaking basta basta nalang po pumasok sa loob galit na galit at hinahanap si sir sa tingin ko pp mga tauhan ng Clarkson'' agad agad lumabas ang mag asawa para tignan kung sino ang mga ito at hindi nga sila nagkakamali dahil mga tauhan ng mga Clarkson ang mga lalaking pumasok .Naramdaman na naman ng mag asawa ang kabang parang may nagkakarerang kabayo sa kanilang loob loob .

''narito kami para sabihin sayo na huwag mong tangkain tumakas mamaya may mga pulis ng aakay sayo para ikulong ka '' pagbabanta ng mga lalaki .Natakot naman si Pancho at walang nagawa kundi tumango .Wala na siyang magagawa kundi ang magpakulong nalang .Saan ba naman siya kukuha ng pera gayong wala na silang natira .May pera naman ang anak nilang dalaga pero ayaw niyang galawin ito dahil kailanganin niya ito balang araw.

''hindi naba mapaka usapan si mr.Clarkson paki usap huwag naman ganito.Paano kami makakabayad kung ipapakulong niyo naman ang asawa ko ? '' takot na takot si Mae at ayaw niyang makulong ang kanyang asawa .Paano nalang sila ng kanyang anak kung pati ang kanyang asawa ay mawawala .Wala na silang kapera pera dahil binayad na rin nila sa bangko .Hindi naman nila pwedeng ibenta o ibigay ang bahay na meron sila dahil ito lang ang tanging kayamanan na maibibigay nila sa nag iisa nilang anak .

Pagpasok ni Evie sa kanilang bahay ay nadatnan niyang nakaluhod ang kanyang mga magulang sa mga lalaking hindi niya kilala .Kumaripas siyang tumakbo patungo sa mga magulang niya.

''mama,papa ano po ginagawa niyo bakit kayo nakaluhod ?" kauuwi lang ni Evie galing sa paaralan marami siyang inasikasong mga documento dahil kailangan na niyang makahanap ng trabaho .Mabuti nalang at nakapagtapos na siya.

''anak makukulong ang papa mo dahil sa mga utang niya sa mga Clarkson.Patawarin mo kami anak kung hindi kami nagsabi sayo ng totoo .'' gustong pigilan ni Pancho ang kanyang asawa dahil hindi niya gustong malaman ni Evie ang tungkol sa kalagayan ng kanilang pamilya.Gusto niya manatili itong walang iniisip . Pero nasabi na niya at nakita niyang lumaha ang nag iisa nilang prinsesa .

Niyakap niya ang mama't papa niya .

''papa hindi na po ako bata para sa ganyan . Ayos lang po na malaman ko ang tungkol sa nangyayari sa inyo malay niyo matulungan ko kayo ?" akala niya nalugi lang ang nag iisang negosyo na meron ang kanyang mga magulang pero mas malala pala ang nangyari .Nagtataka siya kung nagawa ng mga ito umutang ng ganong kalaking halaga .

''at ano naman tulong ang maibibigay mo ?" seryosong tanong ng isang lalaking kakapasok palang sa kanilang bahay . Napapikit siya dahil sa malamig nitong boses at matapang na awra . Nakaramdam siya ng takot dahil baka tulad ito ng mga ibang tao na walang puso .Hindi niya kilala ang taong pinagkakautangan ng kanyang ama .

''parang awa niyo ng mr.Clarkson huwag niyo pong ipakulong ang asawa ko '' saksi si Evie kung paano magmakaawa ang kanyang ina't ama sa lalaking hindi man lang sila tinignan .Napalunok siya dahil sa kanya ito nakatingin .Inayos niya ang sarili at tinakpan niya ng unan ang kanyang hita .

''hindi pwedeng hindi siya makulong dahil ang laki ng utang niya sa akin . '' walang nagawa si Pancho at Mae kundi bumalik sa sofa kung saan nakaupo ang kanilang nag iisang anak .Hindi gusto ni mr.Clarkcson ang makulit dahil naniniwala ito sa isang salita lamang .

''huwag niyong gawing tumakas dahil pag oras na ginawa niyo iyon .I swear kulang ang buhay na meron kayo sa utang niyo sa akin '' medyo nasaktan si Evie sa salitang binitawan ng lalaki .Nasaktan siya dahil mas katumbas ng halaga pala ang kanilang buhay .Para sa kanya walang puso ang tulad ng lalaking nasa kanyang harapan .

