Beranda / LGBTQ+ / THE SPACES IN BETWEEN / Chapter 6: The Great Divide

Share

Chapter 6: The Great Divide

last update Tanggal publikasi: 2026-10-21 19:50:35

Matapos ang gabing iyon sa ilalim ng ulan, ang apartment ay binalot ng isang nakabibinging katahimikan. Ang pader na muntik nang gumuho ay muling itinayo ni Ayla, ngunit sa pagkakataong ito, mas makapal, mas mataas, at mas malamig ang mga bloke ng yelo na inilagay niya sa pagitan nila ni Defne.

Alas-singko pa lang ng madaling araw ay gising na si Ayla. Hindi siya nakatulog nang maayos. Sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata, nararamdaman niya ang init ng pisngi ni Defne sa kanyang mga daliri at ang amoy ng Çay na humalo sa amoy ng ulan. Sobra siyang natatakot. Para sa isang taong binuo ang buong pagkatao sa pagiging perpekto at masunurin, ang nararamdaman niya kay Defne ay isang malaking banta—isang structural defect na kayang magpabagsak sa buong buhay niya.

Nagmamadali siyang nag-ayos ng kanyang mga gamit, binitbit ang kanyang malaking portfolio bag, at lumabas ng apartment bago pa man sumikat ang araw. Iniwan niya ang kusina na walang kahit anong bakas ng kanyang presensya. Walang kape, walang pagkain, walang kahit anong ingay.

Nang magising si Defne pagpasok ng alas-siyete, ang unang sumalubong sa kanya ay ang malamig at bakanteng sala. Lumapit siya sa counter ng kusina, umaasang may makikitang kahit maliit na note, pero wala. Napahawak si Defne sa kanyang mahabang buhok, sabay pakawala ng isang malalim na buntong-hininga.

"Tumatakbo ka na naman, Ayla," bulong niya sa sarili, habang ang isang pait at sakit ay gumuhit sa kanyang dibdib.

Buong araw na hindi bumalik si Ayla sa apartment. Nagpalipas siya ng oras sa unibersidad, nakikipag-usap sa kanyang mga kaklase tungkol sa mga darating na mid-term examinations, at pilit na nagpapakabusy sa studio lab. Pero kahit gaano karaming linya ang iguhit niya gamit ang kanyang rotring pens, ang isip niya ay lumilipad pa rin pabalik sa mukha ni Defne.

"Ayla, okay ka lang ba?" tanong ng kanyang kaklaseng si Kerem, habang inilalapag ang isang de-latang kape sa kanyang tabi. "Kanina mo pa tinititigan 'yang mechanical pencil mo pero hindi ka naman gumagalaw."

Nabalik sa realidad si Ayla at pilit na ngumiti. "Oo, okay lang ako, Kerem. Medyo napuyat lang ako kagabi dahil sa ulan."

"Mabuti pa, umuwi ka na at magpahinga. Sabi nila, may darating na naman daw na bagyo bukas," payo ni Kerem.

Ang salitang umuwi ay nagdulot ng kaba kay Ayla. Ang apartment na dati ay itinuturing niyang isang simpleng matutuluyan ay naging isang lugar na puno ng landmines. Pero alam niyang hindi siya pwedeng magtago sa library habambuhay. Pagsapit ng alas-nuwebe ng gabi, napilitan siyang maglakad pabalik.

Pagpasok niya sa apartment, kaagad na bumangga sa kanya ang pamilyar na amoy ng sining. Pero sa pagkakataong ito, mas malala ang kalat. Ang sala ay literal na naging isang digmaan ng mga canvases, maruruming brushes, at mga papel. Si Defne ay nakaupo sa sahig, nakatalikod sa p***o, at marahas na nagpapahid ng itim at Prussian Blue na pintura sa isang napakalaking canvas. Ang kanyang mahabang buhok ay nakatali sa isang napakagulong paraan, at may mga bahid ng pintura hanggang sa kanyang leeg.

Hindi gumawa ng ingay si Ayla, pero sapat na ang tunog ng pagsasara ng p***o para malaman ni Defne na nandito na siya.

"Akala ko sa unibersidad ka na matutulog," malamig na sabi ni Defne nang hindi man lang lumingon. Ang kanyang boses ay may halong galit na pilit na itinatago.

