Share

KABANATA 2

Hindi siya mapakali kinagabihan dahil hindi pa rin sinasagot ni Dino ang mga tawag at text niya. Sa katunayan ay mukhang pinatay pa nga nito ang phone dahil hindi na niya ito makontak.

Mag-aalas nuebe na ng gabi at siya pa ring mag-isa sa bahay dahil ang mga magulang nila ay siguradong nasa biyahe pa pauwi galing ng Maynila.

Malapit ang mga ito sa Tita Ellen niya dahil ito ang tumulong sa kanila no'ng mga panahong biglang nawalan ng trabaho ang ama. Ang tita niya ang nagpaaral sa kanilang magkakapatid kaya't malaki ang utang na loob nila rito. Mas lalo pa ngayon na sa mga ito tumutuloy ang kapatid niyang si Joshua.

Nasusunod ang luho ng kapatid niya kahit hindi sila mayaman dahil mahal na mahal ito ng mga magulang niya. Hindi iilang beses niyang napagsasabihan ang kapatid niya na iyon dahil umaabuso na ito kadalasan.

Mas lalo siyang hindi matahimik dahil masyadong tahimik ang bahay nila. Kanina pa niya matamang pinag-iisipan ang napagdesisyunan niya nang gabing iyon. Bumangon siya galing sa pagkakahiga nang makabuo na ng pinal na desisyon.

Pupuntahan niya si Dino sa inuupahan nito. Ang pinsan nitong lalaki ang kasama nito roon dahil ang mga magulang at mga kapatid ng nobyo ay nasa probinsiya. Alam niyang umuuwi tuwing Sabado ang pinsan nitong estudyante sa kanila at Lunes na ng umaga bumabalik. Tiyak niyang nasa inuupahang bahay ng mga ito si Dino at nag-iisa.

Kinakabahan man sa naisip ay nilakasan niya ang loob. Nagbihis siya para mapuntahan na ito. Sinuklay niya ang nakalugay na buhok at naglagay ng pulbo at manipis na lipstick sa mga labi. Nang masiyahan sa mukha ay dumiretso na siya ng labas.

Kanina pa siya nakababa ng sasakyan at nakatayo sa labas ng bahay na tinutuluyan ni Dino. Kumakabog talaga ang dibdib niya. Alam niya sa sarili na hindi pa siya handa sa gagawin niya pero gusto niyang alisin ang pagtatampo ng nobyo. Damang-dama niya kasi ang malalim na hinanakit nito dahil buong gabi siya nitong natikis na hindi man lang kausapin.

Bumuntunghininga uli siya saka dahan-dahang lumapit sa pinto ng bahay na inuupahan nito. Kapag ikinasal na sila ay doon pa rin sila tutuloy ng lalaki. Okay lang naman sa kanya iyon dahil alam niyang hindi pa nila kaya ang humanap ng malilipatan dahil lahat ng ipon nila ay magagamit sa kasal.

Nanginginig pa ang mga kamay niya habang isinuksok ang susi sa door knob. Binigyan siya ng susi ni Dino dahil lagi naman siyang bumibisita roon. Nang mabuksan iyon ay tahimik na pumasok na siya sa loob.

Wala ito sa maliit na sala ng bahay at masyadong tahimik sa kusina. Sa tingin niya ay nasa kwarto ang lalaki at nagpapahinga na. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi pa siya kailanman pumasok sa kwarto nito dahil umiiwas siyang matukso silang dalawa. Hanggang silip lang talaga ang nagawa niya roon.

Halos ayaw humakbang ng mga paa niya para puntahan ito sa kwarto. Hindi pa man ay parang gusto na niyang umatras.

Handa ka na ba talagang ibigay ang sarili mo? Alanganing tanong niya sa sarili.

Ipinilig niya ang ulo para alisin ang mga agam-agam. Nasa harap na siya ng pinto ng kwarto nito at akmang bubuksan na iyon nang biglang matigilan.

"Dino... Ohhh! S-sige pahh! Ahhh!"

Napaatras siya sa narinig. Sunod-sunod na ungol ang umaalingawngaw sa tenga niya.

"M-malapit na ako! Heto naaa..."

Napasinghap siya at mabilis na itinakip ang isang kamay sa bibig nang marinig ang boses ni Dino. Hinding-hindi siya nagkakamali dahil kilalang-kilala niya ang boses ng nobyo. Hindi na niya namalayan ang biglang pag-agos ng malalaking butil ng luha mula sa mga mata habang nananatiling nakatakip ang kamay sa bibig.

