Naging parang haunted house ang apartment sa mga sumunod na araw. Literal na cold war ang nangyari. Tinupad ni Defne ang sinabi niya—ibinalik nila ang "boundary deal" pero sa mas malalang paraan. Walang kibuan, walang tinginan. Kapag lumalabas si Ayla mula sa kwarto niya para kumuha ng tubig, seryoso lang si Defne na nagpipinta sa sala, na tila ba isang hangin lang ang dumaan.Masyadong masakit para kay Ayla ang sitwasyon, pero tinatatak niya sa sarili na ito ang tama. “Para sa pamilya 'to,” paulit-ulit na mantra niya sa sarili habang nakatitig sa kanyang study desk. Pero tuwing gabi, naririnig niya ang mararahas na stroke ng brush ni Defne sa labas, at bawat kaluskos ay tila humahati sa puso niya.Para tuluyang makalimot, mas pinili ni Ayla na manatili sa unibersidad. Isang Huwebes ng hapon, habang nag-aayos siya ng kanyang mga blueprint sa architecture building, lumapit muli si Kerem."Ayla, may sikat na art exhibit sa downtown bukas ng gabi," mungkahi ni Kerem, habang nahihiyang k
Zuletzt aktualisiert : 2026-10-22 Mehr lesen