"Naging busy lang ako sa plates ko," sagot ni Ayla, habang dahan-dahang ibinababa ang kanyang bag sa tabi ng p***o. Tiningnan niya ang kalat sa sala. Ang boundary deal nila ay tuluyan nang binalewala ni Defne. "Defne, ano 'to? Sabi ko sa'yo ayokong ginagawa mong studio ang sala."

Doon lang binitawan ni Defne ang kanyang brush. Tumayo siya at dahan-dahang humarap kay Ayla. Ang kanyang mga mata ay pagod, puno ng emosyon, at may matinding galit na nag-aapoy sa loob.

"Bakit, Ayla? Ano bang pakialam mo kung gawin kong studio 'to?" hamon ni Defne, habang naglalakad papalapit. Huminto siya ilang hakbang mula kay Ayla, nilalampasan ang kitchen linoleum line na dati nilang iginagalang. "Ah, nakalimutan ko nga pala. May deal tayo. Pero ikaw nga itong unang sumira sa deal, 'di ba?"

Napakunot ang noo ni Ayla, pilit na pinapanatili ang kanyang cold posture. "Ano bang sinasabi mo?"

"Yung ginawa mo kagabi! At yung ginawa mo kaninang umaga!" sigaw ni Defne, ang kanyang boses ay umalingawngaw sa tahimik na apartment. "Kagabi, hinawakan mo ang pisngi ko. Umamin ka na natatakot ka rin. Pero kaninang umaga, umalis ka na parang walang nangyari. Tinalikuran mo ako na parang multo ako na dapat mong iwasan!"

Huminga nang malalim si Ayla, naramdaman ang panlalamig ng kanyang mga kamay. "Dahil mali, Defne! Kailangan nating bumalik sa kung ano tayo dati. Magkapitbahay lang tayo na pinilit ng mga magulang na tumira sa iisang bubong. Hindi natin dapat ginagawa 'to."

"Hindi natin dapat ginagawa ang alin? Ang maging totoo?!" lumapit pa lalo si Defne, kaya ngayon ay halos isang dangkal na lang ang distansya nila. Naamoy ni Ayla ang galit at ang linseed oil mula rito. "Natatakot ka dahil alam mong hindi mo kayang i-control ang nararamdaman mo. Ang galing mo sa geometry, Ayla. Ang galing mo sa mga linya at sukat. Pero pagdating sa akin, hindi mo alam kung saan ilalagay ang boundary, kaya ang ginagawa mo, tumatakbo ka!"

"Oo, tumatakbo ako!" sa wakas ay sumabog na rin si Ayla, ang kanyang mga mata ay biglang napuno ng mga luha ng galit at pagkabigo. "Tumatakbo ako dahil ayokong masira ang pamilyang binuo nina Mama at Papa! Ayokong makita ang disappointment sa mga mata ng magulang ko dahil lang sa isang pagkakamali! Hindi mo ba naiintindihan 'yon? Para sa'yo madali lang, dahil wala kang pakialam sa seryosong bagay. Pero para sa akin, buhay ko ang nakataya rito!"

Napatigil si Defne. Ang mga salitang isang pagkakamali ay parang isang sampal na nagpatahimik sa kanya. Ang galit sa kanyang mukha ay unti-unting napalitan ng isang malalim at malamig na sakit.

Dahan-dahan, humakbang si Defne pabalik. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. "Isang pagkakamali... Ganyan ba talaga ang tingin mo sa nangyari sa atin, Ayla?"

Hindi nakasagot si Ayla. Ang kanyang mga luha ay patuloy na pumatak, habang ang kanyang dibdib ay nagpapakita ng matinding pagsisisi sa mga salitang binitawan niya. Gusto niyang bawiin, pero huli na.

"Fine," bulong ni Defne, habang pinupunasan ang pintura sa kanyang kamay gamit ang isang basahan. "Ibalik natin ang boundary deal. Mula ngayon, ikaw sa kwarto mo, ako sa kwarto ko. Walang pakialaman. Gagawin ko ang gusto ko rito sa sala, at huwag mo akong kakausapin."