"Dinooohhh! P-pleasseee..."

Napapikit siya nang mariin nang makilala rin ang boses ng babaeng sinisigaw ang pangalan ng nobyo na halatang parehong nasa isang mainit na sitwasyon.

Ayaw tumigil ng mga luha niya sa pagtulo. Kahit para na siyang mamamatay sa natuklasan ay gusto pa rin niyang maniguro.

Unti-unti niyang itinaas ang isang kamay para hawakan ang seradura ng pinto. Napalunok pa siyang nang pihitin niya iyon. Ayaw man niyang makita ang nangyayari sa loob ay gusto niyang makita ng dalawang mata ang kataksilan ng mga taong malapit sa kanya.

Iniawang niya ang pinto. Nakita nga niya ang hubad na si Dino na nakapatong sa isang babae. Parang dudugo ang mga tenga niya sa maiinit na ungol ng dalawa habang bumibilis ang galaw ni Dino sa ibabaw ng babae.

Pinipigilan niya ang sariling mapahikbi nang malakas. Kusang kumilos ang mga paa niya para pumasok pa sa loob.

Gusto niyang makita ang mukha ng mga taksil!

Tumigil siya sa gilid ng kama habang tigmak ng luha ang mga mata. Napatingin sa gawi niya ang babae. Saka niya nakumpirma na tama nga ang hinala niya.

Ang babaeng nakahiga ngayon sa kama at nagpakasasa sa kaligayahan kasama ng mapapangasawa niya ay walang iba kundi si Mhariel!

Nanlaki ang mga mata ng kaibigan nang makita siya. Mabilis na naitulak nito si Dino na umuulos pa rin sa ibabaw nito.

"D-don't stop me, Mhariel! Malapit na ako!" Reklamo ng lalaki na hinihingal pa.

"Dino! N-nandito si Yazmin!" Malakas na itinulak uli ni Mhariel ang nobyo niya.

Nakatayo lang siya na parang estatwa at nakatitig sa dalawa. Himalang biglang tumigil ang mga luha niya sa pag-agos.

Nakita niya ang takot at kaba sa mukha ni Dino nang lumingon ito sa kinatatayuan niya.

"Y-yaz?"

Mabilis na umalis ito sa ibabaw ni Mhariel at nakalimutan yata na hubo't-hubad ito nang tumayo para lapitan siya. Agad na iniiwas niya ang mga mata sa kahubdan nito. Never pa talaga niyang nakita ang hubad na katawan ng nobyo niya.

Mabuti pa nga si Mhariel at parang pinagsawaan na ang katawan ng mapapangasawa niya.

Sana! Mapapangasawa niya sana! Dahil pagkatapos ng nasaksihan niya ay wala na siyang planong ituloy ang kasal nila.

Mabilis na tumalikod siya bago pa siya mahawakan ni Dino. Nandidiri siya sa lalaki at ayaw niyang mahawakan siya nito.

"Yaz, let me explain. Please..."

Nakalabas na agad siya ng kwarto at patakbong tinungo ang pinto para lumabas na rin ng bahay. Hahabulin pa sana siya ni Dino sa labas pero naalala nitong wala itong suot na kahit ano'ng saplot sa katawan kaya't nanatili na lang ito sa bukana ng pinto habang tinatawag ang pangalan niya.

"Yaz!"

Hindi na niya nilingon pa ang lalaki. Umalis na agad siya sa lugar na iyon at pumara ng masasakyan. Umuwi siya diretso ng bahay nila at nagkulong ng kwarto. Pinatay niya agad ang phone para huwag siyang matawagan ni Dino.

Nakatulalang nakatitig lang siya sa kisame habang paulit-ulit na nakikita ang eksenang nasaksihan kanina. Parang biglang natuyo ang mga luha niya at naging lutang ang utak. Napadako ang tingin niya sa damit pangkasal niya na naka-hanger.

Bigla siyang tumayo at agad na inalis sa hanger ang puting damit. Doon biglang bumuhos ang lahat ng galit niya. Hinila niya ang mga manggas no'n hanggang sa tuluyang mapunit. Pasigaw na pinaghihila niya ang buong damit hanggang sa magkagutay-gutay iyon. Hindi pa siya nasiyahan talaga at kumuha pa siya ng gunting para pira-pirasuhin ang damit.

