Share

Kabanata 4

Author: Amarahwrites
last update publish date: 2026-05-21 06:01:36

Makalipas ang dalawang araw, magaling na ang karamihan sa mga sugat ni Calista. Wala na ang pasa sa kanyang balikat at bumalik na rin ng tuluyan ang kanyang boses at sa loob ng dalawang araw na iyon, hindi man lang siya dinalaw ni Tristan. Ang tanging natanggap niya ay isang package mula sa Cebu. Nasa loob nito ang identification card ni Zynelle.

Nakatayo si Calista sa tabi ng bintana ng ospital habang pinagmamasdan ang mga sasakyan sa ibaba. Napangiti siya ng bahagya—isang ngiti na puno ng pait.

Eksakto namang bumukas ang pinto ng kwarto. Pumasok doon si Dr. Luke. Ngayon, hindi ito naka-white coat. Nakasuot lang ito ng dark gray na polo na nakatupi ang mga manggas hanggang siko, kaya hindi na ito mukhang pormal. "Your discharge papers are ready," sabi nito habang inaabot ang mga dokumento. "You can leave now."

"Salamat, Dr. Luke," magalang na sagot ni Calista.

Hindi agad umalis si Dr. Luke. Nanatili itong nakatayo at nakatitig sa mukha ni Calista na tila may gustong sabihin. "Dr. Luke, May problema ba?" tanong niya.

"Are you returning to Cebu today?" Tanong nito.

Tumango agad si Calista, nagulat siya nang biglang ngumiti si Dr. Luke—isang totoong ngiti na bihira niyang makita. "Good."

Naguluhan naman agad si Calista. Uuwi lang siya, bakit parang masaya ang doktor na ito? Parang napansin naman ni Luke na masyadong halata ang reaksyon niya, kaya napa-ubo siya at inayos ang kanyang salamin. "I mean, you should start packing. You might miss your flight."

"Thank you again, Dr. Luke." Sabi ni Calista. Pagkawala ng doktor, nagsimula na siyang mag-ayos. Wala naman siyang masyadong gamit. Nang buksan niya ang drawer sa tabi ng kama, nakita niya ang maliit na kahon ng singsing na itinago niya doon. Tinitigan niya ito ng ilang segundo bago binuksan. Sa loob ay may simpleng pilak na singsing para sana kay Tristan iyon, may nakasulat sa loob nito: [Tristan · Calista]. Ang mga pangalan nila.

Dahan-dahang isinara ni Calista ang kahon at itinapon ito ng diretso sa basurahan sa tabi ng kama. Walang pag-aalinlangan siyang nararamdaman..Pagbalik ni Calista sa apartment, maganda ang panahon. Pumasok ang sikat ng araw sa tahimik na sala, dito sila tumira ni Tristan sa loob ng dalawang taon. Nasa lamesa pa ang tasa ng kape ni Tristan na hindi naubos. May lighter din sa tabi nito. Sa cabinet naman ay may picture nilang dalawa na masayang nakangiti.

Noon, kahit bingi siya, akala niya siya na ang pinakamasayang babae sa buong mundo. Iniwas ni Calista ang kanyang tingin at pumasok siya sa kwarto at kinuha ang kanyang maleta. Kaunti lang ang gamit niya—ilang damit, passport, charger at ang picture nila ng kanyang ina. Paglabas niya sa sala, napahinto siya sa tapat ng isang display. May nakasabit doon na lumang plane ticket galing Cebu.

Dalawang taon na ang nakalipas, iniwan niya ang lahat para sundan si Tristan rito. Sabi nito noon na hinding-hindi niya pagsisisihan na pinili niya ito. Naniniwala naman siya, kahit nabingi siya dahil sa lalaki, hindi siya nagsisi na minahal niya ito. Ang pinagsisihan niya ay ang pagkawala ng kanyang sarili. Nagsisi siyang hindi na siya makatugtog ng piano. Nagsisi na naging pabigat siya sa iba. Dahan-dahang humakbang si Calista palabas ng pinto bitbit ang kanyang maleta. Sa pagkakataong ito, hindi na siya lumingon pa.

Habang papunta sa ospital—nasa loob ng kotse si Tristan, madilim ang mukha. Sa nakalipas na dalawang araw, laging nakabuntot sa kanya si Amera kaya wala siyang oras. Nang mapansin niyang binlock siya ni Calista sa chatroom, doon lang siya nagsimula na kabahan. Akala niya ay si Calista ang unang hihingi ng tawad, gaya ng dati. Pero ngayon, wala siyqng narinig mula rito.

"Tris, did Calista really block you?" tanong ni Dustin habang nagmamaneho. Lalong sumama ang timpla ni Tristan. "That's impossible," sabi ni Dustin. "Before, she was always the first one to give in, right?"

Hindi sumagot si Tristan, tumingin siya sa bintana, matigas ang panga. Biglang nag-vibrate ang cellphone niya. Umilaw ang screen at agad na ngumiti si Dustin. "See? I told you she couldn't resist you."

Kahit si Tristan ay medyo nakahinga ng maluwag. Ganoon naman talaga si Calista. Kahit gaano pa kagalit, babalik at babalik pa rin ito sa kanya. Tiningnan niya ang message. Pero hindi ito galing kay Calista.

[Assistant]: President Sanders, regarding the manager position for Sanders Entertainment, Miss Calista and Miss Amera have different recommendations. Who should we choose?

Agad na lumamig ang tingin ni Tristan. "It's not Calista?" tanong ni Dustin.

Hindi sumagot si Tristan. Tinitigan lang niya ang message. Si Calista ang unang nanampal kay Amera, dahil doon, pinagalitan ito ng kanyang mga magulang. Ipinagtanggol pa niya si Calista sa kanila. Pero imbis na magpasalamat, binlock pa siya nito at nag-inarte. Humigpit ang hawak niya sa cellphone hanggang sa mamuti ang kanyang mga daliri.

Nang mag-green ang traffic light, biglang nagsalita si Tristan. "Turn at the next corner. We're going back to the company."

Nagulat naman si Dustin. "We're not going to the hospital anymore?"

Ngumiti ng mapait si Tristan. "She's gotten too bold to block me. She needs to understand the consequences when she goes too far."

Tinawagan ni Tristan ang kanyang assistant. "Confirm Xander as the new manager. Tell HR to send the offer immediately."

Nag-alinlangan naman agad ang assistant. "But President... Based on the evaluation, the candidate Miss Calista chose, Mike, is much more qualified, kumpara kay Xander."

"Do I really need to explain myself to you?" malamig na sagot ni Tristan.

Inilayo ni Tristan ang kanyang tingin sa bintana. Alam niyang mas magaling si Mike. Pero gusto niyang makita kung mananatili pa ring kalmado si Calista kapag nalaman nitong binalewala niya ang mungkahi nito.

Ayaw ba nitong makipag-usap sa kanya? Sinasadya ba nitong iwasan siya? Siguradong lalapit din ito sa kanya kapag nalaman nitong galit na talaga siya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status