''gwapo ka sana demonyo ka ngalang '' inis niyang bulong sa kanyang sarili .

Napansin ni Dreymond ang dalaga sa tabi ng mag asawa .Alam niyang anak ito ng dalawa at humanga sa gandang meron ito .Pero uso pala ang bumulong at yon ang ayaw na ayaw niya kung nasa ganito siyang kalagayan.

''speak louder, miss'' ibubuka na sana niya ang kanyang labi ng biglang tinakpan ng kanyang ina .Napatingin siya at umiling iling lang ang kanyang ina at naintindihan niya iyon .Kilala ni Mae ang kanyang anak walang preno ang bunganga nito at prangka . Kailangan nilang pigilan makapagsalita ng kung ano ano dahil baka lalong magalit sa kanila si mr.Clarkson .

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • THE PRICE OF PLEASURE -SPG    Chapter 213

    Kanina pa sila paikot ikot sa daan kung saan nasa loob sila ng isang sikat na subdivision,napahanga siya dahil malalaki ang bahay at mukhang mayayaman ang mga nakatira sa subdivision. '' ate Michelle saan ba tayo pupunta at mukhang kanina pa tayo paikot ikot sa subdivision na ito '' medyo nahihilo na rin siya dahil paulit ulit ang kanyang nakikita na mga bahay at pag liko lagi ng kotse . '' may titignan lang akong lupa Aria gusto ko kasi magpatayo ng bahay dito '' nagulat siya sa sinabi ni Michelle. '' ayaw mo ng tumira sa bahay ?" kung aalis ito wala ng maingay sa kanilang bahay . Nakaramdam siya ng lungkot dahil darating ang pagkakataon na kailangan na nilang maghiwahiwalay . '' hindi naman sa ganun Aria gusto ko lang magkaroon ng sariling bahay dahil pag mag asawa kana alangan naman doon ako sa bahay mo titira parin '' may punto naman ito pero iisang pamilya na sila para sa kanya at ayaw niyang mawalay sa mga ito . '' ayos lang naman iyon ate at ang mansion ni mommy p

  • THE PRICE OF PLEASURE -SPG    Chapter 212

    '' Pasensya na panlolokong ginawa ko sa inyo nagawa ko lang iyon dahil gipit ako pero habang tumatagal napapamahal na ako sa inyo kaya mas kinailangan ko pong lumayo na para hindi pa lalo madagdagan ang kasalanan ko . Pasensya na po kung umalis akong walang paalam pero gusto kong aminin sa inyo hindi ako si Zebbie nagpanggap lamang ako dahil sa utos ni Dante . Pinangako nila sa akin na pag ginawa ko ang utos nilang mag asawa sasabihin nila kung sino ang tunay kong magulang pero habang tumatagal nakikita ko ang totoo nilang hangarin .Hindi ko gusto paki alaman ang pera na para sa totoo niyong anak .Gusto ko balang araw si Zebbie ang mag dedesisyon kung saan niya gagamitin ang pera '' tahimik lang nagbabasa si Dreymond sa sulat na iniwan ni Kriza habang binabasa niya ito nanlalamig ang buo niyang katawan dahil sa pawis .Naawa siya bigla dito dahil ulila pala ito at inampon lang ni Cora at pinatira sa ibang bansa kaya si Dhelia ang bukod tanging nag alaga at tumayong nanay na rin .Wala s

  • THE PRICE OF PLEASURE -SPG    Chapter 211

    Napapakamot nalang ng ulo ang isang lalaki nang makita niya na ibang babae ang kanyang binabantayan sa cafe na pinuntahan ni Kriza . ''boss nawala siya bigla '' tinawag na niya kay Brian ang totoo para matapos na ang pagsunod at maibigay na rin ang mga larawan na kanyang nakuhanan . '' hanapin mo dyan '' kahit anong hanap niya wala na ito at hindi naman siya pwede manghimasok para tignan lang ang kuha ng cctv . Nayuko nalang siya dahil maling mali ang kanyang ginawa bakit hindi niya sinipat ang babae kung ito ba .Magkapareha kasi ng damit at buhok kaya ang akala niya ito .Mukhang naisahan siya ng anak ng kanilang amo . ''bakit Brian anong problema ?" tanong ni Dreymond dahil nakita niyang medyo nainis ito habang kausap ang isang tao sa cellphone.''nawala daw bigla si Kriza na pinapasundan ko '' kunot noong nakayuko si Dreymond habang ang kamay ay tinigil muna sa pagsulat .''baka nakahalata '' saad nito . Saka tinuloy ang ginagawang pagpirma .'' papunta na dito ang tauhan ko at