Nang tuluyang masira iyon at naging maraming piraso sa sahig ay nahahapong napaupo na rin siya sa sahig. Saka lang bumalik ang mga luha niya. Bigla ay humagulgol na siya ng iyak. Mabuti na lang at hindi pa rin umuwi ang mga magulang niya.

Wala siyang pakialam kung malakas na malakas na ang pag-iyak niya na parang kinakatay na hayop. Gusto niyang ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman. Para siyang mamamatay sa sobrang sakit sa puso kaya ayaw niyang kimkimin iyon. Halos isang oras din siyang umiyak nang malakas.

"Y-yaz..."

Natigil lang siya nang marinig ang boses ni Dino sa labas ng pinto ng kwarto niya.

"Yazmin, anak?" Boses ng ina niya.

Hindi niya namalayang nakauwi na pala ang mga magulang. Kaya pala nakapasok si Dino ng bahay nila. Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang hikbi nang patuloy siyang tawagin ng mga ito sa labas ng kwarto niya.

"Yazmin, please mag-usap tayo," nagsusumamo ang boses ni Dino.

Hindi siya kumibo. Ayaw niyang makita ang pagmumukha nito.

"Yazmin, buksan mo ang pinto!" Matigas na utos ng ama niya.

Kahit natatakot siya sa ama niya minsan ay hindi siya natinag ngayon. Mas grabe ang sakit na nararamdaman niya para makaramdam pa ng ibang emosyon.

"Ano ba kasing nangyari, Dino?" Narinig pa niyang tanong ng ina niya sa nobyo.

"Kami na lang po muna ang mag-usap ni Yazmin, Tita. Saka ko na po ipapaliwanag kapag naayos na namin ang lahat."

"Yazmin!" Sigaw na ng ama niya.

Walang emosyon na napatitig lang siya sa nakasarang pinto ng kwarto niya. Nang ayaw pa ring tumigil ang mga ito ay saka siya nagsalita.

"Saka na tayo mag-usap, Dino. Hayaan mo na muna ako ngayong gabi." Kalmado na ang boses niya nang magsalita.

Natahimik ang lahat sa labas. Maya-maya ay nagsalita ito.

"Okay, Yaz. Mag-usap tayo bukas. Magpahinga ka na muna riyan. Aayusin natin ito." Nagkapag-asa ang boses na sabi ni Dino.

Napatawa siya nang pagak sa narinig.

Aayusin?

Napatingin siya sa nagkalat na mga piraso ng damit pangkasal niya sa sahig.

Maaayos lang tayo, Dino, kapag mabubuo mong muli ang damit na iyan." Tahimik na usal ng isip niya.

Hindi na niya sinagot ang lalaki. Tumayo lang siya mula sa pagkakasalampak sa sahig para lumipat sa kama niya. Blangko ang ekspresyon na humiga siya at nagkumot ng sarili.

"Yaz, I love you," mahinang sambit ni Dino pero narinig niya pa rin.

"Pasensiya ka na sa anak ko, Dino. Kakausapin ko iyan mamaya para makahingi ng tawad sa'yo," sabi pa ng ama niya sa lalaki.

"Salamat, Tito. Hayaan ninyo na lang po siyang matulog muna ngayon. Kami na lang ho ang mag-uusap bukas," maamong-maamo ang boses ni Dino na para bang wala itong kasalanan.

"Naku! Malilintikan talaga sa akin iyan!" Parang galit pang sabi ng Papa niya.

Wala siyang narinig na sagot mula kay Dino. Hindi man lang nito itinama ang galit ng ama niya sa kanya. Para pa ngang hinayaan lang nitong isipin ng mga magulang niya na siya ang may kasalanan.

Tinakpan niya ng kumot ang mukha. Ayaw na muna niyang mag-isip pa. Mabuti na lang at umalis na nga ang mga ito at hinayaan na lang siyang mapag-isa.

Mga Comments (9)
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
Ang kapal ng Mukha nyo Dino at Mhariel ..Hindi nyo man lang naisip Ang mararamdaman ni Yazmin ..Sobrang sakit para sa kanya na Ang ituring nyang kaibigan Ang syang aahas sa magiging Asawa nya.. thank you Author
goodnovel comment avatar
Jasmin Zapatero
nice story,
goodnovel comment avatar
Jollybeth Gonzales
nice story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status