Tinalikuran siya ni Defne at pumasok sa loob ng kwarto nito, sabay bagsak ng p***o nang napakalakas.

Naiwan si Ayla na mag-isa sa gitna ng magulong sala, napapaligiran ng mga painting na kulay itim at asul. Napaupo siya sa carpet, itinalukbong ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha habang ang kanyang mahabang buhok ay bumalot sa kanyang mga balikat. Ang friction sa pagitan nila ay hindi na lang basta simpleng banggaan ng ugali—ito ay naging isang malalim na sugat na pareho nilang dadalhin sa loob ng iisang bahay.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • THE SPACES IN BETWEEN    🚪 Chapter 27: The Velvet Friction

    Sa loob ng campus, ang hangin ay mas lalong naging mabigat para kay Ayla. Halos hindi niya matitigan nang diretso si Kerem tuwing nagkakasabay sila sa design studio. Alam niyang may hinala na ito, at ang malamig na pakikitungo ng kanyang kaklase ay patunay na may lamat na ang kanilang pagkakaibigan. Pero sa kabila ng takot sa exposure, may isang bahagi ng pagkatao ni Ayla na nagsisimula nang mapagod sa pagtatago. Ang tamis ng bawat madaling araw kasama si Defne ay unt-unting nagbibigay sa kanya ng isang bawal na katapangan. Isang Martes ng hapon, habang abala ang lahat sa kani-kanilang plates, nakatanggap si Ayla ng isang mabilis na text message mula sa isang hindi nakarehistrong numero, pero alam na alam niya kung kanino galing ang mga salita: “Sa may lumang boiler room sa basement ng Fine Arts building. Ngayon na, architecture master.” Napatigil si Ayla. Tumingin siya sa kanyang orasan—may tatlong oras pa bago matapos ang lecture. Pero ang kanyang puso ay nag-execu

  • THE SPACES IN BETWEEN    🚪Chapter 26: Lihim na Ugnayan

    Ang umaga pagkatapos ng kanilang pag-collapse sa totoong damdamin ay nagdala ng panibagong uri ng takot—isang takot na may halong tamis ngunit mas mapanganib. Pumasok na sila sa lihim na relasyon. Wala nang urungan. Ang boundary deal na ginawa nina Ayla at Defne noong unang araw ay tuluyan nang naging abo, at ang tanging natitirang batas sa loob ng apartment ay ang protektahan ang kanilang sikreto mula sa mga mata ng kanilang pamilya.Gising na si Ayla bago pa man tumunog ang kanyang alarm clock ng alas-sais ng umaga. Nakahiga siya sa kanyang kama, nakatitig sa kisame habang nararamdaman ang marahang paghinga ni Defne sa kanyang tabi. Ang pintor ay natutulog pa rin nang mahimbing, ang isang braso nito ay nakapulupot sa kanyang baywang. Ang kanilang mga mahabang buhok ay nagkabuhol-buhol sa ibabaw ng unan, parang mga hibla ng sining na hindi na kayang paghiwalayin pa.Dahan-dahang inalis ni Ayla ang braso ni Defne para hindi ito magising. Bumangon siya, sinalubong ng malamig na

  • THE SPACES IN BETWEEN    🚪 Chapter 25: The Breaking Point

    Nakaalis na ang pamilya ni Kerem. Ang apartment ay bumalik sa isang nakabibinging katahimikan pagkatapos ng pormal na haponang iyon. Pumasok na sa master’s bedroom sina Meryem at Emin, pagod sa mahabang gabi ng pakikipag-usap tungkol sa negosyo at sa "magandang kinabukasan" nina Ayla at Kerem sa arkitektura.Ngunit para kay Ayla, ang gabi ay nagsisimula pa lang.Pumasok siya sa kanyang kwarto, mabilis na isinara ang pinto, at sumandal doon habang hinahabol ang kanyang hininga. Ang kanyang pormal na dress ay tila ba sumasakal sa kanya, at ang bahagi ng kanyang kamay na hinawakan ni Kerem sa harap ng lamesa ay nararamdaman niyang napakalamig. Ang matinding guilt at takot ay tuluyan nang humalo sa kanyang sistema.“Mali 'to. Masisira ang lahat,” bulong niya sa dilim ng kanyang silid habang binubura ang kanyang pulang lipstick gamit ang nanginginig na mga daliri.Bago pa man niya matanggal ang natitirang kolorete, narinig niya ang marahas na pagbuka ng kanyang pinto. Walang katok. Walang