  • THE PRICE OF PLEASURE -SPG    Chapter 210

    Kinaumagahan nabigla si Kriza dahil ayon kay Dreymond kailangan na nilang pumunta sa banko dahil may pipirmahan siya . ''dad pwede bukas nalang may kailangan pa kasi akong puntahan '' may aayusin siya tungkol sa kanilang pag alis lalo pa ngayon at nautusan na niya ang isa sa mga tauhan niya para pumunta sa probinsya at kukuha ng kanilang matitirahan . May pera naman siya at ito gagamitin para maging maayos ang kanilang pag alis . '' pwede ba malaman kung ano ang lakad mo anak ?" tanong ni Dreymond. Ngayon palang nag paalam si Kriza sa kanila . '' ah may aayusin lang po ako '' sagot nito sabay subo ng pagkain . '' paano na iyan Dreymond pwede ba kasing saka nalang ang pera na iyan .Pa importante masyado ang tito mo '' napatingin siya sa kanyang lola . '' sige sabihan ko si attorney bukas nalang '' medyo guminhawa ang tibok ng kanyang puso akala niya hindi ito papayag .Gagawin niya lahat para hindi makinabang si Dante sa perang iyon ,Kung hindi man ito kukunin ng totoong Zebbie

  • THE PRICE OF PLEASURE -SPG    Chapter 209

    Pinagmamasdan ni Tina si Michelle habang abala ito sa mga papel na binubuklat mukhang gumagawa ng report para sa opisina . Buo na ang kanyang pasya kailangan na niyang sabihin ang totoo tungkol kay Aria .Hawak hawak niya ang isang papel habang papalapit siya kay Michelle . '' Michelle pwede ba kitang makausap ?" nagtaka sa kanya si Michelle dahil ito lang ang unang pagkakataon na niyaya siya ni Tina na makipag usap . ''tungkol saan nay Tina?" tanong nito . '' kay Aria '' napaisip si Michelle kung ito naba ang tungkol sa pagkatao ni Aria o may iba pa . ''ano iyan nay at makikinig ako ''' inilgpit niya muna ang ibang gawain sa kanyang mesa saka niyaya si Tina sa may sofa para doon sila mag usap at maging komportable habang nagkwekwentuhan. Nagtaka siya ng biglang may iniaabot sa kanyang papel mukhang liham ito dahil may medyo kalumaan at maayos ang pagkakatupi . '' basahin mo nalang itong liham galing sa kapatid ko '' agad niya itong kinuha at binasa .Sa una medyo naguguluhan

  • THE PRICE OF PLEASURE -SPG    Chapter 208

    Pinakain muna ni Drake ang dalawa ng ice cream bago yayain sa susunod nilang gagawin sa mall kung kanina emotional ang nangyari sa susunod siguradong mapapagod ang mga ito . '' oh tapos na tayo manood saan ang sunod natin puntahan Drake ?" tanong ni Aria habang umiinom ng tubig . Pakiramdam niya ubos ang kanyang luha kanina sa sinehan mabuti nalang at silang tatlo lang ang nandoon kaya kahit anong lakas ng kanilang pag iyak ay walang maiistorbo . '' sa arcade may mga tokens na ako '' pinakita niya ang isang pouch ng mga token .Punong puno ang itim na pouch nito at napanganga nalang ang dalawa sa kanilang nakikita . '' wow ang dami '' saad ni Kriza .Ang kanyang kadalasan na nalalaro lang naman doon ay ang claw chain iyon lang at wala ng iba kahit minsan ubos na ang kanyang token ay wala pa siyang makuha kahit isa . '' sempre !!'' pagmamayabang ni Drake sa kanila . '' maka sempre ito .huwag kang maniwala dyan Kriza.Kasosyo niya ang may ari dyan '' na kwento dati sa kanya ni Drak

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status