  • THE SPACES IN BETWEEN    🚪 Chapter 24: The Dinner Party Trap

    Ang mga sumunod na araw ay naging parang isang mabilis na tren na walang preno. Bago pa man tuluyang makahinga si Ayla mula sa muntikang pagkabuko ng basahan na amoy alak, isang panibagong pasabog ang inihanda ng tadhana. Isang gabi, habang nag-aayos siya ng kanyang mga gamit sa sala, masayang lumapit si Meryem sa kanya."Ayla anak, may magandang sorpresa si Papa Emin mo," sambit ni Meryem habang nakahawak sa mga balikat ng anak. "Nakausap niya ang pamilya ng kaklase mong si Kerem. Kilala pala ni Emin ang tatay ni Kerem sa industriya ng construction sa Istanbul! Kaya naisipan naming imbitahan sila rito sa apartment para sa isang pormal na hapunan ngayong Biyernes."Napatigil si Ayla. Ang mechanical pencil na hawak niya ay tuluyang nalaglag sa carpet. "Dito po? Sa apartment natin, Mama?""Oo, anak. Para naman makilala namin nang mabuti si Kerem, at para na rin sa business connections ng Papa mo," nakangiting sabi ni Meryem bago bumalik sa kusina.Pakiramdam ni Ayla ay tuluyan nang gu

  • THE SPACES IN BETWEEN    🚪 Chapter 23: The Dawn of Reckoning

    Ang unang sinag ng araw pagkatapos ng gabi ng Biyernes ay walang dalang init—puro lamig at takot ang isinalubong nito.Nang idilat ni Ayla ang kanyang mga mata, napansin niyang nakahiga pa rin sila sa carpet ng sala, malapit sa pinto ng balkonahe. Ang kanyang magandang dark green dress ay lukot-lukot na, at ang mahaba niyang buhok ay nagkabuhol-buhol na sa ibabaw ng braso ni Defne. Sa tabi nila, ang baso ng alak na gumulong kagabi ay nag-iwan ng isang madilim na mantsa sa sahig.Mabilis na bumangon si Ayla, habang ang kanyang ulo ay sumasakit dahil sa matinding puyat at kaba. Tiningnan niya ang orasan sa dingding—alas-singko y media ng umaga.“Diyos ko, nandoon sina Mama sa kwarto nila,” isip-isip ni Ayla, habang ang kanyang buong katawan ay nanginginig sa takot. Kung lumabas ang kanyang ina o si Papa Emin para uminom ng tubig at maabutan silang dalawa na magkasama sa sahig na amoy alak, doon na matatapos ang lahat.Dahan-dahan niyang niyanig ang balikat ng pintor. "Defne... Defne, gi

  • THE SPACES IN BETWEEN    Chapter 22: The Bitter Potion

    Dumating ang gabi ng Biyernes na may dalang kakaibang panlalamig sa buong uniberso nina Ayla at Defne. Alas-sais pa lang ng gabi, abala na si Ayla sa harap ng salamin sa loob ng kanyang kwarto. Nagsuot siya ng isang pormal na dark green dress na hapit sa kanyang katawan, at hinayaan niyang nakababa ang kanyang mahabang buhok, suklay na suklay at walang kahit isang hibla na magulo. Pero habang naglalagay siya ng pulang lipstick, nanginginig ang kanyang mga daliri. Tinitigan niya ang sarili sa salamin—ang mukha ng isang babaeng pilit na tumatakbo sa isang katotohanang nakasulat na sa kanyang puso.“Para sa pamilya 'to. Kailangan kong maging normal,” paulit-ulit na bulong niya, kahit na ang totoo ay parang sinusunog ang kanyang dibdib sa tindi ng guilt.Paglabas niya ng kwarto, tahimik ang apartment. Wala si Emin at Meryem dahil may dinaluhang hapunan para sa mga kasamahan sa negosyo. Wala rin si Defne. Ayon kay Meryem bago ito umalis kanina, kanapon pa raw walang kibo ang pintor at

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status